Thirty Three

Natsumi
"Nami? Are you okay? Ilang araw ka ng ganan. May problema ba?"
Isang linggo na ang lumipas pero natatandaan ko pa din yung eksenang iyon. Tuwing naaalala ko yun, may kung anong kirot akong nararamdaman sa parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
"Yeah, I'm fine KC. I'm just tired."
"Really? I know there is something. Care to share?" makulit talaga.
Wala akong magagawa kung hindi ang sabihin sa kanya ang bumabagabag sa akin.
"Have you ever feel something on your chest, especially where your heart is located when you heard something from that person you been with. Talking while sleeping and heard that he or she is still in love with the person who hurt them damn much?" ito na ata pinakamahaba kong sinabi sa pinsan ko.
"Ikaw ba talaga yan?" natatawa niyang sabi.
Dapat hindi ko na lang sinabi. Tinatawanan lang niya ako.
"Sabi ko nga, seryoso yung tanong mo." akala kasi biro.
"Yung parang hirap kang makahinga kasi nalaman mong mahal niya pa yung taong iyon. Lalo na at napalapit na yung loob mo sa taong iyon. Parang gusto mong umiyak pero naisip mo na bakit ka iiyak? Ano ka ba sa buhay niya?"
Bakit parang tinamaan ako sa sinabi niya? Love? It is not existing in my world. Because of the word 'love' it changed me and became who I am today.
"Bakit mo pala natanong? Huwag mong sabihing in love ka?"
"Of course not. That 'love' made me who I am today."
"Pero hindi mo pa nararanasan ang ma-in love Nami."
"Mukhang seryoso pinag-uusapan niyo. Pwedeng makisali?"
"Itong bunso natin, may problema."
"Ano yung Nami?! May nanakit sayo?! Nasaktan ka--"
"Ssh! Stop, you too noisy." sita ko kay Zeke.
Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko kasi may napagsabihan ako ng nararamdaman ko dahil sa pinsan ko. Ayaw ko munang isipin ang bumabagabag sa akin. Gusto ko munang mag-relax kasama ang dalawa sa importante ngayon sa akin.
Wala na masyadong ginagawa dito sa school kasi tapos sa prelims. Tahimik ngayon dito sa park. Tawanan at kwentuhan ng mga estudyante ang maririnig sa buong paligid. Nakapikit ako habang dinadama ang banayad na hampas ng hangin.
"Nami!" napadilat ako ng marinig ang boses na iyon.
Nakita ko ang lalaking may ari ng boses na iyon. Ito na naman, my heart beats so fast again at kasabay nun bigla ko ulit naalala ang eksenang nagbibigay kirot sa dibdib ko.
Flashback...
"I love you." biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko napansin na ang lapit pala ng mukha ko sa kanya. Ito na naman ang hindi pamilyar na tibok ng puso ko.
Simpleng salita niya lang ng 'I love you' nagwala na ang buong sistema ko.
Ako ba ang sinasabihan niya? No, he is dreaming.
"Jenth, nananaginip ka lang." ulit ko sa kanya kahit na imposible niya akong marinig.
Hindi na tama ang tibok ng puso ko.
Akmang aalis na ako ng bigla niya hawakan ang wrist ko.
"I love you." ulit nito.
"Don't leave me." halos basag na ang boses nito. Naiyak ba siya?
Pinagsisisihan kong tiningnan ko siya dahil pagtingin ko sa kanya, bigla ulit siyang nagsalita.
"I love you, Madison."
Para akong biglang nanghina, at may kung anong kirot akong naramdaman sa may puso ko.
"Nami, are you okay? Tinatanong ka ni Jenthrix." napatingin ako kay Zeke na nagtataka dahil sa kinilos ko.
"Oh, sorry. What is it again?" hindi ko siya kayang tingnan ng deretso.
"Can I talk to you for a while?"
Kahit nag-aalangan, pumayag na rin ako. Baka makahalata siya na iniiwasan ko siya. Isang linggo ko na siyang iniiwasan, ganun pa din ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya. Tuwa na may halong kirot dahil sa eksena noon sa unit ko.
I don't know what happened to me. Why I keep on avoiding him? I don't have feelings for him. Did I?
Sinundan ko lang siya hanggang makalayo kami sa mga pinsan ko. Dito niya ako dinala sa Cafeteria.
"Alam kong hindi ka pa kumakain. Wait for me here." at iniwan niya ako at pumunta na siya sa counter.
Tiningnan ko lang siya habang bumibili ng pagkain. I admit, he's sweet and very caring person.
"Kapal din naman ng mukha mo noh? Pinagsabihan ka ng lumayo kay Jenthrix, pero dikit ka pa din ng dikit. Blood sucker leech!" nandito na naman ang minion ng taon.
"You told me to stay away from him? I don't remember when you told that to me." deretsong sabi ko. I don't have time to this.
"Listen bitch. Stay away from him, you're just a trash. You're not belong here. Hindi ka bagay dito." Oh, really?
"Listen minion, I'm the person you never wish to encounter. You don't know what I capable of. So if I were you, I will never judge the person I'm talking with. Sayonara." nakita ko ng papalapit si Jenthrix. Galit na galit na ang minion na kaharap ko.
"You bitch!"
"Stop that!" napatigil siya sa gagawin niyang pagsampal ng sumigaw si Jenthrix.
Center of attraction again. Kailan ba ako lulubayan ng gulo? Nakita ko ang gulat at takot sa mukha ni Missy ng makita niya ang seryosong mukha ni Jenthrix na nakalapit na sa amin.
I never saw him like this.
"What are you doing?!" seryoso pero ramdam mo ang galit sa tanong nito.
"I'm just t-talking to h-her." nanginginig na sagot ni Missy.
"Really? Huh?" he said sarcastically.
"Yes. I'm just talking to her." gusto kong matawa ngayon dahil sa itsura ni Missy pero hindi ko na lang tinuloy.
"But you want to slap her."
"N-no! I'm not going to do--"
"But I saw you!" umalingawngaw ang boses ni Jenth sa buong Cafeteria.
This is the first time I heard him shouted like this. Well, what can I call it? Angry? That's impossible.
Napatahimik si Missy, hindi na siya makapagsalita. Wala na din siyang maidahilan dahil nakita siya sa akto ni Jenth.
"This is the last time na lalapit ka kay Natsumi and I don't want to see you na lumalapit sa kanya at pagsasalitaan siya ng hindi maganda! Now. Leave!" biglang nawala sa harapan namin yung tatlo at umupo na sa tapat ko si Jenth.
"Are you hurt?" agad na tanong nito sa akin.
"No, I'm fine."
Inayos na yung pagkain namin at nagsimula na kaming kumain.
"Buti naman ngayon nakausap na kita. Isang linggo din kitang hindi nakita at nakausap."
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Mukhang napansin niya atang ayaw ko siyang makausap.
"Madami lang akong ginagawa." palusot ko.
"Parang hindi naman. Kasi nung one time na tinanong kita sa mga pinsan mo, sinabi nilang nasa mansion ka daw at nagpapahinga."
"Baka yun yung nag-training ako ng archery." ramdam ko na ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Really?" tanong niya habang nakatingin ng deretso sa mata ko.
Huminga ako ng malalim at nakipagsabayan ako ng titigan sa kanya.
"Yes." sagot ko.
"Are you avoiding me?" nasamid ako sa tanong niya.
Paano ko sasabihin na ayaw ko siyang makita kasi may kung ano akong nararamdaman kapag nakikita ko siya? Idagdag pa yung eksenang nagbibigay kirot sa puso ko na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang ganung klaseng kirot.
"Bakit ko naman gagawin iyon?" kinakabahang tanong ko.
"I don't know. Pero feeling ko may nagawa ako kaya mo ako iniiwasan." nagtatampo ba siya? Guilty?
"Trust me, wala talaga. Hindi kita iniiwasan, madami lang talaga akong ginagawa." sana maniwala siya.
"Okay, if you say so." buti naman at naniwala.
Pagkatapos naming kumain, sumabay na siya sa akin papunta sa next subject namin.
Mabilis lumipas ang oras. He insisted to drive me home, but I keep on refusing. At dahil likas na makulit ang isang ito, napapayag niya ako.
At dahil feel at home siya, he assisted his self in the kitchen and get some food to eat. Parang kaniyang unit ito ah?
"Bilis mo naman makapagpalit ng damit?"
"Bilis mo din kumuha ng pagkain at manood ng movie dito sa unit ko." I sit next to him.
"Isang linggo kitang hindi nakita. Sabi mo dito ka lang? Bakit ka nawala ng isang linggo?" ang kulit ng isang ito.
"I already told you, madami akong ginagawa."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
"I miss you."

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    Changrace Apolinario

    It's sp good to read

    02/05

      0
  • avatar
    SubaldoEugene

    maganda ang klaslabasan

    24/02/2025

      0
  • avatar
    TejadaAdajet

    ganda😇🥰

    09/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata