#31

Rhexyl's P.O.V
Pagkatapos ng lahat ay nanatili pa ring tahimik ang lahat ng Der Mord students. Hindi pa rin sila naalarma at mas naging seryoso ang lahat para sa mga sumusunod pang magaganap. Hindi yata uso sa kanila ang mag-panick.
Muli akong tumingin sa paligid namin. Sinuri ang bawat sulok ng battle arena. Hindi ako makapaniwala na sa likod nang malawak na field na 'yon ay mayr'ong nakatagong ganito kalaking arena.
At sa tingin ko wala silang balak na palabasin kami. Ni wala man lang pinto, o kaya ay puwedeng labasan. Palalabasin ka lang talaga nila kapag tapos na ang araw na ito.
"I loved how they changed the bloody day. I have goosebumps from excitement." Rinig kong saad ni Acer.
Dumako ang tingin ko sa kaniya. Halata namang exited siya. Hindi ba naman mawala ang ngiti sa labi niya. Para siyang isang batang nanonood lang ng paborito niyang cartoons sa television. Nakita ko pa ang pag-ayos niya ng upo sa kinauupuan niya.
Hindi mawala ang tingin ko sa paligid. Panay pa rin ang libot ng tingin ko na wala naman akong nakikita na iba kun'di dugo lang.
"Stop roaming your eyes." Rinig kong saway sa akin ni Sylvester na kalaunan ay napalingon ako sa kaniya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay at sandali lang ay pinaglaruan niya ang suot kong wedding ring namin. Napadako tuloy ang tingin ko sa kamay niya. Lihim na napangiti ako nang makita kong suot niya rin ang wedding ring namin.
"Here's how we know who will be your opponent." Nawala ang tingin ko sa ginagawa ni Sylvester.
Sa pagtingin ko sa holographic screen sa taas. Mayroong apat na screen na pinakita. Bawat isa ay mayr'ong mabilis na gumagalaw, ang isa ay mga picture naming mga studyante, ang pangalawa mga logo, pangatlong holographic ay ang mga sections at ang panghuli, ay mga numbers.
"Sa apat na holographic na nakikita ni'yo ay ang profile pictures ng lahat ng Der Mord students. Logo ng mga gang group, your sections at numbers which represent ng floors kung saan kayo nabibilang." panimulang paliwanag ni Lez.
"As you can see, gumagalaw ito nang mabilis. Kung alin at sino ang mahintuan nito ay siya ang magiging kalaban mo at makahaharap. Remember, we have a total of 20 battles, and each battle has its own mechanics and rules." Lez continued.
Sa ganoong paraan malalaman at magsisimula ang araw na ito. Ilang studyante kaya ang malalagas ngayong araw? Bakit kaya maraming gustong pumasok sa paaralang ito kung ganito ang sistema sa loob? Alam kaya nila kung anong mayr'on dito? o gusto lang nilang pumasok dahil sa ganda ng loob nito?
"Hindi na namin patatagalin pa. We will start the first game." Isang malakas na tunog ang siyang namayani sa buong lugar.
Tunog na magpapakaba sa'yo, kasabay din nito ang mas mabilis na paggalaw ng holographic screen pero biglang nawala ang tatlo at lumitaw ang mas maraming holographic screen.
Inalis ko ang tingin ko sa mga holographic screen. Tumingin ako sa katabi ko. Nagulat ako ng kaharap ni Sylvester ang isang holographic screen din saka mabilis na tumitipa ang kaliwang kamay niya sa holographic keyboard. Hawak niya pa rin kasi ang kamay ko.
Naririnig kong nagsisimula ng magtawag ng mga studyante. Napadako ang tingin ko sa tumayo at sa stage, mayr'on ng mga nakatayo roon ngunit binalewala ko lang 'yon.
Hindi naman ako matatawag doon, e. Tinuon ko na lang pansin ko sa ginagawa ni Sylvester. Marahan akong lumapit nang masilip ang pinagkakaabalahan niya.
"What are you doing?" tanong ko saka tumingin sa kaniya.
Nagulat ako dahil ang lapit lang pala ng mukha ko sa mukha niya. Aalis na sana ako kaya lang ay hinalikan niya ang noo at labi ko na ikinangiti ko.
"The representative students from the prime section are none other than Dhean Sylvester Connel," Napamulat ako ng mga mata saka mabilis na napadako sa holographic screen.
Mabilis na lumipat ang picture ni Sylvester sa mga list na kalahok sa first battle.
"--- and Maria Aljea Rhexyl Daxzon." Lez continued.
Naramdaman ko ang paglingon ng ilan sa kinaroroonan namin.
"Great! Kayong dalawa ang mauuna." malawak na ngiti ni Fhinn.
Inalis ni Sylvester ang holographic screen na nasa harapan niya. Sabay na tumayo kami. Dahil hawak niya ang kamay ko, nagpatangay na lang ako. Siya ang nauuna habang ako ay nahuhuli. Habang pababa kami, napansin kong mayr'on din kaming mga kasabay sa pagpunta sa stage.
Dumako ang tingin ko sa mga holographic screen. Bawat section ay mayr'ong dalawang student. Bawat floor mayr'ong 20 sections kaya mayroong total na 300 sections at dahil tigdadalawang representative sa bawat sections. 600 students ang tutungo ngayon sa stage.
Dumadagdag pa ang mga holographic screen na lumilitaw. Pinapakita talaga nila ang dalawang studyante ng bawat section. Magkahawak kamay pa rin na narating namin ni Sylvester ang stage.
Ano kayang mechanics at rules ang mayr'on sa unang battle? Ang suwerte ko naman. Ako pa ang unang maglalaro. Puwede bang nakaupo na lang ako? Nanonood na lang habang naghihintay na maubos lahat ng studyante.
Muling gumalaw ang mga holographic screen. Tumapat sila sa bawat floor at naghele-helera ang mga sections pataas kaya naging maayos ang tingnan ang mga ito. Kita na talaga ang mga sections sa bawat floors.
Bigla akong napahawak sa braso ni Sylvester. Naramdaman ko ang paggalaw ng tinatapakan naming stage. Nakita kong nawala ang daan paakyat dito at unti-unting umangat ang stage.
"Welcome to our first battle ladies and gentlemen." Napatingin kaming lahat sa aming unahan.
Mayr'ong lumitaw na isang holographic human nasa tingin ko ay siya na si Lez. Isa lang siyang holographic not a real human.
Mayr'on muli kaming narinig mula sa ibaba. Sandali lang ay mayr'ong lumabas na mga glass tube. Mula sa isa hanggang sa dumami. Pinalibutan nito ang buong stage. Mayr'on itong tatlong layer.
"What is that?" Rinig kong sambit ng isang babae tatlong metro ang layo sa amin.
"Here's the first rules and mechanics for the first battle." mayr'ong ngiti sa labing saad ni Lez.
"Ang taong nasa kanan ay ang siyang papasok sa glass tube na nakikita ni'yo. Habang ang nasa kaliwa ay ang siyang mananatili rito sa stage." simula ni Lez.
Napatingin ako sa aking sarili at kay Sylvester. What the fuck! Ako ang nasa kanan. Muli akong tumingin sa mga glass tube. Ngayon alam ko na kung bakit maraming tube ang lumitaw.
"Ang nasa kanan ay humakbang paharap at magsimula ng pumasok sa bawat tube." wika niya,
Tumingin ako kay Sylvester. Hinawakan niya ang baywang ko saka kinabig niya ako palapit sa kaniya. Hinalikan niya ang noo ko.
"Don't worry, I will not let you die." nakangiting sambit niya.
"I am not worried." mabilis kong sabi.
Hindi ako nag-aalala dahil siya naman ang kasama ko. Chicken lang 'to sa kaniya. Mabuti ngang ako ang nasa loob ng tube meaning wala akong gagawin.
Nakita kong isa-isa ng pumasok ang ibang studyante kaya humakbang na rin ako at tumungo na unahan. Mayr'on ng laman ang nasa unahang layer kaya itong gitna na ang sunod.
Nagkaroon ng holographic stairs patungo sa pangalawang layer. Kumunot ang noo ko. Hindi ba 'to delekadong tapakan? Marahan kong inangat ang paa ko at tinapak sa stairs Mukhang matibay naman siya kaya umakyat na ako hanggang sa marating ko at makatapat ko ang tube.
Bumukas ang pinto ng tube. Pumasok ako sa loob. Pagkapasok ko sa loob, nagsara agad ang pinto ng glass tube. Tiningnan ko ang kabuo-an ng glass tube. Wala namang kakaiba rito sa loob.
Hinawakan ko ang wall nito pero nagulat ako ng nakuryente ako. Bawal sumandal or dumikit man lang dito sa tube?
Tumingin ako sa stage. Ang tanging naroon na lamang ay ang mga natira. Kumunot ang aking noo dahil wala akong naririnig mula sa labas. Napadako ang tingin ko sa kanan at kaliwa ko. Kalmadong nakatayo lamang ang mga kapwa ko nasa loob ng glass tube.
Lihim na napasimangot ako. Hindi man lang ako makasandal at ano bang mayr'on dito? At saka, bakit wala kaming naririnig?
Pagtingin ko muli sa stage, nakita kong nagka-countdown na meaning magsisimula na ang first battle. Mula sa countdown hanggang sa naging holographic time timer.
"Five minutes?" mahina kong sambit.
Limang minuto lang ang oras?
Nagsimula nang kumilos ang mga nasa ibaba pero si Sylvester ay nanatili pa ring nakatayo sa gitna.
Ano ba ang mechanics? Ni hindi ko man lang narinig. Naglaban-laban silang lahat. Nakita kong mayr'ong nagtangkang lumapit kay Sylvester. Segundo lang ay napaluhod na ang lalaking lumapit sa kaniya, at kalaunan ay nahulog ang ulo nito.
What the!
Ganoon kabilis? Hindi ko nakitang gumalaw ang kamay niya.
Napalingon ako sa katabi kong glass tube. Nanlaki ang mata kong kasalukuyang natutunaw na siya.
"Asido?" Mabilis na tumingin ako sa taas.
Hindi nagtagal ay napalingon ako sa kaliwa ko. Wala na roon ang isang studyante. Dugo na lamang ang naroon.
Paglingon ko sa ibaba. Mas nanlaki ang mata ko sa gulat. Halos kalahati na lang sila. Dumako ang tingin ko sa oras. Tatlong minuto na lang. Saktong pagbalik ng tingin ko sa ibaba.
"What the fuck!" Kung kanina ay kalahati na lang, ngayon sampu na lang silang nakatayo.
Shitty! Kapag namatay ang kakampi mong nasa ibaba, mamamatay din ang kakampi mong nasa loob ng glass tube. 'Yon ang mechanics ng unang battle. Tumingin ako muli sa mga tube. Dalawang student na lang ang nakikita ko sa ka-line kong tube.
Meaning, sa ikalawang layer tatlo na lang kaming natira. Mas malupit ang raranasin mo kumpara sa nasa ibaba. Dito sa loob ng glass tube, bubuhusan ka ng asido, susunugin ng buhay at sasabog ang katawan mo, ngunit depende 'yon sa tube na pinasukan mo.
Wala ka ngang ginagawa dito sa loob pero nakadepende ang buhay mo sa kakampi mo sa ibaba. Nakita kong namatay ang isa, biglang sumabog ang katawan ng katapat ko. Pinanonood ko lamang ang nasa ibaba.
Pinagmasdan ko ang kinatatayuan ni Sylvester. Hindi siya gumalaw or kumilos sa kinatatayuan niya pero sa tuwing mayroong lumalapit sa kaniya, segundo lang ay babagsak kang walang buhay.
Ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lamang ang pagtutol nina Fhinn na kasali sa ganitong event si Sylvester. Wala naman talagang natitirang buhay.
Lumipas pa ang isang minuto, si Sylvester na lang ang natitirang nakatayo. Tiningnan ko ang kabuo-an ng glass tube. Ano kaya ang narito? Asido? Apoy? O sasabog na lang ang katawan ko?
Isang minuto na lang ang natitira sa oras. Kasalukuyan ring mayr'on pang ginagawa si Sylvester sa ibaba. Kaharap niya ang isang holographic screen.
Hindi naman ako nag-aalala or natatakot na baka matulad ako sa iba. Si Sylvester 'yon, e. Asawa ko ang nasa ibaba kaya no worries. Alam kong hindi niya hahayaang mamatay ako rito.
Natigilan at dumako ang tingin ko sa taas. Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang mayroong lumabas na tubig mula rito.
"Oh, shit!" react ko.
Mabilis na napupuno ng tubig ang glass tube. Nasa baywang ko na agad ito. Anak ng!
Napalingon ako kay Sylvester. Napangiti ako kasi paakyat na siya at patungo na sa kinaroroonan ko. Buti naman,
Lumapat ang kamay ko sa glass tube. Wala na 'yong kuryente pero umabot na hanggang dibdib ko ang tubig.
"Waaaa! Love, hurry!" pagpapanick ko.
Mayr'on siyang pinindot dahilan para mayroong lumitaw na holographic password. Hindi nagtagal ay nagbukas na ang pinto ng glass tube. Mabilis na nawala ang tubig.
Patalon na lumapit ako kay Sylvester. Mabilis niya akong sinalo. I heard him chuckled sa ginawa ko.
"You won." masigla kong saad.
"We won, baby." he corrected me.
"Ops! Sorry, I'm soaked." nakangiwing bumitaw ako sa kaniya tapos tumingin ako sa sarili kong basang-basa.
Kainis naman oh!
Nawala ang tingin ko dahil isang tunog ng fireworks at tunog ng pagwawagi ang narinig ko maging ang hiyaw mula sa section namin ang siyang narinig ko.
"Prime section from fifth floor won the first battle. Congratulations Prime section!" Lez announced.
Hinawakan ni Sylvester ang kamay ko saka bumaba na kaming dalawa. Pagkababa namin, napansin kong malinis na kaagad ang stage. Wala na 'yong mga katawan ng mga studyanteng namatay. Maging ang mga glass tube ay nawala na rin.
"Let's proceed to our next battle. Bawi na lang kayo sa iba pang mga parating na battle. Make sure na hindi na kayo mamamatay sa mga susunod." Lez said.
Pumunta kami ni Sylvester sa bandang gitna. Nagulat ako ng mayr'ong hangin ang siyang lumabas sa kinatatayuan namin. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Sylvester. Hindi nagtagal ay nawala rin ito.
Pagkatapos mawala ng hangin, naramdaman kong hindi na basa ang suot kong damit. Tuyo na siya, so 'yong hangin na 'yon ang siyang nagpatuyo.
Bumalik na kami ni Sylvester sa puwesto namin.
"Nice one, leader. Hindi ka pa rin nagbabago. Ang bilis mo pa ring kumilos." bungad na komento ni Fhinn.
"Anong weapon ang ginamit mo, leader?" excited na tanong ni Yhoquin.
Sabay kaming umupo ni Sylvester.
"Dagger," maikling sagot ni Sylvester.
"What? Dagger? Hindi ko nakitang mayr'on kang hawak na dagger kanina." saad ko,
At saka dagger lang 'yon? Ang talim naman ng dagger niya para makapagtanggal ng ulo sa katawan.
"That's his technique. 'Yong akala mong wala siyang hawak na weapon pero magugulat ka na lang kapag lumapit ka sa kaniya makikita mong patay ka ng babagsak." simpleng saad ni Drewhein.
Tumingin ako kay Sylvester.
"Where is it?" tanong ko.
Kinuha at inilabas niya ang dagger na sinasabi nila. Marahan na kinuha ko ito mula sa kamay niya. Lihim na napangiwi ako kasi mayr'ong kabigatan ito.
Inikot ko ito sa aking mga daliri at pinaglaruan. Napangiti ako kasi ang ganda niya.
"Be careful, it has a poison." paalala sa'kin ni Sylvester.
Tumango lang ako at hindi masiyadong pinansin ang sinabi niya. I really love his dagger.
Hindi na bago sa akin na makita ang dagger niya. Ito kasi ang madalas niyang ginagamit, at saka itong weapon lang na 'to ang nilalabas niya.
"Can I have this?" wika ko,
"Of course," Sumandal siya sa kinauupuan niya saka ipinikit ang kaniyang mata. Napangiti ako, pinagpatuloy ko ang paglalaro ko sa dagger.
"Let's start our second battle," Napaharap ang tingin ko sa unahan.
TheKnightQueen 🍀

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    geronaJoy

    wow.

    19/11/2024

      0
  • avatar
    guinawatanjeamuel

    it's very good

    09/07/2024

      0
  • avatar
    DegusmanMikil

    wow

    25/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata