Homepage/Marrying the Heartless Billionaire/
Gift
Odessa POV
Sa malambot kong kama ay taimtim akong nakahilata. Ang araw na ito ay palaisipan, lalo ang binitawang linya ni Oliver bago tuluyang mabago ang topic kaninang nag-iinom kami't kumakain.
Malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil hindi lang kasiyahan at kapayapaan ang ibinigay niya, maging ang karapatan ay nakamit ko dahil sa kaniya. Karapatan? Oo, sapagkat tinuruan niya akong ipaglaban ang aking sarili sa mga taong walang ibang ginawa kung hindi saktan at gamitin ako. Lalo pa ngayon na alam kong planado pala ang pagbagsak ng Quire Levista, iyon ay base kay Oliver. Nang sabihin niya 'yon sa akin ay talagang labis-labis na poot ang naramdaman ko. Kaya naman higit na akong naniniwala sa kaniya ngayon kaysa ibang tao kahit pa may mga pagkakataon na ramdam kong may kakaiba sa pagkatao niya. Ang mga kilos niya ay alam kong hindi pangkaraniwan dahil mula nang makilala ko siya ay ramdam ko ang kasabikan niyang mapabagsak ko si Greyson at ang pamilya nito. Hindi ko maiwasang isipin kung may galit ba siya sa mga 'yon na higit pa sa poot ko? O sadyang willing siya na tulungan akong kumawala sa miserableng buhay dahil saksi siya sa sitwasyon ng Mama niya na kapareho ng pinagdadaanan ko.
Hindi bale. Alinman doon ay may tiwala ako kay Attorney Oliver. At kahit anong mangyari ay mas magtitiwala ako.
*****
Kasalukuyan akong nakaupo sa office chair sa tapat ng table. Hindi ko maubos-ubos ang kape na ipinibali ko sa empleyado kaninang umaga. Nandito ako ngayon sa opisina ko, sa loob ng isang kumpanyang hindi tanyag gaya ng kumpanya nina Greyson ngunit likas na matalino ang lahat ng nandito. Mga taong may tunay na pinanghahawakang abilidad sa pagpapatakbo ng negosyo at marangal ang buhay na tinatahak, hindi pandaraya o kasakiman ang pinaiiral.
Mula nang sumama ako kay Oliver ay siya na ang nagpasok sa akin dito sa kumpanya nila, at hindi ko rin akalain na bibigyan niya ako ng magandang posisyon. Nakatutuwang isipin na sa loob ng ilang linggo ay naipakita ko kahit papaano ang mga natutuna ko noon sa negosyo namin nina Papa at Ate, na siyang nagpatunay kung gaano kalawak ang kaalaman ko sa ganitong larangan.
Hawak ko ang black pen, ibinabagsak ko ito ng paulit-ulit sa table, paraang upang makapag-isip. Ilang sandali pa nang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang empleyado, si Coleen.
"Hi, Ma'am Felicity, para sa inyo raw po." isang paper bag na kulay pula ang inabot niya sa 'kin na nagpakunot ng noo ko.
"Ano 'to?"
"Hindi ko alam, Ma'am. Sabi po ng guard may lalaking naka-hoody ang nag-abot nito sa kaniya. Hindi naman daw po nagpakilala at pagkatapos ay nagmamadali ring umalis," paliwanag niya. "Wala pong sinabi na kahit anong salita pero nakasulat po ang buong pangalan niyo sa paper bag.
"Lalaki?" kuryosidad kong tanong.
"Opo. Pero hindi nakita ang mukha dahil bukod sa naka-hoody ay naka-mask po siya."
"Can you please try to check the Cctv, Coleen? I mean, assign anyone then bigyan niyo ako ng picture," utos ko na agad naman niyang sinang-ayunan.
"Sure, Ma'am. Is there anything else you need, Ma'am?" paniniguro niya.
"Nothing. You can go back to work," sagot ko. "Just set aside my request. I'll call you kapag kailangan ko na 'yong image, okay?"
Tumango ito. "No problem, Ma'am."
Dali-dali na itong tumalikod at naglakad palabas ng opisina. Segundo kong tinitigan ang paper bag at siniyasat kung may pangalan bang nakasulat, kung kanino nga ba galing ito.
To: Felicity Villaruez
Iyon lamang ang nabasa ko. Hindi na kataka-taka dahil maging dito sa kumpanya ay iba ang pangalan ko maliban kay Oliver lalo kapag kami lang dalawa. Ang nakatutuwang isipin lang ay alam ito ng lahat. Alam nila ang rason at si Attorney Oliver ang nagpaalam sa lahat patungkol sa rason kung bakit kailangan ko dumaan sa ganitong uri ng pagpapangga. Malinaw sa kanila na biktima lamang ako ng isang abusadong lalaki.
Binuksan ko ang paper bag at laking gulat nang tumambad sa harap ko ang isang small box na kay red, hugis puso ito. Hindi ko pa binubuksan ay parang alam ko na ang laman nito. Nang buksan ito ay hindi nga ako nagkamali dahil isa itong singsing, masyadong makinang at maganda pagmasdan. Ngunit kanino nga ba galing ito?
Marahan kong kinuha ang singsing sa box at pinagmasdan maigi. Wala pang ilang minuto nang matiklop ko ang palad ko dulot ng biglaang pagbukas ng pinto.
"Good afternoon, Odessa!" bati ni Attorney Oliver habang palapit sa akin. "How are you, by the way? Sorry ang aga ko umalis kanina, may mga tinapos kami sa conference."
"No, it's fine. Kumain ka na ba?" tanong ko na nakangiti.
"Right timing. Balak ko sabayan ka kaya ako napadaan sa office mo," ani niya. "C'mon, nagpa-reserve na ako. Doon na lang tayo sa office ko kumain."
Walang pag-aalinlangan akong tumayo. I don't want to overthink anymore, so I decided to set aside everything.
*****
Nang makarating sa office ni Oliver ay saglit niya akong inaya na umupo sa tabi niya. Hindi ko maiwasang mapasulyap sa paligid. Masyadong malawak ang opisina niya ngunit wala masyadong gamit, na tila bago lang ito. Ang mas umaagaw ng pansin ko ay ang isang litrato mula sa gilid ng laptop niya, laking gulat nang mapagtantong ako ang naroon sa larawang iyon.
"Alam mo no'ng unang punta ko sa bahay niyo, napaisip tualaga ako kung bakit may picture ako sa 'yo?" saad ko. "Hanggang ngayon hindi ko alam. Hindi mo pa rin sinasabi lahat."
Hindi ko namayang mabibigkas ko ang mga katagang iyon. Karapatan ko pa rin na malaman ang gano'ng klaseng katanungan. Mula nang sumama ako kay Oliver ay ang araw din na ipinagkatiwala ko sa kaniya ang buhay ko. Ang desisyon iyon ay maituturing na hindi madali dahil buhay ko ang nakalaan ngunit malaki ang tiwala ko sa kaniya na hindi niya ako pababayaan.
"Do you really think I won't tell you? Everything?" he asked, giving me a serious look.
I smiled. "Of course, you will. Just asking, maybe you can tell me now."
"You'll find out soon, Odessa. Just promise you will stay. Because that's the best thing you could do for me."
My eyes froze in him, remaining wordless. Although his remarks left a deep mark on me, I didn't ask anything. I just threw him a nod and smile, reassuring him thay I would grant his request.
Hindi man ako sigurado kung anong klaseng "stay" ang gusto niyang tuparin ko ay handa akong gawin ang lahat, maiparamdam lang ang pagtanaw ko ng utang na loob.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (46)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/06
0nice story i love it
21/04/2025
0I'm hoping
19/03/2025
0Tingnan Lahat