logo text

CHAPTER 14

Tahimik lang si Khalil sa byahe ng biglang mag ring yung phone ko. Napairap ako ng makita na tumatawag sakin si Clyde
["Ate bunso nasan ka?"] masiglang bati nito sa kabilang linya. This man never really failed pissing me
"Bakit ba tumawag ka?"
["Pwede bang makitulog sa condo mo"]
Hindi alam ni Clyde na nasa condo ko si Khalil at kapag nalaman niya yun malalagot talaga ako
"Hell no!"
["Chloe wala na akong matutuluyan"]
"What?"
["Isang gabi lang naman eh pumayag kana"]
"Hindi nga pwede!" ang kulit kulit talaga ng lalaki na to sinabi ng hindi pwede nangungulit padin
["Sige na please"]
Hindi na ako sumagot pa kay Clyde at binabaan ko nalang siya ng tawag. Pinatay ko din ang phone ko dahil alam kong tatawag lang ulit siya sakin para mag reklamo dahil pinatayan ko siya ng tawag
"Who's that?" tanong sakin ni Khalil kaya agad akong napatingin sa kanya. Nakalimutan kong katabi ko nga pala siya
"Si Clyde" sabi ko sa kanya pero mukhang hindi naman siya interesado dahil hindi na siya sumagot sa sinabi ko
Tahimik lang siya at wala sa mood hanggang makarating kami sa mall na hawak hawak ko ang kamay niya kaya kinuha ko yung white cane niya at nilagay yun sa sling bag na dala ko
"Bakit mo kinuha?"
"Hahawakan ko nalang ang kamay mo habang nandito tayo para hindi ka mawala"
"Sige" wala talaga siya sa mood bakit ba pabago bago ang mood ng isang to
"Dala mo yung Debit Card mo?" tanong ko sa kanya
"Yes" sabi niya saka niya iyon inabot sakin
"Tara bili tayo ng damit mo" hinatak ko siya habang papasok kami sa bilihan ng damit. He only got a few shirt and short kaya naisipan kong bilhan siya ng damit and besides I would love seeing him wearing polo shirts
"Wag na" tumigil siya sa pag hakbang pero hinihila ko pa din siya
"Good Morning po Ma'am" bati sakin ng sales lady ng makapasok kami sa loob ng boutique
"Good morning din po can I see your newly released mens clothes?" sinundan ko ang saleslady habang hatak hatak ko padin si Khalil
"Para po ba sa boyfriend niyo?" napa baling ang tingin niya kay Khalil
"Ah Hind-"
"Yes, it's for me" napa tigil ako sa pag sasalita at agad akong napa tingin kay Khalil. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya saka nagsalita
"Hi boyfriend ko" I chuckled bago ko kinuha yung damit na hawak ng saleslady saka iyon itinapat kay Khalil para tingnan kung bagay ba yung mga damit na yun
Kahit ano atang ipasuot ko sa lalaki na to walang problema. Ang ganda magdala ng damit eh
I don't know if he's serious pero sinakyan ko nalang ang sinabi niyang girlfriend niya ako. Hindi ko dapat ginagawa to pero masaya ako sa nangyayari
"Ang gwapo ng boyfriend niyo Ma'am bagay na bagay po sa kanya yung mga damit" nginitian ko nalang yung saleslady saka ko tiningnan si Khalil.
How I wish boyfriend ko talaga tong mokong na to. Too bad it wasn't the case
Lumapit ako kay Khalil saka hinawakan ang kamay niya
"Tara boyfriend ko samahan moko" he laughed before he started walking
"Boxer or Brief?" Tanong ko sa kanya ng tumapat kami sa mens underwear. Nasanay nadin si Khalil  sa mga diretsong tanong ko.
Hindi ako yung tipo ng babae na paligoy ligoy at pabebe sa salita kung anong lumabas sa bibig ko yun na yun
"Boxer please dark colors only" napangiti ako sa sagot niya, I prefer that too
"Alright coming boyfie"
"Thanks, best girlfriend ka talaga" napangiti ako sa kanya bago ako magsalita
"Tama na nga to baka maniwala na kong girlfriend moko" hinatak ko na ulit siya para mag lakad na kami papunta dun sa saleslady ba nasa counter malapit pero bigla siyang huminto
"Bakit Khal?"
"Then do that, make yourself believe na girlfriend kita I'm willing to do the same CJ" napanganga nalang ako ng marinig ko ang sinabi niya
"Wait bayaran muna natin yung binili natin tapos kumain tayo at baka gutom ka lang" hindi siya kumibo kaya hinatak ko nalang siya papuntang counter
Iniabot ko na yung Debit Card ni Khalil sa cashier para barayaran yung mga hawak hawak ng saleslady na nag assist samin kanina
"Kindly enter your pin Mr. Martinez" sabi nung cashier. Nakita ko na napatingin sa direction namin yung iba pang saleslady at kabilang teller ng cashier
Lumapit ako kay Khalil saka bumulong "Hala yung pin daw Khal, naaalala mo ba?" tanong ko sa kanya ng marinig kong tumawa siya
"Hoy Khalil dalian mo pin daw nag aantay si ate" sabi ko ng bigla akong kinalabit ng saleslady na nag assist samin kanina
"Khalil Martinez po ba ang pangalan ng boyfriend niyo maam?"
"Ah opo ate. Sandali lang po sa pin ah pabebe po kasi yung kasama k-" napatigil ako sa pag sasalita ng hatakin ako ni khalil papalapit sa kanya
"Pag pumayag kang maging girlfriend ko sasabihin ko sayo" I look at him in disbelief. Seryoso ba talaga tong lalaki na to
"Maam matagal pa po ba? May nag aantay pa po kasi napakatagal niyo po" reklamo ng babae na nasa Cashier kaya napakamot ako ng ulo
"Oo na! Oo na! Pambihira anong pin mo" sabi ko sa kanya saka tumingin sa tao na nasa likuran ko na masama ng tingin sakin
"0817" sabi ni Khalil sa tenga ko saka hinawakan ang bewang ko. Matinde nakahawak agad sa bewang tong mokong nato
"Pasensya na p-" tinulak ako ng babae na nasa likuran ko kaya naaptigil ako sa pag sasalita. Mabuti nalang nakahawak si Khalil sa bewang ko at hindi ako natumba sa pag kakatulak niya
Hindi naman malakas yun pero kapag hindi mo inaasahan ang mangyayari madaling ma out of balance
"Unahin mo na ako! mukha namang walang pambayad ang mga yan dito pa namimili"
"Miss, mind your words" hinawakan ko ang kamay ni Khalil para patigilin siya ayokong makahanap ng kaaway dito sa mall mapapagalitan ako ni Daddy pag nakarating sa kanya yun
"Your ruining the image of this botique hindi kayo nababagay dit-"
"What's happening here?" it was the manager of this boutique
"Can you get this trash out of this place?" maarteng sabi ng babae na nakaturo sakin
"You don't have the right to say that to me bitch!" agad kong sinampal ang babae na ikinagulat naman nito. Napahawak ito sa pisngi niya at akmang sasalpalin ako pero agad kong pinigilan ang kamay niya para sampalin siya sa kabilang pisngi
Hindi porket hinayaan kong siyang itulak tulak ako di ko siya papatulan. Hahawakan na sana ako ng saleslady ng magsalita ang manager
"I'm sorry for the commotion Mr. Martinez, we aren't informed that you're coming here today" nagtataka akong tumingin kay Khalil at dun sa manager
"It's okay I'm with my girlfriend now and ruining our time together is the last thing I want in this world"
"Kasama niyo po pala si Maam Zoe. Pasensya na po sa abala and you don't need to pay for this sir here's your card po, Thank you po"
Kasama niyo po pala si Maam Zoe
Kasama niyo po pala
si Maam Zoe
Paulit ulit ko na naririnig ang sinabi ng manager ng boutique. This serves me right. I'm just a replacement after all. Mapait akong ngumiti bago kinuha yung paperbag at ang card sa manager
Matapos nung nangyari wala sa sarili akong lumabas ng boutique habang hawak hawak ang paperbag sa kanang kamay ko at hawak naman ni Khalil ang kaliwang kamay ko
I'm just her shadow at kahit anong gawin ko  hindi ko mababago yun

Komento sa Aklat (89)

  • avatar
    Can you please sa romaGma

    hvk

    05/07

      0
  • avatar
    Roldan James

    good

    12/11

      0
  • avatar
    Elizabeth Barbarona

    I like the story

    16/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata