Chapter 1

The loud beeping sounds of the alarm reverberated across the four corners of my small room. I slowly opened my eyes from an undisturbed slumber.
The golden rays of the morning sun glimpsed through my window. A mix of pink, yellow, and blue hues cast across the morning sky as if it's painted flawlessly on a blank canvas. The feeling of gratitude and positivity slowly possessed my inner self as I welcomed another day.
Unang araw ngayon nang pagpasok ko sa South Vale University. Alas-singko lagi ang set ko sa alarm kahit na 7 am pa ang umpisa ng klase. Medyo mabagal din kasi ako mag-ayos ng sarili at kumain.
Pagkatapos kong magsipilyo at maghilamos, lumabas na ako ng kwarto at tumungo na sa kusina. Kinukusot ko pa ang aking mga mata at saka humikab. Nakita ko si Nanay na nagluluto ng almusal. Mula sa likod, niyakap ko ang baywang ng aking ina.
"Oh, ang aga mong magising ah. Excited na excited sa pagpasok?" medyo nagulat pa siya sa aking pagyakap. Tinignan ko ang kanyang nilulutong sinangag, tapa, at itlog.
Humalakhak ako. "Magandang umaga, 'Nay!"
"Hmm, magandang umaga rin anak! Hintayin mo na itong niluluto ko at malapit nang matapos."

Tumango ako. Tinulungan ko na rin si Nanay mag-ayos ng mga plato, kutsara, tinidor, at baso. Pinagtimpla ko na rin siya ng kape at ako naman ay gatas.
Amoy na amoy ang aroma ng sinangag at tapa sa aming kusina nang ihain ito ni Nanay. Nagdasal muna kami at nagsimulang kumain.
"Nakahanap na pala ako ng katulong sa karinderya," si Nanay sabay simsim sa kanyang kape.
Napangiti ako roon. "Mabuti naman 'Nay at may nahanap kayo. Medyo magiging busy na rin po kasi ako ngayong kolehiyo. Pero tutulong pa rin po ako 'pag may libre akong oras."
"Ano ka ba anak, ayos lang iyon. Magfocus ka muna sa pag-aaral mo at kami na ang bahala sa ating karinderya."
Nagbuntong-hininga ako at sa huli ay tumango na rin. Natapos na kaming kumain at nagsimula na akong maghugas ng aming pinagkainan. Pagkatapos, nagtungo na ako sa banyo upang maligo. Mga dalawampung minuto rin ang ginugol ko sa pagligo at inilaan na lang ang natitirang oras sa pag-aayos ng sarili.
For the first day of school, I decided to wear a white graphic tee and tucked it in the waistband of my high-waisted black jeans. I topped it with a gray cardigan and paired it with my favorite white sneakers. I tied my short hair into a half ponytail and let some strands fall on the side of my bangs.
Hinanda ko na kagabi ang aking gagamiting bag at ibang gamit pang-eskuwelahan tulad ng yellow pad, ballpen, index card, at notebook para diretso alis na ng bahay.
Nagpaalam na ako kay Nanay bago umalis. Nakita kong nag-aabang na sa aming gate si Mang Carlo, ang kapitbahay namin na siyang maghahatid-sundo sa akin. Inarkila siya ni Nanay dahil na-trauma na ako sa nangyari sa palengke. Ikwinento ko 'yon kay Nanay kaya binilinan na rin akong umuwi lagi nang maaga.
I have arrived at the university and I couldn't help but feel nervous. Well, I guess everyone feels the same way whenever it's their first day at school or work. Feeling ko high school student pa rin ako at hindi ko ramdam ang pagiging college student.
Inisip ko na lang na makakapag-adjust rin naman ako at sana makahanap din ng kahit isa o dalawang kaibigan.
May nabasa ako sa isang social media app na dapat munang kilalanin ang magiging kaibigan mo sa college. 'Yong bang makakasama mo hanggang sa huli niyong taon sa kolehiyo. Someone who can help you in your hardships in school. Someone who can be your lifetime friend even if you're both already in the field of work.
I've never been good at interacting with others but I'm hoping to meet someone who can be called a true friend.
Magagarbo ang mga kotseng pumapasok sa big gate. Palagay ko mamahalin din ang mga kagamitan ng bawat estudyante rito. Isa ba naman sa mga prestihiyosong eskuwelahan ang pinasukan ko. Ipinagwalang-isip ko na lamang ito at tumungo na sa college building.
Habang naglalakad, maririnig ang kamustahan, chikahan, at tawanan sa hallway. Siguro 'yong iba magkakakilala na dahil magkakaklase sila noong Senior High at napagdesisyunang dito na ipagpatuloy ang kolehiyo.
Nagtanong-tanong na rin ako kung nasaan ang bulletin board. Doon kasi nakapaskil ang aking magiging seksyon, schedule at assigned na classroom. Maayos naman na itinuro ng aking pinagtanungan ang direksyon kaya 'di rin ako nahirapan sa paghanap.
Pagkarating sa bulletin board, namilog ang mata ko dahil sa kumpulan ng mga estudyante. Marami ang nakikipagsiksikan at tulakan. 'Yung iba'y gumawa na lang ng paraan para mapadali ang pagtingin sa kanilang schedule. Kahit maipit na ay gumamit na lamang sila ng kanya-kanyang cellphone para kuhaan ang kanilang schedule sa bulletin board at saka aalis.
Gusto ko man gawin 'yon kaso medyo malayo ako sa bulletin board. Gusto ko man ding sumugod doon kaso baka maipit ako.
I let out a heavy sigh and checked the time on my phone. There's still time so I just waited for the other students to finish.
Aatras na sana ako ngunit 'di sinasadyang may tumulak sa akin. Naapakan ko pa ang aking paa dahilan ng pagkawalan ko ng balanse.
Kung minamalas ka nga naman.
Inaasahan kong babagsak ako sa sahig ngunit may humigit sa aking palapulsuhan.
I was startled when I crashed on that person's chest. A familiar scent filled my nose. Namula ang aking pisngi dahil biglang tumahimik at nagkaroon ng bulungan.
"Ay, sino naman 'yon? Ba't lumalapit sa fafa naten?"
"OMG, sana all."
"Ay shet, gusto ko rin n'yan!! Mala-k-drama!!"
"Gaga, hanap ka muna sarili mong Gong Yoo."
So much for catching everyone's attention...
I lifted my gaze on that person's face and my eyes widened in shock. Wearing a black plaid polo long sleeve shirt, a white shirt underneath, and dark blue pants, hindi ako nagkakamali na siya nga iyon! Siya ‘yung lalaki sa convenience store! Siya yung tumulong sa 'kin do'n sa manyakis na tricycle driver!
I did not expect to see him again at dito pa talaga kami magkikita sa university. Dito siya nag-aaral? Kung ganoon, madalas kaming magkikita rito!
I think he noticed how stunned I am so he chuckled.
"Good thing I save you from falling, huh?" he said playfully. Siguro nakilala niya agad ako.
Pinamulahan ako ng pisngi. "A-Ah, oo, m-maraming salamat!" ba't ba ako nauutal?!
He bit his lower lip to stifle a smile showing a bit of his dimples. "So—" naputol ang kanyang sasabihin nang may sumigaw.
"Hoy, Gabriel! Tapos ka na ba d'yan?! Mukhang nambababae ka na naman, a!" a green-eyed guy with an angelic face put his arm around his shoulder.
So that's his name...
Gabriel...like the archangel...
Gabriel glared at his friend. The green-eyed guy then glanced at me. "Oh, hi there Miss!" he flashed a smile, showing his perfectly white teeth.
"U-Uhm, hello," I said shyly.
Gabriel pushed his friend's face away from him using his hands. "Gago ka, tinatakot mo. Ang panget mo kasi."
Suminghap ang kanyang kaibigan at inilagay ang kamay nito sa dibdib, umaktong nasasaktan. "Grabe ka, a! Nakakaoffend 'yang lumalabas sa bibig mo. FYI, ako pinakagwapo sa 'ting magtotropa!"
He sneered at his friend. "Bumalik ka na nga do'n, sandali lang ako rito."
"Basta ba 'pag na-late tayo, lilibre mo ako sa Bonchon!" sabi ng kanyang kaibigan sabay tapik sa balikat nito. Pinaalis na siya ni Gabriel at naghanap na ng pwesto kung sa'n niya pwedeng intayin ito.
Natatawang umiling si Gabriel at saka muling ibinalik ang tingin sa 'kin.
"So, have you seen your section and schedule?"
Hala, oo nga pala! Muntikan ko nang malimutan kung bakit ako pumunta dito. "Hindi pa eh, 'di ko kasi makita 'tsaka andaming nagkukumpulang mga estudyante."
He nodded and held out his hand. Kunot-noo ko siyang tinignan. Inilahad ko naman ang aking kamay sa kanya. He let out a small laugh.
"Give me your phone," natatawang aniya.
"A-Ah! ‘Yon ba? S-Saglit lang," nahihiya kong sabi. Akala ko hahawakan ang kamay niya!
Uminit ang aking pisngi. Siya na siguro ang kukuha ng litrato ng sched ko. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone sa bag at ibinigay sa kanya.
"What's your name?" he asked.
"N-Nyla. Nyla Silverio."
"Uh-huh. What course?"
"BS Accountancy."
"Okay, just sit on a bench and wait for me to return your cellphone."
I nodded and sat on a near bench. I don't know why the other students are staring at me as if I have committed a heinous crime. If looks could kill, I'll probably be dead by now.
I just hoped that he'll come back immediately because I'm starting to feel uncomfortable here.
"Ate, jowa n'yo ho ba 'yong kaaalis lang?" Nagulat ako sa biglaang paglapit ng isang estudyante. Palagay ko Senior High school student na napadpad sa college building.
Nagulat ako roon. "Hala, hindi! Kakilala lang."
Her mouth turned into an O-shaped. "Oh, okay po ate! Hihi. Salamat po!" Tinalikuran niya ako at sumigaw. "’Di naman pala jowa eh, may pag-asa pa tayo," sabi niya sa binalingang grupo.
Napakurap-kurap ako doon at ibinalik na lamang ang tingin sa lalaki. I noticed that he's being surrounded by lots of students. It seems that he's popular here in the university. Nakikipagtawanan at biruan pa siya sa ibang pang mga estudyante. He was talking to a guy, probably another one of his friends, when his eyes met mine. He immediately tapped the shoulder of the guy and started sprinting towards my way.
"Sorry for taking so long. Nagkamustahan lang kami ng mga kaibigan ko," nahihiyang nilagay ang kamay sa kanyang batok at saka inabot ang aking phone. "Here's your phone by the way."
I grabbed my phone from his hands. "Okay lang. Thank you...G-Gabriel..."
"So, you already know me?" his brows shot up while licking his lower lip.
"Nabanggit kasi ng kaibigan mo kaya ko nalaman."
"Tsk. Epal talaga ni Kai," he murmured, averting his gaze.
Hindi ko na naintindihan ang kanyang sinabi. He looked back at me, hands are now placed on his hips. Magkasalubong na ang dalawang kilay. He looks a bit...pissed?
Somehow, that expression of him looks...cute.
Kusang gumalaw ang gilid ng aking labi at binigyan ko siya ng matamis na ngiti. The mixture of blue and green eyes stared at me for a while. His mouth slightly agape.
"Ano na, Gabriel?!" tawag ng kanyang kaibigan.
That made him come to his senses. "O-Oo! Teka lang!" hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'kin.
"Uh... pupunta na ako sa room ko, baka ma-late na ako," wika ko. I pointed the direction where my room is.
"Y-Yeah, okay. I’d better get going too. Guess I'll see you around, Miss?"
"Sige!"
He smirked and then went back to his friends. Nakita kong sinuntok pa siya ng pabiro sa braso ng kanyang kaibigan. Nangingiting napailing ako roon at saka pumunta na sa classroom.

Komento sa Aklat (0)

    Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata