Homepage/Marrying the Heartless Billionaire/
Confession
Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang mag-usap kami ni Oliver tungkol sa regalong ipinadala ni Greyson. Mabuti na lang ay hindi na nasundan pa iyon.
Sa loob ng kotse ko ay taimtim akong nagmamasid. Tinted glass naman ito kaya't walang makakikita sa akin kahit pa magtagal ako rito. Sa katunayan ang kalahating oras na akong naririto sa tapat ng Xavier Company, ang kumpanya nila Greyson. Lubos akong napaiisip kung anong klaseng pamamalakad ba ang isinasakatuparan nila ngayong wala na ako. Sa katunayan ay higit na pinagbabawal sa akin ni Oliver na magpunta rito dahil baka makita nila ako at sundan, higit na iniingatan niya ang reputasyon ko kaya nauunawaan ko siya. Gayunpaman ay hindi ko maiwasang sumuwau dahil gusto kong magsaliksik sa sarili kong paraan.
Suot ang hoody jacket, dahan-dahan akong bumaba ng kotse nang masigurong walang tao sa paligid. Sa gilid ay tumungo ako kung saan may sapat na espasyo para magtago at magmasid na hindi napupuna ng iba. Ilang sandali pa nang matigilan ako dahil sa lalaking biglang lumabas ng gate, at doon ay napagtanto kong si Greyson ito. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba kaya naman dali-dali akong tumakbo at dumiretso sa loob ng kotse ko.
Pagpasok ay agad na hinubad ko ang jacket. Bago ko pa man paandarin ito ay natanaw kong napatingin sa gawi ng kotse ko si Greyson, marahil nagulat ito ngunit wala akong pakialam. Hanggang sa tuluyan ko na itong pinatakbo kaakibat ng sana ay wakang nakakita at sumunod sa akin.
*****
"Bakit naman kasi pumayag kang ikasal do'n sa Greyson na 'yon? Hindi mo naman pala mahal no'ng uns," reklamo ni Trisha, one of my closest friend. Nakilala ko lang siya sa kumpanya ni Oliver, at kalaunan ay naging kaibigan ko.
"Wala akong makitang way para mapagamot agad ang Ate ko. Nadala ako ng takot na baka kapag pinatagal ko pabay lumala ang sakit niya," paliwanag ko at saka muling kinutsara ang spaghetti. Mula kasi kaninang umalis ako sa tapat ng kumpanya nila Greyson at ng pamilya niya ay napagpasiyahan kong kitain itong ai Trisha. Bukod kay Oliver ay siya rin ang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Dala ng kadaldalan at siyempre pagtitiwala kaya nasabi ko ang totoo.
"Well, 'di naman kita masisi riyan. Gano'n talaga kapag sobra 'yong pag-aalala at pagmamahal mo sa pamilya mo," sagot niya kasabay nang pagnguya. "Pero at least, okay ka na ngayon. Tama ba?"
Tumango ako. "Exactly. And it's all because of him."
Napangiti naman ang loko nang sabihin ko ang huling salita. Alam na agad niya kung sinong tinutukoy ko. "In fairness, huh? Alam mo bang sa loob ng paninilbihan ko bilang empleyado sa kumpanya ni Attorney Oliver, aba never ko pang nakitang lumandi 'yan o nagdala ng babae. Minsan 'di ko maiwasang isipin na baka ano siya... you know." sumenyas naman itong tila lalambot-lambot daw si Oliver.
"Sure ka?" natatawa kong tanong at halos maibugan ko pa ang tea na iniinom ko.
"Iyon lang, hindi e. Hindi kasi siya gano'n kumilos. Pero alam ko feel ko type ka niya." nang sabihin niya 'yon ay walang anumang halong asar akong nabasa sa mukha niya. "Kapag tinitingnan ka niya or hinahanap sa 'min, mahahalata 'yong sincerity niya sa mga mata niya."
Hindi agad ako nakasagot bagkus napailing lang.
"Don't tell me hindi mo ramdam?" ani niya pa. "Hindi naman sa nakiki-marites ako pero... may nangyari na ba sa inyo? Or... attempt man lang?"
Nahampas ko ng mahina ang braso niya dahilan para matawa ito ng bahagya. "Walang gano'n. Hindi kami gano'n. Sobrang taas ng respeto niya sa 'kin at never kong naramdaman na ginagawa niya ang pagtulong ng may kapalit."
Napatango naman siya na tila ba may halong pang-aasar. "Bakit hindi mo subukan?"
"Ang alin?"
"To move on. To find someone better than your abusive husband. You deserve him. Alam mo na kung sino." kinindatan pa niya ako kaya naman napailing ako. Hindi ko tuloy maiwang nagbalik-tanaw sa mga sandaling naglapat ang labi namin.
"Hindi gano'n ang tingin niya sa 'kin. Isa pa, ayoko muna," matipid kong sagot. "Ayoko ring isipin niya na ginagamit ko siya para makalimot."
Natapos ang pag-uusap namin patungkol doon ngunit ang pagkain at usapin sa ibang bagay ay patuloy lamang.
*****
Narating ko ang bahay ni Oliver, kung saan din ako tumutuloy. I'm sure he's not here yet, but I bought some snack for both of us. I'll just wait for him. Natitiyak kong magugustugan niya ito.
Pagbaba ng kotse ay malaya kong tinahak ang daan papasok sa bahay hanggang sa magulantang ako nang makita ang naka-de cuatrong si Oliver sa mahabang sofa. Hawak nito ang baso ng alak habang ang lamesa ay may tatlong bote.
"Too early, huh?" I said, throwing him a smile.
Buong akala ko'y ngingitian niya ako pabalik pero nagkamali ako dahil muli nitong nilagok ang alak at pagkatapos ay pinasadahan ako ng seryosong titig. "You didn't apprised me about that, Odessa. You're not listening."
Napalunok ako sa aking narinig. Nakakikilabot ang mga tingin niya. Para bang anytime ay lalamunin ako nito. Kahit iyon pa lang ang nasasabi niya ay alam ko na agad ang gusto niyang iparating.
"H-how did you know?" nauutal kong tanong at halos 'di makatingin ng diretso sa kaniya.
Hanggang sa tagayan nitong muli ang sarili niya at bumangon kasabay ng paglagok ng alak.
"So, why, Odessa? Bakit ka nagpunta ro'n? Seriously, without my permission?" titig na titig ito sa mga mata ko. "Anong purpose no'n?"
Matapos ko siyang tingnan ay napayuko ako ng bahagya at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Doon ay mas lalo kong nakita ang labis niyang pag-aalala. "I'm sorry, Oliver. Pero walang malalim na rason ang pagpunta ko ron. Gusto ko lang magsiyasat. Sana maniwala ka. At hindi ko pinaalam sa 'yo kasi alam kong mag-alala ka at maaabala kaya minabuti kong ako na lang. I'm sorryy..."
"I'm now mad at you, Odessa. Ayoko lang madala ka sa emosyon mo. Paano kung magkita kayo ulit? Do you really think na itataboy ka niya? No. Kukunin ka niya ulit at sasaktan katulad noon." kumabkg ang dibdib ko sa mga salitang binitawan niya kasabay ng mga luhang nagbabadyang bumagsak. Sandali, bakit siya naluluha?
"Oliver.... hindi na mangyayari 'yon." nginitian ko ito. Saglit akong humakbang palapit sa kaniya at dahan-dahang hinawakan ang kaniyang pisngi upang iparamdam na hindi na kailanman mangyayari pa ang ikinababahala niya. "Kahit anong mangyari hindi ko babalikan 'yon. Hindi na 'ko magiging tanga pa. Masaya na ako sa 'yo."
"I'm sorry for this, Odessa. I just can't resit the thoughts of losing you..."
Matapos banggitin ang salitang iyon ay bigla na lamang nag-init ang temperatura. Nagmistulang hangin ang tensyon sa pagitan naming dalawa hanggang sa walang pag-aalinlangan niya akong hinalikan.
Saglit siyang bumitaw at ang sunod niyang sinabi ay nagdulot ng malakas na kabog sa 'king dibdib.
"I don't throw "I love you" to just anybody. So if I tell you that, I mean it, Odessa," he said, lifting my chin to make me look at him. "I love you, Odessa. Please, allow me to uphold your rights and give you the love you deserve."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (46)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/06
0nice story i love it
21/04/2025
0I'm hoping
19/03/2025
0Tingnan Lahat