Homepage/Marrying the Heartless Billionaire/
Revenge
Odessa POV
Nang maramdaman kong umangat ang kamay nito patungo sa 'king dibdib ay agad akong humiwalay sa labi niya. Gulat lang siyang napatitig sa 'kin. Sa halip na ipakita sa kaniya ang emosyon sa 'king mga mata ay pinili kong ngumiti.
I knew inside me that I wanted more. I wanted his lips. I wanted him. But this time, I'm not at the right time to follow my desire. Naalala ko ang sinabi ni Oliver, na huwag magpadala sa mapanuksong presensya ni Greyson dahil dadalhin ako nito sa muling pagkamiserable at ayoko na maulit pa ang mga pinagdaanan ko sa piling ng bilyonaryong ito, na walang puso at respeto.
I stood up and threw him my sweetest smile he'd never seen before. Hinaplos ko ang mukha niya, at laking gulat nang hawak nito ang kamay ko.
"Felicity..."
Magsasalita pa sana siya ngunit mabilis akong tumalikod at bumitaw sa malambot niyang palad. Palayo sa lalaking minahal ko, pinatatatag ko ang aking sarili na 'wag magbago ang isip sa mga plaanong itinalaga namin ni Oliver. Tama lang ang desisyon ko na sumama sa kaniya dahil mula nang kumawala ako sa presensya ni Greyson ay nakamit ko ang kapayapaang hinahangad ng puso ko, kahit pa sa kabilang banda ay may natitirang kahilingan na sana'y may pagkakataon pang magbago siya. Aminadong isa akong tunay na martir sa mga nagdaang panahon, ngunit patunay lamang iyon kung gaano ako kadesidido na maging tunay sa taong kabaligtaran ng intensyon ko.
I'm sorry, Greyson, but I won't let you hurt me again. I won't.
*****
Nagsasayawan at katuwaan ang mga tao sa party habang ang iba ay abala sa pagkukwentuhan. Kaniya-kaniyang mundo ang masasaksihan sa mga taong naririto katulad namin ni Oliver na ngayon ay nakaupo at umiinom ng champagne. Pinagmamasdan namin ang mga taong nagsasaya, lingid sa kaalaman nila na ang lahat ay naka-plano na.
Sa paglipas ng ilang oras ay naikwento ko kay Oliver ang mga nangyari sa rooftop, ngunit kahit hindi ko ipaliwanag ay nakita nila ang ginawa ko dahil bawat galaw namin ay may nakamasid. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya, gayunpaman ay alam kong wala lang iyon sa kaniya dahil parte 'yon ng plano.
"How does it feels?" Oliver asked me. "Did you enjoy playing with him?"
Napangiti ako. "Ang sarap pala nilang paglaruan. Kung gaano ako kabilis magtiwala at magpatawad noon, gano'n sila kadaling maniwala ngayon. Gano'n sila kakampante."
Nakatitig ako sa kawalan habang nilalagok ang alak. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay nagpakita na sa stage ang MC.
"Be reaady," bulong sa 'kin ni Oliver kasabay ng ngiting nagpapakalma.
"So, good evening everyone! Bago ang lahat, ating pasalamatan ang sponsored ng gabing ito dahil sa kanila ay nabigyan tayo ng pagkakataong mapabilang sa kasiyahan ngayong gabi. Please come to stage, Mr. and Mrs. Villaruez!"
Palakpakan at malawak na ngiti ang ibinabato sa amin ng ituro kami ng MC.
"You ready?" tanong ni Oliver at saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Yes," sagot ko at kami ay tuluyan nang naglakad sa gitna. Puno ng bulaklak na makikintab ang paligid kaugnay ng iba pang maningning na dekorasyon, mga photographer sa bawat gilid, at mga taong naghihiyawan sa galak na makilala kami. Now I know how it feels to be the center of attention. Aminadong hindi ako sanay sa mga ganitong senaryo ngunit ang katotohanan ay hindi mawawaglit na masarap sa pakiramdam.
Nang makatuntong sa stage ay pormal na kinuha ni Oliver ang mic sa MC, at laking gulat nang iabot niya ito sa 'kin kasabay ng isang ngiting alam ko na agad ang gusto iparating. Nakangiti ko itong kinuha at pinakatitigan ang lahat.
"Good evening! Thank you to each one of you for being with us today. But before we begin, I would like to express my sincere gratitude to those who generously supported us assemble this event come together to become a success," panimula kong paliwanag habang dinadaanan ng tingin ang mga taong nanonood. Hanggang sa mahagip ko si Greyson na ngayon ay nakatayo't nilalagok ang alak sa kaniyang baso. Nakatitig laman siya sa akin kaya naman tinapunan ko lamang siya ng isang mapanlinlang na ngiti.
Hanggang sa ibigay ko na ang mic kay Oliver, para sa pagkakataong siya naman ang makapagpagsalita.
"And I would like to thank my wife for bringing the most excellent idea. I'm fortunate to have you, darling." hinalikan ako sa pisngi ni Oliver na siyang ikinagulat ko ngunit ikinahiyaw sa tuwa ng mga nakasaksi.
Ilang minuto ang nakalipas ay natapos din kami. Marahan akong inalalayan ni Oliver sa paglalakad pababa sa stage. We walked the red carpet together as they clapped their hands and threw a smile at us. Mula kanina ay hindi ko magawang alisin ang ngiting namumuo sa 'king labi gano'n din si Oliver.
Isang lalaki ang lumapit sa 'min at saglit na ipinagpaalam si Oliver kaya naman naiwan akong nakaupo sa harap ng table. Soon as I diverted my gaze to the right side, I caught Greyson staring at me, utterly devoid of emotion. Laking gulat nang tumayo ito sa pagkakaupo bago siya maglakad palayo ay pinasadahan niya ako ng tingin na tila ba nag-aaya na sumunod sa kaniya.
Siniyasat ko ang paligid at sinigurong walang taong makapupuna, at doon ay dali-dali akong sumunod. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung na saan siya dahil bigla na lamang nawala ito sa aking paningin. At nang madaanan k ang isang room ay may pwersang humila sa akin papasok.
"Greyson?" pinagpag ko ang sarili ko na animo nairita sa ginawa niyang paghila. "What's your problem? Bakit mo 'ko hinila?"
Buntonghininga ang pinakawalan niya. "Iyong kanina sa rooftop. What was that all about?"
Hinawi ko saglit ang buhok ko bago siya sagutin. "Oh, 'yong paghipo at halik? It depends on you. What do you think was that for?"
"Seriously? You provoked me in front of my girlfriend," nakangisi niya sabi, at hindi ko mawari kung matutuwa ba akong nadala siya sa ginawa ko o magagalit dahil kahit kailan ay mabilis siyang maakit sa tukso. "You can't just tell me na wala lang 'yon, Felicity."
"So what do you expect from me? Anong gusto mon gawin ko?" walang emosyon kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya. Ang maskara ay hindi ko pa rin inaalis, at minabuting 'wag itong maalis ng kahit na sino.
Sa mga segundong lumipas ay bigla kaming nagkatitigan. Ang titig niyang iyon ang pinaka-maamong sulyap na nasilayan ko, ngunit mali. Mali na magpadala sa agos ng karupukan dahil kung hahayaan kong sumibol muli ang malabot kong puso ay paniguradong muli akong masasaktan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (46)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/06
0nice story i love it
21/04/2025
0I'm hoping
19/03/2025
0Tingnan Lahat