Chapter 39

WALA NA talaga, kinalimutan na ako ng aking best friend na si Logan Jaxx. Hindi na nga niya ako pinatawad sa nagawa ko na 'yon, hindi na niya ako pinapansin at pinutol na talaga niya nang tuluyan ang aming komunikasyon sa isa't isa. Nangyari na talaga ang mga kinakatakot ko..." nakangusong sabi ni Sassie Jane isang hapon nang magkita sila sa isang coffee shop, mababakas sa mukha niya ang lungkot na nadarama ngayong tuluyan na nga siyang talikuran ni Logan Jaxx na best friend niya.
"Well, hindi naman natin siya masisisi, eh. 'Wag kang mag-alala nandito naman ako sa tabi mo, nandito ako sa 'yo kahit ano man ang pagdaanan mo sa buhay mo. Magkaibigan kaya tayong dalawa, 'di ba? Hayaan mo muna ang best friend mo na si Logan Jaxx, just give him more time. Kakausapin ka pa rin niyan, imposibleng hindi, eh. Ang tagal n'yo nang mag-best friends na dalawa. Palamigin n'yo muna ang mga nangyaring 'yon, tiwala lang. Ngayon lang 'to kasi nga bago pa, pero kapag nakapagisip-isip na ang best friend mo at medyo nakalimutan na niya ang mga nangyaring 'yon, babalik pa rin siya sa 'yo. Mag-best friends kayong dalawa, 'no?" sagot naman ni Johanna kay Sassie Jane bilang pampalubag loob niya sa kaibigan kahit kaunti man lang.
Marahas na bumuntong-hininga si Sassie Jane bago sumagot sa kaibigan niya.
"Sana nga ay ganoon ang mangyari, eh. Sana talaga ay bumalik pa kami sa dati ng best friend ko na si Logan Jaxx. Tanggap ko naman na 'tong nangyari sa aming dalawa," nanlulumong sabi ni Sassie Jane sa kaibigan niya, nakanguso pa rin siya.
"Tiwala lang talaga ang kailangan at taimtim na pagdarasal sa panginoon ang kailangang gawin, eh. Sigurado ako na magiging maayos rin ang lahat kahit sa tingin mo ay imposible. Tiwala lang talaga, malalampasan mo rin ang pagsubok na 'to. 'Wag ka na ring malungkot dahil nandito ako sa tabi mo palagi," sabi pa ni Johanna sa kanya upang hindi na siya malungkot. Tumango-tango naman pagkatapos si Sassie Jane pagkasabi ng kaibigan niya na si Johanna.
Johanna was always there for her friend, Sassie Jane so she felt not alone. Sassie Jane focused herself on her studies, but she can't control herself not to miss her best friend, Logan Jaxx.
Araw-araw ay umaasa siya na magiging maayos silang dalawa at nagbabakasakaling puntahan man lang siya ng kanyang best friend kahit imposible na ngang mangyari 'yon. Tanggap naman na niya ang nangyari kaya hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang 'yon. Kung iisipin ay may magandang naidulot naman ang ginawa niya dahil nailayo na niya ang kanyang best friend na si Logan Jaxx mula sa babaeng 'yon na si Cassandra na niloloko at ginagamit lang ang binata na best friend nga niya. Nawala na rin ang mga lihim na nasa puso niya na araw-araw nagpapabigat sa kanya. Ang malungkot lang ngayon ay wala na ang kanyang best friend na si Logan Jaxx, tinalikuran na siya nito na nangangahulugan na tapos na ang kanilang pagiging mag-best friends na dalawa. Isa pa sa mga nakakalungkot ay galit pa rin ito sa kanya at hindi siya pinapatawad sa nangyaring 'yon.
Umaasa pa rin talaga siya na isang araw ay magiging maayos silang dalawa ng best friend niya kahit imposible na mangyari pa 'yon.
Sa mga nangyaring 'yon hindi puwedeng tumigil si Sassie Jane sa buhay kaya tuloy pa rin siya kahit may dinaramdam na sakit ngunit hindi naman na 'yon mabigat kagaya dati ng hindi pa nga nalalaman ng best friend niya na may lihim siyang pagtingin dito, kahit papaano ay nakahinga na siya nang maluwag. Handa pa rin niyang tanggapin muli ang kanyang best friend na si Logan Jaxx kung sakali man ngang puntahan siya nito at makipag-ayos sa kanya na kung iisipin ay wala naman talaga siyang kasalanan sa mga nangyari.
Mahal na mahal niya ito at hindi niya makakalimutan ito kahit ano pa ang mangyari.
"Hoy! Tulala ka naman d'yan! Nakarating ka na ba ng Amerika ha?!" biglang sita ni Johanna kay Sassie Jane na natutulala at para bang lumilipad ang isip habang umiinom sila ng milk tea, nasa labas ang mga mata nito kung saan kaharap nila ang glass wall at kita nga nila ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada at mga taong naglalakad sa labas.
Kumunot ang noo ni Sassie Jane at mabilis na iniangat ang tingin sa kaibigan niya.
"A-Amerika ba? Wala ako sa Amerika, nandito ako sa Pinas," wala sa huwisyong sagot ni Sassie Jane kay Johanna na nakaawang ang mga labi. Natawa tuloy ang kaibigan niya na si Johanna sa facial expression niya, kumunot pa lalo ang noo ni Sassie Jane.
"Ba't tulala ka, ha? Ang layo ng iniisip mo, lumilipad, eh. Lahat ay kaya nang liparin para makarating sa ibang bansa kagaya ng Amerika. Akala ko nga sa layo nang iniisip mo ay nakarating ka na sa Amerika," natatawang sabi ni Johanna sa kanya.
"Hindi! Baliw ka talaga!" singhal ni Sassie Jane kay Johanna na kaibigan niya na tumatawa pa rin.
"Hindi ka naman mabiro! Hahaha!" tumatawa pang sabi ni Johanna sa kanya.
"Baliw ka talaga!" singhal pa ni Sassie Jane. Mayamaya ay naging seryoso na ang mukha ni Johanna at nagtanong na kung bakit siya natutulala na ang layo ng iniisip.
"Ba't ka ba natutulala, ha? Sino ba ang iniisip mo ngayon?" tanong nga sa kanya ni Johanna. Napanguso si Sassie Jane ngunit mabilis naman siyang sumagot sa tanong na 'yon sa kanya.
"Wala."
"Anong wala ha? Imposibleng wala, eh. Iniisip mo pa rin ba ngayon si Logan Jaxx?" tanong pa ni Johanna at tumango naman kaagad si Sassie Jane. Hindi nga talaga nagkamali si Johanna sa inaakala niya.
"Oo. Siya nga ang iniisip ko kaya ako natutulala na nakita mo," malungkot na pag-amin ni Sassie Jane.
"So, araw-araw mo pa rin ba siya na naiisip ha?" usisa pa ni Johanna sa kanya.
"Oo, malamang. Maiisip ko talaga siya araw-araw. Minu-minuto pa nga, eh. Alam mo ba sobrang miss na miss ko na siya. Gusto ko nang masilayan ang mukha niya," sabi pa ni Sassie Jane.
"Daig mo pa ang in love niyan. Oo nga pala, 'no? In love ka pala sa best friend mo kaya ganyan na lang ang nararamdaman mo sa kanya. So, gusto mo ba ulit pumunta tayo ng bar?" nakatinging sabi ni Johanna sa kanya.
"Sa bar?"
"Oo. Ayaw mo ba? Kapag pumunta tayo ulit doon baka makalimutan mo kahit saglit ang best friend mo at hindi mo siya maisip minu-minuto. Gusto mo ba, ha?" Umasim ang mukha ni Sassie Jane sa tanong na 'yon ng kanyang kaibigan kung gusto ba niya na pumunta ulit sila sa bar.
"Huwag na muna ngayon, ayaw ko pa pumunta sa bar..." nakangusong tanggi ni Sassie Jane.
"Bakit naman?" Napakibit-balikat si Sassie Jane at pagkatapos ay nagsalita.
"Basta, ayaw ko muna pumunta sa bar. 'Wag na muna ngayon, maraming oras pa naman para pumunta ng bar, eh," nakanguso pa ring sagot ni Sassie Jane kay Johanna na hindi naman na nag-usisa pa sa kanya. Natahimik silang dalawa ilang minuto ngunit mayamaya ay nagsalita naman si Sassie Jane.
"Sa tingin mo ba ay nami-miss ako ng best friend ko na si Logan Jaxx?" Napanguso tuloy si Johanna sa tanong na 'yon ng kaibigan niya.
"Hindi ko alam, baka posibleng nami-miss ka rin niya at puwede rin naman na hindi, eh," sagot ni Johanna sa kanya at napanguso pa ulit si Sassie Jane.
Nang ma-proseso 'yon ng utak ni Sassie Jane na sinabi sa kanya ni Johanna na kaibigan niya ay saka lang siya napatango.
"Tama ka sa sinabi mo, puwedeng hindi at puwede namang oo na nami-miss niya rin ako. Pero sa tingin ko ay nami-miss niya rin ako...imposible naman na hindi, eh. Ilang taon kaming mag-best friends na dalawa at matagal-tagal na rin naman ang pinagsamahan naming dalawa kaya mami-miss rin ako niya sigurado," hirit na sagot ni Sassie Jane na posible ngang nami-miss rin siya ng best friend niya na si Logan Jaxx lalo na at may pinagsamahan silang dalawa bilang mag-best friends.
Nginitian lang siya ng kanyang kaibigan na si Johanna at hindi na nagsalita pa.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    YansonBernadette

    jusko ang tagal bago magka aminan ng feelings! worth it nmn s dulo ❤️

    04/08/2024

      0
  • avatar
    Chen Rabaya

    I love itq

    28/05/2023

      0
  • avatar
    Dean Ayvan Puchero

    hi hahdbf

    27/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata