Destiny

Odessa POV
Dali-dali akong umatras patungong likuran ng closet at napahinga ng wala sa oras. Anong ginagawa ng lalaki na 'yon dito? Talaga nga naman na napakaliit ng mundo dahil sa dinami-rami ng lugar na pwede niyang puntahan ay dito pa sa kung na saan ako.
"Ma'am, okay ka lang ba?" tanong ni Liezel na siyang gumising ng aking diwa. "Ito na po 'yong nahanap kong babagay sa 'yo."
Pagkaladlad ng tatlong dress sa harap ko'y agad ko itong kinuha at dumiretso sa fitting room. Habang dahan-dahang hinuhubad ang damit ko'y 'di mawaglit sa isipan ko si Greyson. Bakit ba kasi laging may epekto sa 'kin ang lalaki na 'yon tuwing makikita ko siya? Alam ko naman sa sarili kong tapos na kami. Tapos na nga ba? Oo nga pala, ako ang umalis. Bakit nga ba hindi? Dapat pa bang manatili ako sa abusadong lalaki?
Tuwing maiisip ko tuloy ang kinaratnan ng buhay ko sa piling niya ay hindi ko maiwasang makaradam muli ng poot sa dibdib. Gayunpaman ay may halong hindi mawaring emosyon.
Nang maisuot ko na ang unang dress na fitted at kulay pula ay nakangiti kong pinagmasdan ang aking sarili sa salamin bago tuluyang lumabas. Laking gulat nang makita si Greyson na ngayon ay de-cuatrog nakaupo sa mahabang sofa. Mabuti na lang pala ay nakasuot ako ng shades palagi kaya naman hindi niya ako makikilala kahit pa rumampa ako sa harap niya.
"You look stunning, darling," sambit mula sa pamilyar na boses at nang ilibot ko ang aking paningin ay nahinto ito sa isang lalakig naka-krus ang kamay sa dibdib, na ngayon ay nakaupo sa kabilang sofa. Si Oliver.
"Ma'am, bagay po sa 'yo! Ang sexy niyo lalo," nagagalak na puna ni Liezel. "Na-try niyo na po ba 'yong dalawa?"
Magsasalita na sana ako ngunit hindi natuloy dahil napunta ang atensyon ko kay Oliver na ngayon ay katatayo lang.
Nakangiti siyang lumakad palapit sa 'kin, at bago pa man ito tuluyang makahinto sa harap ko'y pasimple kong sinulyapan si Greyson na ngayon ay nakatingin sa akin. Mabilis akong lumingon sa ibang direksyon kasabay nang pagsalubong kay Oliver at pagkapit sa braso niya na tila ba nasasabik.
"Sure ka, hindi panget?" pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. Malawak na ngti ang kaniyang isinukli.
"No. You're always beautiful in whatever you wear, and even when you're naked.
Feeling shy, I remained motionless but managed to calm down anyway. I honestly don't know how to respond. Pakiramdam ko'y namumula ako. And I'm not certain if it's awkwardess or happiness.
"Oh, Mr. Greyson, you're there!" nagulantang ako sa pagbati ni Oliver at pagkatapos ay lumakad ito palapit kay Greyson na ngayon ay nakatayo na.
"Small world, huh?" dagdag pa ni Oliver.
"Yes. Napakaliit nga," sagot niya at pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa akin. "Hi, Felicity. Dito ka rin pala tumitingin ng damit."
"Actually hindi," sagot ko na ikinagulat niya. "Nahikayat lang ako ng asawa ko. Mas gusto ko kasi ro'n sa walang kaparehas. Doon sa ako ang unang gagamit. 'Yong iba kasi rito second hand na, 'though maganda naman ang quality."
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinabi ko. Sino bang gugustuhin ang second hand? Lahat naman ng tao mas nanaisin ang orihinal. Gayunpaman, ang kagustuhan ko sa mga oras na ito ay ilayo ang aking sarili sa kaniya.
"Well, you're right," mabilis niyang pagsang-ayon.
"Oh, by the way. Tapos na 'ko mamili, darling. Hindi pa ba tayo aalis?" nakangiti kong tanong kay Oliver na ngayon ay nakangiti rin. Hindi man tanaw ang mga mata ko sa pagkakataong ito, sa pamamagitan ng ngiti sa aking labi ay makikita ang reaksyon ko.
"Do you wanna join us for our lunch?" Greyson asked, making me feel the apprehension. Hindi ko siya gustong makasama at baka malaman niyang ako si Odessa.
"You want, darling?" tanong ni Oliver.
"No. Sorry, I'm busy."
"How 'bout the evening party? We've sent you already the invitation. Don't be late. Para naman kumpleto tayo mamaya as a business partner," suhestiyon ni Oliver na ikinagulat ko. Bakit hindi niya ipinaalam sa akin ni may party mamaya?
"Sure," agad na sagot ni Greyson. "Don't worry, we're prepared."
Saglit kong hinila si Oliver palayo at saka ito binulungan. "Anong party? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"
"I'm sorry. Gusto ko lang sana masorpresa ka."
"Ayoko silang kasama. Ayoko, Oliver."
"Natatakot ka ba na malaman nila na ikaw si Odessa?" tanong na bumaon sa dibdib ko dahil iyon ang totoo.
"Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na malaman niya o ng pamilya niya na buhay ako."
"You sure? Don't tell me ayaw mong magpakita sa ex-husband mo dahil may nararamdaman ka pa? Ano ang totoo, Odessa?" seryoso niyang tanong.
"Hindi," umiiling kong sagot. "Ayoko lang talaga. Hindi pa ako handang humarap lalo kay Papa at Ate. Paano na lang kung nando'n sila? Hindi ko alam ang isasagot ko sa oras na itanong nila sa 'kin kung bakit bigla akong nawala. Kung bakit bigla akong hindi nagparamdam."
Sa mga sandaling iyon ay malalim na paghinga ang pinakawalan ni Oliver sa harap ko at kalmado akong tiningnan. "I understand your reason, Odessa. Nauunawaan kong higit pa sa sobra ang trauma na natamo mo sa kanila, pero hindi kita binuo at minahal para talikuran ang nakaraan mo. Isipin mo 'yong mga taong sumira ng buhay mo. Gusto mo silang mapabagsak, hindi ba? Pwes gawin natin. Nandito ako dahil tinuruan kitang lumaban, at sisiguraduhin kong sa oras na dumating ang araw na kinatatakutan mo, kapag nalaman nila ang totoo, walang makalalapit sa 'yo."
Napayuko ako sa mga sinabi niya ng ilang segundo. Tama lahat ng sinabi niya kaya naman wala akong masabi pa, at agad ding ibinaling ang titig sa kaniya. "This is it, darling. You have to show him how successful you are. You have to show them how happy you are. And their nonsensical frivolity by making your life miserable is the one that led you to the new life. But that's not the apogee of your vengeance, Odessa. Whoever involved in this matter, whoever wrecked you will be penalized by all means," he added, smiling yet with authority. "Take heed of my words not because I am attorney Oliver, but because I love you and I will uphold your rights."

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/06

      0
  • avatar
    AbundienteGielurd Benemerito

    nice story i love it

    21/04/2025

      0
  • avatar
    Julie Ann Lustina Bueno

    I'm hoping

    19/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata