Homepage/Marrying the Heartless Billionaire/
Stay
Odessa POV
"Felicity?" tawag mula sa aking likuran na siyang nagpabalik sa 'kin sa reyalidad. nang lumingon ako'y tumambad ang mukha ni Oliver. "Oh, Greyson, you're there. Anyway, can I have some privacy with my wife?"
Mabilis na sumang-ayon si Greyson sa pamamagitan ng isang kalmadong ngiti hanggang sa tuluyan na niya kaming iwan ni Oliver.
"Tell me, Odessa, is there a problem? Don't tell me may ginawa na naman siya?" nag-aalalang sabi ni Oliver habang hinahaplos ang mukha ko.
Umiling ako. "Don't worry, wala. Hindi lang siya makapaniwala sa ginawa ko kanina."
Lumawak ang ngiti na tila ba nasisiyahan sa binanggit kong salita. "That's good news. He deserves that, Odessa. Let him chase you, but don't fall on him again. Do you understand?"
"Of course. Bakit naman ako mahuhulog sa kaniya ulit ngayong ang alam ko na ang kapalit kung pipiliin ko siya... puro paghihirap."
Isang ala-ala ang nabuo sa isip ko. Ang mga nakaraan namin ni Greyson na hanggang ngayon ay sariwa pa ring namumukadkad na parang bulaklak minsang dumanas sa malupit na palad. Kung naging mabuti lang sana siya sa 'kin, kung natutunan niya lang sana akong respetuhin ay mas matatanggap ko iyon kahit pa ang pagsasama namin ay walang bahid ng pagmamahal. Higit pa sa katangi-tangi ang lalaking marunong rumespeto sa kababaihan, sa kasamaang palad ay hindi ko 'yon naranasan sa asawa ko.
"Let me ask you something, Odessa. Please, be unpretentious."
Tumango ako, inaabangan ang sunod niyang sasabihin.
"Is there a chance that you fell for him again?"
Isang tanong lamang iyon ngunit tila higit pa sa daan-daang sako ang bigat kung ito'y saluhin. Gayunpaman ay kailangan kong sumagot ng tama. Sagot na naaayon sa napagkasunduan namin.
"I won't fall for him, never," I said confidently. Kahit pa walang kasiguraduhan ang sagot ko, gagawin ko ang lahat makaganti lamang dahil 'yon ang plano mula nang sumama ako sa kaniya ay sumang-ayon na ako.
"Good, I just want to clarify." isang ngiti ang pinakawalan niya at saka nito hinawakan ang pisngi ko.
"Mas masaya ako sa'yo, Oliver. Mas magaan ang buhay ko." ilang salita pa lang ang nababanggit ko'y para bang maluluha ako sa galak. Mabuti na lang ay kami lang ang nandito.
"You know how much I am willing to uphold your rights and protect you." seryoso niyang sinabi kasabay ng matalim na titig sa mga mata ko. Sa ganitong senaryo ay mas lalo kong nasasaksihan ang kabutihan niya. "I just don't want you stuck in misery and the arms of an abusive man. You don't deserve that."
Kasabay ng salitang binitawan niya'y mahigpit ako nitong niyakap. Ang mag sandaling iyon ay maituturing na makabuluhan. Matapos no'n ay agad kaming bumalik sa party at ilang minuto pa lamang ang lumilipas nang mahagip ng mata ko sina Ate at Papa. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa 'king labi habang nakatitig sa kanilang dalawa. Gayunpaman ay hindi ko sila maaaring kausapin, at hanggang titig muna ako dahil kung makikilala nila ako'y malaki ang posibilidad na masira ang plano.
*****
Kasalukuyan kaming na sa biyahe ni Attorney Oliver pauwi sa bahay niya. Doon naman ako nag-stay simula nang umalis ako sa puder ni Greyson.
Taimtim lang akong nakatanaw sa bintana nang hawakan ni Oliver ang kamay ko. "You okay? Do you feel tired?"
Ngiti ang pinakawalan ko rito. "I'm fine. Medyo ramdam ko lang ang gutom."
"It's obvious. You can't enjoy your meal in front of those fake people," natatawa niyang sagot. "Tell me what you want to eat."
"Anything with wine," I replied.
He smiled. "Sure."
*****
Sa isang lugar na napaliligiran ng mga pulang bulaklak at makikintab na ilaw ay narito kami ni Oliver magkatabing nakaupo sa tapat ng lamesang puno ng masasarap na pagkain. Isa itong exlusive restaurant na ang tanging kumakain ay ang mga abogado o may katungkulan sa batas pero may mga spot na pwedeng ipasadya ang decoration. Sa first floor matatagpuan ang mga librong pang-abogado, habang third floor ay napupuno ng masasarap na kainan.
Ito ang set-up na naisip niya mula pa kaninang nagmamaneho siya. Romantic ang dating pero hindi na 'ko nagdalawang isip pa na sumang-ayon.
Kasabay ng musikang tila nagpapakalma sa puso ko ay katapat ko si Attorney Oliver na ngayon ay masaya dahil sa wakas naumpisahan na namin ang planong matagal na naming itinalaga sa araw na 'to.
"Cheers!"
Sabay naming ipinagdikit ang mga basong hawak namin habang ang mga ngiti sa 'ming labi ay sumasabay. Aminadong hanggang ngayon ay pinag-iisipan kong mabuti kung tama pa ba na tumuloy? Ngunit kapag naaalala ko ang sitwasyon noon ay talagang suguradong-sigurado akong tama ito. May mga pagkakataon lang na napatutulala ako dahil kahit anong sama ng naranasan ko ay hindi ko kailanman naisip na gumanti. Nagawa ko lamang ito sa tulong ni Attorney Oliver.
"Attorney Oliver," pagtawag ko rito. "Thank you sa lahat ah? Hindi ko alam kung saan ako pupulutin no'ng mga araw na huli mo akong nakita."
Seryoso lamang akong tinitigan nito kasabay ng nakabibighani niyang titig.
"Did I make you happy?" tanong niya na siyang nagpangiti sa 'kin.
"Yes, you did," malawak na ngiti kong sagot. "Hindi ko na nga alam kung paano kita pasasalamatan. Higit pa sa saya ang binigay mo sa 'kin dahil pati ang karapatang mamuhay ng payapa ay ibinigay mo."
"Remember what I said? From the moment you entrust your life to me, that was the moment I endeavored to protect you from anyone... especially from them."
Napangiti ako sa sinabi niya ngunit kaakibat no'n ang isang ngiting tila para bang maluluha. "Just tell me if there's something I can do to pay for your kindness. Gagawin ko ang lahat para lang maramdaman mo ako."
Buntonghininga ang pinakawalan nito bago tuluyang kumibo. "I told you before; I don't ask anyting in return. Pero dahil tinanong mo ulit ako, I changed my mind."
"Anything for you, Attorney Oliver."
"I will tell you... but in one condition." segundo kaming nagkatitigan bago siya mulig magpatuloy, "I wanted to clarify again how eager are you to free yourself a toxic husband? May chance na bumalik ka sa kaniya kung sakaling maramdaman mong totoo na siya?"
Umiling ako. "I trust you more than him, and you know that. Ayoko na ulit magdusa."
Matapos kong bigkasin 'yon ay kusang gumuhit ang malawak at matamis na ngiti sa labi niya.
Napalunok ako nang malanghap muli ang mabango niyang amoy isama ang titig niyang nakabibighani. "I'm pleased to hear that." unti-unting naglalapit ang mukha namin, at sa isang iglap ay naglapat na ang mga labi namin na siyang nagdulot sa 'kin ng pagka-estatwa. At nang magbitaw kami sa isa't isa ay marahan niyang hinawakan ang hisngi ko. "Now, I order you to stay."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (46)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/06
0nice story i love it
21/04/2025
0I'm hoping
19/03/2025
0Tingnan Lahat