Forgive me

Lei POV
Buwan na ang nagdaan simula nang mawala si Odessa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya nahahanap. Walang palya ang pananaliksik namin sa bawat sulok ng lugar para lang matagpuan siya. We did our best. We keep doing it. Unfortunately, she's still missing. Wala kaming magawa kung hindi lumuha tuwing mauuwi ang lahat sa wala. Tuwing matatapos ang ang isang araw na wala kaming masagap na balita. At kapag sasapit ang gabi na matutulog kaming nangungulila.
"I miss your sister, Lei. I never thought this pain to be this unbearable." kasabay ng paglagok ni Papa sa basong may alak ay lumuluha ito. "Kawawa naman ang kapatid mo. Wala man lang tayong alam sa sitwasyon niya. Siguro nga'y masyado tayong nakampante."
Nakaupo ako sa gilid ni Papa. Mula pa kaninang umuwi siya galing sa kumpanya ay umiinom na ito. Ang tangi ko na lamang ginawa ay pakinggan ang mga hinaing niya at damayan siya.
"Matatag si Dessa, alam kong kung na saan siya ngayon ay nagpapahinga lsiya," pagpapakalma ko.
"Kahit pa ang pinakamatatag na tao ay marunong din mapagod. Paano kung wala na pala ang kapatid mo?" namumugto ang mga mata ni Papa. Pilit niyang sinisisi ang kaniyang sarili at dahil daw sa kaniyang kapabayaan kung bakit ang anak niya ay nawala.
"Alam ko naman 'yon, Pa. We have to stay strong habang hinahanap si Odessa. Paniguradong masasaktan 'yon kapag nalaman niyang nagkakaganito tayo."
Doon ay lalo pang pumulas ang luha ni Papa sa kaniyang mga mata. Pangalawang beses pa lamang ito na nakita kong lumuha siya at unang rason ay no'ng malaman niyang may sakit ako. Ang pangalawang rason naman ay ngayong nawawala ang kapatid ko.
*****
Kasalukuyan akong nagtitiklop ng damit. Half day lang ako sa work dahil minabuti kong mag-stay dito sa bahay at maghintay ng balita tungkol sa paghahanap nila sa kapatid ko.
Saglit akong natigilan nang makarinig ng yapak ng paa mula sa hagdan sa labas nitong kwarto ko. Lalabas na sana ako para tingnan kung may tao nang mag-vibrate ang phone ko at isang mensahe ang bumungad.
"All of you are being played. Please observe."
- Unknown number
Sa itaas ay nabasa ko iyong mensahe last time.
"You shouldn't have let her marry him."
Oh no! Ngayon ko lang ulit naalala ang mensahe na 'yon. Sa sobrang abala ko sa work at paghahanap kay Odessa ay ngayon ko lamang napagtanto ito. Punong-puno ako ng kuryosidad. Malaki ang chance na si Odessa ay may tinutuluyan ngayon. Kung kanino man nanggaling ang message na 'yon ay malaki ang posibilidad na may kinalaman siya sa pagkawala ni Odessa.
I have to talk to Bridgette. Kailangan ay mahanap namin kung sino nagpadala ng mensaheng ito.
Nagmamadali akong kumuha ng damit sa cabinet ngunit wala pa man ilang minuto nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Greyson kasama ang tatlo niyang bodyguard.
"Greyson?" titig na titig lamang ako sa kaniya at laking gulat nang kunin niya sa kaniyang tagiliran iyong baril.
Ngumisi ito. "I'm sorry, Lei. Did I bother you?"
Sa halip na sagutin ang tanong niya'y tinitigan ko siya ng maigi. Bakit siya may hawak na baril?
"A-anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong. Napaatras ako at saka siya tinitigan.
Napalunok na lang ako nang ihakbang niya ang paa niya palapit sa 'kin habang kinakasa ang baril. "Alam mo, Lei? Madali ako kausap. I just went here to ask you something."
"Anong kailangan mo?" kunot noo kong itinanong, pilit nilalabanan ang kaba dulot ng baril na nakatutok ngayon sa akin.
Nang marinig niya ang tanog ko'y lalo pang lumawak ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may iba siyang gusto na iparating.
"Keep your fucking mouth shut, Lei. Walang kahit anong salita ka na sasabihin sa mga pulis sa oras na magtanong ulit sila, okay?"
Napailing ako sa inis at pagkabigla. "What do you mean?"
"Come on, Lei. Alam kong nagsumbong sa 'yo si Odessa at alam ko rin na sinisisi mo ako sa pagkawala niya."
Napasinghap ako ng hangin sa narinig. "Wala akong makitang rason para umalis siya. Isa lang, at 'yon ay dahil wala kang pusong asawa. Tapos ngayon pumunta ka rito dahil ayaw mo 'ko na magsalita sa mga awtoridad? Bakit? Natatakot ka na malaman nilang ikaw ang rason kung bakit nawawala ang kapatid ko?"
Naikuyom nito ang kaniyang kamao at tila poot ang namuo sa kaniyang mukha. "Huwag mo subukan, Lei. You don't know what I can do."
"Favorite line 'yan ng mga inutil na bilyonaryong tulad mo, 'no? Lahat idinadaan sa pera at posisyon!" mariin kong wika.
"Dapat kang magpasalamat, Lei. Kung hindi dahil sa kayamanan ko at ng pamilya ko ay matagal ka na sanang inuuod sa libingan." hindi ko akalaing maririnig ko 'yon mula sa lalaking ito. Napakasama niya! "But look, you're fucking still alive."
"Tama ka. Sana nga namatay na lang ako kaysa ipinakasal sa 'yo ang kapatid ko pagkatapos ay gagaguhin mo lang? Nakakadiri ka hindi mo ba alam 'yon?!" singhal ko at pagkatapos ay sinampal niya ako.
"How dare you speak to me like that? 'Wag mo kalimutang dahil sa 'kin kung bakit naiahon kayo sa hirap at pagkalubog sa utang!" nakangisi niyang sigaw.
Akmang magsasalita pa ako pero hindi natuloy dahil inangat niya ang baril na hawak niya. Ang tatlong bodyguard naman ay pinalibutan ako. Sinisiguro nilang wala akong matatakbuhan sa oras na magtangka ako.
"If you truly care about your father, you must do what I say. You understand, Lei?"
"Anong gusto mo iparating? Na sasaktan mo si Papa gaya ng ginawa mo kay Odessa?" masama ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko akalaing ganito ang ugali ng lalaking ito.
"Be careful with your words. Baka kapag hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila mo ay mapilitan akong sugurin ang Papa mo." nakangiti lamang ito sa 'kin habang ako nangangatog na sa takot pero pinipilit kong ikalma ang sarili ko.
"Napakasama mo! Anong akala mo natatakot ako sa 'yo?!" nanginginig kong sigaw kahit pa ang totoo ay nag-umapaw ang kaba sa dibdib ko.
"Siguro nga hindi, pero matakot ka sa kalalagyan ng Papa mo sa oras na sinuway mo ako." matalim ang tingin niya sa 'kin nang sabihin 'yon. Doon ay mas lalo akong nakaramdam ng takot.
Ang mga luha ay nagsimula nang mamuo sa 'king mata. "Ano bang gusto mong gawin ko?! 'Wag na 'wag mong sasaktan ang Papa ko, pangakong wala akong pagsasabihan sa kahit na sino."
Ang ngiti sa labi niya ay lalo pang lumawak bago sinabi, "Don't say anything about "us" or utter the word "arranged marriage." Because if you do, it means you're permitting me to wreck your father's life."
Wala akong nagawa kung hindi tumango habang ang mga luha ay nagsimula nang pumulas. Ngayo ay masaya siyang nagtagumpay na mapasunod ako sa gusto niya. Masaya siyang ginagawang alipin ang lahat at idinadaan sa pagbabanta.
Patawarin mo ako, Odessa.

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/06

      0
  • avatar
    AbundienteGielurd Benemerito

    nice story i love it

    21/04/2025

      0
  • avatar
    Julie Ann Lustina Bueno

    I'm hoping

    19/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata