#49

                   Kendricks P.O.V 
Pinili ko na lang na dito sa dorm mag-training at ilang oras na rin ang nakalilipas simula ng magsimula ako. 
Tumigil muna ako sandali. Lumapit ako sa wine na nasa desk ko. Kumuha ng wine glass saka nagsalin ng wine. Pagkasalin ko ay agad ko itong ininom. 
Dumako muli ang tingin ko sa board. Ilang sandali ay natigilan ako dahil mayr'ong dumaan na parang hangin sa pisngi ko. Naramdaman kong nadaplisan ako nito. At ng tumingin ako sa board ay mayr'ong bumaong dagger r'on. 
Naging seryoso at alerto ako. 
The hell! 
Sino ang malakas ang loob na pasukin ang silid ko? 
Mabilis na tumingin ako sa paligid. Kumunot ang aking noo dahil wala naman akong nakikita at wala akong nararamdaman na tao maliban sa akin. 
Muling dumako ang tingin ko sa dagger. Marahan kong ibinaba at inilapag ang hawak kong wine glass. 
"You are really interested in my girlfriend." Rinig kong wika sa aking likuran na nilingon ko kaagad. 
Bumungad sa akin si Sylvester. Humakbang siya palapit. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumigil siya sa board kung saan naroon ang mga larawan ni Rhexyl. 
How the hell he manage to get in here? 
"Seeing these pictures of her." Tumingin siya sa akin. "You put in a lot of effort, don't you?" mahinahon at kalmado niyang sambit. 
"What are you doing here? Why are you here?" malamig kong tanong. 
"To confirm something." he answered. 
"What the hell is it?" I asked again. 
Hindi niya ako sinagot dahil abala ang kaniyang mga mata sa paglibot sa paligid ng aking silid hanggang sa tumigil ito sa aking wine. Lumapit siya roon at nagsalin din. 
"Do you think that she is my weakness?" He asked after he drink his wine. 
Bumaling ang tingin ko sa board tapos sa kaniya. I suddenly smirked. 
"Why? Hindi nga ba? Love is a weakness, Sylvester." I stated. 
"Is it?" he asked once more. 
"I guess I was wrong about you. You are still weak. You haven't changed at all." he simply added. 
"But you impressed me by thinking of stealing my woman. That's a brave action against me." he continued. 
He seems not bothered by the pictures that he is seeing. 
Does he really love her? 
"I came here to inform you that the girl you are planning to steal is not just my girlfriend." He stopped for a while and looked at me with a slight smile on his lips. "He is my wife, Kendricks." 
Ipininakita niya sa akin ang kaniyang kaliwang kamay. Nakita ko ang isang singsing sa kaniyang ring finger. 
"She is married to me." he proudly stated. 
"You are too late, Kendricks. You are really slow to get what you want." Lihim na kumuyom ang aking palad. 
This man! 
"I honestly don't mind those pictures." Pagtukoy niya sa mga pictures sa board. 
"You can freely have them because you can't have the real her. She's mine, and no one can ever touch or steal her from me." he continued. 
Sa nakikita ko sa kaniya. Kampante siya, 
Why? 
"After all, she won't hesitate to kill you. You don't know my girl. I admit, she is indeed beautiful. You are not just her admirer. There are a lot of men who want to get her, but some of them are dead." mahabang pahayag niya na ikinangisi ko. 
"What is your point, Sylvester?" I asked. 
Ngumiti siya at marahang inilapag ang wine glass pero nagulat ako ng bigla na lang siyang nasa likuran ko. 
"You don't have a chance to have her." ubod lamig niyang bulong sa aking tainga na siyang ikinataas ng aking mga balahibo. 
Fuck! 
Nagulat ako ng tinadyakan niya ang aking tuhod. Napaluhod ako sa kaniyang ginawa and I secretly groaned at the impact of what he did. 
Napamura ako sa aking kinaluluhuran dahil hindi ko magawang tumayo. I feel stuck. 
Damned it! 
"Before planning on stealing my girl, find out first how you are going to get rid of me. That's the only way for you to touch her." he coldly warned. 
He tapped my shoulder and directly looked at me. 
"Don't block my way if you are not strong enough to kill me. I pity you for being weak." he calmly stated. 
Fucked! 
Pagkaalis niya ay saka lang ako nakakilos. 
"Shit!" Nasuntok ko ang sahig sa sobrang inis. 
I will kill you, Sylvester! 
Rhexyl's P.O.V 
Kasalukuyan akong nakasandal sa gilid ng pintuan ng dorm ni Sylvester. Hinihintay ko siya dito sa labas. Pagkaalis namin sa training room kanina ay sandali siyang umalis. Mayr'on daw siyang pupuntahan saglit. 
Ayoko pang pumasok sa loob kaya mas pinili kong dito na lang siya sa labas hintayin. 
"Baby," Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Ngumiti kaagad ang aking labi nang makita ko siya. 
Umalis ako sa pagkakasandal at lumapit sa kaniya. Iniyakap ko ang aking mga kamay sa kaniyang baywang. 
"Why are you waiting here? You can wait inside," he sweetly said, kissing my forehead.
I smiled again. 
Kinuha at hinawakan niya ang aking kamay saka hinarap ang pinto ng kaniyang dorm na kusa namang bumukas. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. 
Pagkapasok namin ay agad ko siyang niyakap na sinuklian naman niya. Napapikit ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na hinaplos ang aking buhok at nilapatan niya ng halik ang aking ulo. 
I just want to hugged him. 
Mukhang pinagbigyan niya ako sa training namin kanina. Wala kasi akong natamong kahit isang sugat. 
"Hindi mo ako sinerseryoso kanina sa training." pag-aakusa ko sabay tingin sa kaniya. 
"Hmm?" tugon niya. 
"I am just lucky today because I didn't become a walking mummy?" malambing kong tanong. 
He chuckled, 
"You are wrong. You are just getting better. You didn't notice how fast you are now. You easily dodge and avoid my attacks." he explained. 
"Am I?" tila hindi makapaniwalang saad ko. 
Tumango siya, 
"Are you hungry?" pag-iiba niya ng topic. 
"I am," mabilis kong sagot na ikinatawa niya nang mahina. 
"Then what do you like to eat? I will cook it." he asked again. 
"I'm okay with anything," agad kong sagot ulit. 
"Jump," utos niya. 
Mabilis kong isinabit ang aking mga kamay sa kaniyang leeg saka sumampa sa kaniya. Agad niya akong sinalo at inalalayan. Maayos naman na ipinulupot ko ang aking mga binti sa kaniyang baywang ng hindi ako mahulog. 
Tumungo kami sa kusina. Marahan niya akong inupo sa mesa, pagkatapos ay mayr'on siyang kinuha saka ibinigay sa akin. 
"Eat while waiting." he said. 
Kinuha ko naman ang inaabot niyang cookies at agad na nilantakan ito. 
Nagsimula na rin siyang kumuha ng ingredients para sa kaniyang lulutuin. 
"Where have you been?" I suddenly asked. 
"I went to Kendricks place." sagot niya. 
"Kendricks place? Why?" takang tanong ko ulit habang abala ako sa paglantak sa cookies. 
"He is indeed interested in you." tugon niya, 
Nahinto ako sa pagkain at napakunot ang noo. 
"Is he? Plano niya bang agawin ako sa'yo?" tanong ko ulit. 
Tumango siya bilang tugon. 
"Sorry siya, hindi niya 'yon magagawa. Hindi niya kayang pantayan ang isang Sylvester Connel. At saka, duh! He is not my type." react ko. 
"Malas niya rin. I am already married." dagdag ko pa, saka pinagpatuloy ang pagkain ko. 
Tsk! Ang kapal ng mukha. Sa susunod na magkita kami ulit ng damuhong 'yon, talagang ihahatid ko na siya sa puntod niya. 
Napansin kong lumapit siya sa akin kaya umangat ang tingin ko. Isang halik sa labi ang sumalubong at bumungad sa akin. 
"That's what I said to him." wika niya pagkatapos niya akong halikan sabay balik ulit sa niluluto niya. 
Lihim na napailing na lang ako. Habang naghihintay ako sa kaniya na matapos siya ay panay sunod lang ng mga mata ko sa kaniya. 
Siya ang bukod tanging lalaking hindi ko pagsasawaang titigan. Kahit araw-araw ko siyang nakikita ay nami-miss ko pa rin siya kahit ilang minuto ko lang siyang hindi nakikita. 
Darn! 
Ilang minuto pa ay natapos na nga siya. Sabay na kaming kumain, at pagkatapos ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Ako na rin ang naglinis sa kusina. 
Nang matapos ako ay nakita ko siya sa couch, kaharap na naman ang kaniyang laptop. Lumapit ako sa kaniya at naupo rin. 
Humiga ako at sumingit sa kaniya. Ginawa kong unan ang kaniyang kandungan. Hinayaan niya naman ako. 
Marahan niyang hinimas ang aking buhok dahilan para automatic na makaramdam ako ng antok. Marahan kong ibinaba ang talukap ng aking mga mata. 
"Sleepy?" Rinig kong tanong niya. 
Marahan akong tumango bilang sagot sa kaniya. Masiyado na akong inaantok para sumagot pa sa kaniya. Para kasi akong henehele sa mga haplos niya sa aking buhok. 
Naramdaman kong binuhat niya ako. Agad akong sumiksik sa kaniyang leeg at nagpatuloy sa pagtulog. Hindi ko na kasi talaga kayang imulat pa ang aking mga mata. 
Lihim na napangiti ako na ang sunod kong naramdaman ay ang malambot na higaan. 
"Goodnight," malambing niyang wika sa akin. 
"Night," Pilit kong iminulat ang aking mga mata. Napangiti ako dahil nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama at pinagmamasdan ako. 
"I love you," inaantok na sambit ko. 
Muling pumikit ang aking mga mata ng hinalikan niya ang aking noo. 
"I love you more." tugon niya sa aking sinabi. 
Napangiti ako ulit. Hinayaan ko ng tangayin ako ng aking kaantukan. 
Hearing thos
e sweet words from him made my day fully complete. 
Maybe our world is dangerous, but with him, I know I am safe and nothing will happen to me. 
I fall asleep peacefully and comfortably. 
TheKnightQueen 🍀

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    geronaJoy

    wow.

    19/11/2024

      0
  • avatar
    guinawatanjeamuel

    it's very good

    09/07/2024

      0
  • avatar
    DegusmanMikil

    wow

    25/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo