Homepage/Maybe This Time/
Chapter 58
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hampasin siya sa dibdib niya. Nakakainis kasi, halos taon-taon niya na atang pinapaalala sa akin 'yung isang napakalaking epic na nangyari sa amin 5 years ago. Tapos nakakaloka pa minsan kung ngumisi siya habang sinasabi na ganoon daw pala ang nararamdaman ni Jun Pyo noong napaamin si Jan Di sa ospital dahil inakala nitong malala ang tinamo ng Koreanong minsan ay pinagpantasyahan namin ni Keighla. Aba, malay ko bang maling tao pala 'yung napagkamalan kong siya. Sobrang gulong-gulo kasi 'yung isip ko nun. Hindi ko magawang makapag-isip ng tama at tila ayaw mag-function ng maayos nung utak ko. Basta isa lang ang malinaw sa akin noon, naaksidente si Steve kaya kami napasugod bigla sa ospital.
Tapos ayun nga, nagpaiwan ako sa waiting area kasi sobrang nanghihina talaga ako. Parang hindi ako handa noon na malaman pa 'yung ibang detalye and worse ay 'yung makita ang itsura niyang punong-puno ng sugat sa katawan. Tapos bigla ngang dumating si Kevin at nakwento niya sa akin ang nalalaman niya. Hindi ko naman masyadong naintindihan noon 'yung sinasabi niya kasi para siyang ewan na iyak lang din ng iyak. Lately ko lang nalaman na kaya pala ganoon ang emotion niya kasi parang nag-flashback sa kaniya 'yung nangyari kay Jude. Hindi ko alam na death anniversary pala ng kapatid niya nung araw na 'yun. At ang dahilan kung bakit na-late silang dumating ng Zambales dahil dumaan pa sila sa sementeryo. Habang on the way raw sila sa bahay namin ay bigla namang may aksidente na nangyari sa daan. Nakita nila na pamilyar ang involved na sasakyan tapos natatarantang sinugod na nga nila sa ospital si Steve. Mabuti na nga lang daw at hindi naman ganoon kalala ang tinamo nito dahil kung hindi, baka mas lalong hindi ko nakausap si Kevin. Hindi raw kasi nito gugustuhin na muling mangyari 'yung isang bangungot na pinagdaanan nila sa pamilya nila.
Naalala kong nakadagdag pa sa pag-aakala kong si Steve nga 'yung nasa operating room nang makita ko ang reaksyon nina Jules at Althea. Napasuntok kasi noon si Jules sa pader at ayon dito ay dala raw iyon ng frustration. Napag-alaman naming kakilala pala ng kambal si Mike - 'yung driver na binawian ng buhay. Nakilala raw nila ito noong in-enroll sila ng parents nila sa isang taekwando class. Nabanggit ni Jude na nawalan daw pala ng preno 'yung sasakyan nito at walang may gusto ng nangyari sa insidenteng iyon. Tapos 'yung umiiyak na imahe ni Althea noon na aaminin kong nakadagdag din sa hinala ko ay hindi naman daw dahil sa wala na nga si Steve kundi dahil sa nadala siya sa nasaksihan. Nakita kasi ni Althea 'yung itsura ni Matt ng isugod sa ospital at nakaramdam raw siya ng awa rito.
Itong bruha ko namang bestfriend na si Keighla ay hindi man lang sinabi sa akin na sa kwarto siya ni Steve didiretso. Nandoon na parang inaalo pa nga niya ako at pinapakalma bago ako iwan sa waiting area, kung alam ko lang siguro na roon ang punta niya, edi sana ay hindi na ako napraning pa 'di ba?
Pero dahil sa nangyari na nga ang mga nangyari, hindi ko na mababawi pa 'yung nagawa ko noon. Kahit paano may parte pa rin sa akin na hindi pinagsisisihan iyon kasi kahit paano, napatunayan ko na sobrang mahal na mahal ko talaga si Steve. Though medyo kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala 'yun. Hindi lubusang naging buo ang kaligayahan ko nung moment na 'yun kahit narinig ko si Steve na tinugon ang sinabi ko. Nagi-guilty pa rin kasi ako sa katotohanan na may isang taong hindi pinalad at nawalan ng buhay.
"Napakadrama mo naman kasi, Ali. Hindi ko tuloy malaman kung si Kevin ba talaga ang kaibigan mo o si Jude. Kung makaiyak ka naman diyan, daig mo pa si Thea," sa halip na pumalag sa muli kong paghampas sa kaniya ay sinalo lang niya ang kamay ko.
Aba, kasalanan ko bang naaapektuhan ako? Syempre partly naiintindihan ko 'yung side ng Mommy ni Kevin. Partly ay naramdaman ko rin 'yun, iyon nga lang, agad din akong nakahinga at nabunutan ng tinik nang malaman kong false alarm lang iyon.
Siguro ay nagtataka kayo kung bakit nabanggit kong limang taon ko nang nasasaksihan at napapakinggan ang mga salitang iyon mula sa Mommy ni Kevin, nang ma-realize ko kasi na binigyang pansin pa rin ni Kevin 'yung surprise ko para kay Steve ay nangako akong dadamayan siya. Bilang pasasalamat na rin. At bukod pa roon, paniguradong kukulitin lang ako ni Keighla. Sa mga nakalipas na panahon kasi ay mas lumalim 'yung pagkakaunawan ng kaibigan ko at ni Kevin. Maayos 'yun bagama't kapareho lang din sa iba. Hindi perpekto pero kinakaya. At hindi ko na siguro kailangang i-elaborate pa since it's not my story to tell.
Matapos ang munting salo-salo sa memorial park ay nagkaniya-kaniyang byahe na rin kami pauwi. Agad naman akong sumampa sa passenger's seat ng sasakyang dala ni Steve at isang nakakamatay na ngiti naman ang isinalubong niya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na halikan siya sa pisngi.
"Sa apartment muna pala tayo didiretso, pero may dadaanan lang akong files sa school. May pinapatapos kasing presentation para sa webinar," ani Steve habang ikinakabit ang seat belt sa akin.
Oo nga pala, usong-uso nga pala ngayon 'yung ganoong set up hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang parte pa siguro ng mundo. Kasalukuyan kasi ngayong humaharap sa isang pandemya ang halos lahat ng bansa. Dito sa Pilipinas ay mahigit kalahating taon na rin mula nang mag-implement ng quarantine protocols ang gobyerno.
Maswerte na nga lang na na-lift na kami from ECQ to MGCQ kaya kahit paano ay nakalabas kami. Blessing in disguise na rin na pinayagan kaming magkatipon sa memorial park kanina ngunit mahigpit pa rin ang paalala sa amin na sundin ang quarantine protocols since hindi pa rin ganoon ka-safe mula sa kalabang hindi naman nakikita.
Kaagad kong sinuot 'yung faceshield at facemask na ni-required ng gobyerno sa lahat ng mga taong lalabas. Mahirap nang mahuli, mas maganda pa rin na maging mabuti at masunuring mamamayan. Ganoon din naman ang ginawa ni Steve at nang masigurong maayos na kami at nakapag-disinfect na ay pinaandar na nga niya ang sasakyan.
Hindi naman kami gaanong nagtagal sa university kung saan nagtatrabaho si Steve - actually nakapag-adjust na ako kahit paano sa pagkakaiba ng career namin. At aaminin kong proud ako sa kaniya kasi unti-unti na naming nakikita ang fruit of labor niya sa pamamagitan ng buhay ng mga estudyanteng na-handle niya. Last school year nga ay nagsimula na rin siyang magturo sa kolehiyo.
Habang ako naman, katulad ni Keighla ay lumi-level up na sa career namin. Sa kasalukuyan ay sa isang TV station na kami nagtatrabaho at may mga pagkakataon na kinikilig pa rin kami kapag nakikita namin 'yung sarili namin sa TV bilang isang news reporter.
Napangiti ako nang makita ko ang message ni Keighla sa akin sa messenger. Screenshot iyon ng isang news article kung saan nakalagay ang excerpt nito. Mababasa roon 'yung opinion ni Keighla doon sa current issue na matunog ngayon sa bansa. Kahit paano ay naipagpapasalamat ko na rin ang pagiging vocal nito kasi nakakatulong iyon sa profession namin ngayon. She indeed has a voice that everyone will look up to.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na nga kami sa apartment. Halos wala namang pinagbago ang ayos nito bagama't may mga nadagdag sa interior at exterior design nito na mas nakadagdag sa tila nakakaengganyo nitong ambiance. Masuyong hinaplos ko 'yung Buttercup Flower na itinanim ko noong nakaraan. Lately ay nawiwili akong magtanim dahil na rin sa kabagutan na hatid ng quarantine at talagang inaral ko kung paano magtanim niyon. Nandoon na nagpasadya pa kami ng bakod para makaiwas sa mga hayop na maaaring gumala o gumawi sa apartment. Mabuti na lang talaga at wala kaming hilig sa pag-alaga ng hayop kaya hindi naging mahirap sa kalooban ko na mag-alaga nito. Ayon kasi sa mga article na nababasa ko ay hindi makakabuti ang halamang ito sa hayop, nakakapaghatid daw kasi iyon ng lason sa mga ito at worse ay baka ikapahamak pa ng mga hayop.
"Tara," aya ko kay Steve matapos kong pagsawaang sipatin 'yung mga bulaklak. Napakaganda talaga nila.
Inalalayan naman ako ni Steve papasok sa loob ng bahay at bahagya akong natigilan nang may iabot siya sa akin.
"S-steve, p-para saan 'to?" may nabubuhay namang kaba sa puso ko. Noong huling beses kasi na binigyan niya ako nito ay nag-uumapaw na kaligayahan talaga 'yung naramdaman ko.
"White rose. Pansinin mo naman daw, masyado nang nagseselos doon sa buttercup flowers mo," sagot naman niya. Hindi ko naman maiwasang matawa sa sinabi niya.
Nagpatuloy na nga kami sa paglakad papasok ng bahay at mas lalo akong na-overwhelm nang makita ko ang ayos sa loob nito. Punong-puno iyon ng petals, nandoon na nagkalat din sa paligid 'yung mga litrato namin sa nakalipas na limang taon. Karamihan sa mga nakakalat na litratong nakakabit sa mga tali ng hydrogen baloons ay mga stolen shots ko at sweet moments namin ni Steve.
"Happy anniversary..." punong-puno ng pagmamahal na sabi niya sa akin. Hindi ko na naman tuloy maiwasang maiyak. Nakakainis naman 'tong lalaki na 'to, kahit kailan yata ay hindi ako masasanay sa mga pa-sorpresa niya. Sa bawat taon na lumilipas ay palagi siyang may nakahandang sorpresa sa akin, minsan nga ay nagi-guilty na rin ako kasi hindi ko man lang magawang tapatan 'yung mga ginagawa niya. Pero syempre, hindi naman ako nagpapatalo. Actually may regalo rin ako sa kaniya at nakahanda na iyon sa kwarto ko.
Masuyo naman akong inakay ni Steve sa hallway papuntang kwarto at para akong baliw na naiiyak at natatawa sa nakikita ko. Nakakabit kasi sa pader 'yung mga nakakatawang picture ko. Tapos pati 'yung mga epic selfies ni Steve na sini-send niya sa akin tuwing badtrip ako. Patuloy ko lang pinagmamasdan 'yung mga litrato hanggang sa napahinto kami sa tapat ng kwarto ko. Naroon na na-overwhelm na naman ako nang makita ko 'yung ayos nito sa loob, wala akong matandaan na ganito ang itsura nito kanina nang umalis ako. Nagkalat ngayon ang petals sa paligid, bahagya ring madilim ang loob dahil sa makapal na kurtinang pinasadya ko para hindi ako ganoong masilaw sa sinag ng araw kahit tanghali na. Madalas kasing puyat ako dahil sa trabaho at tanging pagtulog ng matiwasay na lang ang nais ko pambawi kahit paano sa pagod. At dahil sa may kadilimang bumabalot sa kwarto ko ay tila nagsilbing bituin 'yung mga maliliit na ilaw na nagkalat dito sa loob. Masuyo akong inakay ni Steve sa isang side ng kwarto na kung saan hindi ko namalayang may nakapabilog palang mga red rose petals. Doon kami huminto sa loob ng bilog na 'yun. At mayamaya pa'y may kinuha siya sa cabinet. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang matandaan ang pamilyar na bagay na 'yun.
"Remember it?" nakangiting tukoy niya sa hawak.
"Of course!" nakangiti ring sabi ko.
Naalala ko naman tuloy 'yung naudlot na sorpresa ko sa kaniya noon. Paano ko nga ba makakalimutan 'yung scrapbook na 'yun na pinaghirapan ko? Hindi ko na nga pala 'yun naabot sa kaniya kasi nga bago pa man kami makabalik ng bahay ay sinagot ko na siya. Nandoon kasi na napangunahan pa rin ako ng takot at para akong natauhan. Doon ko na-realize na may mga pagkakataon sa buhay na hindi aakma sa inaakala nating timeframe. At baka nga sa kakapilit natin na sundin iyon ay baka mahuli pa ang lahat. Sobrang naging eye opener sa akin 'yung pangyayari na iyon at noon ko mas na-realize na tama 'yung sinasabi ng nakararami. Na hangga't may pagkakataon ka pang sabihin sa taong mahal mo sila ay sabihin na. Sapagka't mapaglaro ang buhay, anumang oras ay maaari iyong mawala at baka kung kailan huli na ay saka mo lang masabi iyon. Mahirap nga namang sabihin ang mga kataga na 'yun na humaharap sa katotohanang hindi na maa-appreciate 'yun ng taong pagsasabihan mo.
"P-paano napunta sa'yo 'yan?" nahihiwagaang sabi ko. Hindi ko kasi matandaang naabot ko sa kaniya 'yung scrapbook na 'yun. Mas natuon 'yung pansin ko noon sa pagpapagaling niya at nabalewala rin 'yung pinaghandaan namin kasi sa ospital kami lahat nag-stay.
Sa halip na sagutin ako ay iniabot niya sa akin iyon.
"Basahin mo..."
Ganoon na nga ang ginawa ko. Hindi ko maiwasang matawa sa mga pinagsusulat ko roon. Napaka-korni ko pala ng mga panahong ito. Sa tingin ko ay na-possess ako ni Keighla habang ginagawa ito. May kakesohan pala akong itinatago sa pagkatao ko.
Patuloy ko lang iyong tinignan at isa-isang pagmasdan ang bawat pahina, nang nasa huling dalawang pahina na ako ay napatigil ako. Naalala kong dito ko nga pala isinulat 'yung letter ko for him. Hindi pa nga pala nabasa ni Steve 'yun.
"Ah oo nga pala, may sinulat kasi ako noon dito," sabi ko at inaabot sa kaniya 'yung scrapbook. Pero sa halip na kunin 'yun ay tinignan niya lang ako. "Ahmm... Basahin mo kahit late na," sabi ko at hindi ko pa rin ibinababa ang kamay ko. Ngunit ganoon pa rin siya, hindi pa rin niya tinatanggap.
"I told you, Ali. Read it," tila naaaliw na sabi niya. Hindi nakaligtas sa akin 'yung tila pangingislap ng mga mata niya. Kahit naguguluhan ay sinunod ko na rin siya.
Sinimulan ko na ngang binasa 'yung nakasulat doon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (73)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
oiii
04/07
0apaka Ganda
10/11
0salamat sa follow
25/10
0Tingnan Lahat