Searching

Lei POV
Katatapos lang namin maglagay ng missing person flyer ni Bridgette. We're done posting it for every district in our places. Nagpasuyo na rin kami sa ibang police na ipakalat ang mukha ni Odessa sa bawat poste at subdivision na madaraanan. Sina Greyson at ang mga magulang niya ay abala rin sa pagpapaskil sa buong kumpanya at nagpatulong na ang mga ito sa ibang tao. Whoever found her will receive a cash reward. Nagkakahalaga itong kalahating milyon.
"I am hoping na makita na natin siya. I'm worried sobra, Ate. Nagkaro'n pa man din kami ng kaunting alitan last time although naayos naman, nakakapangsisi pa rin." napatingin lang ako kay Bridgette na ngayon ay punong-puno ng pag-aalala.
Tinapik ko ito sa likod upang kahit papaano ay maisip niyang wala siyang kasalanan. "We're all worried about my sister. Kaya ayokong sisihin mo ang sarili mo. I know how good you are to my sister, Bridgette. Natural lang 'yong pagkakaroon ng alitan sa mga minamahal natin. Ang importante ay totoo ka. At isa pa, hindi matutumbasan ng kahit anong salapi 'yong pag-iintindi mo sa kapatid ko. You're the only person she has, lalo no'ng mga panahon wala akong alam sa sitwasyon nila ni Greyson."
She smiled at me, and she looked so much like she wanted to cry. "Thank you, Ate. Hindi tayo magsasawa na hanapin siya."
"Tama ka. Marami na siyang sakripisyo para sa atin. At ngayon, tayo naman ang kailangan niya kaya hindi tayo dapat sumuko." matapos kong sabihin 'yon ay niyakap ko siya.

I can't lose my sister. She was there when I needed someone the most. She never left me in the most challenging circumstances of my life. She sacrificed her happiness for the sake of my life.
If there's no way to find her, then there's no way I could be happy.
Hindi rin ako matatakot na ibintang kay Greyson ang pagkawala ni Odessa dahil walang ibang dapat sisihin kung hindi siya. Pinakinabangan nilang lahat ang husay ng kapatid ko sa pagpapalago ng negosyo, pero sinira lang nila ang reputasyon nito. Umaasa akong matatagpuan ko o magpapakita sa amin si Odessa.
Greyson POV
I was with my three bodyguards all day. It's been three weeks since we last saw Odessa. I'm choosing to stay calm even though I knew it was my fault deep inside. And I'm not sure whether I'm missing her, or perhaps I'm just concerned for the first time. But hell no!
But every time I think that our relationship is just a piece of shit because of arranged marriage, unti-unting kong napagtatanto na hindi ko siya gusto. She will never be enough for me. Kaya mali na mag-alala ako sa kaniya. I'm just fucking concerned to myself. Iniingatan ko ang pangalan ko bilang CEO ng kumpanya na ipinamana sa 'kin ni Dad. Ano na lang ang sasabihin nila kung sakaling malaman nilang nawawala ang asawa ko.
I wouldn't let anything to our company just because of that damn girl!
"Did you see her?" iyon pa lang ang naitatanong ko ay mahihinuha agad ang sagot sa itsura nila.
"We're sorry, Sir. We're doing our best to find your wife. Nakarating na rin sa malalayong area ang information ni Ma'am Odessa."
"What are to trying to say? Na maghintay ako nang maghintay?" buwelta ko sa mga punyetang ito.
"Let's just wait for the result, Sir." yumuko ito na nagdulot ng inis sa 'kin.
"Is this a service you think I need?" galit kong wika. "My wife is fucking missing, and I want you to find her!"
"We understand, Sir. Hintayin po muna natin ang magiging resulta ng paghahanap namin sa loob ng ilang linggo." the fuck, is he serious?
"Are you stupid? Tingin mo ba test ang pinagagawa ko sa inyo na pwedeng kumalma habang naghihintay ng resulta? You can't just go here and tell me to wait for the result. Binabayaran ko kayo ng malaking halaga! You better do what I say, or you will lose your fucking job! All of you!"
Sa galit ay nasipa ko ang upuan sa gilid. Masyado silang inutil. Anong akala nila na sa ibang bansa kami para hindi mahanap ang pinahahanap ko? Saglit na inilayo ng ibang police 'yong na sa harap ko at pumalit iyong isang mas matangkad.
"Sir Greyson, nagpadala na po kami ng maraming tauhan at pinaghahanap na rin nila si Ma'am Odessa. Mas makatutulong po siguro kung pupunta kayo ngayon sa office namin. Lahat po ng pamilyang kinabibilangan ni Odessa para sa final interview."
"Fine. Make sure na effective ang interview na pinaggagawa ninyo," usal ko.
"Yes, Sir! Don't worry, hindi po kami titigil hanggang hindi nagagawa ang utos niyo sa 'min," nakayukong ani ng isa pang police.
"Good. Your only job is to make the best possible move now. And that is to find Odessa. Is that clear?"
Lahat sila ay mabilis na sumang-ayon. Ngayon ay tutungo ako sa police station office para sa mga katanungang bibitawan nila.
"Give me the key!" utos ko sa isa kong body guard. "And my coat."
Agad naman itong kumilos at pagkakuha'y mabilis na inabot ang mga 'yon sa 'kin.
Palabas pa lang ako nang masalubong ang mga magulang ko.
"Sasama kami ng Papa mo. We need to find her as soon as possible. Pa'no na lang kung magsumbong 'yon?" anas ni Mama sa akin.
"No, Mama. Wala naman alam 'yon sa plano natin."
Napailing na lang siya at napatitig ng seryoso sa 'kin. "You know that we need her badly, right? Our company needs her. So find a way, Greyson. Hindi ka pwedeng sumabak sa mga tanong nila ng hindi ka handa. Anong akala mo hindi ko alam na masama ang trato mo sa kaniya?"
"Wait. Don't tell me sumasalungat na kayo ngayon sa napag-usapan natin," kunot noo kong naitanong.
"No, Greyson. Ang punto ko ay pa'no na lang kung sa 'yo nila ibintang ang pagkawala ni Odessa?" tama ang katuwiran niya pero hindi dapat ako bumase o magpaapekto sa sasabihin ng iba.
"I get it. Don't worry. Sa ngayon ay kailangan natin magpunta sa police station. I'm sure nando'n na rin ang pamilya ni Odessa. We need to get away from all the distractions, and we can only do that if we choose to pretend 'til the end. At palabasin na mabuti ang samahan naming mag-asawa."

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/06

      0
  • avatar
    AbundienteGielurd Benemerito

    nice story i love it

    21/04/2025

      0
  • avatar
    Julie Ann Lustina Bueno

    I'm hoping

    19/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata