Chapter 43

Harris's Point of View
Napabangon ako mula sa pagkakahiga matapos kong makarinig ng kalabog mula sa kabilang linya, kausap ko kasi ang fiancee kong si Naomi na nasa Canada.
Kaagad kong tinawagan ang personal assistant niya na pinasunod ko doon nung nakaraang linggo para bantayan si Naomi.
"Claire," bungad kong tawag sa pangalan niya sa kabilang linya. "Please go to the condo unit of Naomi, I think something bad happen to her." Nag-aalalang tono na sabi ko sa kanya.
"Okay sir, I will go there immediately." Sabi niya at ibinaba na ang tawag.
Sinubukan kong muli na tawagan si Naomi pero hindi niya na sinasagot ang tawag ko. Shit! Nag-aalala ako ng sobra sa kanya lalo na't napakalayo niya sakin.
Tumayo na ako mula sa kama at agad na dumeretso sa banyo para mag-asikaso ng sarili ko.
Hindi pa man ako tapos sa ginagawa kong pag-aasikaso sa sarili ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali naman akong lumabas ng banyo, na naka roba pa.
Nang makita ko ang pangalan ni Claire sa cellphone screen ay dali-dali kong sinagot ang tawag niya.
"We need you here, as soon as possible, Sir." Hindi mapakaling tono niyang sabi sakin mula sa kabilang linya.
"Why? Is there something bad happen to Nao..?" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.
"Ms. Naomi is bleeding, Sir."
"B-Bleeding?" Utal kong patanong na sabi sa kanya.
"Yes, Sir.. and I think Ms. Naomi is pregnant. We're going to the hospital right now, please we need you here as soon as possible." At ibinaba niya na ang tawag.
Para akong nabingi sa sinabi niya, na baka buntis si Naomi kaya nag-bleeding siya. Marami kasing klase ng bleeding, pwedeng sa noo, ulo o kahit saang parte ng katawan pero ng sabihin niya na mukhang buntis si Naomi ay hindi lang simpleng bleeding yun.
Nagpabook agad ako ng flight ngayong araw rin mismo, matapos non ay dali-dali ko namang tinapos ang dapat kong gawin sa banyo.
Hindi na ako nag-atubili pang mag-asikaso ng mga damit dahil may mga gamit naman ako sa Canada ang mahalaga ay makapunta agad ako doon dahil hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari kay Naomi.
...
(Going to airport..)
Sa kalagitnaan ng byahe ko patungo sa airport ay tinawagan ko ang mommy ko at sinabi ko sa kanya ang nangyari kay Naomi, sinabi niya sakin na pupuntahan niya agad si Naomi sa hospital, at wag daw ako masyadong mag-isip dahil babyahe pa naman ako patungo doon.
Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip patungkol kay Naomi dahil sobrang nag-aalala ako sa kanya ngayon.
Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong sinalubong ng isang tauhan ng airport para iassist ako. Tinawagan ko kasi kanina ang isa sa mga kaibigan ko na isang investors sa airport na to, na kung pwede ay makapasok agad ako sa airport na hindi na kailangan pang dumaan sa proseso, kaya ito agad naman akong inasikaso ng mga tauhan dito.
Dere-deretso lang akong nakapasok hanggang sa makapunta na nga ako patungo mismo sa departure area.
"Good morning, Sir." Bati sakin ng isang flight attendant, ipinakita ko naman sa kanya ang ticket ko. "This way, Sir." Ituro niya naman ang kaliwang side kung saan ang way patungo sa business class.
Business class kasi ang lagi kong kinukuha kapag magbo-book ako ng flight para iwas na rin sa maraming tao dahil mas komportable ako na wala ako masyadong kasama.
Pagkaupo ko sa seat ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa. Wala akong dala na kahit na ano, as in passport, wallet, cellphone at tanging sarili ko lang ang dala ko patungong Canada dahil na rin sa pagmamadali kong mahabol ang unang flight patungong Canada ngayong araw.
Maya-maya pa'y naramdaman ko ng nag-take off ang eroplano. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil hanggang ngayon ay iniisip ko talaga si Naomi.
13 to 14 hours pa naman ang byahe patungong Canada. Sa mga oras na yan ay hindi ko alam kung ano na bang nangyari kay Naomi.
"Hi, Sir.. I see that you're not comfortable in your seat." Biglang bungad na sabi sakin nang isang flight attendant. "Are you alright?" Tanong niya sakin.
"Not really, I'm alright.. I'm just thinking my fiancee who is in the hospital right now in Canada." Sagot kong sabi sa kanya.
"Oh, I'm so sorry for that, don't worry I'll pray for her fast recovery, Sir." Ngiting sabi niya sakin, napatango't napangiti na lang ako sa kanya.
Sumulyap naman ako sa bintana para tingnan na lang ang kalangitan sa labas ng eroplano.
Sa pag-iisip ko kay Naomi habang nakatingin sa bintana ay hindi ko namalayang..
....
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang sinabi nang isang flight attendant, na magready na dahil sampung minuto na lang ay lalapag na ang eroplano. Naiunat ko naman ang katawan ko at inayos ang upo ko, chineck ko naman ang seatbelt ko kung nakakabit dahil lalapag na ang eroplano.
Sa wakas, makalipas ang sampung minuto ay nakalapag na rin ang eroplano, agad kong itinurn-off ang airplane mode ng cellphone ko at agad na idinial ang number ni mommy.
"Son." Bungad ni mommy sakin ng masagot niya ang tawag ko.
"How is she, mommy?" Tanong kong bungad agad sa kanya patungkol kay Naomi.
"Are you already here in Canada?" Balik niyang tanong na sabi sakin.
"Yes, halos kakalapag lang ng eroplano mommy." Sagot kong sabi sa kanya.
"You need to be here as fast as you can." Seryosong tono niyang sabi sakin at ibinaba na ang tawag, nangunot naman ang noo ko.
Nagmamadali naman akong tumayo mula sa upuan ko at dali-daling nagtungo sa exit ng eroplano.
"Wait for a minute, Sir.. after they exit you can also exit–" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng babaeng flight attendant.
"I need to rush on the hospital right now." Seryosong tono kong sabi sa kanya, natigilan naman siya.
"O-Oh okay, Sir." Nauutal niyang sabi sakin. "You can go now, Sir." Sabi niya pa sakin.
"Thank you." Tango kong sabi sa kanya.
Dali-dali naman akong lumabas at dere-deretso lang na lumakad hanggang sa makalabas ako ng airport. Pagkalabas ko ay agad akong sumakay sa isang taxi at sinabi sa kanya kung saang lugar niya ako ihahatid.
...
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin ako sa hospital, agad kong binayaran ang taxi driver at dali-daling bumaba.
Pagpasok ko sa hospital ay agad akong nagtungo sa frontdesk para itanong ang private room ni Naomi, sinabi naman agad ng nurse ang private room number nang fiancee ko.
Kaagad kong hinanap ang private room ni Naomi paglabas ko sa elevator sa floor na sinabi ng nurse kanina.
Pagkakita ko sa room niya ay pipihitin ko na sana ang pinto ng bigla yung bumukas at bumungad sakin si mommy.
"How is she, mommy?" Tanong ko agad sa kanya.
Sumenyas naman siya na wag akong maingay, "She's fine now.. and also your baby." Sabi ni mommy sakin.
Wait.. What? Baby?
Para akong nabingi sa sinabi ni mommy sakin, so buntis nga si Naomi?
"S-She's pregnant?" Nauutal kong tanong kay mommy.
Tumango naman siya, "Yes anak, buntis si Naomi." Ngiting sabi ni mommy sakin.
Oh God! She's really pregnant? I'll gonna be soon to be a daddy?
"Where is she, mommy?" Maiiyak kong tanong sa aking ina.
"Tulog pa siya anak, nagising siya kanina para kumain then matapos non ay natulog siya ulit.. halos kakatulog niya lang." Sagot ni mommy. "Go inside," senyas niyang sabi sakin kaya naman pumasok na ako sa loob. "By the way, total naman ay nandito ka na ay uuwi na muna ako para sabihin sa daddy mo ang magandang balita." Ngiting sabi niya pa sakin.
"Thank you for taking care of her, mommy." Ngiting sabi ko sa kanya.
"She's part of our family, and she's also my daughter-in-law." Ngiting sabi ni mommy sakin. "I'll get going, son." Sabi niya pa.
Lumapit na muna ako ng bahagya sa kanya para halikan siya sa noo. "Thank you again, and take care mommy." Matamis na ngiting sabi ko sa kanya. "I love you."
"I love you too, son." Balik na sabi niya sakin at tinap na muna ang balikat ko bago siya tuluyang umalis.
Matapos makaalis ni mommy ay isinara ko ang pinto at agad na naglakad patungo sa nakahigang si Naomi. Naupo naman ako sa bedside niya at hinawakan ang kamay niya.
"Hon," tawag ko sa kanya. "Thank you for everything." Bigla kong sabi sa kanya habang natutulog siya.
Hindi mawala sa labi ko ang ngiti tungkol sa nalaman kong buntis siya. Sa wakas ay matutupad na rin ang gusto kong mangyari, na noon ko pa hinihiling na sana mangyari.
Hindi ko aakalain na may tamang panahon pala ang mga bagay na matagal ko ng hinihiling pero hindi ko aakalain na mangyayari pa ang lahat ng to. Hindi ako makapaniwala na kahit pinaghiwalay na kami ng tadhana ay ang tadhana pa rin ang gumawa ng paraan para makasama ko ulit ang babaeng mahal na mahal ko.

Komento sa Aklat (111)

  • avatar
    Jean Calabria Supas

    Highly recommended ❤️

    21/04/2022

      1
  • avatar
    Jhanela Khate Serrana

    ang ganda

    29/11

      0
  • avatar
    Mivrix Francisco

    goods

    29/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo