Worth

Odessa POV
I woke up to someone's touch, and soon as I opened my eyes, I realized it was Oliver. "Good morning, Odessa.
Isang matamis na ngiti ang bumungad sa akin nang batiin niya ako. Sa katunayan ay hindi ko alam kung ngingiti ba ako o mahihiya, pero ano pa nga bang rason gayong may nangyari na sa amin, bagay na hindi ko inaasahan.
"Good morning," bati ko pabalik.
"How was your sleep?" ang ngiti ay hindi nawawala sa labi niya na para bang siya ang pinaka-masayang tao sa mundo. Isa pa, ngayon ko lang nasaksihan ang gano'ng klaseng ngiti, tanaw na tanaw ang kasiyahan.
"Great," sagot ko, hindi ko matukoy kung namumula ba ang pisngi ko ngayon lalo tuwing inaalala ang nangyari kagabi.
Ilang sandali pa ay napagpasiyahan kong tumagilid ngunit bago ko iliko ang katawan ko ay tinapunan ko siya ng isang ngiti. Nang makaharap sa kabilang side ay bigla na lamang niya akong niyakap. Hanggang ngayon ay tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan namin kaya naman ramdam ko ang balat niya.
"I'm sincere, Odessa. My feelings for you are real," bulong nito sa akin at saka niya hinaplos ang braso ko. Laking gulat nang muli ako nitong halikan sa leeg, pababa sa balikat at doon ay ramdam ko ang kaunting kiliti. "If I made you feel worried about what had happened, don't think it was just for nothing. Karamay at kakampi mo ako sa lahat."
A small sigh escaped my lips. Nanatiling tikom ang bibig ko ngunit dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko at iniharap sa kaniya. "Just rest now, mamaya aalis tayo. We'll be having a one-week vacation in Singapore. Also, I have good news, but I can't tell you now."
"Bakit hindi pa ngayon?" pagtataka ko.
Nginitian ako nito at sinabi, "Kapag na sa Singapore na tayo, sasabihin ko rin ang lahat sa 'yo."
Pagkatapos no'n ay mahigpit niya akong niyakap kasabay nang paghilik sa noo ko na talagang kay sarap sa pakiramdam. Ang pahalagahan ng tao ay maituturing na biyaya sapagkat sa milyon-milyong nilalang na naririto sa mundo, bihira lamang ang taong poprotektahan at mamahalin ka ng totoo,' yon bang walang halong pagkukunwari at pananakit.
*****
Kasalukuyan kaming na sa biyahe ni Oliver papunta sa exclusive mall. Sa katunayan ay hindi ko naman kailangan ng anumang magarbo o bagong kasuotan ngunit itong si Oliver ang mapilit na bilhan ako ng mga gamit para marami raw akong pagpipilian.
"Are you excited?" tanong niya habang nagmamaneho.
"Kahit saan mo ako dalhin ayos ako at masaya, syempre kasama kita," nakangiti kong banat. Malawak na ngiti na naman tuloy ang gumuhit sa labi niya, na talagang napakasarap titigan. Hindi ko namalayang napatulala na ako sa kaniya.
"Why?" tanong niya na nakangiti at may pagtataka.
"Bakit ang gwapo mo?" tanong na lumabas sa 'king bibig na siyang naglagay ng pula sa kaniyang pisngi. "Kahit sobrang dami mong ginagawa, hindi nababawasan 'no?"
My words made him smile.
"C'mon, Odessa, pinapupula mo ba pisngi ko?" natatawa niyang tanong hanggang sa hawakan nito ang legs ko. "How 'bout you? Why so damn gorgeous?"
Parang matutunaw ang puso ko. Gano'n ba talaga ang tingin niya sa 'kin? "Binobola mo ako 'no?"
"No. Ever since I laid my eyes on you, that's the moment I adore you," he said, throwing me a genuine smile which made my heart thump unusual again.
Dala ng hindi mawaring galak ay naibaling ko ang titig ko sa bintana ng kotse habang nakangiti. "Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Hindi ko alam na may magmamahal sa akin ng ganito. Napakaswerte ko."
Silence lingered for a moment. Hanggang sa marahan niyang ipinuwersa ang pisngi ko paharap sa kaniya gamit kaniyang malambot na palad. "I should be the one saying that, Odessa. I'm fortunate to have you. And I'm not gonna let anyone wreck you again or even take you away from me. I'll do everything I can just to put your safety above anything else."
With that, I felt happy. Ganito pala sa pakiramdam na mahalin ka ng buong puso sa kabila ng mga nakaraan mo. Iyon bang kahit tanaw niya ang kahinaan ko noon at pagdurusa ay mas lalo pa niyang ipinaramdama na mas karapat-dapat akong ingatan, irespeto at pahalagahan. Bagay na hindi ko lubos inaasahang mararanasan ko sa taong hindi ko lubos na kilala. May mga pagkakataon man na napaiisip ako sa pagkatao ni Oliver ay pilit kong itinatatak sa isip ko na ang intensyon niya sa akin ay malinis mula umpisa kahit pa may mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa kaniya.
Hindi ko namalayang nakarating na kami sa tapat ng mall. Naunang bumaba si Oliver at pakatapos ay pinagbuksan niya ako. Pagbaba ay agad niyang inilapat ang kaniyang braso na agad ko namang kinapitan saka kami tuluyang naglakad papasok ng mall.
"Good afternoon, Sir Oliver!" bati ng isang babaeng sa palagay ko'y halos kasing-edaran ko lang. Morena at mapula ang labi ngunit mukhang matino.
"Good morining, Liezel," bati ni Oliver pabalik. Mukhang magkakilala sila. Gaya nga ng sabi ni Oliver kanina, dito siya namimili ng mga damit o anumang gamit niya mapa-katawan o bahay.
"Siya po ba si Ma'am Felicity?" usisa ni Liezel na ikinagulat ko. agad naman na umoo si Oliver na nakangiti. Patuloy kasing sumusunod itong babae habang naglalakad kami, hanggang sa isang gilid ay saglit kaming huminto.
"Please, take care of her, okay?" sambit ni Oliver kay Liezel. "I'll be back, darling."
Wow! First time kong narinig na tawagin niya ako sa gano'ng paraan. Agad naman niya akong hinalikan sa noo at saka na ito tuluyang naglakad palayo. 'Di ko man lang naitanong kung saan siya tutungo.
"Tara po, Ma'am Felicity. Nang makapili na po kayo ng mga susuotin," pag-aaya ni Liezel.
"Sure," matipid kong sagot na may bhagyang ngiti.
Agad kaming dumiretso sa isang shop o kilala sa katawagang Fancy Dress and Jewelry, iyon ay base sa nakasulat sa itaas. Pagpasok pa lang ay bumungad na ang mga damit na mamahalin, kumikintab ang mga ito at mahihinuhang hindi mabibili sa murang halaga. Nang lingunin ko ang kabilang side ay naroon naman ang mga alahas na yari sa ginto, sa pustura pa lang at presyo ay malalaman na agad.
"You can choose anything you want, Ma'am. Si Sir Oliver na raw po ang bahala sa lahat," sambit ni Liezel.
Akmang ihahakbang ko na ang paa ko para makapili. Ngunit bago pa man ako makalapit kay Liezel ay napahinto ako nang makita ang isang pamilyar na lalaki sa labas, matangkad at matipuno. Kumabog ang dibdib ko nang mapagtanto kung sino ito.
Greyson?

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/06

      0
  • avatar
    AbundienteGielurd Benemerito

    nice story i love it

    21/04/2025

      0
  • avatar
    Julie Ann Lustina Bueno

    I'm hoping

    19/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata