#3

𝑻𝒉𝒊𝒓𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏'𝒔 𝑷.𝑶.𝑽
Mataimtim niyang pinapanood ang lahat ng footage na nasa harapan niya. Pinapanood niya ang bawat galaw ng mga taong nasa loob ng kan'yang territoryo. Watching what their doing.
Siya ay nasa loob ng isang lugar na wala kahit sinong nakaa-alam. Naka-upo siya sa isang one seater sofa habang nasa harapan niya ang malaking screen kung saan doon niya napapanood ang lahat.
Madilim ang kan'yang kapaligiran, ang tanging nagbibigay liwanag ay ang liwanag na nagmumula sa huge screen na nasa harapan niya.
Napadako ang kan'yang tingin sa kamay niyang mayr'ong hawak na wine glass. Marahan niyang inikot ang kan'yang kamay. Seryoso at malamig niyang pinagmasdan at sinundan ng tingin ang galaw ng wine sa loob ng wine glass.
Pagkatapos niya itong haluin ay ininom niya ito. Napaharap siya sa kan'yang laptop ng marinig niya ang pagtunog nito.
Isang information ang pumasok. Binuksan niya ito, tumaas ang sulok ng kan'yang labi. Napangiti siya sa mga pangalan na kan'yang nakita.
"Another insects, ha?" ani niya sa malamig na tono.
Narinig niya ang kakaibang tunog mula sa screen kaya dito naman dumako ang kan'yang tingin.
Inilapag niya ang hawak niyang wine glass sa table na malapit sa one-seater na inuupuan niya.
Tumayo siya at lumabas sa kan'yang lugar. Walang makakakita sa kan'ya sapagkat nasa loob na ang bawat tao. Alam niya ang lugar kung saang walang tao.
Tahimik na tinungo niya ang daan patungo sa lugar na kan'yang pupuntahan.
"How is it? nagawa mo ba?" tanong niya sa kasama nito.
Umiling ito, "I can't! It's hard, dude. There's a lot of password." frustrated na tugon ng kan'yang kasama.
"How about her? did you get her?" ganting tanong naman ng isa.
Tahimik niyang pinagmamasdan ang dalawang taong nag-uusap hindi kalayuan sa kan'ya.
Hindi siya mapansin ng mga ito. Kahit presensiya niya ay hindi ramdam ng dalawa.
"Her? Same to you, I can't even get close to her. Kahit meter lang, she's damn well protected." inis na wika naman nito.
Marahan niyang inihakbang ang kan'yang mga paa palapit sa mga ito.
"May I interrupt your discussion?" malamig na wika nito, na ikinalingon ng dal'wa sa kan'ya.
Nagulat ang dalawa sa nakita nila. Kusang humakbang ang kanilang mga paa paatras. Hindi nila alam pero nakaramdam sila ng matinding takot at kaba. Ang mga mata nito ay malamig kong tumingin.
Hindi sila makapag-salita dahil sa tindi ng aura na nararamdaman nila. Taimtim niyang binigyan ng tingin ang mga ito.
Bagot na inihakbang niya ang kan'yang mga paa palapit sa mga ito.
"W-Who are you?" lakas loob na tanong ng isa sa dalawa.
Hindi niya ito pinansin. Kumilos siya ng mabilis at sa isang iglap lang ay nakita na nito na ang kasama niya na wala ng buhay.
Nanginginig na tiningnan niya ito. Mulat ang kan'yang mga mata na nakahandusay.
Bilog at maliwanag ang buwan ngunit mas pinili ng dalawa na magkita sa isang lugar na hindi masyadong napapasukan ng sinag ng buwan kaya hindi maliwanag ang kanilang lugar.
Marahan na napatingin siya sa taong pumatay sa kan'yang kasama. Napalunok siya, inisip niya at hinanap sa utak niya kung nakita niya na ba ito subalit kahit anong gawin niya ay wala siyang natatandaan na nakita na niya ito o nakaharap.
Nilakasan niya ang kan'yang loob. Itinago niya ang kan'yang takot at hindi pinaramdam sa taong kaharap niya. Kahit nanginginig ang kan'yang mga tuhod sa takot ay binalewala na lamang niya ito.
Inilabas niya ang kan'yang sandata. Mariin niya itong hinawakan.
"You are not one of us. Who the hell are you? Speak, bastard!" mariin niyang saad,
Nakita niya ang pagngisi ng kaharap niya na ikina-atras niya ng husto. Tila mayroong utak ang kan'yang katawan dahil kusa itong gumagalaw. Pakiramdam niya ay dapat na siyang tumakbo at lumayo.
Sinugod niya ang lalaki. Walang hirap naman nitong hinawakan ang kamay na mayr'ong hawak na dagger at gamit ito ay ginilitan niya ito sa leeg. Inikot din niya ang ulo nito. Walang buhay siyang bumagsak sa lupa.
Eksperto niyang nilaro sa mga daliri niya ang dagger at malamig na bumaling sa kan'yang pinaslang.
Itinapon at bumaon sa tabi nito ang dagger na hawak niya. Iniwan niya lang ang dalawang bangkay.
Lumakad siya, tinungo at huminto sa tapat ng isang building kung saan naroroon ang isa pang target niya. Tumingala siya at tiningnan ang k'warto kung nasaan ito.
Ngumisi siya habang nakatingin dito. Maging ang katapat nitong gusali ay tiningnan niya rin.
Humakbang siyang muli na may ngiti sa labi. Ngiting nakakikilabot at puno ng kahulugan.
𝐑𝐡𝐞𝐱𝐲𝐥'𝐬 𝐏.𝐎.𝐕
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumuntong hininga sa harap ng salamin habang tinitingnan ko ang kulay dilaw na suot kong uniform.
Ngayong araw ay code yellow, no weapon is allowed but killings is not prohibited. Wala kang dala kahit isang weapons ngunit p'wede kang pumatay.
Muli akong bumuntong hininga.
Can I just not go out today?
I am willing to stay here whole day but I know he won't allow it. Si impakto pa!
Busangot akong umupo sa dulo ng bed. I can't believe I am wearing one of color coding.
"Jill Scott and Timmy Turner found dead at west part." - the system announced.
Napabaling ako rito. Tiningnan ko ang mga bangkay at hindi ko maiwasang hindi mamangha sapagkat malinis ang pagkakapaslang sa kanila.
But who did it? Who killed them? Walang nakalagay na siyang ikinataka ko. Bawat mayroong inaanunsiyo na studyante na pinaslang ay nakalagay din kung sino ang pumatay but this one is different.
Walang nakalagay.
I shrug my shoulder and grab my bag. I decided na lumabas na dahil wala akong mapapala kahit maglupasay pa ako sa loob ng k'warto ko. Lumabas ako ng dormitory room ko.
Mayr'ong mga Der Mord Students din akong nakikita na papasok na rin. Huminto ako sa tapat ng elevator. Mayr'on ding huminto sa tabi ko. Tatlo silang babae. Hindi ko sila pinansin, hinintay ko na lamang na bumukas ang elevator.
Napaharap ako sa elevator ng bumukas na ito. Papasok na sana kami pero nagulat at mabilis kaming napa-atras ng mayroong babaeng lumabas at bumagsak na lamang.
Tiningnan ko ito at lumabas at bumuhos ang dugo nito.
"Kim Kardashian is found dead inside of elevator killed by Akira Kurosawa from tenth floor." - a system announced.
Lumitaw ang larawan ng dalawang taong nabanggit. Ang nagngangalang Kim ay nagkaroon ng red exis ang larawan nito. Her data information became zero and it all transfer to the name Akira. Lahat ng points na mayr'on si Kim ay napunta lahat kay Akira.
Pagkatapos ng lipatan ng points ay naglaho ang picture ng dalawa. Muling lumitaw ang hologram, the hologram shows all Der Mord Students ranking. I saw how name of Akira goes up and name of Kim removed from it.
"Hey!" Natauhan at napaharap ako sa elevator.
Nakita kong ang tatlong babae ay nasa loob na ng elevator waiting for me to enter. Pumasok na agad ako sa loob.
Maaaring buwan na akong narito ngunit ngayon ko lang napansin ang ganoong process. Maybe because I was not giving an attention on it. Hindi ko iyon napansin or I was ignoring it.
TheKnightQueen🌱

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    geronaJoy

    wow.

    19/11/2024

      0
  • avatar
    guinawatanjeamuel

    it's very good

    09/07/2024

      0
  • avatar
    DegusmanMikil

    wow

    25/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata