logo text

CHAPTER 7

Our mom died when I was in high school and sadly, sobrang affected si Dad to the point na napabayaan na niya ang trabaho niya. Si dad ang gumawa ng lahat although napaka daming flaws but I know he tried and still keeps on trying na gampanan ng maayos ang role niya saming dalawa ni kuya
Akala ko nun okay na pero nag kamali ako, he was in lawsuit for medical malpractice dahil sa nangyari sa parents ni Khalil due to surgical errors at hanggang ngayon sinusubukan padin ni Khalil na i reopen ang case para makuha ang hustisya na para sa magulang nito
He hates my Dad that much at kung malalaman niya na anak ako ng taong kinamumuhian niya, maybe on that part wala na akong magagawa, his feelings is validated by that fact. Kaya kahit sandali lang, kahit konting panahon lang magawa ko yung bagay na matagal ko ng gustong gawin habang isinasantabi ang takot kapag nalaman na nito ang katotohanan
Call me selfish pero ito lang ang paraan na nakikita ko para wala akong pagsisihan sa buhay ko. It doesn't matter kahit masaktan ako, yun naman talaga ang mangyayari umpisa palang, gusto ko lang maramdaman yung mga bagay na pinagkait ko sa sarili ko ng matagal na panahon at yun ay ang makasama si Khalil kahit alam kong mali
It's already 3 pm ng makabalik ako ng ospital. Hindi dahil para kay Khalil pero dahil nakareceive ako ng tawag galing kay Daddy
"Daddy!" bati ko sa kanya ng makapasok ako sa office nito saka siya hinalikan sa pisnge
"Naabala ka ba anak?" tanong nito sakin kaya agad akong umiling
"Maayos naman na Dad yung botique kaya ayos lang po and you should be worrying about yourself Dad hindi kana pabata tandaan mo yan" narinig ko ang pag tawa nito kaya napailing nalang ako
"Dalaga na talaga ang anak ko" sabi nito saka ginulo ang buhok ko
"Dad! Matagal na akong dalaga no, alam kong gusto mo ng makasama si Mommy pero wag muna" sabi ko sa kanya kaya pinitik ko ang noo ni Daddy. Isa yun sa palaging ginagawa sa kanya ni mommy para ngumiti siya
Palagi itong umiiyak kapag nasa bahay kasi nakikita niya daw dun si Mommy, pakiramdam niya daw hindi niya tuluyang matatanggap na wala na ito kung mananatili siya dun kaya malimit itong umuwi ng bahay at mas pinipiling manatili sa opisina nito
"Hmp! Umuwi ka ng bahay at mag pahinga ka. Hindi tulugan ang lamesa at upuan. Aba nirarayuma kana at napapanot ganyan ka padin"
"Para sa inyo naman ito" sabi niya sakin
"Hay nako Dad nandyan naman si kuya. Leave everything to him okay?" sabi ko sa kanya pero mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko
"I won't let him manage this hospital hanggang hindi pa maayos ang lahat. Ayokong yung kuya mo ang sumalo sa lahat ng pag kakamali na nagawa ko. Ayokong sa inyo mapunta ang sisi, anak ko kayo, mahal ko kayo at gagawin ko lahat ng makakaya ko maprotektahan ko lang kayo" hindi ko alam pero bigla nalang tumulo yung luha ko. My Dad is a decent man at alam kong papanagutan nito ang kasalanang nagawa niya sa legal na paraan at kahit napa walang sala na siya hindi padin siya pinapatulog ng konsensya nya na may batang nawalan ng magulang dahil sa pagkakamali niya
Ilang beses sinubukan ni Dad na makausap si Khalil para humingi ng kapatawaran pero kahit kailan hindi nakipag ugnayan si Khalil sa kanya
"Malalaki na kami Dad, mas gugustuhin naming mag enjoy ka naman sa buhay mo hindi yung puro nalang kami ang nasa isip mo"
"I know, I know, balita ko nasa ospital daw natin yung kaibigan mo. Maayos na ba siya?" tanong sakin ni dad kaya tinanguan ko siya. Hindi niya alam na si Khalil yun dahil I'm sure mas makakagulo lang sa nangyayari pag nalaman pa to ni Dad
"Actually Dad dadaanan ko nga siya bago ako umuwi ng bahay ngayon" sabi ko kay Dad saka pinakita ang mga dala kong prutas at bulaklak na para kay Khalil
"That's good. Drive safely okay?" sabi nito bago ako niyakap, tumango naman ako sa kanya bago nag salita
"Thanks Dad, Mauna na po ako ha? Umuwi kayo at magpahinga sa bahay. Malulungkot si Mom kapag nakita niyang wala ng nag babantay sa mahal niyang bahay sige kayo" tumawa pa ako bago tuluyang lumabas ng pintuan para dalawin si Khalil
Masaya akong naglalakad papasok sa kwarto kung nasaan si Khal ng makita ko itong nakahiga at mukhang natutulog kaya naman maingat at dahan dahan kong inilagay sa lagayan ang mga prutas na binili ko bago ako pumunta malapit sa kanya
"CJ?" His voice is deep at halata mong bagong gising lang
"Sorry, nagising pa ata kita" I smiled and look at him apologetically
"Hindi ayos lang"
"Alam mo Khal ang boring siguro ng ganito no? Gusto mo bang mag lakad sa labas bukas?" hindi ito sumagot at mukha atang walang balak lumabas
"Maganda ang hangin at sikat ng araw sa recovery mo, sige na, kasama mo naman ako" I heard him sigh
"Oo na ba yan?!" excited na tanong ko sa kanya
"Yeah basta hindi mo ako bibitawan" makahulugan nitong turan
"Hinding hindi"
"Mangako ka muna" sabi ni Khalil sakin
"Dapat pa ba yun?" tanong ko sa kanya
"Oo naman! Importante ang pangako sa mga taong pinag kakatiwalaan natin" napangiti ako sa sinabi nito
"So, you trust me?" tanong ko sa kanya
"Oo, wala ka namang tinatago para hindi kita pag katiwalaan diba? and besides I can feel that you're a good person CJ" sabi nito sakin na naghatid ng kirot sa puso ko
Dapat ba talaga niyang pagkatiwalaan ang kagaya ko na sobrang daming tinatago sa kanya?
Mabuti ba talaga akong tao?
Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kanya
"CJ? Nandyan ka pa ba?" napasinghap ako ng makabalik ako sarili ko
"Ah O-Oo may naisip lang ako" sabi ko sa kanya saka siya pinag balatan ng orange
"Ano naman yun?" tanong nito sakin
"Wala, mga kung ano anong bagay lang" nagkibit balikat naman siya sa sinagot ko
"Kagaya ng?"
"Kung mabuti ba akong tao, mga ganun" iniabot ko sa kanya yung orange ng matapos ko itong balatan
"You shouldn't be thinking that way on yourself CJ. The mistakes we often commit doesn't define who we really are"
"I never imagine you're this kind of person Khal"
"Care to share?" nag kibit balikat nalang ako at umupo sa kama niya
"We aren't close Khal. You're more of snob, grumpy and cold hearted jerk back then" he laughed at what I said
"I'm still that jerk then, I don't want anyone attention, I want to be alone but, things are different now CJ"
"You're getting talkative as days go by Khal"
"Madaldal ka kasi" tinawanan ko siya. So naiimpluwensyahan din pala siya kagaya ng normal na tao
"Ganun talaga, so bukas mag lilibot tayo okay?"
"Oo nga" ngumiti ako sa naging sagot niya
"Tapos kapag pwede ka ng lumabas ng ospital gagala din tayo!" masigla kong sabi sa kanya
"What? I didn't even agree on that!"
"Pumayag ka kaya" I rolled my eyes at him
"Desisyon ka girl?" lumakas yung tawa ko dun sa salitang lumabas sa bibig niya
"Hahahah san mo naman nakuha yang salita nayan?"
"I heard it sa mga nurse why? Something wrong?" tanong nito sakin pero panay padin ang tawa ko
"Hahaha bagay pala sayo"
"The hell?" halos mag salubong na ang kilay nito ng magsalita siya
"Isa pa nga ulitin mo"
"No" mariing sabi nito
"Dali na Khal" hinawakan ko ang braso niya at inalog alog siya
"Hindi nga! Ang kulit" sabi nito saka inalis ang mag kaka hawak ko sa braso niya
"Damot" nangusong sambit ko sa kanya

Komento sa Aklat (89)

  • avatar
    Can you please sa romaGma

    hvk

    05/07

      0
  • avatar
    Roldan James

    good

    12/11

      0
  • avatar
    Elizabeth Barbarona

    I like the story

    16/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata