Chapter 24

HANGGANG sa makauwi si Sassie Jane sa kanyang condo unit ay hindi siya makapaniwala sa nalaman nga niyang 'yon mula sa pinsan ng best friend niya na si Logan Jaxx. Paniniwalaan ba niya 'yon na sinabi sa kanya ni James na may gusto ito sa kanya na tinatanong pa siya kung gusto ba niya na ligawan siya nito? Wala siyang nasagot sa tanong na 'yon.
Kaya naman kinabukasan ay pinaalam niya sa kaibigan niya ang tungkol dito. Nagulat nga si Johanna dahil sa sinabi niya ngunit may halong pagkakainggit ito sa kanya. Hindi lang pinahalata ni Johanna kay Sassie Jane.
"Talaga ba? May gusto siya sa 'yo? Nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sa 'yo kagabi?" hindi rin makapaniwala na sabi ni Johanna kay Sassie Jane.
"Oo. Sinabi niya talaga 'yon sa akin kagabi habang kaming dalawa lang ang nag-uusap at ikaw naman ay busy sa pagkikipag-usap sa mga pinsan mo," kumpirma ni Sassie Jane sa kaibigan niya na naiinggit pa rin sa kanya.
"Tapos ano ang sinabi mo sa kanya?"
"Wala. Ang sabi ko lang ay hindi ko alam nang tanungin niya ako kung gusto ko ba raw ba na ligawan niya ako. Iyon lang ang sinabi ko sa kanya," nakangiwing kuwento ni Sassie Jane.
"Wala nang iba pa?"
"Oo. Iyon lang talaga nahihiya na tuloy ako sa kanya," sabi pa ni Sassie Jane.
""Wag kang mahiya sa kanya! Siya ang umamin na gusto ka niya at hindi ikaw! Pasalamat ka nga dahil may nagkakagusto sa 'yo sa akin nga wala," naiinggit na tugon ni Johanna sa kanya.
"Meron nga pero hindi ko naman mahal, eh. Hindi ko rin gusto, so ano ang gagawin ko ngayon? Paano kung magkita ulit kami at 'yon muli ang tanungin niya sa akin kung gusto ko raw ba na ligawan niya ako?" nakangusong sambit ni Sassie Jane.
"Alam mo sa totoo lang madali lang naman 'yan, eh."
''Huh? Paano naging madali 'yon? Ano ba ang sasabihin ko sa kanya?"
"Dalawa lang naman ang puwede mo na isagot sa kanya. Oo o hindi naman lang, eh. Napakasimple lang. Kung ayaw niya na ligawan ka sabihin mo hindi at kung gusto mo naman ay sabihin mo ay oo. Iyon lang!"
Napangiwi muli si Sassie Jane pagkasabi ng kaibigan niya na si Johanna. Napabuntong-hininga na lang siya at hindi na sumagot pa.
Nalaman ni Logan Jaxx ang tungkol doon na umamin na si James ng kanyang nararamdaman sa best friend niya na si Sassie Jane. Nalaman 'yon niya dahil sa isa pa nila na pinsan na si Rafael. Hindi sinabi ni James ang tungkol doon, nagtataka si Logan Jaxx kung bakit hindi 'yon niya alam at hindi pinaalam sa kanya ng pinsan niya. Dapat alam niya 'yon dahil best friend niya ang natitipuhan ng kanyang pinsan hindi mangagaling sa iba pa nilang pinsan.
Isang gabi ay pumunta muli si Logan Jaxx sa condo unit ni Sassie Jane para tanungin ito tungkol sa nalaman niya.
"Kumusta, bes?" tanong ni Logan Jaxx kay Sassie Jane.
"Okay naman ako, bes. Ikaw?"
"Okay rin naman ako, eh. Ilang araw na lang ay magsisimula na ang second semester, 'no?" sabi naman ni Logan Jaxx sa kanya.
"Oo nga, eh. Huling semester na 'to bago tayo magtapos," sabi pa ni Sassie Jane sa best friend niya.
"Tama ka, bes," sabi ng binata."May tanong nga pala ako sa 'yo..."
Tumaas ang isang kilay ni Sassie Jane sa sinabi ni Logan Jaxx.
"Huh? Ano ang itatanong sa akin?"
Bumuntong-hininga muna si Logan Jaxx bago nagsalita sa kanya.
"May naririnig kasi ako na nagtapat raw sa 'yo ng kanyang nararamdaman ang pinsan ko na si James. At isa pa ay gusto ka raw niyang ligawan. Gusto ko na tanungin ka kung totoo ba 'yon?" tanong nga ni Logan Jaxx sa kanya.
Bahagyang natigilan si Sassie Jane sa sinabing 'yon sa kanya ng best friend niya.
"Kanino mo ba nalaman 'yon ha?" mahinang tanong ng dalaga kay Logan Jaxx na seryosong nakatitig sa kanyang mga mata.
"Sa pinsan ko na si Rafael. Totoo ba 'yon na nagtapat ng kanyang tunay na nararamdaman ang pinsan ko na si James sa 'yo at gusto kang ligawan ha?"
Mabilis naman na tumango si Sassie Jane sa kanyang best friend.
"Oo. Totoo ang nalaman mo na 'yon mula sa 'yong pinsan. Totoo 'yon at walang halong kasinungalingan. Tumungo kami ni Johanna sa bar isang gabi at sakto nandoon din siya. Habang magkausap kaming dalawa at umiinom ng alak ay nagsabi nga siya ng kanyang nararamdaman sa akin. Sinabi niya lahat. Sinabi niya gusto niya ako kahit no'ng unang kita pa raw namin ay nasabi na niya sa sarili niya na gusto niya ako. Kaya tinanong niya ako kung gusto ko raw ba na ligawan niya ako," kuwento nga ni Sassie Jane kay Logan Jaxx.
"Tapos ano ang sagot mo sa kanya?"
"Wala..."
"Wala? As in? Wala talaga? Kahit isang salita man lang?"
"Wala akong sinagot sa tanong niya na 'yon kung gusto ko ba na ligawan niya ako dahil ang sinabi ko lang sa kanya ay hindi ko alam. Iyon lang naman."
"Huh? Iyon lang ba ha? Bakit sinabi mo ay hindi mo alam sa kanya?" usisa pa ni Logan Jaxx sa kanya na dahilan para mairita si Sassie Jane dito. Naiirita siya sa tanong ng kanyang best friend.
"Kasi nga ganoon ang nasabi ko dahil sa hindi ko naman talaga alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko talaga alam kaya ganoon, eh," napapakamot na sa ulo na sagot ni Sassie Jane sa best friend niya.
"Okay, bes. Tanong ko lang sa 'yo may pag-asa ba na maging kayo ng pinsan ko na si James? May feelings ka rin ba sa kanya?" tanong ni Logan Jaxx sa kanya. Kumunot tuloy ang noo ng dalaga na medyo naiirita sa best friend niya.
''Hindi ko alam, bes. Wala akong feelings na nararamdaman sa kanya kaya wala sigurong pag-asa sa aming dalawa," nakanguso ngang sagot ng dalaga.
"Bakit naman?"
Nagpakawala muna nang napakalalim na buntong-hininga si Sassie Jane at saka nagsalita sa best friend niya na naghihintay ng kanyang sagot.
"Wala akong feelings na nararamdaman sa kanya dahil may iba akong gusto..." mahinang sambit ni Sassie Jane at namilog ang mga mata ng best friend niya.
"May iba kang gusto? Sino ba 'yon? Maaari ko bang malaman mula sa 'yo?" pang-uusisa pa ni Logan Jaxx sa kanya.
"Oo. May iba akong gusto pero hindi ko puwedeng sabihin 'yon sa 'yo kung sino. Sorry bes, but I can't tell it right now."
Kailanman ay hindi talaga sasabihin ni Sassie Jane kung sino talaga ang tinutukoy niya dahil ayaw niya na malaman 'yon ng best friend niya kahit nasabi na nga nito noong lasing siya. Mabuti dahil hinayaan lang 'yon ni Logan Jaxx at hindi pinaniwalaan kahit papaano.
"Okay, bes. Okay lang kung ayaw mo na sabihin sa akin kung sino man nga 'yon, nauunawaan naman kita sa sinabi mo. 'Wag kang mag-alala. Gusto ko lang naman talaga ang malaman ang katotohanan tungkol doon sa nalaman ko na nagtapat pala sa 'yo ng kanyang nararamdaman ang pinsan ko na si James at gusto kang ligawan," sabi nga ni Logan Jaxx sa dalaga.
"Salamat sa pag-unawa mo, bes. Hindi ba talaga sa 'yo sinabi ang tungkol doon ng pinsan mo na si James ha?"
"Hindi talaga, eh. Nagtataka nga ako at hindi niya sinabi 'yon sa akin. Alam naman niya na best friend ko ikaw at dapat nga magsasabi siya sa akin na magtatapat siya sa 'yo ng nararamdaman niya. Ako dapat ang unang makakaalam, eh," giit pang sabi ni Logan Jaxx.
"Baka nahihiya lang sa 'yo kasi alam niya na best friend ko ikaw at kapag sinabi niya sa 'yo kaagad ang tungkol sa nais niya sa akin baka sabihin mo na sa akin. Maunahan mo siya kaya baka ganoon. Hindi niya muna ipinaalam sa 'yo," sabi naman ni Sassie Jane at mabilis na napakibit-balikat si Logan Jaxx.
"I don't know if that was the reason. Bahala siya basta ang importante ngayon ay alam ko na ang totoo tungkol sa ginawa niya the other night with you. Iyon ang importante for me," pilit ang ngiting sagot ni Logan Jaxx sa best friend niya at iniba na lang nila ang kanilang usapan.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    YansonBernadette

    jusko ang tagal bago magka aminan ng feelings! worth it nmn s dulo ❤️

    04/08/2024

      0
  • avatar
    Chen Rabaya

    I love itq

    28/05/2023

      0
  • avatar
    Dean Ayvan Puchero

    hi hahdbf

    27/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata