Chapter 55

Mabilis na lumipas 'yung panahon. Halos apat na buwan na rin simula nang mag-start kami sa trabaho. Gaya nga ng nabanggit ko na, sa isang kompanya kami nagtatrabaho ni Keighla. Parehas kaming media researcher na kung saan nakakatuwang kami ng producer to conceptualize content. I mean, tumutulong kami sa pag-organize ng mga programa na umiere sa station namin, pati na rin sa mga ideas at sa kung paano i-execute 'yung program. Basta mga ganung bagay.
Mabuti na lang at nakapasok kami dito. Ito kasi talaga 'yung isa rin sa mga na-look forward ko para paunti-unti ay magamay ko 'yung pasikot-sikot sa trabaho and at the same time ay makapag-gain din ng experience for my own growth. Isama pa na hindi ako nabo-bore dahil sa presence ng kaibigan kong loka-loka.
Si Steve naman, nagsimula na ring magturo sa isang private school. May mga pagkakataon na inaasar ko pa rin siya lalo na kapag magkikita kami at suot pa rin niya 'yung uniform niya. Minsan nga ay naabutan ko siya sa apartment na bugbog sa trabaho. Halos hindi ko siya makausap nung time na 'yun dahil sa mga paperworks na inuwi niya. Siguro iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit stressful ang pagiging isang guro, kasi kahit hindi na oras ng trabaho ay kakailanganin mo pa ring mag-uwi ng gawain at idagdag pang kailangan ding pag-aralan 'yung mga topics na ituturo sa klase. Even the execution of how to deliver the lesson must be planned. Isipin ko pa lang, na-stress na ako. Though halos similar lang din naman sa ginagawa ko sa trabaho pero at least kasi 'yung sa amin ay mas binabase na sa mga nangyayari mismo sa society. Mas madaling pakibagayan kasi hinahain na lang sa harap mo, unlike the theories, formulas, and the likes na minsan kahit hindi naman talaga interesting ay aaralin mo. And for me, that's quite stressful. Pero syempre, baka opinyon ko lang 'yun. Seeing Steve enjoys his profession melts my heart, though. Sabi pa nga niya sa akin minsan that teaching is a noble job. Agree naman ako doon.
"Ali, wala pa rin si Steve?" tanong sa akin ni Keighla. Napabuntong-hininga na lang ako at muling kinalikot 'yung ballpen na hawak ko. Kanina pa talaga dapat ako uuwi kaso nga wala pa si Steve. Nag-half day ako ngayon kasi nga birthday ng Daddy ko. Gusto ko namang umuwi ng Zambales para i-celebrate 'yun. Tutal wala namang pasok bukas dahil sa holiday. Pero anong oras na, wala pa rin si Steve. Hindi ko naman maiwasang mainis na sa inip kasi alam ko namang nakapag-file siya ng leave ngayong araw. Dumaan lang nga siya sa school kasi kukuhain daw niya 'yung flashdrive niya na naiwan sa faculty. Pero halos tatlong oras na ang nakakalipas ay wala pa rin siya.
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga dapat kasama si Steve na umuwi. Nagpumilit lang talaga siya dahil nga sa paniniwala niyang bukod sa akin ay dapat na ligawan pa rin niya ang parents ko. Yes, hanggang ngayon ay nasa ligawan stage pa rin kami. Aware naman kaming mahal namin 'yung isa't isa pero siguro naniniwala lang talaga kami na mas masarap 'yung kalalabasan ng binurong pagkain kung mas matagal. Kung baga sa prutas, mas masarap 'yung hinog kesa sa hilaw. At kahit na ganoon ang status namin ngayon, Steve never took advantage of me. That is what I admire most to him. He never failed to show his sincerity and willingness to win my whole-being. Iyon nga lang, may mga pagkakataon na nagtatalo pa rin kami kahit sa maliit na bagay. Minsan kasi bigla na lang maba-badtrip si Steve pero minsan naman kabaligtaran. Though madalang lang naman 'yung ganung side niya kaso kahit medyo matagal ko nang napapakitunguhan ang ganoon niyang tantrums ay hindi pa rin ako nasasanay.
"Wala pa rin eh," matamlay na sagot ko. Naiinip na talaga ako. Isa pa naman sa mga pinakaayaw ko ay 'yung pinaghihintay ako. Pakiramdam ko kasi nasasayang 'yung oras ko.
"Tuloy pa ba kayo?"
"Syempre, hindi pwedeng hindi. Minsan na nga lang ako makadalaw kela Daddy. Saka birthday niya, kaya mas lalong hindi pwede na wala ako." Sumandal ako at pinaikot-ikot pa 'yung swivel chair na kinauupuan ko.
Tumayo naman si Keighla inilapag 'yung cellphone niya sa table ko.
"Ano 'to?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.
"Basahin mo kaya." Ganoon na nga ang ginawa ko. Text pala 'yun ni Sir Alfred. He's asking our team to conceptualize program for Ate Kath's 3rd year anniversary on her segment.
"Tutal hindi ka pa naman umaalis, brainstorming muna tayo. Para naman mapakinabangan 'yang brain cells mo, hindi 'yung ganyang kulang na lang maging kamukha mo si Sadako."
"Ha? Ganoon na ba ako kabruha?" sinipat ko 'yung sarili ko sa salaming nakapatong sa mesa ko. Wala naman akong nakikitang problema sa buhok ko. Sinamaan ko tuloy siya at ang loka-loka, tumawa pa talaga na parang bruha.
Ganoon na nga lang 'yung ginawa namin. Nag-isip kami ng mga pwede pang gawin sa segment na siyang pinakapatok sa mga listeners namin. Mayamaya'y napatingin ako sa labas ng bintana. Bahagya nang kumukulimlim 'yung langit. Napasimangot na naman tuloy ako. Sinipat ko 'yung wall clock na nasa kaliwang side ng office, alas-singko na pala ng hapon. Bigla namang nag-vibrate 'yung cellphone ko at agad sinagot 'yung tawag.
"Sorry, Ali. Nandiyan ka pa?" bungad sa akin ni Steve. Medyo nainis na naman ako kasi parang hindi naman nag-aalala ang isang 'to. Mabuti ba sana kung napakalapit lang ng Zambales. Tiyak na traffic mamaya kasi mag-uuwian ang iba sa probinsiya dahil nga long weekend na rin.
"Yeah," iniikot ko 'yung mata ko as if makikita niya, "may balak ka pa bang magpunta? Kasi kung wala na, magko-commute na lang ako."
Hindi ko na naitago 'yung inis ko. Nakakairita kasi talaga. Nakaplano na 'to tapos biglang ganito.
"Of course not. Saglit na lang 'to. Paakyat na ako riyan," narinig kong bumati pa siya sa security guard. Narinig ko 'yung pamilyar na boses na 'yun ni Kuya Lito kaya alam kong hindi siya nagsisinungaling.
Lulan na nga kami sa byahe at panay pa rin ang paghingi niya ng sorry sa akin. Heto nga at hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kaniya. Mas nadadagdagan lang 'yung pagkairit ko sa kaka-sorry niya.
"Pwede ba mamaya na? Kanina ka pa sorry ng sorry. Nakakarindi na," napipikang sabi ko. Para kasing sirang plaka eh.
"Patawarin mo na kasi ako, nagkataon lang talaga na kinailangan ako sa disciplines office. Napaaway na naman kasi 'yung estudyante ko," patuloy niya sa paliwanag. Hindi ko na naman tuloy maiwasang iikot 'yung mata ko. Ito kasi 'yung isa sa mga ikinaiinis ko rin sa kaniya. Mas madalas na nakakain 'yung oras niya sa trabaho. Saka bakit ba kasi pasaway ang mga estudyanteng handle niya? Gusto ko namang kontrahin 'yung mga explanation niya pero syempre ayoko naman magmukhang walang sense. Syempre, alam ko namang kasama sa duties and responsibility niya 'yun bilang teacher. Kahit pa kasi sabihing may in-charge sa disciplines office at idagdag pa ang mga counselors ay kargo niya pa rin 'yun. Adviser siya eh kaya gets ko naman kahit paano. Hindi ko lang talaga maiwasang mainis.
"I said stop," muling pigil ko sa kaniya. Minasamasahe ko na rin 'yung sintudo ko kasi sumasakit talaga ang ulo ko.
"Pero-"
"Mahirap bang intindihin na tama na muna? Awat na sa explanation kasi paulit-ulit lang eh. Alam mo 'yun? Gusto kong magpahinga!" napataas na 'yung boses ko. Bakit ba kasi ang kulit ng isang 'to? Mas nakadagdag pa tuloy sa inis ko 'yung imbes na awayin niya ako pabalik ay napatiim-bagang lang siya. Hays.
Ang gulo mo! Sabi mo tumahimik siya tapos ngayon naman nag-e-expect kang aawayin ka niya.
Lalo lang tuloy sumakit 'yung ulo ko. Napasandal na lang ako sa bintana ng sasakyan at pumikit. Bahala na, gustuhin ko mang makipag-usap sa kaniya ay mamaya na lang siguro. Alam kong medyo immature pero hayaan n'yo na. Mayamaya'y narinig ko na lang na nagpatugtog na pala si Steve. Marahil ay nakaramdam siya at para na rin hindi kami mabingi sa katamikang bumabalot sa sasakyan.
"Ali," narinig kong tawag niya sa akin. Tinapik niya ako ulit nang hindi ako matinag sa pagtawag niya. Lumipas muna ang halos isang minuto bago ako tuluyang dumilat.
"Nakatulog pala ako." Nilinga ko 'yung sarili ko at nasa isang gasoline station pala kami ngayon na nandito sa kahabaan ng express way. Pagtingin ko sa oras ay alas-otso na rin pala.
"Tara, kain muna tayo," aya sa akin ni Steve. Bumaba na ito matapos i-park 'yung sasakyan. Pero sa halip na sumunod sa kaniya ay nanatili lang akong nasa loob ng sasakyan.
"Hey, tara na. Huwag kang magpalipas ng gutom. Alam kong pagod ka sa trabaho," may pag-aalalang sabi niya.
"Take out na lang, Steve. Matatagalan tayo lalo kung dito pa tayo kakain."
Halos kinse minutos lang ay bumalik na rin si Steve.
"Bakit nandiyan ka?" nagtatakang tanong niya sa akin. Lumipat kasi ako sa backseat.
Sa halip na sagutin ay kinuha ko na lang sa kaniya 'yung dala niyang pagkain. Medyo nagulat naman ako nang pabagsak na isarado ni Steve 'yung pinto pagkaupo niya sa driver's seat.
"Galit ka ba?" kastigo ko sa kaniya. Para kasing ewan.
"Hindi," malamig na sagot niya at nagsimula na ngang mag-drive.
Mas lalong naging tahimik 'yung ambiance ng sasakyan. Nakakainis kasi si Steve eh. Parang minasama pa 'yung paglipat ko. Eh, hello? Gusto ko lang namang magpahinga eh. Gusto ko rin mag-solo muna kasi kanina ko lang naalala 'yung surprise ko dapat sa kaniya. Nakalimutan ko kasing ayusin kanina sa opisina dahil nga mas na-occupy ako sa inis na naramdaman ko. Hindi ko naman pwedeng ituloy 'to na nasa tabi niya ako kasi makikita niya. Ano pang sense ng surprise 'di ba?
Pero imbes na ipaliwanag ko sa kaniya ay tahimik ko na lang kinain 'yung pagkain ko. Maya't maya naman akong nagmamasid sa kaniya at nagi-guilty akong hindi man lang niya ginalaw 'yung pagkain niya.
"Steve," malumanay na tawag ko sa kaniya. Hindi naman niya ako pinapansin. Umusad ako at ipinatong ang ulo ko sa driver's seat, "uy." I poked his shoulder yet no response from him.
"Nakakainis naman. Para kang bata," mayamaya'y sabi ko nang hindi niya talaga ako pinapansin. Humalukipkip ako at pasimple ko na lang itinuloy 'yung surprise ko sa kaniya. Bahala na nga, babawi na lang siguro ako sa kaniya mamaya o sa mga susunod na araw. Sisiguraduhin ko na lang na matutuwa siya sa sorpresa ko.

Komento sa Aklat (73)

  • avatar
    Sophia Atilano

    oiii

    04/07

      0
  • avatar
    DndMaye

    apaka Ganda

    10/11

      0
  • avatar
    Carl Vincent Uba

    salamat sa follow

    25/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata