Homepage/Shroud of Misery (Amour Series #1)/
Chapter 4
We were walking towards the school's parking lot just behind the fine arts building. Bawat building na madadaanan namin ay may binabati siya. Mukha siyang tatakbong mayor sa isang lungsod.
He asked me if it's okay to bring his car to make it easier for us to go to our destination. Tumango na lamang ako. Tinext ko na rin si Mang Carlo na huwag na akong sunduin sa university dahil ihahatid naman ako ni Gabriel pauwi.
We stopped at a black Lexus. First time kong makakita ng ganito. Sabagay, mayayaman nga pala ang mga tao sa eskwelahang pinasukan ko.
He took his key fob in his pockets and unlocked his car. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at umupo sa passenger seat ng kanyang kotse. Napangiti ako dahil ang gentleman niya.
Makikita ang mga damit, rubber shoes at duffel bag sa backseat ng kanyang kotse. His masculine scent lingered through my nose as I entered his car.
Umikot na siya upang pumunta na sa driver's seat. He then started the engine and drive towards our destination.
Silence filled the air. Wala man lang nagsasalita sa 'min. Tanging tunog lang ng radyo ang maririnig sa loob ng kotse. I secretly looked at him. Kita ko sa sulok ng aking mga mata, ang kanyang mga ugat sa braso habang nagmamaneho. Grabe, araw-araw ba 'tong nagbubuhat ng mga sakong bigas?!
"Are you... comfortable sitting there?" he said, breaking the silence. "Nilalamig ka ba?"
Umiling ako. “H-Hindi naman," nahihiya kong sabi.
"Am I... making you uncomfortable?"
Nagulat ako sa kanyang tanong. Mabilis naman akong umiling. He chuckled at my sudden reaction.
"Well, that's good," he then smiled. "I'm sorry for not personally inviting you for lunch. I probably looked like a stalker back there, huh?" his gaze was on the road.
I shook my head. "Hala, hindi!" napatingin ako sa kanya. Nagsalubong ang aming mga mata. Pinutol ko kaagad ang aming titigan at yumuko. "Sa totoo lang, first time kong makatanggap ng gano'n, ‘yung... yayakarin akong maglunch ng isang lalaki," mahina kong sinabi yung dulo habang kinakalikot ang aking mga kamay.
"Why? Hindi ka ba nakakatanggap ng mga gano'n no’ng highschool ka pa?" mahinahon at mababa niyang wika. "I mean... you're very pretty, so I guess you have many admirers back then."
Malungkot akong ngumiti at umiling sa huli niyang sinabi. "Wala ako no'n. Wala rin akong kaibigan no’ng elementary 'tsaka highschool. Madalas din akong nabubully kasi raw... m-mahirap kami."
Natahimik siya roon. Bahagyang umigting ang kanyang panga. Napansin ko ring humigpit ang kanyang hawak sa manibela. Magkasalubong na ang kanyang kilay at kunot-noong nakatingin sa daan.
Bakit kaya? May mali ba akong nasabi?
Hindi na kami muling nagsalita pagkatapos noon. Nakarating kami sa isang café. Pinark niya muna ang kanyang kotse at unang siyang lumabas. Muli niya akong pinabuksan ng pintuan. Nakabusangot pa rin ang mukha.
Kaya ba siya nanahimik dahil nalaman niyang hindi kami mayaman? Ayaw na ba niya ako kasama? Napipilitan na lang ba siyang gawin ito?
Pinindot na niya ang kanyang key fob upang ilock ang kotse. Maglalakad na sana siya papalayo nang marahang hinila ko ang dulo ng kanyang shirt. Natigilan siya at humarap sa 'kin.
"Uhm, may nasabi b-ba akong mali k-kanina?" nanginginig kong sabi. Nag-iinit na ang sulok ng aking mga mata.
"Nagalit ka ba dahil nalaman mong hindi kami m-mayaman?" inangat ko ang tingin sa kanya.
Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. His eyes softened. He crouched down so that our eyes would level. Napabuntong-hininga siya.
"No, Nyla. Hindi ako galit dahil lamang nalaman kong hindi ka mayaman," usal niya. "To be honest, I don't even care what your status in life may be," inilagay niya ang mga takas kong buhok sa likod ng aking tenga. "I'm mad because of those people who bullied you."
Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Nagalit siya... dahil sa mga taong nambully sa 'kin?
"You don't deserve to be treated like that just because of your social status. They don't even know who you are in the first place," mariin ngunit kalmado niyang sabi. Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang kanyang daliri dahil sa tumakas na luha. Hindi ko namalayan na tumulo ito.
I felt like a heavy burden has been lifted off my chest. All my life, I've been receiving judgments because of my social status. Noong una, medyo dinamdam ko pa yo'n pero kalaunan nakasanayan na rin.
Wala naman akong sinisisi kung bakit ipinanganak akong ganito. Sa katunayan, araw-araw akong nagpapasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natatanggap namin at sa buhay na Kanyang pinahiram kaya dapat hindi ito sayangin.
I always remember Nanay's advice that kindness is free. Even if it is small, it should not be wasted. Even if you don't know who they are or they do not care for you, you still have to treat them with kindness. Kahit na wala silang ibigay na kapalit.
"I'm sorry for making you cry," malungkot niyang sabi.
"H-Hindi! Wala ka namang kasalanan. Sa katunayan nga, mas napagaan mo ang loob ko sa mga sinabi mo. Maraming salamat, Gabriel," I gave him a smile to assure him that I'm really okay.
Gabriel gently patted my head. He then took my bag and placed it in front of him. I silently giggled as I looked at him.
Ang cute niya talaga.
He held the door for me as we went inside the café. The sound of chimes welcomed us. He gently held my small back with his large hand and guided me inside.
The smell of coffee, meals and pastries filled my nose. The French-style and cozy ambiance of the café is made perfectly for those who wanted to relax and feel comfortable, plus the mellow music playing in the background complemented it.
Pumunta kami sa counter upang umorder ng aming makakain. Sinamahan ko nang umorder si Gabriel. Wala pa naman masyadong tao sa café kaya madali na rin ang pag-oorder at paghahanap ng mauupuan.
We were both looking at the café's menu. Napansin kong titig na titig ang babaeng nasa counter habang nililibot ni Gabriel ang kanyang mga mata sa menu. Hindi naman iyon napapansin ni Gabriel.
Sino naman kasi ang hindi magagwapuhan sa kanya? Those enticing blue-green eyes that will make you feel calm, partnered with those thick long eyelashes that compliments his eyes. His lean and muscular body which he probably got from all those trainings. And don’t forget his deep, cute dimples.
"Have you decided what to order?" he suddenly asked. I nodded.
I ordered carbonara and a strawberries n crème frappe habang si Gabriel naman ay lasagna at iced caramel macchiato.
Kukuha na sana ako ng pera pangbayad nang inunahan ako ni Gabriel.
"Hala, medyo mahal yung mga inorder natin. Paghatian na lang natin," suhestisyon ko.
Umiling si Gabriel. "No, it's okay. This is my treat. Uhm, hiningi ko ang time mo para dito. So... let me pay for us," he smiled showing his dimples.
Kumurap-kurap ako. He smirked at my reaction. Sa huli, siya na ang nagbayad. Binigyan siya ng cashier ng isang device na tutunog na lamang 'pag ready na kunin ang order. Bahagyang namula pa ang babaeng nasa counter nang magtama ang mga kamay nila ni Gabriel.
Umupo kami malapit sa bintana. Maganda rin ang lightings ng pwesto namin. Matutuwa sila Aria 'pag niyakad ko sila rito.
After a few minutes, tumunog na ang hawak na device ni Gabriel. He immediately went to the counter to get our orders.
After distributing our food, I silently uttered a prayer. Nang matapos magdasal, napansin kong nakatingin si Gabriel sa 'kin.
"Bakit?"
"Ah, w-wala, wala. Kain na tayo," aniya.
Nagkuwentuhan kami habang kumakain. We talked about our likes, dislikes, and what we do in life. He was fun to talk to, actually. Nalaman kong isa siyang Business Ad student at mayroon silang kompanya na pinamamahalaan ng kanyang ama na paniguradong ipapamana naman sa kanya. He is also the captain of our school's basketball team.
I was busy sipping my frappe when suddenly I heard a shutter sound of a camera. Inangat ko ang aking tingin kay Gabriel. Nagulat siya sa pag-angat ng tingin ko kaya dali-dali niyang ibinaba ang phone niya. I smiled at his cuteness.
"Pinipicture-an mo ba ako?" mahinhin kong sabi, may bahid ng tuwa.
"A-Ano, kase, uhm... you look c-cute while drinking your frappe so I t-took a picture," pautal-utal niyang sabi. "I'm sorry."
My hands flew over my mouth suppressing a laugh. I saw how his face turned into crimson.
"Okay lang," beaming a smile, to let him know that it's really okay.
"Can I post it?" sabi niya na pumukaw sa aking atensyon. "Sa IG story lang naman."
Tumango-tango ako. He started fidgeting his phone. Tumunog naman ang aking phone at nakita ang message ni Aria doon.
Aria the prettiest BFF:
Are you home already?
Natawa ako sa pangalan niya sa cellphone ko.
Ako:
Hindi pa, pero patapos na rin kami.
Aria the prettiest BFF:
Okay! Text me or just chat on our gc if you arrived home safe. Enjoy bff!
Ako:
Okay. Salamat Aria! :)
"Friends?" inangat ko ang tingin kay Gabriel. Nakataas ang kanyang kilay. Tumango naman ako sa kanyang sinabi.
"Ah, oo. Si Aria nagtext sa 'kin. Magchat daw ako 'pag nakauwi na ako," wika ko.
He genuinely smiled. "Good thing, you've met them. Aria and her group are really nice and easygoing."
"Magkakakilala na ba kayo dati?" usisa ko.
"Hmm, you could say that. Nakilala ko sila nang ipakilala kami ni Kai sa grupo nila. He and Aria are childhood friends. We usually hangout sometimes."
Tumango-tango ako. Nang maubos na ang aming pagkain, napagdesisyunan na naming umuwi.
Nagpapalit na ng kulay ang langit pagkalabas namin ng café, hudyat na nalalapit na ang gabi. Pinaandar na niya ang kotse at saka hinatid na ako sa amin.
Pumarada ang kanyang kotse sa tapat ng gate namin. Napansin kong hindi pa nakakauwi sila Nanay at Aling Delia. Nagpasalamat na ako kay Gabriel at bumaba ng kanyang kotse.
Isasara ko na sana ang aming gate nang narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kanyang kotse.
"Nyla!"
Gulat akong sinulyapan siya. Akala ko umalis na siya...
"Uh... gusto lang malaman kung..." kinakabahan niyang sabi. "Nag-enjoy ka ba ngayong araw na ito?" napakamot siya sa kanyang batok.
Kumurap-kurap ako sa kanyang sinabi. "Oo naman. Nag-enjoy naman ako kasama ka," I smiled shyly.
He was stunned at my reply. Nag-iwas siya ng tingin. His ears and face reddened. "Great! I'm glad that you enjoyed it," saka ibinalik ang tingin sa 'kin. "So, uhm... see you tomorrow."
"Hmm, see you," kinawayan ko siya pagkasakay niya ulit sa kotse. Bumusina pa siya saka pinaharurot ang kanyang kotse.
I immediately chatted our groupchat to inform them that I got home safe. Nagpalit muna ako ng damit saka pinagluto ng hapunan sila Nanay at Aling Delia. Nang matapos magluto, dumiretso na ako sa kwarto upang mag-isip ng magiging title sa aming mini research.
I was busy thinking titles for our research when my phone continuously beeped. It was my friends. They keep mentioning my name on our groupchat.
Aria:
OMG @Nyla Silverio!
Ash:
Kabogera ate ghorl naten!
I-share mo naman yarn mamsh @Nyla Silverio!
Sweet naman ni daddy Gabriel kyaaa 😍
Zeph:
Kakagising ko lang. Anong nangyayari?
Eunice:
Katapusan mo na raw @Zeph Madrigal
Zeph:
🖕😑🖕 @Eunice Quizon
Ako:
Hala anong meron? Ba't n'yo ako minemention?
Aria:
Go check Gabriel’s IG!!
@agabvldvs_ OMG!!!
Dali-dali kong hinanap ang username ni Gabriel. Pinacheck ko pa kay Aria kung alin doon kasi maraming katulad na username ang lumalabas. I clicked the first profile on my search list.
@agabvldvs_
34 posts 10.1 k followers 132 following
Wow, he has thousands of followers! I quickly scrolled through his feed and his posts were about basketball and family group photos. May nakita rin akong picture na kasama sila Kai, Blaise, at isa pang lalaki.
But one post caught my eye. Namilog ang mata ko sa nakita! It was his recent post. I quickly clicked the picture. Akala ko ba i-istory lang niya?!
1,321 likes
agabvldvs_ berry whipped.
It was me holding my strawberries n crème frappe and there's whipped cream on my upper lip. Hala naman, ba’t 'yon pa ang pinost niya? Mukha tuloy ang dugyot kong uminom ng frappe.
I saw some of his friends commented on his post. Kahit sila Aria ay nakicomment din!
n_kai: Sabihin mo "Salamat Kai pogi"
blazing_blaise: Ampucha berry whipped daw oh. Credits kay Google sa caption!
realekzc: Nice bro.
ariaxagustin: OMG SHIP IS SAILING!! ❤❤
itsashmendez: Oh pak! Baka Nyla namin yarn! @n.silverio
eunicevxq: Naks naman, flex agad!
zephcld_: HOY ANO TO?! KAKAGISING KO LANG TAPOS ETO BUNGAD?!
eunicevxq replied to zephcld_: Bumalik ka na lang sa pagtulog mo o kung gusto mo suntukin kita para makatulog ka 🙂
Nakita ko rin ang ibang comments na tinatanong kung sino raw ako. Nasapo ko ang aking mukha. Dali-dali akong nag-dm kay Gabriel.
n.silverio: Hello! Si Nyla 'to. Uhm, about do'n sa post mo, akala ko i-istory mo lang?
I can see the three circles jumping, meaning his typing a reply.
agabvldvs_: Couldn't help it, Miss. You're too cute :)
I let out a deep breath, trying to calm myself down.
n.silverio: Pwede mo bang i-delete 'yon? Baka kasi mamaya magka-issue sa school.
agabvldvs_: Hmm..
n.silverio: Please?
agabvldvs_: Okay, but in one condition.
n.silverio: Ano 'yon?
agabvldvs_: Be my cheerleader this coming Saturday, 1 pm sharp at our school's court :)I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (0)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Tingnan Lahat