Homepage/TAD BOOK II: Caught and Die/
#34
Rhexyl's P.O.V
Pagkatapos ng aking revelation tungkol sa kapatid ni Fhinn ay nagpatuloy ang laro. Panandalian munang kinalimutan ang tungkol doon at nagpukos sa mga kaganapan. Inihahanda ko na nga ang aking sarili sa mga sandamakmak nilang mga tanong.
Sa ika-15th game ay ang aming floor ang siyang nanalo. Isa sa mga ibang section ang siyang naglaro.
Sa 16th game, eleventh floor ang siyang nanalo. Isa sa mga student na naroon ang siyang naglaro.
Sa 17th at 18th game, ang member ng VBlood ang siyang muling nanalo kung saan ang sumalang ay sina Rhem at Acer. Alam ni'yo bang sobra silang nag-e-enjoy sa larong ito.
Nagmukhang parang playground lang nila ang stage. At nabitin pa ang mga loko-loko. Baliwala sa kanila kung nanalo sila dahil expected na raw iyon mula sa kanila.
At pagdating sa 19th floor, ako naman ang siyang sumalang. Ewan ko ba at laging sa picture ko tumitigil, e. One-on-one ang siyang naging mechanics at ang nakalaban ko ay si Alkaline.
Matutuwa na sana ako kaya lang mukhang dinibdib niya iyong una naming engkuwentro kaya ayon ang bruha seryoso sa buhay. Idagdag mo pang nabawasan kaagad ang grupo nila. Kapapasok pa nga lang nila pero nalagasan agad sila. Pero dahil kailangan kong manalo sa larong ito. Hindi ko siya hinayaang manalo. At the end, ako ang nanalo. Humingi na lamang ako ng despensa sa kaniya.
At ngayon, nasa panghuling laro na, at ang kasalukuyang nasa gitna ng stage ay si Sylvester.
Floor vs Floor ang siyang naging mechanics. Sa 15th floor ay si Sylvester ang siyang representative. Kuta na rin 'yang si Sylvester kasi kababalik niya pa lang bilang normal student ng Der Mord pero halos lahat siya ay napipili na isalang.
Nagsisimula na ang huling laro at limang minuto lamang ang oras na binigay sa kanila. Katulad ng mga naunang game ay isa lamang ang puwedeng matira.
Marahan akong napahikab habang nanonood. Hindi ko alam kung anong oras na. Nakararamdam na ako ng pagkaantok. Umaga na kaya?
Ipinikit ko ang aking mata ng dahan-dahan.
"The winner in our last game was none other than Dhean Sylvester Connel from the 15th floor." malakas na anunsiyo ni Lez.
Bigla akong natauhan at nagising ng isang malakas na tunog ang siyang namayani. Nang tumingin ako sa itaas. Nagkakaroon ng fireworks. Wala sa sariling napakamot ako sa ulo. Fireworks ba talaga ang nakikita ko? Or sadyang bangag na talaga ako.
May nakikita na akong impossibleng makita. Nagpatuloy ang ingay at mukhang fireworks talaga ang nakikita ko. Ipinilig ko ang aking ulo nang magising naman ako.
"Sleepy?" Rinig kong wika sa aking tabi.
Parang bata akong tumingin kay Sylvester.
Mukhang hindi nawala ang antok ko at mas lalo pa akong inantok lalo pa ng hinalikan niya ang noo ko.
"It's almost done. The bloody game will be over." mahina niyang saad.
Finally!
Ipinatong ko ang aking ulo sa kaniyang balikat at sandaling pumikit. Gusto ko lang matanggal itong antok ko. Kunting tulog lang, puwede na.
"Give me five minutes to take a nap." mahinang pakiusap ko kay Sylvester.
Naramdaman kong muling nilapatan niya ako ng halik sa aking ulo. Lihim na napangiti ako sa simpleng sagot niya.
"Finally! Our bloody game is officially over. Congratulations to all survivors who keep themselves alive! All of you are such good Der Mord students." saad ng nagsasalita na sa tingin ko ay si Tanda.
"Just a bit of time. You can go out and take a rest." he added.
"Thank you, Dean." pasasalamat ni Lez.
"That's it! As our dean said earlier, the bloody day is now over. Congratulations sa mga studyanteng nanatili pa ring nakaupo sa inyong mga upuan kasama ang inyong buhay." she added.
Lihim na napabuntong hininga ako dahil hindi rin naman ako makakatulog sa lagay na ito. Ang ingay ni Lez, e.
Umalis ako sa pagkakasandal sa balikat ni Sylvester. Kunting oras na lang siguro ay palalabasin na kami kaya tiis-tiis lang. Ako talaga ang unang lalabas kapag mayr'on agad akong nakitang labasan mamaya.
Umayos ako ng upo at nakinig na lamang sa mga sasabihin ni Lez.
"At ngayon, atin ng titingnan kung sino nga ba ang nagwagi sa inyo." Lez stated.
Mayr'ong lumitaw na hologram sa taas. Mabilis na kumikilos ang mga data na naroon. Apat na hologram ang siyang nasa unahan naming lahat.
Ito ay para sa floor ranking, female ranking, male ranking at gang ranking.
Lihim na tumingin ako sa buong paligid. Marami ang nawala sa studyante ng Der Mord. Bawat floor ay may mga bawas maliban dito sa 15th floor na tila walang nabawas.
Dahil sa bloody game na naganap ay parang nagkaroon din ng general cleaning. Ganoon pa man ay tila baliwala ito sa kanila. Ni hindi sila nabahala at wala silang pakialam sa mga nawalang studyante.
Nasa hologram ang aming mga tingin. Hindi na ako nagulat ng ang aming floor ang siyang nagwagi sa floor ranking. Si Sylvester naman ang sa male ranking at ako sa female ranking habang ang VBlood Gang ang siyang nanalo sa group gang.
Akala ko tapos na pero muling mabilis na kumilos ang hologram. Nakita kong ang mga points na mayr'on ang bawat studyante ay mabilis na naging zero at napunta lahat sa mga nanalo. Namilog ang aking mata ng biglang lumaki ang points ko.
Walanghiya! Ganoon lang pala kadali magkuha ng points. E, di sana ay ako na lang ang pumatay sa kanila.
Pero, minsan nagtataka ako. Ano bang silbi ng mga points na 'yan? I mean, anong role niyan sa amin?
Dumako naman ang tingin ko sa floor ranking. Bawat points na mayr'on sa ibang floors ay napunta rin sa aming floor. At ganoon din ang nangyari sa iba pa.
"That's it! We finally know who the winner is! Congratulations, Maria Aljea Rhexyl Daxzon, Dhean Sylvester Connel, Venomous Blood Gang, and Fifteen Floor, for winning the first rank in our ranking." malakas na anunsiyo ni Lez.
Biglang tumahimik ang buong kapaligiran.
"Now, students. Be ready," biglang saad ni Lez na aking kinakunot ng noo.
Dumako ang tingin ko sa aking kamay ng hawakan ito ni Sylvester. Nagtaka naman ako.
"When I count one to three. Find the safest place for you to survive." makahulugang sambit ni Lez.
"One," simulang bilang ni Lez.
"What is going on?" takang tanong ko.
"Two, and threeeee!" Pagkatapos ng bilang na iyon ay sabay-sabay na napatayo kaming lahat sa hindi naming inaasahan.
Kung hindi kami kikilos ay putchaaa!
"Bullshit! Akala ko ba tapos na?" sigaw ni Fhinn habang abala sa pagtaboy ng mga bala gamit ang katana niya.
Hinila ako ni Sylvester at niyakap para maprotektahan niya ako sa mga balang nagsiliparan. Opo, umuulan po ng bala sa buong arena.
"Where is the safest place that Lez mentions?" sambit naman ni Yhoquin.
"Gago! Ang sabi hanapin daw natin, 'di ba? Hindi ka ba nakikinig?" malakas na tugon naman ni Briel.
"You've got to be kidding me! This is a real massacre. This is not a game anymore!" wika ni Rhem.
Nakaririnig ako ng mga daing mula sa aking paligid. Marahan na sumilip ako. Hindi ako binibitiwan ni Sylvester kahit pa gustuhin ko. Nakapalibot naman sa amin ang VBlood Members.
"Waaaaa! Parang mas better na tayo na lang ang magpatayan, e." reklamo naman ni Acer. "kaysa naman sa ganito." dagdag niya.
Sa halip na bumawas ay mas lalong dumami ang pagpaulan sa mga bullets.
Anak ng!!!
Dito ko lang talaga naranasan ang ibang klaseng ulan. Iyong ulan na hindi ka mababasa. Hindi ka nga mababasa. Madapuan ka naman ay tiyak patay ka na.
Hinawakan muli ni Sylvester ang kamay ko at tinangay niya ako kung saan. Nang malapit na kami sa stage ay bigla kaming napahinto. Mabilis na iniharang ni Sylvester ang isang shield na hindi ko alam kung saan niya kinuha.
"I'm going to drop you, baby, onto the stage." saad ni Sylvester na ikinalingon ko sa kaniya.
"What?" tugon ko.
"Cover us," utos ni Sylvester sa VBlood Members.
Nagulat at hindi na ako nakareklamo pa nang mabilis na binitiwan ni Sylvester ang shield na hawak niya at ang pumalit ay sina Acer.
"No!" tutol ko.
Mabilis na kumilos si Sylvester. Namalayan ko na lang ay itinapon na niya ako papuntang stage. Agad na inilayo palayo sa akin ni Sylvester ang ilang bala na parating sa akin gamit ang kaniyang dagger.
Maayos naman akong lumapag sa gitna ng stage. Kumunot ang aking noo nang makita ko nang maayos ang nangyayari sa labas ng stage. Maging ang aking kinaroroonan.
The safest place is inside the stage?
TheKnightQueen 🍀I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (39)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow.
19/11/2024
0it's very good
09/07/2024
0wow
25/06/2024
0Tingnan Lahat