Homepage/I Choose To Be With Him/
Chapter 42
Matapos ng nangyari sa modeling event noong nakaraang buwan ay bumalik na muna ako sa Canada. Ipinaiwan ko si Harris dun dahil babalik rin naman ako sa Pilipinas. Kailangan ko lang talaga magkapag-isip isip sa ngayon dahil bumabalik na naman ang anxiety ko dahil sa mga nangyayari sa Pilipinas.
Nandito pala ako sa dating condo unit namin ni Harris namamalagi. Gusto nga sana ng mommy niya na do'n na muna ako tumuloy sa family house nila pero tumanggi ako dahil kahit na ganito ako ay may hiya naman ako sa katawan.
Sa ngayon ay nagpa-plano ako kung paano ko pababagsakin ang kompanya ng pamilya ni Dominic na siya na ang CEO ng kompanyang pinapatakbo noon ng ex in-laws ko.
Nabalitaan ko kasi na nalulugi na ang kompanya ng mga Sanchez kaya pagkakataon ko na 'to para gumanti sa ginawa nilang panloloko sakin. Alam din kasi ng mga magulang ni Dominic ang kalokohan na ginagawa niya bago pa man maging kami at alam din nila na kasal na ang anak nila pero isinekreto nila sakin ang tungkol sa bagay na yun.
Pinasok ko ang kompanya nila gamit ang ibang pangalan para bumili ng shares, at ngayon ay ako na ang may pinakamalaking shares sa kompanya nila. Kumbaga, ako na ang pinakamataas na major stock shareholders ng kompanya niya ngayon.
Sinabi sakin nang isa sa tauhan kong nag-asikaso kung paano ako naging isang major stock holders ng kompanya nang pamilyang Sanchez, gusto daw ako ma-meet ni Dominic bilang isang major stock shareholders ng kompanya niya. Pumayag naman ako sa gusto niyang mangyari, sinabi ko sa tauhan ko na magpapakita ako sa isang meeting na gagawin ng kompanya nila sa susunod na linggo, at do'n ko sisimulan ang unang plano ko para pabagsakin siya.
Matapos kong gawin ang trabaho ko gamit ang laptop ko ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa.
Ganito lang ang ginagawa ko dito sa condo unit, mula ng bumalik ako dito sa Canada. Isang linggo na rin akong hindi tumatawag kay Harris. Nung una at pangalawang linggo ay lagi kaming magka-usap pero ngayon madalang na, at ngayon ay isang linggo na ang lumipas mula ng makausap ko siya.
Kamusta na kaya si Harris sa Pilipinas? Hmm.
Umaga pa lang dito kaya gabi na sa Pilipinas ngayon. Ano na kayang ginagawa niya ngayon?
Dinampot ko naman ang cellphone ko at sinimulang idial ang number niya sa Pilipinas.
Matapos ng tatlong ring. "Hello," bungad na boses ng isang babae. "Hello," ulit niyang sabi, nangunot naman ang noo ko, naibaba ko naman agad ang tawag.
Pa'nong may babae siyang kasama ng ganitong oras? Eh, alas-dyes na ng gabi ngayon sa Pilipinas. Imposible naman na nasa trabaho pa rin siya hanggang ngayon.
Sinubukan kong muli na tawagan ang number niya, at sa pagkakataong ito ay si Harris na mismo ang sumagot ng tawag ko.
"Nasa'n ka?" Salubong ang kilang kong tanong na sabi sa kanya sa kabilang linya.
"Nandito pa rin ako sa trabaho, may mga i-exports kasi ang shipping lines company natin na bagong mga beauty products na na-ilaunced last month at ie-exports yun sa Europe kaya inasikaso ko na muna dahil bukas ay day off ko naman." Paliwanag niyang sabi sakin, narinig ko may bumusina na barko kaya nailayo ko ang cellphone ko sa tainga.
"Ah okay. By the way, sino pala yung babae..?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Isa sa staff na babae yun dito, okay." Seryosong sabi niya sakin.
"Tinatanong ko lang naman, ah.." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Tss, ewan ko sayo! Akala mo siguro nasa ibang kanlungan ako 'no?" Pang-aasar na tono niyang sabi sakin, tumaas naman ang isang kilay ko.
"H-Hindi ko naman iniisip ang bagay na yun, ah!"
"Kilala kita, Naomi, sa tagal nating nagsasama ay kabisado ko na yang ganyang ugali mo."
"Tss." Ungot ko sa kanya.
"Don't worry, hon, sapat ka na sakin at hindi na ko maghahanap pa ng iba dahil ikaw ang nakauna sakin."
"Ano? Anong sinabi mo?"
"Totoo naman na ikaw ang unang babae na nakakuha sa pagkalalaki ko." Natatawang sabi niya sakin, nanlambot naman ang tuhod ko.
"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong kong sabi sa kanya.
"Oo nga, hon." Sabi niya sakin. Oh my god! Virgin pa si Harris nung may mangyari samin matapos kong malasing?
Kung may lupa lang dito sa kinatatayuan ko ay siguradong gusto ko na lang lumubog. Mabuti't semento ang kinatatayuan ko at mas lalong hindi ko kaharap si Harris ngayon kundi nabadtrip na ako sa pang-aasar niya.
"Bukas na lang ako tatawag sayo, hon. Matatapos naman na kami dito, I love you— mag-iingat ka dyan, okay." Sabi niya sakin.
"Okay sige, ingat ka sa pagda-drive pauwi, I love you more and take care also." Malambing kong sagot na sabi sa kanya. At ibinaba ko na ang tawag.
Hindi ko lubos maisip na virgin pa si Harris nung mga panahon na may mangyari samin. Jusko lord! Kung ano ano kasing nagagawa ko kapag nalalasing ako eh. Sa susunod talaga ay kokontrolin ko na ang alcohol drink ko. Imbes kasi drink moderately ay walwal ang ginagawa ko. Hmm.
Matapos ng naging usapan namin ni Harris ay nagtungo ako sa banyo para mag-asikaso ng sarili dahil balak kong lumabas ngayon at mag-ikot ikot para makalanghap ng hangin mula sa labas, panay hangin na lang ng aircon ang nasisinghot ko dito sa condo e.
Pagkatapos kong mag-asikaso ng sarili ko ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko sa side table at tuluyan ng lumabas ng condo unit.
Sumakay na ako sa kotse at binuhay ang engine. Matapos non ay nagsimula na akong mag-drive palabas ng condominium building.
Hindi ko pa alam kung saan ako pupuntang lugar dito sa Canada. Kahit kasi na matagal akong naglagi dito ay hindi ko pa masyadong kabisado ang mga lugar dito kung hindi ako gagamit ng maps sa cellphone.
Sa pagmamaneho ko ay bigla kong naisip ang lugar na palaging sinasabi sakin ni Harris nung mga panahon na dumaranas ako ng anxiety, kaya naman agad kong hinahanap sa maps ng cellphone ko ang lugar na yun para mapuntahan. Matapos kong makita sa maps ay nagpatuloy na ako sa pagmamaneho para puntahan ang lugar na yun.
Ipinarada ko naman ang sasakyan ko sa parking lot ng lugar na pinuntahan ko, at sa pagbaba ako sa kotse ay namangha ako sa nakikita ng mga mata ko ngayon. Ito na ba ang Niagara Falls? Hindi ko inaasahan na mas maganda ang lugar na to sa personal kumpara sa mga picture na nakikita ko.
Woah! ang lamig sa parte ng lugar na to pero sobrang nakakarelax lalo na kapag naririnig ko ang pag-agos ng tubig. Nag-inhale exhale naman ako at ang sarap talaga sa pakiramdam.
Napahawak naman ako sa railings kung saan ako nakatayo ngayon. Ang ganda ng spot mula dito dahil kitang-kita mo talaga ng harapan ang Niagara Falls. So, ito pala ang lugar na sinasabi ni Harris sakin? Infairness, nakakarelax ang lugar na to, kahit papaano ay nabawasan ang mga iniisip kong problema.
Nagtagal ako sa lugar na yun hanggang sa lumubog ang araw. Matapos kong makaramdam ng gutom ay bumalik na ako sa sasakyan ko at nagsearch ng restaurant o fast food na sikat dito sa Canada na pwedeng kainan.
Nagsimula na akong magmaneho ulit ng makahanap na ako ng lugar na pwedeng kainan. Isang sikat na streetfoods place ang napili kong puntahan para kumain dahil may mga Filipino foods sa lugar na yun.
Si Harris kaya kumain na?
Umaga na kasi ngayon sa Pilipinas eh, samantalang dito ay gabi na. Gusto ko siyang tawagan ngayon pero baka tulog pa yun dahil sigurado akong madaling araw na natapos ang trabaho niya sa shipping lines kagabi.
Nakaupo na pala ako ngayon sa two person table habang hinihintay na iserve sakin ang order ko na pagkain. Sa isang Filipino cuisine ako pumunta ngayon dahil gusto kong kumain ng mga Filipino foods. Hindi ko alam pero nag-cravings ako.
Maya maya pa ay dumating na ang order kong pagkain na agad na isinerved sakin ng waiter na Filipino din. Nagpasalamat naman ako sa kanya matapos niyang maiserved ang pagkain na inorder ko.
Oh my god! Amoy pa lang ay nakakagutom na.
Kumain lang ako ng kumain hanggang sa makaramdam na ako ng sobrang pagkabusog. Hindi ko inaasahan na oorder pa ako ng dalawang beses dahil sobrang nasarapan ako sa pagkain. Sinabi ko sa waiter na magti-take out ako ng dalawang order.
Matapos ng mahabang oras na pagkain ko ay nagpahinga lang ako ng ten minutes bago ako tumayo at umalis na sa lugar na yun. Syempre bago ako umalis ay nagbayad na muna ako 'no. Atsaka yung order ko na dalawa pa na itinake-out ko ay dala dala ko dahil kapag nagutom ako mamaya ay kakain ulit ako. Hindi ko alam sa sarili ko pero para akong may alagang crocodile sa tummy ko. Hmm.
Sumakay na ako sa kotse ko at nagsimula ng magmaneho pauwi ng condo dahil nakaramdam na ako ng antok. Syempre busog na ako kaya inaantok naman ako ngayon, ganito naman ako kapag nabubusog ng sobra e.
Isang oras ang binayahe ko matapos kong makarating sa condo. Ipinark ko na ang sasakyan ko dito sa basement kung saan nandito ang parking lot ng condominium building na to.
Pagkapasok ko sa condo unit ay deretso akong nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Matapos non ay nagtungo ako sa salas para maupo't magpahinga. Napatingala na lang ako sa kisame habang hawak-hawak ang tummy ko dahil sa sobrang busog.
Sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko na nasa sling bag. Dinampot ko naman ang sling bag ko na nasa gilid ko at kinuha sa loob ang cellphone. Nangunot naman ang noo ko dahil unregistered number ang tumatawag sakin at galing ang tawag mula sa Pilipinas.
Sinagot ko na lang ang tawag. "Hello." Bungad ng isang lalaki sa kabilang linya.
"Who is this?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Kung tungkol sa business ang tawag na to ay magugulat talaga ako dahil ang phone number ko na to ay personal use not on business.
"Is this Naomi Pendleton?" Balik na tanong niyang sabi sakin mula sa kabilang linya.
"Yes, speaking.." Sagot kong sabi sa kanya.
"Hi ma'am, my name is Jacob, I am the new secretary of Mr. Dominic Sanchez, I'd like to remind you about the shareholders meeting because the schedule was moved by this Friday morning that should be scheduled on Monday yet to happen ma'am." Paliwanag niyang sabi sakin, natigilan naman ako dahil sa makalawa ay Biyernes na.
"Oh, alright, I'll be there." Nasabi ko na lang sa kanya.
"Alright ma'am, see you and have a nice day." Sabi niya at ibinaba na ang tawag.
Matapos kong makapag-pahinga sa salas ay tumayo na ako ngunit hahakbang pa lang sana ako ng bigla akong maupo ulit sa couch at mapapikit dahil bigla na lang nandidilim ang paningin ko.
Shit! What's wrong with me?
A few seconds ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napasandal sa couch. What happen to me?
Sinubukan ko ulit na tumayo pero ganon pa din kaya naman agad kong idinial ang number ni Harris. Mabuti't hawak-hawak ko ang cellphone ko kaya madali ko na lang naidial ang number niya.
"H-Hon.." Dinig kong boses niya na mukhang inaantok pa.
"Hon.." Tawag ko sa kanya at bigla na lang sumakit ang tummy ko. "Shit!" Biglang sabi ko dahil ang kirot ng tyan ko.
"Hon.." Tawag ni Harris sakin mula sa kabilang linya. Napahigpit naman ang hawal ko sa cellphone ko na nasa tainga ko. "Naomi... Naomi!" Tawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako nakapag-salita dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
At hindi ko namalayan na....I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (111)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Highly recommended ❤️
21/04/2022
1ang ganda
29/11
0goods
29/04/2025
0Tingnan Lahat