#33

                     Rhexyl's P.O.V 
"Four persons is enough for now." pagbibigay alam ni Triff kay Lez.
Nagtawag na siya ng tatlong kasamahan. Ang kaniyang tinawag ay ang kaniyang kakambal na si Jiff at ang dalawa pa niyang kaklase.
"Okay lang bang magtawag ako kapag naging dalawa na lamang ang nasa harapan ko?" tanong ko kay Lez.
"Walang problema. Ayon sa rules, ano mang oras ay puwedeng tawagin ang iyong kasamahan, subalit hindi maaring lumagpas sa lima. Ikaw na bilang leader ay tanging apat lamang na tao ang maaari mong tawagin mula sa iyong kasamahang nasa labas." paliwanag ng system.
Napangisi ako. It became more interesting.
"If the both sides is ready. Press the screen button to start the battle." Mayr'ong lumitaw sa aming harapan na hologram screen. Ginawa ko ang sinabi niya.
"Let's the battle begin. Four vs one!" muli nitong announced.
"You are really confident that you can finish us by yourself." Triff scoffed.
"I am not just confident. I am excited to see what might will happen to the both today. Don't worry, hindi kayo mamatay sa kamay ko." ani ko habang pinapagpagan ko ang aking sarili.
Bakit ba hindi maalis-alis sa damit ko ang dugo na ito? Nakakairita!
Pagharap kong muli ay sabay-sabay na sumugod sa aking ang apat. Mabilis akong umiwas sa kanila. Pare-parehong swords ang mga hawak nila.
"Huwag mo kaming minamaliit!" mariin ng kasama ng kambal.
Minamaliit?
"I am not " inosente kong wika.
Patuloy akong umiwas sa mga atake nila. Nakalulungkot lamang dahil tanging kamatayan ang siyang nag-iisang pagpipilian sa game na ito. Gamit ang sword ni Triff, walang hirap ko itong tinapakan upang makarating ako sa likuran niya. Tinapakan ko rin ang balikat ni jiff upang makatalon ako nang mataas. Lumanding ako sa balikat ng taong nagsabing minamaliit ko siya.
Blangkong inikot ang kaniyang ulo. Narinig ko ang pagtunog ng pagkabali ng kaniyang ulo. Sabay kaming bumagsak. Mabilis kong nahablot ang katana niya upang isalag sa parating pang isang katana. Lumusot ako sa ilalim nito ngunit kasabay din nito ang pagdaan ko ng katana sa katawan niya.
Paglingon ko sa aking likuran. Marahang tumamba ang isa pa. Pinaglaruan ko ang hawak kong katana. Dumako ang tingin ko sa natitirang dalawa.
"As I promised, I will call someone when the two of you are the only ones left standing in front of me." Kumunot ang kanilang mga noo.
They are indeed a twin brother.
Tumingin ako sa floor at sa section namin.
"Fhinn, come with us." tawag ko kay Fhinn.
Tila nagulat naman siya sa ginawa ko ngunit tumayo pa rin siya.
"I told you, hindi ako ang papatay sa inyo." simpleng wika ko habang hinihintay ko ang pagdating ni Fhinn.
Nang makapasok si Fhinn.
"I am giving you a chance to do what you want, but ---" Huminto ako at tumingin sa kambal.
"Pipili ka lamang sa dalawa kung sino ang papatayin mo. Tanging isa lamang sa kanila ang puwede mong patayin. Naka-reserve kasi ang taong hindi mo mapipili." makahulugang sambit ko.
This time, it is my own game. I'm playing my own game today.
"You want revenge. You want to avenge your sister, whom they killed. This is your chance. No one can stop you here." Tumingin ako sa aking paligid. Nadapuan ng tingin ko ang mga kasamahan ng kambal.
Too bad, scattered sila ngayon kaya hindi sila makatatawag ng tulong sa ibang ka-group members nila.
"Remember, survival and death are the only options you have. Papayag ka bang ikaw ang matatanggal? Matatanggal ng hindi nakapaghihiganti sa kapatid mo? Masasayang lahat ng pinaghirapan mo." masayang panggagatong ko.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Fhinn.
I want to see the real Fhinn.
"Choose, Fhinn. Who do you want, Triff or Jiff?" tanong ko.
Inilabas ni Fhinn ang kaniyang katana.
"I am choosing, Triff." malamig na tugon ni Fhinn.
"Huwag kang mangingi-alam jiff." mariin na utos ni Triff sa kakambal.
Nagsimulang maglaban ang dalawa. Nanatiling nakatayo naman si Jiff kahit nakikita kong gusto niya ring sumugod. Masunurin pala ang kakambal ni Triff.
Hindi ko rin naman siya hahayaang mangialam sa dalawa. Napangiti ako dahil maganda ang labanan nilang dalawa. Walang ingay akong naririnig mula sa mga manonood.
Hindi nagtagal, "Fhinn, don't kill him yet." mabilis kong pigil kay Fhinn.
"What? Why? I'm going to kill him." determinadong anas ni Fhinn.
Sa maikling minuto lamang ay nagawa ni Fhinn na pira-pirasuhin si Triff. Mabilis niya na lang itong mapapatay subalit hindi pa oras para kitilin niya ang buhay nito.
"One step, Jiff. Your twin brother will die." banta ko kay Jiff.
"I said, let him go, Fhinn. Don't let him die without seeing his twin brother die." malamig kong ani sa kaniya.
Kumunot ang kaniyang noo pero nagawa niya pa ring sumunod sa akin. Lumayo siya kay Triff. Mabilis na lumapit si Jiff sa kaniyang kakambal.
"I'm going to kill both of you." banta nito sa'min.
"As if you can kill me." Taas kilay kong tugon sa kaniya. Nakita ko ang paghawak niya sa katana niya. Ngunit agad siyang napigilan ni Triff.
"L-leave, Jiff! Choose to back off." hirap na hirap na wika ni Triff sa kapatid. Bumubuga na siya ng dugo.
Mariin na umiling si Jiff. "I won't! I won't leave you here." mariin na suway ni Jiff sa kapatid.
Todo ang naging pag-iling ni Triff.
"The hell! Call a back up, Jiff." Rinig kong sigaw ni Breeze.
Lumingon si Jiff sa kaniya. Kasalukuyang nakatayo si Breeze.
"You can't handle her." I tinted my head while having a great smile.
"Are you afraid that I'm going to kill him? Told yah! Hindi ako ang papatay sa kanila. It's not my thing after all. I am just helping Fhinn." ani ko na natutuwa pa.
"Okay! You can call your last person, and I can call mine too." nakangiti kong sambit.
"What is your plan, Rhexyl?" kunot noong tanong ni Breeze.
"Plan?" Humarap ako sa kaniya. Inilagay ko ang aking kamay sa aking likuran. Nakangiting tumingin ako sa kaniya.
"My plan is to have fun. Is there something wrong with that?" sagot ko sa kaniya.
Napadako ang tingin ko sa isang taong paakyat ng stage.
"Oh! A strong person came to help the twin." mahina kong anas.
Huminga ako nang malalim. "Okay, it's my turn to call my last piece." kibit-balikat kong sabi.
Muli akong tumingin sa aming section. Dumako ako sa isang taong matagal na nanahimik. Makahulugang ngumiti ako. Oras na para ikaw ay lumabas at magpakita.
"Yalea, join us." seryoso kong tawag sa kaniya.
Mula sa kaniyang kinaroroonan. Unti-unti siyang tumayo. Lumingon sa kaniya ang lahat ng taong narito. Humakbang siya pababa hanggang sa marating niya ang loob ng stage.
"I am happy to see you. I miss having conversations with you." bungad ko sa kaniya habang nakangiti.
"This is what you called plan?" tanong niya.
"I guess," Nakangiti kong sagot.
"You are a really unpredictable woman whom I met." she commented.
Dumako ang tingin niya sa kambal.
"As you see, your brother chose Triff. Kaya ang natitira na lamang ay si Jiff." ani ko sabay tingin din sa dalawa.
"It is time for you to shine, Yalea." Nakangiting sambit ko. "Or I should call you, Cally." mas naging makahulugan ang aking ginawa.
Marahas na lumingon sa'kin si Fhinn.
Kumilos si Yalea na tamang tawaging Cally.
"I miss that name." she said.
"Oh, shit!" Rinig kong react nila.
Hinugot ni Cally ang kaniyang katana.
"So you still remembered me, Jiff?" tanong ni Cally.
Unti-unting tumayo si Jiff na nakakunot ang noo.
"You are death!" He surprised.
"Luckily, someone saved me, and here I am. Standing in front of you, alive! Are you surprised? Me too," Dumako ang tingin ni Cally sa'kin.
"She didn't inform me about this. That's why I am not prepared for this. Even my brother is not prepared. Look how shocked he is." Cally simply stated.
I just smiled at her.
"Well, that's how Rhexyl I know. Masaya akong malaman na hindi niya kaaway si kuya Fhinn. Walang laban si kuya sa kaniya, e. And I even don't know how Kuya Sylvester handled her. His unpredictable girlfriend is damn crazy." Tumaas ang kilay ko.
Aba'h ang babaeng ito!
"Hey! Are you going to just stand there while foretelling?" reklamo ko.
Ramdam ko ang palipat-lipat na tingin sa'min no Fhinn.
"Hurry up and kill him already. I've been standing here for an hour. Gusto ko ng maupo, noh." dagdag na reklamo ko.
"Tingnan mo 'to." reklamo niya rin.
"Mamaya ka na mag-reklamo. Tapusin mo na 'yan. Puwede ka namang makipag-kuwentuhan sa kanila kapag wala na sila. Nakikipag-kuwentuhan ka nga sa bangkay na, e. Sa kanila pa kaya na gustong-gusto mong katayin ng bangkay na." wika ko,
Weird pero ang hilig niyang katayin pa ang patay na. In short, dead na nga, dino-double dead niya pa. Ang bruha kasi ino-authopsy pa kahit alam naman niya ang dahilan ng pagkamatay nito. Ang weird nga ng hobby ng batang 'yan.
Nagliwanag bigla ang mukha niya. At ngumiti pa ng creepy ang bruha. Sinugod niya agad si Jiff.
"Aba't!" Nanlaki ang mata kong nakatingin kay Jiff.
Napa-blink pa ang mga mata.
"Seryoso? Pinatay mo nga agad? Ni Hindi mo man lang ginawang ilang minuto?" Hindi makapaniwalang saad ko.
Tumango siya. "Bakit ko pa patatagalin buhay nila? Mas gusto ko silang nakitang nakahimlay habang nakikipag-kuwentuhan ako sa kanila. Luckily, marami akong sasabihin sa kanila. Kaya serves their body for me." malawak na wika ni Cally.
"The winner is the team of Rhexyl." the system announced.
"Tigil-tigilan mo nga 'yang hobby mong 'yan. Nakakapangilabot ka naman, e." nakangiwi kong saad habang pababa ng hagdan.
Pansin ko ang bawat mata ng mga manonood sa amin.
"Wow! Parang hindi mo naman iyon ginagawa. Duh! Gawain mo rin kaya ang ginagawa ko." Tinaasan ko siya ng kilay.
Mabilis na nag-peace sign sa akin ang bruha. Nilingon niya ang kaniyang kapatid na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa loob ng stage.
Bruhang iyon. Masiyadong nire-reveal hobby ko kapag bored ako sa buhay.
"Kuya Fhinn, what are you doing there? Tapos na ang laban." sigaw niya sa kapatid.
Nasa baba na kami pareho kaya pasigaw na lang ang magagawa ni Cally.
"Akyatin mo na. Baka nanaginip pa 'yan. Ikaw ba namang makitang buhay ka pa. Malamang multo ang tingin niya sa'yo. Hurry up! The next game will start." utos ko sa kaniya.
Pareho silang reaction ni Breeze nang malaman niyang buhay pa si Helaria.
Mabilis na sinunod niya ang utos ko. Bumalik siyang muli sa taas at kinaladkad pababa ang magaling niyang kapatid.
"Finally!" ani ko pagkatapos kong maupo.
Nahinto ako sa pag-upo nang maayos dahil lahat sila nakatingin sa'kin. Kahit si Sylvester ay ganoon din.
"What?" takang tanong ko.
Lahat sila ay gumawi ang tingin sa magkapatid.
"I'll tell you the whole story after this. Kung gusto ni'yong malaman. Manatili kayong buhay hanggang sa sumikat ang araw." bagot kong wika saka sumandal sa inuupuan ko.
"You are indeed an unpredictable." bulong ni Sylvester habang umiling-iling.
Lihim na sinulyapan ko ang magkapatid. Napangiti ako dahil sa wakas magkasama na silang dalawa pero hindi pa rin ako nakasisiguro. Kailangan ko pang harapin si Sylvester tungkol sa pagpuslit ko sa kaniya.
Worst is hindi na siya ang co-handle ng Der Mord. Maaaring mas worst pa sa kaniya ang kahaharapin ko, but I don't care. Seeing how happy she is, taking risk is nothing.
TheKnightQueen 🌱

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    geronaJoy

    wow.

    19/11/2024

      0
  • avatar
    guinawatanjeamuel

    it's very good

    09/07/2024

      0
  • avatar
    DegusmanMikil

    wow

    25/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata