The plan

Odessa POV
Natapos kami sa pagkain. Hindi ako masyado nagpakabusog dahil ayokong maging bloated. Fitted pa man din ang suot ko. Napadalas yata ang pagpapakita ko ng 'di magandang asal at hindi kinaya ng dalawang haliparot kaya umalis sila.
Pinagmasdan ko lamang silang naglakad palayo sa table namin.
"Mrs. and Mr. Villaruez, these are the papers that you need to sign," Tita Vanessa handed us the paper.
Mabilis na kinuha iyon ni Oliver at saka pinirmahan. Pagkatapos ay agad niya itong inabot sa 'kin at ako naman ang pumirma. Isang ngiti ang pinakawalan ko kay Oliver bago tuluyang ibaling ang atensyon sa magulang ni Greyson at saka inabot ang mga papers.
"So, can we now discuss the money we need to implement those products?"
"Why don't we just focus on the main goal?"
"So, when would you like us to start?"
"Do you have any suggestions or queries regarding our products and services?"
Panay batuhan ng sagot at tanong ang nagaganap sa pagitan namin ni Oliver at ng magulang ni Greyson tungkol sa partnership business namin.. Kami lang ang naririto. Well, hindi naman bago sa 'kin ito. Ilang buwan na rin kaming hindi nagsasama.
Lumipas ang ilan pang sandali ay nagpaalam kami sa kanila. Naglakad kami ni Oliver sa gilid kung saan naroon ang mga alak. Lumapit ito sa 'kin at ako'y binulungan.
"It's time."
Napangiti ako.
"He's on a rooftop." ang tinutukoy niya ay si Greyson. "Don't worry wala roon si Cynthia."
"Well, I don't care if she's there. That would be exciting kung sakali," isang ngiti ang pinakawalan ko. "I've got to go."
"Be careful not to fall, Odessa," the last word he stated. Alam kasi niya kung gaano ako kamartir at karupok noon kay Greyson.
Bago ako tuluyang umalis ay hinalikan ako nito sa kanang pisngi. Minabuti naming masaksihan iyon ng dalawang mag-asawa para tumatak sa isip nila na ang relasyon namin ni Oliver ay lubhang masaya. Dahil sa mata ng lahat ng nandito ay legal kaming mag-asawa.
Nagsimula na akong maglakad patungong elevator. Ang mga kasabayan ko ay naka-mask din, ang iba ay hindi. Pagsara nito ay agad kong pinindot ang last floor, doon na iyong rooftop.
Nang marating ko ang rooftop ay natanaw ko agad si Greyson na mag-isang umiinom ng alak habang nakatitig sa kawalan.
I walked toward him. Tumabi ako sa kaniya habang nilalagok nito ang isang baso ng alak.
"Where is she?" saglit akong nagbuhos ng wine sa baso ko. I tried to remain calm. Ngayon ko na lang ulit nakita at nakatabi ang asawa ko. Asawa pa nga ba?
"First floor, I guess." segundo ang lumipas ay napatingin ito sa 'kin. "Why are you here? Tapos na ba ang pag-uusap niyo?"
Naglakad ako palapit sa kaniya. "We're done."
I can't believe na kakausapin niya ako ng maayos sa kabila ng inasal ko. Sabagay, plastikan lang naman ang iniisip niyang magaganap. Alam kong kahit maging kaisa namin sila ni Oliver ay hindi sila tunay.
Nanatili akong nakatayo habang nagmamasid sa kawalan. Tanaw na tanaw ko ang mga bulding at kabahayan. Hanggang sa tinagayan kong muli ang sarili ko't nilagok ito ng diretsuhan.
Oras na para umpisahan ang plano. Lumapit pa ako ng husto sa kaniya at inalok iyong alak. Tutal ay ubos na rin namann ang laman ng baso niya.
"You can join me if you want." hindi ko pa rin inaalis ang mask sa mukha ko pero ang titig ko'y nanatili lang sa kaniya.
"Sure. Just make sure na hindi magagalit ang asawa mo," ani niya na nakangiti.
"Of course not. As long as hindi niya nakikita." isang ngiting mapaglaro ang pinakawalan ko sa kaniya habang ang mukha nito'y puno ng pagtataka.
Tuluyan akong tumalikod at dumiretso sa kabilang side kung saan may nakalagay na table. This is a portion of our plan. May mga pagkain rito at iba pang wine na nakahapag.
Pagkaupo ay laking gulat dahil nakaupo na sa gilid ko na si Greyson. Akmang magsasalita ako nang sumulpot bigla ang magaling niyang girlfriend na si Cynthia.
"Ano 'to, Greyson and Mrs. Villaruez?" hindi makapaniwalang tanong ni Cynthia. "What are you doing here w-with her?"
"Oh, we're talking about business. Do you need anything?" pagsisinungaling ko.
"Oo, ang boyfriend ko," mataray niyang sagot.
"And then? Dapat ba may pakialam ako?" buwelta ko. Akmang magsasalita si Greyson pero hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya. "Look, Cynthia, it's an important matter. Much better na 'wag kang sasabat sa mga nag-uusap lalo kung wala kang alam."
Ibinaba ko ang kamay ko sa ilalim ng table at ipinatong sa legs ni Greyson. Marahan kong pinisil ang legs nito, taas at baba. I saw him swallow. Alam kong nagulat ito sa ginawa ko pero pinili niyang kumalma.
I'm sorry, Greyson, I'm still your wife. And I have my reason for doing this.
"A-ahh, just go, Cynthia. We'll talk later." wala nang nagawa pa si Cynthia. Buntonghininga na lamang ang pinakawalan niya.
"Okay!" inis itong umalis.
Nang mawala sa paningin namin si Cynthia ay napatingin ako kay Greyson.
"That was very impolite of you, Mr. Greyson." he glanced at me. "You completely ignore your girlfriend because of me."
He chuckled. "No, it's fine."
"Really? Maybe you were too busy thinking about my hand on your legs, am I right?"
Hindi agad siya nakakibo. Tanaw na tanaw ko ngayon sa mukha niya ang pinaghalong kahihiyan at pagkalito. Sa kagustuhang makausap siya ay iniba ko ang topic at sinabi ko sa kaniya na wala lang iyon. Nakakapanibago dahil nagkukwento siya sa akin ngayon. Sabagay, hindi niya naman ako makikilala dahil kahit nakikita sa mask ang mata ko ay naka contact lens ako.
"Do you love her?" tanong na kusang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nasasaktan ngayong kaharap ko siya. Hindi na katulad ng dati.
"Why do you ask?"
"You don't look like you're serious," anas ko.
Napatawa naman ito ng kaunti. "You're weird, Felicity. Why do you care? Isa pa, dapat na sa baba ka ngayon. By the way, hindi ka ba pinagpapawisan sa mask mo?"
"Don't mind that. Ayoko ma-expose ang beauty ko sa kahit na sino maliban sa asawa ko," palusot ko at saka siya nginitian. "Let's just take sometime, Greyson. Minsan kailangan din natin magliwaliw, huwag puro negosyo."
Napatango naman ito. I couldn't think straight so all I did was stare at the glass while Greyson was pouting fancy wine into. He keep talking politely but all I could hear was nothing. Napakarami niyang tanong, lahat naman ng sagot ko'y pawang kasinungalingan.
Wala pang ang ilang oras ay nakailang ikot na sa 'min ang baso. We're busy talking about so many things in life. Our likes and dislikes. Our hobbies aside from working. But everything I said was not true. Gayunpaman ay hindi ko na maintindihan. All I want is to seek revenge kaya plano namin ni Oliver na paikutnin lang si Greyson at ang magulang niya.
Pero hindi iyon ang nangyayari ngayon. Muli kong naramdaman ang kakaibang pintig ng puso ko habang kausap siya. Nagmistulang bula ang mga sakit na noon ay dinanas ko sa piling niya. Bakit ibang-iba si Greyson ngayon? Kung paano niya ako kausapin. Kung paano niya ako titigan sa mata.
"So, you don't really love Cynthia?" pag-uulit ko dahil sa alak ay nasabi niya ang totoo.
"I loved her." halos hindi niya pa masagot ang tanong ko. "But sometimes I felf like I was missing something."
Seryoso ko itong tinitigan. "It should be someone."
Puno ng pagtataka ang mukha niya nang mapatingin sa 'kin. "What do you mean?"
"I don't know exactly what you're trying to convey, but maybe you missed someone because you lost her. And perhaps it's what they called realization," seryoso kong sabi dahilan para magkatitigan lang kami.
Upang maligaw ang usapan ay nginitian ko siya. Lalo ko pang idinikit ang upuan sa tabi niya at saka hinaplos ang legs nito. I could see his face getting hotter. Nagulantang siya nang ipatong ko ang ulo sa balikat niya.
"Felicity? Lasing ka na, gusto mo bang tawagin ko ang asawa mo a-"
"No, I'm not drunk," sagot ko habang hinahaplos dahan-dahan ang legs nito. Sandali kong inihinto ang mga kamay ko at saka huamarap sa kaniya. "You know what? I haven't even touched a dick unless you let me do it now."
Bumaba ang tingin ko sa labi nito. Nagulantang na lang ako nang sunggaban niya ako ng halik. I just touched his face, running my hand across his jaw down behind his neck. Warm and smooth, but I managed to stop. Minuto lang lumipas ay at agad din siyang bumitaw sa 'kin labi.
"Was this alright? What about your husband?" kuryosidad niyang tanong.
My thoughts ran wild thinking about kissing him again. "It would be better if you shut your mouth."
And for the second time he kissed me. I felt burning. His every touch inflamed my heart and his lips left me gasping for air. Sa bawat halik ay mas lalo akong nalulunod habang nakapikit. Ngayon lamang mangyari na magdampi ng ganito ang labi namin. Ngayon lang ngunit may hangganan.

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/06

      0
  • avatar
    AbundienteGielurd Benemerito

    nice story i love it

    21/04/2025

      0
  • avatar
    Julie Ann Lustina Bueno

    I'm hoping

    19/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata