logo text

CONVERSATION

ALEXA’S POV
Pagkaalis ko ng office ay dali dali ko na ding binagtas ang daan papunta sa principal office. Kinakabahan akong kumatok sa pinto ng principal office ngunit agad din akong napasimangot ng makita ko kung sino ang nagbukas nito.
“ Andyan ka na pala “ wika niya
“ Anong ginagawa mo dito? “ inis kong tanong sa kaniya
“ I just talked to Tita pero paalis na rin ako since may kakausapin pa ako.” Paliwanag niya
Hinarap naman niya ang aking ina na seryosong nakatanaw sa aming dalawa. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa kaseryosohan ng mukha ni mommy.
“ I will go ahead na po Tita. Salamat po ulit. “ wika niya
“ Sure iho, you take care James “ nakangiting wika ni mommy
Yeah, tama kayo ng nabasa. Si James ang nagbukas sa akin ng pinto na labis ko din namang pinagtataka dahil kung pinatawag siya dahil sa nangyari kanina, bakit ako ang pinapatawag ngayon at hindi si Ken?!
“ See you around Wife “ wika ni James saka ako nilagpasan
Napairap na lang ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng "wife". Kung dati ay kinikilig pa ako sa tuwing tinatawag niya ako ng ganun, iba na ang sitwasyon ngayon. Bumuntong hininga muna ako saka tuluyang pumasok sa office ni Mom at isinara ang pinto.
“ You may seat young lady “ wika ni Mom saka itinuro ang vacant na upuan sa harapan niya
“ Mom, if tungkol ito sa nangyari kanina, wala akong kinalaman doon “ pagdepensa ko sa sarili ko
Bakas naman ang gulat sa mata ko ng marinig ko ang pagtawa ni mommy. Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan at maya – maya ay napansin niya ang pagtataka ko kaya naman sinubukan niyang tumigil sa pagtawa sa pamamagitan ng kaniyang pagtikhim.
“ Sweetheart, alam ko naman kasing maganda ang nag – iisa kong anak kaya kung nagsuntukan man yung dalawang prinsipe, labas ka na doon. “ natatawang wika ni mommy
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. I got nervous for nothing. Overthink pa Lex;
“ But if it is not about it, why did you call me? “ I asked with full of curiosity
Agad naman akong napalunok ng laway ng biglang nagbago ang mukha ni mommy. Bumalik siya sa pagiging seryoso.
“ Well, I just wanna ask if how are you and Ken fake relationship? “ seryosong tanong ni mommy
“ W-w-what? “ nagugulat kong tugon kay mommy
“ You seem surprised iha, you tell me about it naman. “ natatawang wika ni mommy
“ I know mom, sadyang nakakabigla lang din na nagtanong ka po out of nowhere Mom “ wika ko sa kaniya
“ Well, I just want an update. Is it still fake? Based on his reaction last night kasi, it seems not. “ sunod na sunod na wika ni mommy
Napakamot naman ako ng ulo dahil sa mga sinabi ni mommy. Naguguluhan pa nga ako tapos may panibagong tanong na naman si mommy. Tumikhim muna ako bago ko sagutin ang tanong ni mommy ng nakayuko
“ We are still fake mom. About his reaction, maraming beses naman na din niyang sinabi na gusto niya ako. “ panimula ko
Bago ko ipagpatuloy ang sasabihin ko ay nag – angat muna ako ng ulo upang makita ko ang reaksiyon ni mommy. Agad namang nagsalubong ang aming mga mata at nakikita ko na may gustong sabihin si mommy ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Senyales ko naman iyon upang ipagpatuloy ang sinasabi ko.
“ Pero kasi mommy “ wika ko sabay yuko ulit
“ What is wrong iha? “ tanong ni mommy with a worried voice
“ Natatakot lang po ako “ pag – amin ko sa kaniya
“ Na? “ tanging nasambit ni mommy
“ Na baka masaktan lang ako ulit, just like what happened sa amin ni James “ sagot ko
“ Hindi ka pa ba nakakamove on kay James? “ tanong ni mommy kaya napatingin ako sa kaniya
“ O-of course not mommy. Nakamove on na po ako. “ sagot ko sa kaniya
“ Then why? Bakit natatakot ka sumugal? “ tanong ni mommy
“ Kasi lahat ng minamahal ko, n-nawawala s-sa a-akin “ hikbing sagot ko kay mommy
Tila natataranta namang tumayo si mommy mula sa shivel chair niya at niyakap ako.
“ Hush, do not cry sweetie “ pag – aalo sa akin ni mommy
“ I-I am sorry mommy, c-cry b-baby p-pa r-rin a-ako “ wika ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
“ It is okay sweetie; we are here for you. “ wika ni mommy
Ilang sandali pa ay tumigil na rin ako sa kakaiyak. Kumalas naman na ng yakap sa akin si mommy at umupo sa tabi ko.
“ Anak, wag mo sanang isara ang pinto ng puso mo para sa mga gustong pumasok dito. “ wika ni mommy habang hinihimas ang kamay ko
“ I know naman mommy, it is just natatakot lang ako. “ wika ko kay mommy
“ Do you like James? Do you like Ken? “ magkasunod na tanong ni mommy sa akin
“ I honestly do not know Mommy. Nalilito pa rin po ako hanggang ngayon. “ pagtatapat ko kay mommy
“ Well, you need to clear up your mind kasi as of this moment, papunta si James sa daddy mo to ask his blessing para ligawan ka. “ wika ni mommy
“ P-po ” tanging nasambit ko dahil sa gulat sa sinabi ni mommy
“ Yes, kaya siya pumunta rito upang hingiin ang basbas ko upang ligawan ka niya muli. “ paliwanag ni mommy
“ And you give your blessings to him? “ hindi ko siguradong tanong kay mommy
“ I did, sincere siya nak. He still loves you at alam mo na biktima lang siya ng sitwasyon noon kaya umabot sa hiwalayan ang relasyon niyong dalawa. “ paliwanag ni mommy
Totoo din naman ang sinabi ni mommy pero as time goes, hindi ko na alam kung may nararamdaman pa ako kay James. Napapikit ako dahil sa rebelasyon ni mommy pero napadilat din ako agad nung makita ko ang mukha ni Ken kanina.
“ At kung sakali na magpaalam din sa akin si Ken, I will also give him my blessing. “ dagdag ni mommy
“ It will be complicated mommy “ wika ko
“ It might be pero ikaw lang din naman ang magdedesisyon kung sino sa kanila ang bibigyan mo ng pagkakataong pumasok sa puso mo. “ wika ni mommy
Naghari ang katahimikan sa buong opisina pagkatapos na sabihin yun ni mommy. Marami din kasing tumatakbo sa isip ko at ang malaking tanong ay handa na nga ba ako ulit magmahal?
KEN’S POV
Pagkatapos kong isara ang opisina ni Alexa ay dumiretso na ako sa gym upang magpraktis dahil malapit na ang coronation night ng Mr. and Ms. BEU. Pagkarating ko doon ay pinagtitinginan ako, marahil ay dahil na rin sa nangyari kanina pero hindi ko iyon pinansin. Maya – maya ay dumating na ang trainer namin kaya nagsimula na rin kaming magpraktis rumampa at ng sayaw.
Lumipas ang ilang oras ngunit hindi pa rin nakakabalik si Alexa kaya naman lalo tuloy akong nag – aalala na baka napagalitan na siya.
“ Listen up guys, after your lunch break ay bumalik kayo agad rito dahil meron tayong afternoon session para sa practice. “ wika ng trainer namin na nagpabalik sa akin sa katinuan
“ And Mr. Valenzuela, make sure na andito ang partner mo mamaya or else di ko na siya paparampahin sa coronation night. “ wika niya ulit
“ Yes sir “ wika ko sa aming trainer
Tumango na lamang ito saka naunang umalis sa amin. Inayos ko naman ang gamit ko at paalis na ng may humarang sa akin.
“ What do you want? “ malamig na tanong ko sa kaniya
“ Ouch, ganiyan mo ba tratuhin ang susunod na Ms BEU “ nakangising turan niya
“ Hindi, hindi ko naman ganiyan tratuhin si Alexa “ nakangising balik na sagot ko sa kaniya
Nawala naman ang ngisi niya sa mukha at bahagya pang umirap dahil sa sinabi ko Tsk, this girl is wasting my time. Hahanapin ko pa si Alexa.
“ Anything to add Tiffany? Kung wala na, I will go ahead. “ wika ko sa kaniya saka siya nilagpasan
“ What is so special to her para ipagpalit mo ako sa isang nerd? “ asik na tanong niya sa akin
“ Hindi kita pinagpalit, kasi hindi naman kita pinili. As for the sake of your question, she has everything you do not have including my heart. So never bother her again or else ako ang makakalaban mo. “ seryoso kong wika sa kaniya
Halata naman ang pagkabigla sa mukha niya, ganun din ang bahagyang pagkahiya sa sinabi ko. Tiningnan ko pa siya ng huling beses bago ko siya iniwan sa gym. Paglabas ko ng gym ay dumiretso na ako sa cafeteria dahil nagtext sa akin si Caleb na andun na daw sila sa cafeteria.
Pagdating ko doon ay nakita kong nag – aasaran na naman si Caleb at Rhea kaya umupo ako sa harapan nila.
“ Wala dito si Alexa? “ tanong ko
“ Diba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan? Magkasama kayo dapat diba. “ wika ni Rhea
“ Pinatawag siya ni tita sa principal office at hindi na din siya nakabalik sa morning practice namin kanina. “ paliwanag ko
“ Oww, baka nagbonding na din sila ni tita after talking kaya ganun. “ tugon ni Rhea
“ Magkikita din kayo mamaya, wag mo masyadong ma-miss “ wika ni Caleb na may nakakalokong ngiti
“ Loko “ wika ko at pabiro siyang sinuntok sa braso
“ Nga pala …. “ panimula ko
Matiim naman nila akong tiningnan dalawa na parang nais marinig ang mga susunod kong sasabihin. Tumikhim muna ako bago nagsalita na bumigla sa kanilang dalawa.
“ I want to court Alexa “
ITUTULOY !!

Komento sa Aklat (189)

  • avatar
    Adela WP

    Highly recommended, sobrang worth it ito 💗

    16/05/2022

      0
  • avatar
    ChannelCedricca

    highly recommend mga beshy‼️😍🔥♥️

    23/04/2022

      0
  • avatar
    DuranoMariel

    my favorite to read this

    24/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata