Chapter 8. My picture

Odessa POV
Malamig ang tubig na dumadaloy sa katawan ko ngayon. Nandito ako sa cr, sa loob ng kwarto kung saan ako iniwan ni Oliver kanina. Gusto ko sanang gumamit ng heater pero bigla kong naalala na may hangover pa ako kaya much better kung malamig tubig na gagamitin ko. Panggising ng diwa at baka sakaling mawala ang sakit ng hilo ko.
Matapos kong magsabon at shampoo ay bigla akong natigilan nang marinig ang yapak ng paa palapit at habang tumatagal ay palapit ito nang palapit. Mabilis akong nagbanlaw at ipinalupot ang towel sa 'king katawan.
Knock knock!
Napaatras ako ng kaunti.
"O-oliver? Ikaw ba 'yan?" kabado kong tanong. 'Di kasi ako sanay na kinakatok ako ng kung sinong lalaki.
"Ay, Senorita, si Nanay Dolores po ito. Ipinagbilin po kasi kayo sa 'kin ni Sir Oliver, ito raw po ang isuot niyo pagkatapos maligo," sagot niya kaya naman agad kong binuksan ang pinto at doon ay tumambad ang isang matandang sa palagay ko'y na sa cuarenta pataas ang edad. Dala-dala nito ang dalawang paper bag
"A-ahh, salamat po Nanay Dolores." kinuha ko ito at saka siya nginitian.
"Hintayin ko na po kayo, Senorita."
"Bakit po?"
"Ituturo ko po sa inyo 'yong room niyo." nagulantang ako sa sinabi niya. Room? Para saan naman?
Sa halip na magtanong ay pinili kong sumang-ayon na lang para makapagbihis.
"Sige po, magbibihis lang ako." sinara ko ang pinto at saka kinuha iyong damit sa paper bag. Iniladlad ko ito at laking gulat nang makita ang laman nito.
Isang dress na napaka-sexy tingnan. Red fitted dress pero longsleeve ito. Do I have to wear this dress? Napaka-seductive ng dating kahit pa hindi mahahalata ang cleavage ay masyadong bakat ang boobs ko rito kahit wala naman ako no'n. Kahit naman kasi may pera ako ay 'di ko naranasang bumili ng mga ganito klase ng suotin. It doesn't fit on me. Para saan pa? Hindi naman ako mahal ng asawa ko kaya ano pang silbi ng pagsusuot nito?
"Senorita? Tapos na po ba kayo?" ay ang apurado naman ni Nanay Dolores, hindi pa nga ako tapos titigan itong dress.
"Uhmm, Nanay Dolores, wala po bang ibang damit. Hindi po bagay sa 'kin 'to." umaasa akong may alternatibo rito dahil kung hindi ay paano na?
"Nako po, Senorita, iyan po kasi ang pinasusuot sa 'yo ni Sir Oliver. Mas mabuti po sigurong sundin niyo na lang at kayo na lang po ang magsabi sa kaniya. Baka po kasi pagalita ako." sa tono ng kaniyang pananalita ay mababakas ang kaba.
"Magagalitin po ba 'yon?" tanong ko. Parang hindi naman kasi gano'n ang ugali ni Oliver. At isa pa, sino siya para magdikta ng isusuot ko?
"Hindi naman po, Senorita. Masyado lang pong mabait si Sir Oliver kaya ayoko pong sumuway. 'Wag po kayong mag-alala, 'di po kayo idadala sa pahamak ng amo ko," walang pag-aalinlangan niyang sinabi.
Napabuntonghininga ako. Siguro nga ay tama siya. Ano pang silbi ng pagiging abogado niya kung magiging masama siyang tao?
Binihisan ko na ang sarili ko at saka tumitig sa salamin na ngayon ay na sa gilid. I'm seeing myself.
Ilang sandali pa ay naisip ko rin na lumabas.
"Bagay po sa inyo!" nagagalak niyang puna. "Tara na po, Senorita."
Ngiti lang ang tangi kong ginawa at saka kinuha ang phone ko sa kama. I just checked it, and there's no message from Greyson. I don't know if I should be mad or sad. Hindi na kataka-taka dahil ganito naman lang palagi. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa biglang mag-ring ang phone ko. Pero buti na lang ay hindi tumatawag sina Ate at Papa. Paniguradong magsusumbong ang Greyson na 'yon dahil hindi ako umuwi kagabi. Anyway, I don't care.
Sa kaiisip ay hindi ko namalayang nandito na kami sa tapat ng isang room. As sooon as we entered the room, I was stunned so suddenly. This is a nice, ideal room. It has a good interior. Dark and attractive. Malinis at malinaw ang lahat ng nandito.
Banayad akong naglakad at pinasadahan ng tingin ang bawat sulok na madaraanan ng mata ko. Just wow! Parang binuhusan ng pabango itong kwarto sa sobrang tamis ng halimuyak pero hindi nakauumay.
I looked around, and there was a bed, a desk with a laptop, and books on bookshelves.
Nang magawi ang tingin ko sa dulong bahagi ay naroon ang isang malaking salamin at upuan na mayro'n ding table kung saan nakapatong ako mga cosmetics products. This is actually my dream room for myself, lalo no'ng 'di pa ako kasal.
Lumapit ako rito at laking gulat nang makita ang mukha ko sa photo paper na nakalapag sa lamesa. Bakit ako may picture dito?
"Nay Dolores, b-bakit po ako mag-picture dito?" kuryosidad kong tanong at saka kinuha iyong larawan bago ko pakatitigan.
"Sa totoo lang po, Senorita, hindi ko alam. Pero matagal po itong pinaghirapan ni Sir Oliver. Ang sabi niya lang po sa 'kin ay pinaghahandaan niya ito para sa isang espesyal na babae kaya nang malaman ko po na ikaw ang babaeng tinutukoy niya ay 'di po ako makapaniwala. Natutuwa po akong nandito ka na, Senorita." lalo pang nadagdagan ang katanungan sa isip ko. Sino ba siya? Bakit ginagawa niya sa 'kin 'to.
"Gano'n po ba. Ibig sabihin siya na lang talaga ang nakatira rito at ikaw po?" pagtataka ko.
"Opo, Senorita. Abala rin po kasi si Sir Oliver kaya ako na po ang namamahala sa buong bahay."
"Wala ba talaga siyang asawa o kasintahan?" pagtataka ko.
"Wala po, Señorita. Kayo po ang unang babaeng dinala niya rito sa bahay."
Napatango na lang ako kahit pa gusto ko siyang tanungin kung parating na ang amo niya. Paniguradong nag-aalburuto na sa galit si Greyson kahit pa hindi siya nagme-message. Gano'n iyong asawa ko kapag hindi ako nakauwi ng isang araw. Bigla akong pagbubuhatan ng kamay pero dahil mahal ko siya, pinipili kong manahimik.
Muli akong napaharap sa salim at ibinalik sa lamesa ang photo paper na hawak ko at napatitig dito habang nakayuko.
"I made this for you. Nagustuhan mo ba?" gulat akong napalingon at tumambad ang mukha ni Attorney Oliver. "You look adorable, by the way."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Mas nangingibabaw na tanungin ko siya.
"Y- you made this for me? But why? Wala akong makitang rason para gawin mo 'to, Attorney Oliver. At saka, bakit ako may picture dito? Please, I need an honest answer." kinuha ko ang picture sa lamesa at iwinasiwas sa harap ng mukha niya.
He put both of his hands in his pocket. "I can't tell you now."
"But why? Bakit ako pa? Is this a game or what? Attorney ka ba talaga?" sunod-sunod kong tanong. "Sorry pero, hindi ako sanay sa ganito. Uuwi na 'ko, hinihintay na 'ko ng asawa ko.
Akmang lalakad ako palayo nang magsalita ito. "Never assume for something that impossible, Odessa. 'Wag na tayong maglokohan dito, alam natin pareho na wala siyang pakialam sa 'yo."
Sa inis ay napaharap ako sa kaniya at lumapit ng kaunti. "Sabihin mo nga sa 'kin, bakit ganiyan ka umasta? Bakit parang gustong-gusto mo 'kong ilayo sa kaniya? Anong karapatan mo na manghusga?!"
"I didn't know you felt that way. I'm just being straightforward, Odessa. Iminumulat lang kita sa sitwasyon mo dahil masyado kang bulag sa pagmamahal na hindi dapat ibinibigay sa lalaking walang puso," seryoso niyang sabi. Sa kabila ng lahat ay napakakalmado niya. "I am a lawyer, and I will always stand for truth and justice, whether the victim is powerless. I'm just trying to help you, that's all."
Napalunok ako sa sinabi niya. "So anong gusto mo mangyari?"
"Why don't you ask yourself? At kapag alam mo na kung anong gusto mo mangyari..." hindi niya naituloy ang sasabihin bagkus inilapit ang sarili sa 'kin at hinawi ang buhok sa tainga ko. "Sasabihin ko ang lahat."

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/06

      0
  • avatar
    AbundienteGielurd Benemerito

    nice story i love it

    21/04/2025

      0
  • avatar
    Julie Ann Lustina Bueno

    I'm hoping

    19/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata