#32

Rhexyl's P.O.V
Nagpatuloy ang battle, sa second battle kanina, Floor vs Floor at ang floor namin ang nagwagi. Hindi sa section namin nanggaling ang representative pero base sa observation ko. Tunay ngang magagaling ang nasa fifth floor.
Sa third battle, duel fight ang siyang mechanics, ang naging rules ay dapat manalo at mapatay ang nasa kabilang side. Sina Drewhein at Kheizar ang lumaban sa amin.
at ngayon katatapos lang ng fourth battle.
"Nice one!" ngiting tagumpay na nakipag-apiran si Rhem kina Acer at Fhinn.
Napadako ang tingin ko sa records namin. Sa apat na battle na lumipas, ang floor namin ang nanalo.
Tumingin muli ako sa paligid namin. Marami ng nawalang mga studyante. Marami ng mga vacant seat.
Bawat battle maraming studyante ang nase-select pero kukunti at bilang lamang sa kamay ang natitira. Which one is better? The old bloody day or this new bloody day?
Balak ba nilang ubusin ang Der Mord Students?
"Our fifth battle is section vs section. It is a continues battle. Hindi lahat ng nasa section ay baba. Isa-isa lamang, kapag napatay ang isa, susunod agad ang next na lalaban hanggang sa maubos ang lahat ng buong section, then proceed sa another set of section. Now, we were going to select the lucky twenty section." Lez announced the mechanics for the fifth battle.
In just a minute, natapos na sila sa pag-select. Nasa harapan na namin ang listahan ng sasalang. Isa sa nasa listahan ay ang group ni Sylvester.
"Ang rules ay isang section lamang ang siyang matitira at matatanghal na mananalo. Use your best weapon, think the best strategy and be the last standing section and win the fifth battle." Lez continued.
"Let's pick kung sino ang unang section na maglalaban." Lahat kami ay nasa hologram screen nakatingin. Nag-aabang sa magiging results.
"That's it! black Blood Section vs. Prime Section!" malakas na anunsiyo ni Lez.
"At ang unang lalaban sa both sides ay sina Mary Frontes and Maria Aljea Rhexyl Daxzon." Natigil ang paglalaro ko sa hawak kong dagger.
Ang suwerte ko talaga. Kung kailan lumalayo ako doon naman lumalapit sa akin. Mukhang wala talaga akong choice. Marahan akong tumayo at umalis sa kinauupuan ko. Humakbang ako pababa hanggang sa marating ko ang gitna ng stage.
Malamig akong humarap sa taong makakalaban ko.
"Lez, puwede bang buong section na ang bumaba? Katamad kasi kung iisa lang. Hahaba lang ang oras kung paisa-isa." bored kung saad.
"Depende kung gusto ng kabilang side at ng iba pang sections." tugon ni Lez, tumingin siya kay Mary Frontes.
"Payag ba kayo?" tanong ni Lez.
Nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Mary saka matalim na tumingin sa akin.
"Kung mapapatay niya ako." nakangising wika niya.
Marahan kong kinuha ang pen sword ko. Pinaglaruan ko sa kamay ko ang pen. Sa mabilis na galaw lumapit ako sa kaniya. Kasabay ng paglagpas ko ay ang pagbaba ng sword. Tumingin ako rito, nakita ko ang pagpatak ng dugo sa dulo ng sword ko. Marahan akong humarap kay Mary.
Hawak niya ang kaniyang leeg habang unti-unting bumagsak ang kaniyang tuhod hanggang sa napahiga siya.
"Oh! I change my mind." malamig at blangko kong sambit.
"Gusto kong bumaba ang nineteen section at harapin ako." I continued.
Napangiti ako nang makita kong nagsitayuan ang lahat ng section na napili. Humakbang ako patungo sa gilid at hinintay silang lahat na makarating dito sa stage.
"Are you sure you can kill us just yourself?" tanong ng isang babae.
"Tsk! Full of confidence." ani naman ng isa pa.
"Tss! What a bitch!" komento ng isa.
"Enough! Close your mouth ang let's start this. Ang dami ni'yong dakdak. Kung sumusugod na kaya kayo nang makita at matapos na tayo." bagot kong saad sa kanila.
Kumilos ang katawan nang patagilid. Bagot kong tiningnan ang unang sumugod. Tinalikuran ko siya saka muling humarap sa kausap ko. Panay na ang iwas ko dahil lahat na sumugod sa akin. Pinangsangga ko ang rapier sword ko at muling umiwas.
Sa kakaiwas ko narating ko na ang kabilang dulo. Muntik na akong mahulog kaya napatingin ako rito. Bumuntong hininga akong muling tumingin sa mga kalaban ko. Marami talaga silang lahat. Wala akong balak na patayin sila at wala rin ako sa mood.
Sumilip ako sa hologram timer. Dalawang minuto na lang ang natitira pero isa pa lang napapatay ko sa kanila.
Do I really need to kill them?
"Stop playing with us woman!" inis na wika ng isang lalaki.
"I am not playing." bagot kong tugon.
Sadyang nagdadalawang isip lang akong patayin silang lahat.
"Darn it! We don't have enough time." a guy said too.
"Let's kill her first, then finish this shitty battle." saad naman ng isang babae.
Sabay-sabay silang sumugod pero iwas lang ang ginawa ko. Wala akong paki kung paubos na ang oras. Una pa lang ay ayoko na sa red code na 'to.
Dumako ang tingin ko sa isang babaeng humawak sa kamay ko. Nagulat ako sa bilis nang galaw niya. Malakas na tinuhod niya ako. Sa lakas nito ay napabuga ako ng dugo. Isang malakas na panghampas sa likuran ang sunod kong naramdaman.
Napaluhod ako at itinukod ko ang rapier sword ko.
Shuta!
Naramdaman kong mayr'ong muling lumapit sa akin. Mabilis na isinangga ko ang rapier. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.
Bakit ba ako naaawa sa kanila?
Dumako ang tingin ko sa pasugod na lalaki. Inalis ko ang pagkakasangga ng rapier saka mabilis na tumayo at sinalubong ang lalaking susugod. Itinusok ko sa dibdib niya ang rapier pagkatapos hinugot saka diretso sa leeg niya.
Awa?
Nakalimutan kong wala sa lugar na ito ang salitang awa. Kung hindi ka papatay, ikaw ang mamamatay. Tumayo ako nang tuwid. Humigpit ang kapit ko sa sword. Tumingin sa pinatay ko at sa babaeng humawak sa akin.
Blangko akong tumingin sa kaniya. Marahan akong humakbang palapit sa kaniya.
She wake up my demon self, and she is lucky to meet my demonic side.
Lahat sila ay sumugod sa akin muli.
"You," malamig kong ani.
Mabilis akong kumilos. Nilapitan ko sila at walang pagdadalawang isip na ginilitan sila sa leeg.
"Blocking my way." I continued.
Tumalon ako, lumanding ako sa balikat ng isang lalaki saka ginilitan siya sa leeg. Lumapit ako sa iba at inulit nang inulit ang ginagawa ko hanggang sa maubos silang lahat.
Pagkabagsak ko sa sahig. Tumingin ako sa katawan nilang nakatayo pa. Sabay-sabay na nagsirit ang dugo mula sa kanilang katawan. Sabay-sabay ding nagsilaglagan ang mga putol na parte ng kanilang katawan. Nang makita kong bumagsak na mga katawan nilang walang buhay.
Dumako ang tingin ko sa nag-iisang nakatayo.
"There you are." malamig at blangko kong sambit.
Napangisi ako nang makita ko ang mahina niyang pag-atras.
"Are you scared?" ani ko,
Namangha ako dahil mabilis siyang naka-recover saka tinago ang takot niya. Naging matapang siyang hinintay akong makalapit sa kaniya.
Nakangiting inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya saka bumulong. "Die!" Walang pasabi kong itinasak sa puso niya ang rapier ko.
Dumistansiya ako sa kaniya saka hinugot ang rapier. Iwinaksi ko ang rapier para mawala ang mga dugo. Umatras ako palayo sa napaluhod na babae. Pagkatalikod ko, narinig ko ang pagbagsak niya.
"Prime Section won the battle." announced ni Lez at pagputol niya sa katahimikan. Binalik ko sa pagiging pen ang rapier. Napahawak ako sa sikmura ko. Walang'ya! Ang lakas ng pagkakasikmura sa akin kanina.
Marami pang sinasabi si Lez pero hindi ko na pinakinggaan pa mga sinasabi niya. Gusto ko na lang muling makabalik at maka-upo na sa upuan ko.
"You okay?" Sylvester asked as soon as I reach my chair.
"Yeah," maiksing tugon ko na may slight na tango.
Nagulat ako nang pitikin ni Sylvester ang noo ko.
"What?" mabilis kong reklamo habang dinadaing ang pinitik niya.
"Why do you let yourself hurt before you take action?" kunot-noong sermon niya.
"E, kasi ---" Hindi ko alam ang idadahilan ko kaya napakamot ako sa ulo.
Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa akin habang nakataas ang dulo ng kaniyang kilay. Hinihintay niya sasabihin ko. Nakasimangot na sumandal ako sa sandalan ng inuupuan ko.
Nakangusong pinag-cross ko ang aking mga kamay saka tumingin sa unahan.
"What's with that attitude, young lady?" tanong niya pero ramdam kong mas tumaas ang dulo ng kilay niya.
Hindi ko iyon pinansin at patuloy na nagpanggap. Sorry, pretending is one of my expertise, also one of my defense mechanism sa kaniya sa tuwing hindi ko alam ang sagot sa mga tanong niya.
"Sylvester Connel," Lumawak ang ngiti ko nang marinig kong tinawag ang pangalan niya para sa next battle.
Gusto kong pumapakpak sa tuwa pero pinigilan ko lang ang sarili ko baka mahalata naman, e. Baka ma-double dead pa ako pagbalik mamaya.
TheKnightQueen 🍀

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    geronaJoy

    wow.

    19/11/2024

      0
  • avatar
    guinawatanjeamuel

    it's very good

    09/07/2024

      0
  • avatar
    DegusmanMikil

    wow

    25/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata