#38

             Rhexyl's P.O.V 
Ramdam ko ang mga titig nila sa akin, tila mayr'on silang inaabangan mula sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi tumaas ang dulo ng aking labi. 
"Ano bang gusto ni'yong malaman at marinig?" simpleng tanong ko.
"How do you meet my sister? How do you save her? Nakita kong pinatay siya sa aking harapan. Hindi kita nakita no'ng oras iyon." sunod-sunod na saad ni Fhinn. 
Mas lalo akong napangisi sa mga sinabi ni Fhinn. Wala naman talaga ako n'ong time na 'yon, e. Huli nang ako ay dumating, hindi ko nailigtas ang mga nag-ampon kay Cally. Dumating ako ng wala na silang buhay. 
At ng dumating ako ay, nasaksihan ko rin ang pagkamatay ni Cally. 
"Yeah, you are right. Maging ako ay nasaksihan ko rin kung paano namatay ang iyong kapatid." makahulugan kong sambit na ikinakunot at ikinalito ni Fhinn. 
Dumako pa nga ang tingin niya sa kaniyang kapatid. Tumawa ako nang mahina sa klase ng tingin na binigay niya kay Cally. 
"Nakita nga rin kita ng oras na iyon, e. Alam kong hindi ka mamamatay kaya hindi kita tinulungan. At dahil nakita mo ang pagkamatay ng iyong kapatid. Nakatitiyak akong mas lalaban ka para mabuhay, bagay na nangyari nga. Look at you now." makahulugan ko pa ring saad. 
Tumingin ako kay Cally. 
"The girl in front of you is your sister. Don't worry, she is not a replica or a ghost. She is real. I am 100 percent telling you that she is alive and breathing in front of you." saad ko, 
At sa bagay kung paano ko nakilala ang kapatid ni Fhinn. 
=== Flashback ===
Dumako ang tingin ko sa larawan na inilapag nila sa aking harapan. Tumaas ang dulo ng kilay ko. 
"Siya ang anak namin. Siya si Cally Forester." sambit ng asawa ni Mr. Forester. 
Mas tumaas ang pagtaas ng dulo ng aking kilay. Sa pagkakaalam ko ay hindi nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng anak ang mag-asawang Forester. 
"She is our adopted daughter. Hindi man siya nagmula sa amin subalit mahal namin siya bilang isang tunay naming anak." paglilinaw sa akin ni Mr. Forester. 
Dumako muli ang tingin ko sa isang babae. Marahil siya ay around fourteen years old. Tatlong taon lang ang lamang ko ng edad sa kaniya. 
"At ano ang nais kong gawin?" tanong ko. 
"I want you to protect her." mabilis na tugon sa akin ni Mr. Forester. 
Si Mr. Forester ay kaibigan ng aking grandma. Dahilan para sila ay aking kilala. 
Mas naging seryoso ang aking tingin sa kanila. 
"Alam naming hindi malayo ang edad mo sa anak namin pero ikaw lamang ang siyang makatutupad sa aming nais. You can protect her." singit ni Mrs. Forester. 
"So you want me to be your daughter's bodyguard?" malamig kong tanong. 
Nagkatinginan ang mag-asawa sa isa't isa saka sabay ding muling tumingin sa akin. Sabay silang tumango.
Tumingin ulit ako sa larawan at sa kanila. 
"Magbabayad kami kahit ilang halaga pa. Just please, let our daughter keep safe no matter what happens." pakiusap ni Mrs. Forester. 
"Okay," pagsang-ayon ko. 
"Pero babantayan ko siya sa lihim na paraan. Alam ni'yong ayaw kong makipagsalamuha sa iba, 'di ba? Being secret bodyguard of your daughter is enough." ani ko, 
Mabilis silang tumango at hindi na nagreklamo pa sa nais ko. 
Simula nga ng araw na iyon ay naging bodyguard ako ng kanilang anak. Habang nagbabantay ako ay marami akong nalaman tungkol sa pagkatao ni Cally. Maging sa saan siya nagmula, maging ang tungkol sa kaniyang kapatid ay nalaman ko rin. 
Nagpatuloy ako sa aking pagbabantay. Ang lahat ng ginagawa ng binabantayan ko ay nakikita ko, maging ang kapatid niya ay nakita ko rin. 
Namamangha ako sa kanilang relationship. Nakita ko kung paano kamahal itong si Cally ng kaniyang kapatid. Kaya niyang magtiis para lamang sa kaniyang kapatid. Magkaroon lamang ito ng magandang buhay. 
Dahil naging curious ako sa magkapatid kaya mas hinukay ko pa ang kanilang pinagmulan at pagkatao. 
              ****************************
Dumating ang kinatatakutan ng mag-asawang Forester. Nang malaman kong balak patayin ang anak nilang si Cally ay kumilos kaagad ako. 
Maraming kaaway ang Forester Family. Kaya maging ang mga ito ay lihim na mino-monitor ko ang bawat kilos nila. Ang isa sa kanila ay nagbayad nang malaking halaga para pasukin ang pamilyang Forester. 
"Sino ka?" tanong sa akin ng isang dalagita pagkapasok ko sa isang bahay. 
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang kanilang mga larawan. 
"Who the hell are you? Magsalita ka!" silyak niya sa akin. 
Lumapit ako sa kaniya at mabilis ko siyang pinatulog. Kinuha ko ang kaniyang cellphone. Nag-type ako ng isang mensahe at agad na sinend. Pagkatapos ay tinangay ko ang babae.
Nang marating ko ang next destination ko ay walang hirap kong dinala muli ang dala ko. Kaagad kong narating ang taong kailangan ko. Nagulat siya sa taong walang malay na pinaupo ko sa upuan. 
"Change her face into this." utos ko saka inilapag ang larawan ni Cally. 
Ang sunod kong inilapag ay ang isang itim na bag na naglalaman ng pera. 
"Do what I say as soon as possible." malamig kong saad. 
Iniwan ko ang babae sa kaniya. Naging mabilis naman ang siyang naging proseso ng aking pinagagawa. 
Nang magising ang babae ay gulat na gulat siya dahil ibang mukha ang kaniyang nakikita. 
"From now on, ang mukhang nakikita mo ay iyong mukha. Your name will be Cally. Got it?" malamig kong bulong sa kaniya. 
Wala sa sarili siyang tumango bilang tugon. 
Gumawa ako ng paraan para makalabas sa bahay ang tunay na Cally at maipasok ko itong isa. Napangiti ako dahil naging successful naman ako. 
Ngayon ay ang hinihintay ko na lamang ay ang paglusob ng mga binayaran ng kalaban ni Mr. Forester. 
Hindi kasi agad kumilos ang mga ito kaya nagkaroon ako ng panahon para maisagawa ang aking mga plano. 
Ang ginawa ko ay hindi alam ng mag-asawang Forester. Hindi ko ito pinaalam sa kanila. Hindi naman nila napansin na peke ang kasama nilang adopted daughter. 
             *****************************
Sa aking paglalamyarda sa gilid-gilid ay nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Kumunot ang aking noo. Kusang humakbang ang aking mga paa patungo kung saan nagmula ang tunog ng baril. 
Wala na akong naabutan pero may mga nakita akong nakabulagta. Apat na tao ang siyang nakita ko. Mabilis akong lumapit sa kanila. 
Bumungad sa akin ang tatlong bata ngunit sa kasamaang palad ay wala na silang buhay. Dumako ang tingin ko sa isang taong hindi kalayuan sa tatlong bata. 
Walang hiya naman ang kumitil sa buhay ng tatlong batang ito. 
Agad akong lumapit sa isa pang tao. Marahan ko siyang tinahaya. Binubugbog siya nang husto at halos hindi na makilala ang kaniyang mukha. Chineck ko ang kaniyang pulse. Buhay pa naman siya at mukhang lumalaban pa. 
Nahinto ako sa aking pagsuri nang marinig kong tumunog ang aking suot na relo senyales na mayr'ong hindi magandang nangyayari sa bahay ng Forester. 
"Shit!" mahinang wika ko. 
Mabilis akong tumayo at tumakbo ngunit nahinto rin ako dahil naaalala ko iyong mga taong nakita ko. 
Bumalik ulit ako kung saan ako nanggagaling kanina. Sa pagbalik ko ay mayr'on akong naabutang tao. Kasalukuyan niyang nire-revive ang lalaking nag-aagaw buhay. 
Nakahinga naman ako dahil mayr'on ng tutulong sa kanila. Dumako ang tingin sa akin ng lalaki. 
"Ano? Ayos lang ba na ikaw na ang bahala sa kaniya? Lalo na sa mga batang iyon." ani ko sabay tingin sa mga batang walang buhay. 
Mukha naman kasing mabuting tao siya. Hindi ko pinansin ang mga tingin sa akin ng lalaki. Patuloy kong naririnig ang pagtunog ng aking relo. 
"Pasens'ya na talaga, ikaw na lang ang maasahan ko sa kanila. May gagawin pa kasi ako. Nakatitiyak akong mabubuhay pa ang taong 'yan." tukoy ko sa lalaking hawak niya. 
"Just bring him in the hospital, and please buried the kids in proper way." saad ko pa, 
Mabilis ko na siyang tinalikuran at muling tumakbo palayo sa kanila. Kaagad akong sumakay sa kotse ko at nag-drive patungo sa mansion ng mga Forester. 
Naabutan ko ang mansion ay nasusunog na. Mabilis akong pumasok sa loob. Una kong nakita ay si Mr. Forester na wala ng buhay at hiwalay na ang kaniyang ulo. 
Sa aking patuloy na pagpasok ko ay ang sunod kong natagpuan ay si Mrs. Forester na wala na ring buhay. 
Fuck! I am late! 
"Stop it! Not her!" Napalingon ako sa taas ng hagdan nang mayr'on akong narinig na sumisigaw at nakiki-usap. 
Kaagad akong tumakbo papunta roon. Nakita ko ang nakabukas na pinto. Marahan akong sumilip doon. Nakita ko ang isang lalaki kung saan kapatid ni Cally na kasalukuyang binubugbog habang nagpupumiglas makawala. 
Tiningnan ko ang kaniyang tinitingnan. Labis ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang ginagawa nila sa pekeng Cally. 
Tingnan mo nga naman. 
Dumako ang tingin ko sa kapatid ni Cally. He is begging and crying in front of his fake sister. 
Nanatili lamang ako hanggang sa tuluyan nilang patayin ang kanilang pakay. Mabilis akong tumago ng lumabas na ang mga killer ng Forester. 
Nang mawala na sila ay lumabas akong naiiling. 
"Stupid," mahinang komento ko. 
Dumako ang tingin ko sa kapatid ni Cally. Lumapit ako rito at tiningnan. Binitbit ko siya ay inilabas sa mansion. 
Iniwan ko siya sa tabi ng kalsada. Marahan ko siyang isinandal sa isang puno. 
"If you want to see your sister. Survive and keep yourself alive. Mabuhay ka hanggang sa magtagpo muli kayo ng iyong kapatid." ani ko, 
"Ibabalik ko siya sa'yo nang maayos at buhay na buhay." dagdag ko, 
Iniwan ko siya at tuluyan na akong umalis. 
==== end of flashback ===== 
"Wait! I don't get it. Kung alam ni Kuya Callyp na patay na ako at nasaksihan niya ang pagkamatay ko. At ang sabi mo ang babaeng nakita ni Kuya ay hindi ako. Which is totoo dahil sa pagkakaalam ko ay nasa Italy ako ng oras na iyon." pahayag ni Cally. 
"Mayr'on ba akong twin Kuya Callyp?" tanong ni Cally sa kaniyang kapatid. 
Mabilis na umiling si Fhinn. 
"Ang babaeng nakita mong pinatay ay hindi ang kapatid mo." saad ko, 
Mas lalong nalito si Fhinn. 
"Ang babaeng iyon ay kapatid ng kambal na iyong kinamumuhian." dagdag ko, 
"What?" gulat na saad ni Cally. 
Seryoso akong tumingin kay Cally. 
"I am your secret bodyguard, Cally." pag-amin ko na ikinalaki ng kaniyang mga mata. 
"Protecting you is my business." I added. 
TheKnightQueen 🍀

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    geronaJoy

    wow.

    19/11/2024

      0
  • avatar
    guinawatanjeamuel

    it's very good

    09/07/2024

      0
  • avatar
    DegusmanMikil

    wow

    25/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata