Chapter 8

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong mainit na dumadampi sa balat ko kaya dahan dahan ko namang iminulat ang mga mata ko habang nakadapa sa kama.
Napatingin ako sa wall clock sa gilid ng pintuan ng kwarto at nakita kong 1pm na ng hapon. 4pm pa naman ang photoshoot ko kaya makakapag prepare pa ako ng ilang oras. Napatihaya naman ako at tumitig sa kisame ng ilang minuto bago ko maisipang tumayo.
Matapos ang afternoon rituals ko ay napagpasyahan ko na munang bumaba sa kusina para magprepare ng late lunch ko pero nagulantang ako sa nakita ko.
"Oh my god! Who are you?" Gulat na tanong ko sa babae na inaayos ang mga groceries.
"Ay, kayo pala ma'am. Good afternoon po, ako po pala si Niña ang bagong maid niyo." Ngiting pakilala niyang sabi sakin.
"Oh! I got a nervous on you, huh. By the way, when did you get here?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ako ng gatas sa fridge.
"Kanina lang po ma'am, mga alas-siyete po ng umaga." Ngiting sagot niya sakin kaya naman napatango-tango ako.
"How old are you, Niña?" Tanong ko ulit. syempre kailangan kong magtanong para alam ko ang iilang information tungkol sa kanya, di ba?
"23 years old na po ako ma'am." Ngiting sagot niya sakin habang nakatalikod siya sakin dahil inaayos niya ang mga groceries.
"Single?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Singlemom po." Mabilis na sagot naman nito sakin.
"Ah, where did you came from? I mean, what province?" Ngiting tanong ko sa kanya.
"Ilocos Norte po ma'am."
"Ah," tango-tangong sabi ko sa kanya.
"Ay, nakalimutan ko nga pala ma'am. Ano pong gusto mong kainin at ipaghahanda po kita ng makakain?" Natatarantang sabing tanong niya sakin.
"Don't worry, I will prepare my foods just finish of what you are doing." Ngiting sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka po ma'am?" Paniniguradong tanong niya kaya naman napatango na lang ako. "Sige po." Sagot niya sakin at ibinalik na ang focus niya sa pag-aayos ng mga groceries.
Sinimulan ko namang kumuha ng tasty bread para gumawa ng tuna sandwich. Kailangan ko ng ganitong pagkain lalo na kapag may photoshoot ako. Hindi kasi pwede ang mga mabibigat na pagkain kapag may mga photoshoot ako kaya siguro ang payat ko e, pero hindi naman yung sobrang payat.
"Did you already eat your lunch, Niña?" Tanong ko sa kanya matapos kong magprepare ng pagkain ko.
"Yes po ma'am." Ngiting sagot naman nito at ibinalik na ulit ang patingin niya sa pag-aayos ng groceries.
"You sure?" Paniniguradong tanong ko sa kanya.
"Yes na yes po ma'am." Masiglang sabi niya sakin.
"Take this sandwich," abot ko sa kanya ng tuna sandwich. "Eat that after you finish there, okay." Sabi ko pa sa kanya at inabot niya naman ang sandwich na inabot ko sa kanya.
"Salamat po ma'am." Pasalamat niyang sabi.
"Hmm, your welcome." Ngiting sabi ko sa kanya.
Sinimulan ko ng kumain habang nagkakalikot ako ng cellphone ko. Nag-update ako sa mga social media platform ko. Gano'n pa rin naman walang pagbabago, nakakabagot pa rin.
Isang oras din akong nagtagal sa kusina bago ko naisipan na umakyat na sa taas para maligo at magprepare ng mga susuotin ko para sa photoshoot. Nag aadjust kasi ako ng ilang oras dahil alam ko naman sa sarili ko na mabagal akong kumilos.
Papasok na sana ako ng banyo ng mapansin kong may tumatawag sa cellphone ko kaya agad ko naman itong kinuha. Nakita kong si Bea ang tumatawag na secretary ni Venice na agad ko namang sinagot.
"Yes, Bea." Bungad ko sa kanya.
"Hello Celine, pinapasabi ni ma'am Venice na cancelled daw muna ang photoshoot mo ngayon, darating kasi ang big boss kaya busy ang lahat ngayon dito sa agency." Natatarantang sabi ni Bea sa kabilang linya.
"Ah, gano'n ba? It's okay may ibang araw pa naman, saka hindi naman ako ang nagdedecide ng araw ng photoshoot e." Seryosong sabi ko sa kanya. "Oh, sige na magsipag kana baka masigawan ka na naman ng mahaderang babae dyan." Natatawang sabi ko na lang patungkol sa boss niyang si Venice.
"Ikaw talaga, sige, sige salamat." Natatawa ding sabi niya at ibinaba na ang tawag.
Natatawa na lang ako minsan kay Bea dahil sa mga pinagagawa sa kanya ni Venice pero bilib ako sa sipag at tyaga niya sa trabaho, kapag sinabing work puro work talaga siya. Wala siyang sinasantong mga problema sa agency kahit na minsan nasisigawan na siya ni Venice. Ang hirap kaya maging secretary 'no, kaya minsan sinisermunan ko yun si Venice e, kahit na manager ko pa siya. Sinabi ko sa kanya na magpalit sila ng posisyon ni Bea para maramdaman niya rin ang pagod bilang isang secretary.
Napaupo na lang ako sa kama ng wala sa oras. Tinamad na naman akong maligo, ganito talaga ako lalo na kapag walang ginagawa. Pumasok naman sa isipan ko na tawagan si Dominic.
"Hello love," bungad niya sakin.
"Hi love," ngiting sagot ko naman.
"Kagigising mo lang, love?" Tanong niya.
"Nope, actually kanina pa. Hindi lang kita natawagan kasi kumain ako sa kusina. Nameet ko na rin yung maid na ini-hire mo, ok naman siya masipag. Pagkababa ko kasi sa kusina ay nag-aayos siya ng groceries e, hindi ko alam na nag-grocery ka pala?" Mahabang sabi ko sa kanya.
"Yeah, nag-grocery ako kahapon nung tawagan kita na ang sabi ko ay uumagahin ako ng uwi pero tinapos ko agad kaya nakaalis ako ng office ng maaga kaya dumaan ako sa supermarket para mag-grocery." Paliwanag niya sakin kaya naman napangiti ako.
"Nice naman ang galing ng love ko, ah." Proud na sabi ko sa kanya.
"Bolera." Natatawang sabi niya sakin kaya napatawa na lang din ako. "By the way, nakapag prepare ka na ba para sa photoshoot mo today?" Tanong niya sakin. Ay, oo nga pala kaya nga pala ako tumawag ay para sabihin sa kanya ang tungkol dun.
"Cancelled daw ang photoshoot ko today love, busy daw kasi sa agency ngayon kasi darating ang big boss ng agency kaya cancelled lahat ng photoshoot." Paliwanag ko sa kanya.
"Ah sige, by the way maaga akong uuwi ngayon kaya wag kang gagala, okay." Paalala niya sakin kaya nalungkot ako bigla.
"Yes love hihintayin kita dito sa bahay. I will prepare our dinner, pagpahingahin ko ng maaga si Niña. I'm sure na pagod yun lalo na't galing pa pala siya ng Ilocos tapos nagwork 'agad." Seryosong sabi ko sa kanya.
"Okay love, I love you." Malambing na sabi niya kaya naman kinilig ako.
"I love you too my love. Update me kung what time ka makakauwi ha, para pagdating mo ay mainit pa ang mga ipeprepare ko na foods, ok." Ngiting sabi ko sa kanya sa kabilang linya.
"Yes love," sagot naman nito sakin.
"Oh, sige na tapusin muna mga dapat mong tapusin para makauwi ka na." Sabi ko sa kanya. "Ibaba ko na ang tawag, ok." Dugtong na sabi ko pa.
"Okay love." Sagot niya kaya naman ibinaba ko na kaagad ang tawag.
Matapos ang usapan naming dalawa ay nahiga na muna ako sa kama ulit. Mamaya na lang siguro ako maliligo bago ako magprepare ng dinner namin ni Dominic.
Ilang minuto pa akong nakahiga sa kama ng maisipan kong kunin ang laptop ko para tingnan ulit ang mga bagay bagay sa social media platform na meron ako.
Matapos kong kunin ang laptop ko ay bumalik na ako sa kama at naupo. Isinandal ko naman ang likod ko sa headboard ng kama habang may unan sa likuran ko. Pagkabukas ko ng isa sa social media account ko ay may nag add sakin na isang magandang babae na agad ko namang inistalked ang profile niya.
'Infairness, maganda siya mas maganda pa kaysa sakin, sa tingin ko lang naman.'
Sa pag scroll down ko ng information sa wall niya ay biglang sumakit ang ulo ko may mga tao na lumalabas sa isip ko habang sumasakit ang ulo ko parang vision ng mga nangyari o mangyayari parang ganon.
Napatingala ako sa kisame habang nakasandal. Hawak hawak ko pa rin ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay.
Nakakapagtaka lang kung bakit gano'n na lang katindi at kasakit ang ulo ko matapos kong makita ang babaeng yun. Hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga vision akong nakikita na hindi ko alam kung nangyari na ba o mangyayari pa lang.
Makalipas ang sampung minuto na pagsandal ko sa headboard ay nawala na rin ang sakit ng ulo ko kaya naman ipinagpatuloy ko na ulit ang pag instalked sa babaeng nag add sakin.
Nakita ko na same school kami ng pinasukan noong high school then noong college lang ang hindi, kasi base sa nakita ko sa information niya ay sa ibang bansa siya nagtapos ng pag aaral ng college.
Nag scroll down pa ako hanggang sa may makita ako na isang post. Isang lumang class picture noong high school pa siya. Tiningnan ko naman ang mga ito at nakita ko na kasama ako sa class picture na yun. Tinitigan ko yun ng maigi baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi, dahil totoong kasama ako sa class picture yun na nandoon sa post mukhang classmate ko siya no'ng high school pero hindi ko na siya matandaan.
Nandoon din si Dominic sa class picture, mukhang classmate ko nga 'to noon kaya hindi na ako nag atubili pang iaccept ang pag add niya sakin. Maya maya pa matapos ko siyang iaccept ay nag message siya sa akin.
"Hi Celine. Do you still remember me?" Tanong niya sa chat sakin.
"Nope," mabilis ko namang sagot sa kanya sa chat.
"This is Hanna. I am one of your high school classmate." Sabi niya kaya naman tinandaan ko yung mukha niya at pangalan niya pero hindi ko talaga siya maalala.
"Ah okay, but suddenly I didn't remember you." Totoong sabi ko sa kanya sa chat.
"It's okay, it's been a long time since we're not seen each other. So, I would not expect that you will remember me fast. By the way, I'm going back there in the Philippines this week, I set a high school reunion. I hope you must come on that occasion." Seryosong basa ko sa chat niya na ikinagulat ko.
"Oh! okay, please just send the full details of a place if where and when is the exact date of that reunion because I will check my schedule." Sumasakit ang ulo ko lalo na sa kaka english. Jusmi!
"Oh! great, but I hope you must come." Reply niya sakin. Nakita ko naman na nagtatype pa siya kaya naman hindi na muna ako nagreply. "Villa Vienna Resort, I know you know that place, on Saturday at 7pm in the evening. Take note bring a swimsuit because we will swim. See you there." Sabi niya pa.
"Okay, I will come. Thanks for the invite." Reply ko sa kanya at agad na nag out.
Napaisip naman akong bigla sa sinabi niya na may high school reunion kami this week. I'm sure na alam na ni Dominic ang tungkol do'n kung sakali kasi kasama siya sa class picture na naka post noong highschool kami.
Bigla namang pumasok sa isip ko ang picture na yun kasi wala akong maalala na naging classmate ko si Dominic noong high school as in wala talaga, pero bakit nandoon siya sa class picture namin kung ganon?
Kaagad ko namang kinuha ang phone ko at tinawagan si mama para tanungin sa kanya kung may mga naitago ba siyang mga picture ko noong high school pa ako.
"Hello Ma," bungad ko sa kanya.
"Oh, anak napatawag ka may nangyari ba sayo?" Nag aalalang sabi ni mama sakin.
"Wala po may itatanong lang po sana ako sayo, Ma." Sagot ko kay mama.
"Ah ok. Ano ba yun anak?" Tanong ni mama sakin.
"May mga naitabi ka po bang mga picture ko noong nag aaral pa ako sa high school?" Balik na tanong ko kay mama.
"Ang alam ko meron anak pero hindi ko alam kung saan ko na nailagay e, alam mo naman ako." Sagot ni mama sakin kaya naman bagsak ang balikat ko at napabuntong hininga na lang.
"Ah ganon po ba, Ma? akala ko po kasi ay may mga naitabi ka pong mga picture ko noon may titingnan lang po kasi ako e." Malungkot na sabi ko pero hindi ako nagpahalata kay mama. "Sige na po, Ma, maliligo na po muna ako. I love you, dalaw po ako dyan kapag may time. Mua.." Sabi ko pa sa kanya.
"Ah, sige anak mag iingat ka lagi. I love you too, Celine." Sagot ni mama sakin kaya naman ibinaba ko na ang tawag namin.
Napaupo naman ako sa kama at napabuntong hininga na lang. Paano ko kaya malalaman kung naging classmate ko nga ba talaga si Dominic noon? Wala kasi talaga akong maalala na naging classmate ko siya. Ang alam ko lang ay ka-batch ko siya noong high school.

Komento sa Aklat (111)

  • avatar
    Jean Calabria Supas

    Highly recommended ❤️

    21/04/2022

      1
  • avatar
    Jhanela Khate Serrana

    ang ganda

    29/11

      0
  • avatar
    Mivrix Francisco

    goods

    29/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata