Twenty Two

Jenthrix
"Nakahanda na yung press con." sabi ng Manager ko.
"Thanks Angela." sabi ko.
"Are you sure about this?"
"Para hindi na nila ako pag-initan."
Mabilis na kumalat ang balita na nakidnap kami ni Natsumi. Ang dami agad na gumawa ng kwento. Kaya first thing in the morning tinawagan ko agad ang Manager ko para magpatawag ng press con. Nung una, ayaw niya. Nung ipinaliwanag ko kung bakit, pumayag naman siya. Mabilis natapos yung press con. Ang daming tanong, nakaka-stress. Mahirap na baka lalong lumaki ang issue, may madamay pang iba dahil sa issue na iyon.
May nagtanong rin kung sino yung girl na kasama ko nung nangyari yung kidnapping. Hindi ko sinabi kung sino, sinabi ko nalang na mistaken identity ang nangyari. Feeling ko naman hindi kilala si Natsumi ng mga reporters. Pagkatapos nung press con, umuwi agad ako. May pupuntahan pa ako. Nang makapagpalit na ako ng damit, umalis agad ako. Wala naman si Kei sa bahay kaya walang nagtatanong sa akin kung anong nangyari.
Mabilis akong nakapunta sa pupuntahan ko. Nakita kong papaalis na yung dalawa. Sakto lang pala ang dating ko.
"Aalis kayo?" tanong ko dun sa dalawa.
"Ah, oo. May aasikasuhin pa kami."
Nandito ako ngayon sa hospital at kausap ko ngayon si Kenshin at Zy. Dinadalaw ko si Natsumi. Sabi ng doctor, over fatigue daw ang dahilan kaya bigla raw nahimatay si Natsumi, tapos mayroon din daw siyang lagnat, pero okay na naman daw si Natsumi.
Naki-usap yung dalawa kung pwede na ako raw muna ang magbantay kay Natsumi. Wala raw kasing magbabantay kasi may pasok daw yung Alexis tapos busy raw lahat ng tauhan nila sa bahay dahil anytime daw baka dumating daw ang Mama ni Natsumi. Dahil wala naman akong gagawin, pumayag na ako.
Ang laki ng kwarto, parang hotel sa ganda. Marami na akong nakitang ganito, pero mas maganda ito. Nakita ko si Natsumi na mahimbing na natutulog. Sa right side ng kama niya may table dun na puno ng prutas, pati yung gamot na iinumin niya. Sa left side naman, flowers, laptop, cellphone at dalawang sketch pad. Tiningnan ko yung sketch pad. Wala pang laman. Kinuha ko yung isa at naupo sa sofa. Nagsketch lang ako ng nagsketch hanggang sa antukin ako at makatulog.
Natsumi
Puting kisame? Nasaan ba ako? Umupo ako at napatingin sa suot ko. Hospital dress? Ano bang nangyari kagabi? Oo nga pala, nawalan ako ng malay. Paano ako nakapunta rito? Sumasakit lang ang ulo ko.
Sino yung nakahiga sa sofa?
Nilapitan ko yung nakahiga sa sofa. Buti nalang at may gulong yung sabitan ng dextrose.
Jenthrix?
Anong ginagawa ng mokong na ito dito?
Umupo ako, yung parang may kaharap kang batang nakatayo. Tiningnan ko lang siya. Sana lagi na lang siyang tulog. Kasi pagtulog siya mukha siyang angel. Matangos ang ilong, mahabang pilik-mata, mapulang labi at makinis na mukha. He's perfect.
Tinusok ko yung pisngi niya. Grabe ang lambot. Tinusok ko ng tinusok para magising. Napatigil ako kasi biglang gumalaw si Jenthrix. Ayaw mo talagang magising huh? Pinadaan ko yung daliri ko sa pilik-mata niya. Tingnan lang natin kung hindi ka magising. Lumayo ako ng konti kasi bigla siyang gumalaw patayo. Effective yung ginawa ko.
"Natsumi, you're awake. Bakit ka tumayo?" sabi niya habang kinukusot ang mata niya.
"Tiningnan ko lang kung sino yung nakahiga sa sofa. Akala ko kidnapper ulit." sabi ko habang naglalakad pabalik sa kama ko.
"Do you need something?"
"Nothing." sagot ko. "What are you doing here?" tanong ko.
"Binabantayan ka. At babantayan kita sa ayaw o sa gusto mo." sabi niya.
Mahirap makipagtalo sa taong ayaw magpatalo kaya hinayaan ko lang siya. Binuksan ko ang t.v at napanood ko yung interview ni Jenthrix. Buti naman hindi niya sinabi kung sino ang kasama niya nung nakidnap siya. Nilipat ko sa Myx music channel, nakakasawa na kasi ang news eh. Si Jenthrix naman, nagbalat ng apple at orange. May balak ata magfruit shake.
"Kumain ka ng prutas para mabilis kang lumakas." sabay abot sa akin ng plato.
Mabait rin naman pala ang isang ito. Pagkabigay niya sa akin nung plato, bumalik siya sa sofa at nagsketch ulit siya. Nung tanghali, nagpaalam siya na bibili lang daw siya ng lunch namin at mabilis siyang nakabalik, nakakahiya naman sa kanya. Wala ba siyang gagawin? Friday lang ngayon dapat pumasok siya.
"Wala ka bang gagawin ngayon? Dapat pumasok ka ngayon." sabi ko sa kanya. Katatapos niya lang ihanda yung lunch namin.
"Wala akong gagawin at wala rin namang gagawin sa room. Baka pag-initan pa akong tanungin tungkol kagabi kaya hindi na ako pumasok." sabi niya. "Oh, say ahh."
Napalayo ako ng konti. "Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"In return lang dahil kung hindi dahil sayo, hostage pa rin sana tayo hanggang ngayon." sabi niya at isinubo na yung pagkain sa akin.
Syempre dahil mabait ako, sinubuan ko rin siya... ng mas marami. Nakakatawa yung itsura niya, halos mabilaukan siya. Pagkatapos naming kumain, umalis ulit si Jenthrix. Pero this time, medyo matagal siyang nawala. Habang wala akong ginagawa, I opened my laptop. At dahil dinapuan ako ng katamaran, binalik ko yung laptop ko at natulog.
---
"Hey Natsumi, wake up. Time to take your medicine." narinig kong sabi ng gumigising sa akin.
"I need to sleep. 10 minutes." sabi ko.
"Babangon ka o bubuhatin kita?" pagkarinig ko nun automatic akong napaupo.
Pinahirapan ko siya sa pagpapainom sa akin ng gamot. Bahala siyang manigas dyan. Pero ang mokong, dinaan ako sa make face. Tawa ako ng tawa. Ang sakit na nga ng tiyan ko kakatawa. Ang dami niyang alam na make face.
"Enough. Okay na, tama na. I surrender. Iinumin ko na yung gamot. Baka mamaya nan mabinat pa ako." sabi ko habang pinapakalma ang sarili ko.
"Iinumin mo rin pala, pinahirapan mo pa ako." sabi niya.
"Sorry, sinasadya." sabi ko.
"Natsumi." seryoso na siya.
"Hmm?"
"Let's forget the game. Dapat hindi na kita pinatulan. Dapat inintindi ko na lang. I hope you can forgive me. And I hope we can be friends." sabi niya. Na-touch naman ako sa sinabi niya.
"Come here, may bubulong ako sayo." sabi ko.
"Ano yun? Aw! Aw! Natsumi! Aray! Masakit! Masakit! Tama na!" piningot ko nga sa tenga. Nakakagigil eh. Binitawan ko agad siya.
"Okay. Accepted. Friends." sabi ko kay Jenthrix na nakahawak sa tenga niya.
"Sorry." sabi ko.
Jenthrix
Nakakapagod pero masaya. May kulit rin palang nakatago ang isang ito.
Mahilig pala ito sa anime. Pinakita niya sa akin yung mga sketches niya and all of them was so amazing. Parang siya nga yung creator ng mga anime.
Dumating rin sila Kenshin at Zy dito sa hospital at may kasamang isang babae and her name is Alexis. She's beautiful, and cute. Hapon na rin silang dumating dito.
"Coffee?" sabi ni Kenshin sabay abot ng canned coffee.
"Thanks." sabi ko.
"You know what? Ngayon ko lang ulit nakitang tumawa at ngumiti si Natsumi ng ganyan. It's been five years since the last time I saw her smiling and laughing like that."
"Five years? Why?" tanong ko.
"May nalaman kasi siya na plano ng mga magulang niya para sa future niya and then umuwi siya dito sa Pilipinas." sabi ni Kenshin.
Napatingin ako kay Natsumi na nakikipag-usap kay Alexis. May ganun palang nangyari sa buhay niya.
At ano naman kaya ang nalaman niya?
It's past seven in the evening ng magpaalam ako na uuwi na ako. May pupuntahan pa ako kaya nagpaalam na ako.
"Ingat." narinig kong sabi ni Natsumi.
"Pagaling ka."sabi ko bago lumabas ng pinto.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    Changrace Apolinario

    It's sp good to read

    02/05

      0
  • avatar
    SubaldoEugene

    maganda ang klaslabasan

    24/02/2025

      0
  • avatar
    TejadaAdajet

    ganda😇🥰

    09/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata