Chapter 5

Hirap na hirap na ako sa biyahe. Ni wala man lang nakaramdam sa mga pasaherong kasabay ko na nahihirapan ako. Wala man lang nagmagandang loob na ialok sa akin ang inuupuan nila. Hello? Nagbayad din kaya ako. Saka tatanggihan ko naman sila, kaya huwag silang mag-alala.
Tagtag na ako sa biyahe. Ni hindi ko man lang magawang makaidlip samantalang yung katapat ko na lalaki ay kanina pa nakayuko sa backpack nitong hawk ang tatak. Kanina pa siya nakapwesto ng ganiyan kaya hindi ko malaman kung ano bang itsura niya.
For sure, tulo na na ang laway ng lalaking katapat ko. Napangiti nalang ako sa naisip.
Sakto namang nagred ang traffic light kaya huminto ang jeep. Sa wakas, kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Paano? Napakabilis magdrive ng driver, akala yata ay nasa expressway kami. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya kinuha ko sa bulsa ng bag ko ang biscuit na binili ko kanina. Akmang isusubo ko na ang biscuit ng bigla namang humarurot ng takbo ang jeep. Halos lahat ng pasahero ay napausod sa pagkakaupo. At 'yung inuupuan ko namang maliit na upuan ay hindi nakaligtas. Napausod din ito at natangay ako palapit sa gawi ng driver. Napapikit na lang ako at hinihintay na sumalampak ako sa aisle.
Hindi naman nangyari ang naisip ko. Naramdaman ko kasing may humawak sa braso ko dahilan para kahit paano ay mapigilan ang posibleng pagkakasalampak ko. Galing ang kamay na iyon sa gawi ng lalaking katapat ko kanina. Nilingon ko siya at kita kong kalong niya ang hawk backpack. Teka, bakit parang pamilyar siya sa akin? Nakita ko na siya eh.
Tinignan ko lang siya. Ang brown niyang mga mata, ilong, bibig at pisngi. Binggo! Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga! Wah. Bakit sa ganitong pagkakataon ko pa siya ulit nakita? Nakakahiya.
"Ano bang ginagawa mo riyan sa gitna?" tanong niya sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Obvious ba? Eh 'di nakaupo," sa halip na sagutin siya ng maayos ay sarkastikong sagot pa ang itinugon ko sa tanong niya. "Alisin mo nga iyan, ang sakit," sabi ko na ang tinutukoy ay ang kamay niyang nakakapit sa braso ko. Hindi naman talaga masakit eh, actually sakto lang ang pagkakahawak niya.
"Dito ka na umupo. Palit tayo," sabi niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Likas ba talaga sa isang ito ang tumulong? O baka naman kasi akala pa rin niya ay ako si Althea.
Walang pagdadalawang-isip na nagpalit na nga kami. Mabuti nalang at walang nasubsob sa aming dalawa dahil sa mala-race car na takbo ng jeep.
Nang makaupo na ako ng maayos ay nakaramdam ako ng matinding relief. Sa wakas, relax na ang pakiramdam ko. Ilang minuto lang ay nakaramdam ako ng antok. Bago tuluyang pumikit ay nilingon ko ang lalaking dahilan kung bakit ako nakaupo ng maayos ngayon.
Ni hindi ka man lang nagpasalamat sa kaniya. Kausap sa akin ng isip ko. Isinantabi ko nalang iyon at tuluyan na ngang pumikit. Malayo-layo pa naman ang bahay namin, hindi naman siguro ako lalagpas.
Hindi ko alam kung gaano katagal ba akong nakatulog. Feeling ko kasi, umabot ng isang araw. Para kasing bawing-bawi ang lahat ng pagod ko sa maghapon. Naramdaman kong nakasandal ang ulo ko, hindi sa bintana o anumang parte ng jeep na sinasakyan ko kundi sa balikat ng isang tao.
Jeez! This can't be. Nakakahiya! sigaw ko sa isip ko.
Tinanggal ko na nga ang ulo ko sa pagkakasandal at umayos ng upo. Pasimpleng hinawakan ko naman ang paligid ng labi ko. Mabuti nalang at hindi ako nagtulo-laway. Tinignan ko naman kung sino ang nagmamay-ari ng balikat na pinahiram sa akin habang natutulog ako. I mean, ang balikat na naabuso ko.
Hindi ako maaaring magkamali at mas lalong hindi ako namamalikmata. Siya si Kuya! Si Kuyang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Nginitian niya ako. Ngiting parang sinasabi na, Hey you're awake. Give me all your money and property as a payment. You abused my shoulder, you're heavy ha!?
Napangiwi ako sa naisip. I am really imagining too much. Binaling ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana. And to my surprise, mukhang lumagpas na sa barangay namin ang jeep na sinasakyan ko. What the!? Puro nalang ba talaga kamalasan ang susuungin ko?
"Para po!" malakas na pagkakasabi ko. Wala sa sariling bumaba ako. Tumingin ako sa langit na unti-unti nang kinakain ng dilim. Hudyat na paparating na ang Reynang nagsisilbing liwanag sa dilim at ang mga tagapangalaga nitong maliliit na bituin. Mangiyak-ngiyak ako sa isiping, hindi mawala-wala ang takot sa dibdib ko dahil uuwi akong madilim na mag-isa. Tiyak papagalitan ako ng nanay ko at hindi papayagang magbasa ng libro. Excited pa naman akong tapusin ang librong binili ko noong nakaraan.
Matamlay na tumawid ako sa kalsada at nag-abang ng jeep pabalik. Wala pa naman akong tatlong minuto nag-antay at nakasakay rin ako. Mag-aalas sais y media na nang makauwi ako. At tama nga ang iniisip ko kanina, pinagalitan ako at hindi pinayagang magbasa. Kinuha pa niya ang cellphone ko at pinatay ang internet sa bahay. Baka raw kasi magbasa pa ako online.
Umakyat ako sa kwarto ko at bumaba lang noong tawagin ako para kumain ng hapunan. Pinaakyat kaagad nila ako pagkatapos kong kumain. Wala akong ibang nagawa kundi sundin sila. Among all the people I have encountered, parents ko lang ang never kong sinuway. I hate to think that they will get disappointed of me or even get mad because I disobeyed them. Ganito lang naman sila kapag may nalalabag akong rule nila, but after this, go back to normal again ang lahat.
Dahil boring, humiga na lang ako sa kama ko kahit hindi pa naman talaga ako inaantok. Nakatingin lang ako sa kisame at hindi malaman kung ano ba ang dapat kong isipin.
Hanggang sa maalala ko ang nangyari sa jeep kanina. Napapikit ako, nakakahiya talaga. At bakit sa dinami-rami ng pagkakataong makikita ko ulit ang lalaking iyon ay ngayon pa? At bakit ba kasi kailangan pa naming magkita ulit? I don't know him, even his name. Why do we need to cross our paths? Nah, no. Supposedly, that should be him and Althea.
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Nagbabakasakaling mawala ang lalaking iyon sa isip ko. Napasabunot na rin ako sa buhok ko at parang baliw na bumangon. Umupo ako sa kama at nakaharap sa cabinet ko. Nakasabit doon ang bag ko. Tumayo ako at kinalkal ang gamit ko. Hindi sadyang nahulog naman ang group picture naming anim.
Naka-school uniform kaming anim. If I'm not mistaken, this was taken last July. Nasa mall kami noon at nagkaayaan pagkatapos ng madugo naming chapter quiz. Ang sasaya ng itsura namin. Magkakaakbay pa kaming lahat. Napako naman ang tingin ko sa lalaking katabi ko sa picture - kay Steve.
Hay, kailan ka kaya ulit tatawa ng ganiyan? I miss how you smile that way, Steve.
Ibinalik ko na ang picture sa bag ko at kinuha na ang notebook ko. May assignment nga pala kami sa Physics. I need to do it now.

Komento sa Aklat (73)

  • avatar
    Sophia Atilano

    oiii

    04/07

      0
  • avatar
    DndMaye

    apaka Ganda

    10/11

      0
  • avatar
    Carl Vincent Uba

    salamat sa follow

    25/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata