I was sulking, looking at the ceiling while listening to Colors of Haley. It was already three days simula nung nalaman kong niloloko lang pala ako ni Khalil and I'm doing my best not to hold those negativities in my heart and mind. Hindi ako galit kay Khalil for what he did, there's no one to blame, at dahil binigyan ko siya ng puwang sa buhay ko, naka depende na sa kanya kung anong gagawin niya sa puso ko and sadly he chooses to use my love for him to satisfy his own intentions. Sa madaling salita, binigyan ko siya ng karapatan kasi nagtiwala ako. Kung gusto kong magalit, sa sarili ko yun kasi hinayaan ko siyang gawin yun sakin. Hindi ko man lang nagawang makinig kay Claude noon dahil lang sa lintik na pagmamahal na 'to. It feels like I'm empty, namimiss ko na si Elle at si Chase nawala na ang maiingay instead, I was stuck with Aries na isang tanong isang sagot lang. Swerte na ngang lingunin ka niya. Madalas parang hangin lang ang kausap ko kapag kasama ko siya. Napabuntong hininga ako habang tumitingin ng mga post sa IG. Hindi padin nakakapag online si Elle habang si Chase naman hindi pa din nagrereply sa message ko matapos niyang umalis 'I wanted to end my relationship with Khalil as soon as possible. If he really wants to be with her then be it' Hindi naman kawalan ang ganung klaseng tao pero masakit padin. Sana hindi ko nalang sinagot yong walang hiyang yon! Puro lang naman sakit sa puso ang binigay sakin. Matapos iparamdam na importante ako biglang parang hindi na naman ako nag eexist sa kanya. Ni hindi nga nagtext or tumawag, kung hindi ko pa alam na niloloko niya ako baka mukha padin akong tanga na nakatunganga at naghihintay sa pagbabalik niya habang pinanghahawakan ang mga kasinungalingang sinabi niya. Tinitingnan ko ang singsing na binigay sakin ni Khalil. 'May pa propose propose ka pang nalalaman tangina ka! Palunok ko sayo 'tong singsing mo eh' Tinanggal ko ang singsing sa daliri ko saka ito binato sa may pintuan nang bigla naman itong bumukas. "What the?!" nakita ko ang pagtalim ng tinggin sakin ni Aries habang nakahawak sa noo niyang tinamaan ng singsing na binato ko. "Bakit ka ba kasi nakaharang dyan sa pintuan?" iritang tanong ko sa kanya. "Ako pa? Kasalanan ko pa talaga? You're crazy" asik niya saka ako sinamaan ng tingin. "Edi sorry na!" singhal ko sa kanya pero hindi man lang niya ako tiningnan dahil sa sahig siya nakatingin "Sorry na nga" kinulit ko pa siya saka ngumiti. Pinulot ni Aries yung singsing saka ito pina-katitigan "Who, gave you this?" kunot noong tanong nito sa akin. "Your brother" sabi ko sa kanya saka siya inirapan. "Obvious naman tinatanong pa alangan namang binigay ko sa sarili ko" bu-bulong bulong na sabi ko nang paningkitan niya ako ng mata 'Hmp pasalamat ka talaga pogi ka' "Are you saying something?" baling nito sa'kin. "Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko "Wala ah!" lalo pang nanliit ang mata ni Aries habang tinitingnan ako bago siya tumalikod sakin. "Crazy" sabi ni Aries saka pabagsak na isinara ang pintuan paglabas niya. 'May anger management issue ata ang isang yun. Ang lala ng sapak' Napailing nalang ako habang nakatanaw sa pintuan kung saan lumabas si Aries. 'Pumasok lang saglit tapos lumabas ulit. Anong klaseng pag bisita yon?' I smiled as I felt the relief succumb me, I'm happy that finally, I'm starting to move forward. Khalil lying on me is already big deal kung tama nga ang hinala ko. Kaya pala minsan pakiramdam ko nakakakita siya, he can cook properly, wash dishes and many other things nang walang aksidenteng nangyayari. Under observation ang mata niya pero hindi na siya bumalik sa ospital dahil ayaw niya daw. Natakot lang pala ako sa wala, those feelings I felt for him faded nang marealize ko na nakakaalala talaga siya at hindi lang si Zoe ang naaalala niya. 'I have this theory na Khalil don't remember all the people he knew mula noong naaksidente siya and unfortunately habang binabanggit si Zoe ay unti-unting nabuo na ang alaala niya. I'm in love with him but, he's in love with me thinking I'm Zoe and when he finally met Zoe ay nabigyan na nang linaw ang lahat ng maling paniniwala at nararamdaman niya para sa akin. Imbes na tumigil ay ipinagpatuloy niya ang relasyon namin making me believe that, what he felt for me is genuine para gamitin ako laban kay Daddy. He played his cards right but he trusted the wrong person' Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip ko kung ano ang posibleng gawin ni Khalil. Pagkalipas ng tatlong oras ay bumalik na naman si Aries sa sa kwarto ko. "Oh anong kailangan mo?" mataray na tanong ko sa kanya. "Tch" umupo lang siya sa upuan malapit sa higaan ko at saka nagpipipindot sa phone niya. Pwede bang si Chase nalang ang magbantay sa akin dito? Lalo lang ata akong magkakasakit kung si Aries ang magbabantay sa akin. "Aries!" pabulong na tawag ko sa pangalan niya. Agad naman siyang lumingon sa'kin saka ako tinaasan ng kilay, saka bumalik sa kung ano man ang ginagawa niya sa phone. 'Sunget amp!' Kinalabit ko pa si Aries para tumingin siya ulit sa'kin. "Naiihi na ako" mahinang sabi ko kaya tumayo siya at agad ibinulsa ang phone niya. 'Ihing ihi na talaga ako jusmiyo!' Panay ang pigil ko sa ihi ko na wag munang lumabas ng biglang maglakad papuntang pintuan si Aries. 'Ano yun? dededmahin niya nag tawag sakin ng kalikasan? Hindi pwede!' "Hoy saan ka ba pupunta?!" malakas na sigaw ko habang iniipit ang dapat ipitin wag lang maihi. "I'll call the nurse" napabuga nalang ako ng hangin dahil sa sinabi ni Aries, ihing ihi na ako tatawag pa ng sasama sakin sa CR eh nandyan naman siya. "Naiihi na nga ako!" "I know, I'm calling the nurse" akmang hahakbang pa ulit ito papunta ng pintuan nang muli akong sumigaw. "Buhatin mo na lang ako papunta ng CR! Hindi ko na talaga kaya Aries!" nakita ko ang pagkunot ng noo ni Aries bago ako lapitan. Malakas pa itong bumuntong hininga na sinundan ng malalim niyang paghinga bago ako buhatin. "Bilis! buksan mo yung pinto" natatantang sabi ko kay Aries. 'konti nalang maiihi na ako!' Iniupo niya ako sa toilet bowl pagkatapos ay lumabas ito ng CR habang pulang-pula ang mukha. 'Ano bang nangyari dun?' nagkibit-balikat nalang ako at ginawa ng dapat kong gawin. Matapos kong umihi ay sinubukang kong tumayo mag-isa. "Hooo! Sa wakas" malakas na sabi ko matapos kong makatayo gamit ang isang paa. "Tapos ka na?" tanong sa'kin ni Aries "Yep" mabilis na sagot ko saka ko binuksan ang pintuan. Agad na kumunot ang noo ni Aries ng makita niya akong nakangiti sa harapan niya. "You should've called me Chloe. Baka mapwersa pa ang paa mo sa pagtayo" iniangat ko na ang braso ko kaya lumapit naman siya kaagad sa akin. Inilagay ko din ang kamay ko sa leeg niya para mabuhat niya ako nang maayos. Marahan niya naman akong inilapag sa hospital bed ko. "Salamat Aries" I smiled at him pero, tinanguan niya lang ako. Inayos niya dun ang upuan niya saka siya umupo sa gilid ng bed ko. Kinuha agad ni Aries ang phone niya at saka nagpipipindot dun. Mukhang busy talaga siya. "Aries" pukaw ko sa kanya. "Hmm?" hindi manlang siya tumingin sa akin at abala lang sa kung ano mang ginagawa nito sa phone niya. "You can go home if you're busy" tiningnan niya lang ako sandali bago muling tumingin sa phone niya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hvk
05/07
0good
12/11
0I like the story
16/03/2025
0Tingnan Lahat