Homepage/I Choose To Be With Him/
Chapter 41
Naomi's Point of View
'Ang tagal namang magsimula, tss.'
"Sir JD," bungad na tawag ng isang babae kay JD, napalingon naman kami ni Harris.
"Why?" Seryosong tanong ni JD sa babae.
"Hindi po makakapunta ang special guest na model natin ngayon dahil may international modeling daw po na dinaluhan." Paliwanag nitong sabi kaya napasapo naman si JD ng noo niya.
"Paano na yan?" Medyo pagalit na tanong ni JD sa babae.
So, isa pala si JD sa mga coordinator ng event na 'to? Infairness, nahilig na rin siya sa mga ganitong event.
"B-Bakit ka nakatingin sakin?" Nauutal na tanong kong sabi sa kanya.
"Please, ngayong gabi lang, Naomi." Seryosong sabi ni JD sakin.
Umiling naman ako, "No!" diing sagot kong sabi sa kanya. "Ayaw ko, JD." Pag-irap na sabi ko pa sa kanya.
"Harris, please.. ngayong gabi lang." Baling niya namang sabi kay Harris, nangunot naman ang noo ko.
Tumingin naman si Harris sakin at sumenyas na pumayag na ako sa gusto ni JD dahil ngayong gabi lang naman kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hon naman e!" Naka-ngusong sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya sakin. "Tss." Ungot ko.
Tumingin naman ako kina Kate at Ralph. Sumenyas naman sila ng 'go fighting' gamit ang kamay nila, wala akong nagawa kundi ang tumayo na lang mula sa kinauupuan ko dahil kapag hindi pa ako pumayag ay kukulitin lang nila ako hanggang sa sumuko ako.
"Yes," natutuwang sabi ni JD, tumingin naman siya sa babae. "Isama mo na siya sa dressing room ngayon." Utos niyang sabi sa babaeng kausap niya kanina.
"Sige po sir," ngiting sagot na sabi naman ng babae. "Dito po tayo, mam." Sabi niya sakin at isinenyas ang daan kaya sumunod naman ako sa kanya.
'Mamaya ka sakin, JD. Bubugbugin kita dahil dito.' Sabi ko na lang sa isipan ko.
Bakit kasi ako pa ang ninais niyang pumalit sa special guest nila e? Porque ba naging model ako noon ay gagawin na niya na akong substitute? tss. Sa susunod na may ganitong event ay hindi na ako sasama para hindi ako maging substitute.
"Have a sit po, mam." Ngiting sabi ng babae sakin matapos naming makapasok sa dressing room.
"Sino siya, Sarah?" Tanong na sabi ng isang babae na model sa nag-assist sakin patungo dito habang inaayusan siya ng make-up artist.
"Ah, siya ang papalit sa special guest na model na hindi nakapunta ngayon." Ngiting sagot ng babaeng nag-assist sakin sa babaeng inaayusan. I think model din siya, nakabihis na kasi siya habang nire-retouch na lang ng make-up artist ang make-up niya.
"Ah, okay." Ngiting sagot na lang ng babaeng inaayusan.
"Hi mam," bungad naman sakin ng isang lalaki. "Ito po ang damit na isusuot mo for your runway walk." Sabi niya pa sakin.
"H-Huh?" Nasabi ko na lang dahil napaka-reveiling ng isusuot ko na halos labas na ang kaluluwa ko sa isusuot ko para sa runway walk ko.
Hinawakan ko naman ang damit na yun. "Ito talaga ang isusuot ko?" Tanong kong sabi sa kanya, tumango naman siya.
"Opo mam." Ngiting sagot niyang sabi sakin.
Naku naman! Yayariin ko talaga si JD mamaya dahil dito.
"O-Okay sige." Nauutal kong sagot na sabi na lang sa kanya.
Matapos ayusan yung isang model kanina ay ako naman ang tinawag ng make-up artist para imake over niya.
Wala pa mang isang oras ay tapos niya na akong ayusan. "Open your eyes, mam." Sabi niya sakin.
Iminulat ko naman ang mga mata ko at tumingin sa make up mirror na nasa harapan ko. Ibang-iba talaga ang itsura ko kapag naa-ayusan ako ng sobra, parang hindi ako e.
"Ang ganda mo naman po." Ngiting sabi ng nag-make up sakin.
"Magaling ka lang kasing mag-make up kaya lalo akong gumanda." Ngiting sagot kong sabi sa kanya.
Bahagya naman siyang natawa. "Thank you po." Pasalamat niyang sabi sakin matapos ko siyang icompliment.
Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa make up chair, inassist naman ako ng lalaking nagbigay sakin ng damit kanina.
"Magbihis ka na po, mam." Sabi niya sakin at itinuro ang isang dressing room, tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
Kinuha ko naman sa clothing rack ang isusuot kong damit, nagtungo na ako papasok sa isang dressing room para magpalit ng damit.
Matapos kong magpalit ng damit ay sumulyap naman ako sa isang whole body mirror na nasa likuran ko. Tinignan ko ang sarili ko at biglang pumasok sa isipan ko ang mga memories no'ng nagmo-model pa ako.
"Mam," tawag na katok ng isang boses ng lalaki sakin. "Tapos ka na po bang magbihis?" Tanong niya.
"Ah, yes— lalabas na ako." Sagot kong sabi sa kanya.
"Sige po," sagot niya.
Inayos ko na muna ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng dressing room. Natigilan naman ako matapos kong makalabas dahil halos ng taong nandito ay nakatingin sakin.
May dumi ba ako sa mukha?
"Woah, mas maganda ka pa po sa special guest dapat namin ngayong gabi." Ngiting sabi sakin ng babaeng nag-assist sakin kanina.
Ngumiti naman ako sa kanya, "Medyo reveiling ang gown gown na 'to, ah.." Birong sabi ko sa kanila.
"Bagay naman po sayo, mam." Sabi naman ng lalaki na nagbigay sakin gown na 'to.
Ang gown kasi na suot ko ay halos makita na ang hinaharap ko, at backless pa 'to kaya medyo reveiling para sakin.
"Nag-start na po ang event at pang lima ka na po sa magra-runway, mam." Sabi sakin ng isang babae.
"Ah, okay sige." Ngiting sabi ko na lang sa kanya at tumango.
"Dito po tayo." Sabi niya sakin, tumango naman ako at sumunod sa kanya.
Nandito na kami ngayon sa back stage, halos lahat ng model na nag-runway walk na ay nakatingin sakin. Marami naman akong narinig na bulong-bulungan pero magaganda ang sinasabi nila patungkol sakin.
"Isa siyang business tycoon, diba?" Tanong ng isang lalaki sa katabi niyang babae patungkol sakin.
"Oo siya nga yun, sabi ko na nga ba e, parang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko lang matandaan kung saan, pero ngayon alam ko na." Ngiting sagot naman sabi ng kausap niyang babae, na natawa pa sa huling sinabi nito.
"Grabe, hindi ko aakalain na isa din pala siyang model?" Patanong na sabi pa ng isang model.
"Ang ganda niya tol, kaso sayang dahil may fiancee na siya e."
"Oo nga e, kung wala— liligawan ko yan."
Marami pa akong narinig na usap-usapan patungkol sakin at kay Harris pero hindi ko na lang pinansin pa yun.
"Ikaw na po ang susunod, mam." Ngiting bungad na sabi sakin ng babae, tumango naman ako.
Pina-akyat niya na ako sa hagdan, sinabi niya sakin na hintayin ko na tawagin ako bago ako pumasok para mag-runway walk.
Matapos kong marinig na tinawag ako ng event host ay huminga na muna ako ng malalim bago tuluyang umakyat ng stage at nagsimula ng mag-runway walk.
'Life is a fashion show, the world is your runway.'
'When you walk down the runway, your main goal is to not think about the people watching.'
Tama nga ang mga itinuro sakin ni Harris noon, naranasan ko na rin naman ang mag-runway walk sa isang international fashion show sa Canada noon, no'ng kasagsagan pa ng career ko bilang isang international model.
Nakakatuwa lang para sakin na nagawa ko na naman ang isang bagay na ayaw ko ng gawin kahit na kailan. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang masamang tingin sakin ni Dominic, nasa harapan din kasi sila naupo kaya kitang-kita niya ako.
Samantalang pag-ikot ko pabalik ay napasulyap naman ako kay Harris at kitang-kita ko ang mukha niyang hindi maipinta habang nakakunot ang noo.
Tss, ginusto niyang mag-runway walk ako, diba? kaya magtiis siya.
Napansin ko naman na binatukan niya si JD, natawa naman ako sa isip ko. Gusto kong matawa at ngumiti pero hindi ko magawa dahil nasa fearless face state ako ngayon. Hindi kasi pwedeng ngumiti kapag ganitong runway walk.
Matapos kong makabalik sa backstage ay agad akong ini-assist ng mga staff para magpalit ulit ng damit.
What?
Nabato ako sa kinatatayuan ko ng ipakita nila sakin ang isang swimsuit na susunod kong susuotin.
"N-No, no.."Iling kong sabi sa kanila. "Hindi sa nag-iinarte ako or what, pero hindi ko isusuot ang bagay na yan lalo na't halos makita na ang kaluluwa ko dyan." Sabi ko pa sa kanila.
"Pero mam?.."
"Call JD, hindi ko susuotin yan." Seryoso kong sabi sa isang staff.
"Sige po, mam."
Nagmamadali naman siyang umalis para tawagin si JD, at ilang minuto lang ay nasa harapan ko na si JD kasama si Harris.
"I'm not wearing that, JD— pinagbigyan na kita na mag-runway walk ako sa event na 'to pero ang pasuotin ako ng ganyang swimsuit ay hindi ko gagawin." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Sarah," tawag ni JD sa nag-assist na babae sakin kanina.
"Yes sir," sagot niyang sabi kay JD.
"Hindi na siya magra-runway walk, okay." Sabi ni JD, na tinuro ako.
"Yes sir," sagot niya kay JD.
Mabuti naman kung gano'n.
"Bakit hindi na po siya magra-runway walk, sir JD?" Singit namang tanong na sabi ng isang staff.
"Dahil hindi pwede," singit namang sagot na sabi ni Harris.
"Hi po sir, ang gwapo mo po pala sa personal." Ngiting sabi ng staff na babae, ngumiti't tumango lang si Harris sa kanya.
"I'll change my clothes," sabi ko kay Harris. "Wait me here, okay." Tumango naman siya.
Nagmamadali naman akong nagtungo sa dressing room para magpalit ulit ng damit ko. Sa kalagitnaan ng pagbibihis ko ay may bigla na lang pumasok sa loob ng dressing room kung saan ako nagpapalit.
"Anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang tanong kong sabi ko sa kanya.
Si Dominic kasi ang walang hiyang pumasok sa dressing room kung saan ako nagbibihis.
"Hindi nga ako nagkamali dahil ikaw nga ang asawa kong si Celine." Seryosong sabi niya sakin kaya nabato ako sa kinatatayuan ko.
"Eh, ano naman sayo kung ako nga si Celine?" Matapang kong sagot na sabi sa kanya. "Hindi ba't sinabi ko na sayo na ako nga si Celine, kaya ano naman sayo kung ako nga si Celine?"
Bigla niya naman akong niyakap, "Miss na kita, love." Malungkot na tono niyang sabi sakin.
"Bitawan mo ko!" Pumapalag kong sabi sa kanya.
"Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon, Celine." Sabi niya sakin, naramdaman ko naman na may pumatak na parang tubig sa balikat ko.
Umiiyak ba siya?
"Bitawan mo ko! isa.." galit kong sabi sa kanya, at nagsimulang magbilang.
"Please, Celine.. ayusin na natin 'to." Sabi niya sakin.
Ginamit ko naman ang lahat ng lakas ko para kumawala mula sa pagkakayakap niya sakin, at itinulak siya.
"Natin, huh?" Natatawang tanong kong sabi sa kanya. "Matapos mong pagtangkaan ang buhay ko nong araw mismo ng kasal namin ni Harris ay may lakas ka pa rin talaga ng loob na magpakita pa sakin, ang kapal talaga ng mukha mo! saan ka ba nanghiram ng kakapalan ng mukha?" Galit kong sigaw na sabi sa kanya.
Tatangkain niya sanang lumapit pero umatras ako ng bahagya. "Wag kang lalapit sakin dahil baka hindi ako makapag-pigil at may magawa akong hindi maganda sayo." Pagbabanta kong sabi sa kanya.
"Please..." Pagpapa-awang sabi niya sakin, at lalapit ulit pero mabilis akong humakbang sa harapan niya at itinulak siya ng malakas, napaupo naman siya.
Nagmamadali naman akong lumabas ng dressing room ng naka bra't panty lang, matapos kong makalabas ay agad akong tumakbo patungo sa labas.
Pagkalabas ko ay nasa labas pala si Harris, nagulat naman siya ng makita niya ako na naka-bra't panty lang.
"Bakit ganyan..?" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng biglang...
"Celine," paglabas na tawag ni Dominic sakin.
Nagtago naman agad ako sa likuran ni Harris matapos niyang makalabas ng dressing room na yun.
"Dominic!" Galit na tawag ni Harris sa pangalan niya. "Anong ginawa mo sa fiancee ko?" Tanong niya pa.
Ngumisi naman si Dominic. "Baka nakakalimutan mo na asawa ko pa rin siya." Sabi niya pa.
"Baka rin nakakalimutan mo na hindi na Celine ang legal niyang pangalan kaya wala na siyang kahit na anong koneksyon pa sayo." Seryosong sabi ni Harris sa kanya.
Natawa naman si Dominic. "Magpalit man siya ng pangalan at mukha ng ilang beses ay hindi pa rin mababago non na siya si Celine Rodriguez-Sanchez, na asawa ko."
Napansin ko naman na ngumisi si Harris. "Oo, nalaman mo nga na siya si Celine pero ang tanong.. mahal ka pa ba ng babaeng nasa likuran ko?"
Hindi naman nakasagot si Dominic sa tanong ni Harris sa kanya. Napansin ko naman na may mga tao na pala sa paligid namin ng hindi ko namamalayan.
"Hindi na babalik sayo si Naomi kaya tigilan mo na ang pagpa-pantasya mo na mahal ka pa rin ng fiancee ko kahit na ang totoo ay hindi naman na talaga." Seryosong sabi pa ni Harris. "Baka rin nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sakin dahil sa ginawa mo kay Naomi nong mismong araw ng kasal namin."
Ngumisi naman si Dominic. "Plano ko talaga yun para hindi matuloy ang kasal niyong dalawa dahil sa akin lang siya!" Galit nitong sabi kay Harris.
"Matagal ng wala ang Celine na sinasabi mo, Dominic kaya itigil mo na ang kahibangan mo na 'to."
"Kahibangan ba kamo?" Natatawang tanong na sabi ni Dominic. "Anong kahibangan ba ang sinasabi mo?"
"Kahibangan mo sa fiancee ko," sagot na sabi ni Harris sa kanya.
"Kahibangan na ba yung gusto ko lang na mabawi ang asawa ko?" Maangas na tanong niyang sabi kay Harris.
Natigilan naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko mula sa likuran ko. Sina Kate at Ralph lang pala, ipinasuot nila sakin ang isang itim na robe.
"Salamat," ngiting sabi ko sa kanila, ngumiti't tumango naman sila sakin at pumunta sa harapan ko.
"Hoy, Dominic— tigilan mo na ang pang-gugulo mo na 'to!" Biglang seryosong singit na sabi ni Kate sa kanya.
"Tama! ikaw ang unang nagloko tapos ngayong nasa tahimik ng buhay si Naomi ay ginugulo mo pa rin siya." Seryosong sabi naman ni Ralph.
"Bakit ba kasi hindi ka na lang mag-move on?" Tanong naman na sabi ni Kate.
"Wag nga kayong makialam na dalawa sa problema namin!" Galit na durong sabi ni Dominic kina Kate at Ralph.
Natawa naman si Ralph. "Wag kaming makialam, huh?" Pang-aasar nitong tanong na sabi kay Dominic. "At bakit naman hindi kami makikialam?" Mataray niyang tanong.
"Dahil hindi naman kayo kasali sa usapan namin." Sagot na sabi ni Dominic, natawa naman sina Kate at Ralph.
"Matagal na kaming kasali sa pinag-uusapan niyo ngayon, Dominic— matagal na rin kaming nanahimik ni Ralph sa panlolokong ginawa mo sa kaibigan namin na si Celine." Galit na sabi ni Kate.
"What exactly do you mean, Kate?" Kunot noo kong tanong na sabi sa kanya.
Alam nilang dalawa ni Ralph na matagal na kong niloloko ni Dominic pero hindi man lang nila sinabi sakin ang tungkol sa bagay na yun.
"Sabihin mo na ang lahat-lahat dito Kate para malaman na ni Naomi kung ano bang klaseng lalaki si Dominic." Seryosong sabi ni Ralph kay Kate.
Huminga naman ng malalim si Kate. "Ang totoo nyan ay matagal na naming alam na niloloko ka ni Dominic, nong high school pa lang tayo.. isa si Dominic sa numero unong playboy ng buong Miller Academy at Miller University campus." Seryosong sabi ni Kate.
"Pinagbantaan kami ni Dominic na wag sabihin sayo ang tungkol sa ginagawa niya sayo.. bago mo pa man makilala si Dominic ay playboy na siya, lahat ng ka-schoolmates natin ay alam ang tungkol sa kanya at alam rin yun ng buong campus." Singit naman na sabi ni Ralph.
"Si Dominic din ang isa sa dahilan kung bakit nawalan ka ng memorya," sabi ni Kate kaya natigilan ako at nangunot ang noo. "Si Dominic ang g*gong dri.." hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng biglang magsalita si Dominic.
"Don't you dare to say that word to her, Kate." Pagbabantang sabi ni Dominic sa kanya.
"Ituloy mo," seryosong sabi ko kay Kate.
"Si Dominic ang naka-hit and run sayo kaya nawala ang alaala mo." Mabilis na sabi ni Kate.
"Anong sinabi mo?" Galit kong baling na tanong na sabi kay Kate.
"Totoo yun, siya ang g*gong driver na naka-hit and run sayo." Naiiyak niyang sagot na sabi sakin.
Matalim ko namang tinignan si Dominic. "Ikaw ang walang hiyang tao na naka-hit and run sakin? pero hindi naman dapat ako ang maa-aksidente nong panahon na yun kundi ang girlfriend ng Kuya ko na si Jasmin." Galit kong tanong na sabi sa kanya.
"N-No, wag kang maniwala sa sinasabi nila sayo." Malakas na sagot niyang sabi sakin.
Ngumisi naman ako. "Hindi sila magsi-sinungaling sakin, Dominic— oo, naglihim sila para pagtakpan ang kag*guhan na ginagawa mo sakin dahil pinagbantaan mo sila pero ang mag-sinungaling sa mismong harapan ko ngayon ay hindi nila magagawa dahil mas kilala ko sila kumpara sayo na manloloko at sinungaling." Seryoso kong sabi sa kanya.
"So, ano naman kung ako nga ang taong yun?" Seryosong tanong niyang sabi sakin.
"Aba't tarnt*do ka pala e 'no! ikaw pala ang walang hiyang lalaking naka-hit and run sa girlfriend ko noon?" Galit na singit namang tanong na sabi ni Harris.
"Anong ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ni Dominic.
"Hindi mo ba alam na boyfriend ako ni Celine bago mo pa man siya ligawan?" Tanong na sabi ni Harris kay Dominic. "Kundi dahil sa aksidente na ginawa mo sa kanya noon edi sana nong bumalik ako dito sa Pilipinas ay kami pa rin pero pagbalik ko ay ikaw na ang boyfriend niya. Hindi niya na matandaan ang tungkol sakin dahil sa ginawa mong paghi-hit and run sa kanya." Galit na paliwanag niyang sabi kay Dominic.
"So, nag-cheat pala sayo si Celine?" Ngising tanong na sabi ni Dominic kay Harris.
"Paano siyang magche-cheat sakin, e hindi niya nga maalala na naging boyfriend niya ako. Tanga ka ba?" Kunot noo na tanong ni Harris, nangunot naman ang noo ni Dominic sa huling sinabi ni Harris.
Hindi naman nakasagot si Dominic sa sinabi ni Harris sa kanya.
"At may isa pa pala akong sasabihin sayo," seryosong sabi ni Harris. "Yung tungkol sa pagbubuntis ni Celine noon, tatlong buwan ang lumipas ng maging isang international model siya sa Canada ay nakunan siya dahil sa ginawa mong pang-gugulo sa modeling photoshoot niya sa Spain, naaalala mo ba?"
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Dominic kay Harris.
Bigla namang sumakit ang ulo ko, napapikit naman ako dahil nandidilim ang paningin ko.
"Harris," tawag kong sabi sa kanya habang nakahawak sa ulo ko. "Harris," tawag kong muli sa kanya at humawak sa suit niya para mapansin niya ako.
At hindi ko na namalayan na—I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (111)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Highly recommended ❤️
21/04/2022
1ang ganda
29/11
0goods
29/04/2025
0Tingnan Lahat