Homepage/I Choose To Be With Him/
Chapter 40
Nagmamadaling umuwi ng bahay si Harris matapos siyang tawagan ni Naomi para sabihin sa kanya ang tungkol sa modeling event na pupuntahan nila ngayong gabi. Nawala kasi sa isip ni Harris ang tungkol sa event dahil sobrang na-busy siya sa trabaho.
No'ng nakaraan pala ng mag-mall sila ay gulat na gulat ang naging reaksyon ng dalawang kaibigan ni Naomi na sina Kate at Ralph sa nalaman nila. Ikinuwento kasi nina Harris at JD ang nangyari sa dating Celine na si Naomi na ngayon kaya naging iba ang itsura niya.
Hindi makapaniwala ang dalawa niyang kaibigan na buhay pa si Naomi. Tinanong din ng mga ito kung bakit hindi nagawang tawagan ni Naomi ang mga kaibigan niya noong panahon na dumaranas siya ng sobrang depression? Hindi naman nasagot ni Naomi ang bagay na yun dahil nagpapanggap nga siya na hindi niya maalala ang tungkol sa mga bagay na yun, ang ala-ala niya lang noong first high school siya ang tanging nasa memorya niya.
Idinetalye nina JD at Harris ang buong kwento kung bakit naging gano'n na ang itsura ni Celine ngayon, at kung bakit Naomi Algrande- Pendleton na ang legal niyang pangalan ngayon.
Matapos ng naging pag-uusap nila sa isang restaurant sa loob ng mall ay nagtungo sila sa isang department store para mamili ng mga susuotin nila para sa modeling event na mangyayari ngayong gabi. Hindi naman kailangan na naka-gown sa event na yun dahil kahit simpleng dress at male suit lang ay pwede na, wala rin namang invitation para makapasok sa event na yun.
Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ni Naomi na sina Kate at Ralph dahil matapos ng mahabang taon ay nakita't nakasama ulit nila ang kaibigan nila kahit na nagbago pa ang itsura nito.
Nakarating na rin si Harris sa bahay nila ni Naomi matapos ng halos kalahating oras na byahe galing ng shipping lines company. Nagmamadali namang lumabas ng sasakyan si Harris at dere-deretso lang itong pumasok sa bahay, agad itong umakyat sa taas patungo sa kwarto nila ni Naomi para maligo at mag-asikaso.
Pagkapasok niya sa loob ng kwarto ay natigilan si Harris dahil seryosong nakatingin si Naomi sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang?" Nagtatampong tanong niyang sabi kay Harris.
Napakamot naman ng ulo si Harris at ngumiti ng pilit sa kanya. "Actually, nakalimutan kong may importanteng lakad nga pala tayo ngayon, hon." Sabi nito kay Naomi.
"Kung hindi pa kita tinawagan ay siguradong hindi ka pa uuwi, hmm.." sabi ni Naomi at nag-crossarms. "Sige na maligo ka na't mag-asikaso, sa baba na lang kita hihintayin, at nga pala, yung damit na susuotin mo ay nakasabit na sa loob ng walk-in closet, makikita mo naman agad yun pagpasok mo sa loob." Ngiting sabi niya pa kay Harris.
"All right, thank you, hon." Ngiting sabi na lang ni Harris sa kanya.
Sumenyas naman si Naomi kay Harris na pumasok na siya sa loob ng banyo para mag-asikaso kaya naman tumango na lang si Harris bilang sagot pero bago pa man siya magtungo sa banyo ay binigyan niya na muna ng isang halik si Naomi.
"Ang ganda mo talaga," ngiting sabi ni Harris sa kanya. "Nawawala ang pagod ko kapag nakikita na kita, Naomi."
"Yieee, nagpapakilig ka na naman, maligo ka na nga!" Sabi ni Naomi sa kanya kaya naman natawa na lang si Harris. "Lalabas na ako, sa salas na lang kita hihintayin." Sabi niya pa.
"Oo sige, hon." Ngiting sagot na sabi ni Harris.
Pagkalabas ni Naomi ay saka lang pumasok si Harris sa banyo para mag-asikaso ng sarili niya.
Samantalang si Naomi matapos makababa mula sa taas ay kaagad na naupo sa salas at nagbukas ng social media account niya para libangin ang sarili habang hinihintay si Harris.
Sa kalagitnaan ng pag-scroll ni Naomi sa social media account niya ay natigilan siya sa ipinost ni Cathleen Wong. Kasama kasi ni Cathleen si Dominic sa litrato at mukhang ngayong gabi lang kuha ang litrato na ipinost ni Cathleen.
'So, magkasama pala sila?' Sabi na lamang ni Naomi sa isip niya at ngumisi.
Iba ang takbo ng isip ni Naomi sa ngayon dahil mukha lang siyang masaya sa panlabas na personalidad niya at yun ang nakikita ng mga taong nasa paligid niya pero ang totoo ay puro paghihiganti kay Dominic ang laman ng isipan niya ngayon. Naisip niya din na bakit hindi ngayong gabi mag-umpisa ang paghihiganting gagawin niya kay Dominic.
Kaagad namang nag-isip si Naomi ng isang matinding plano kung paano niya uumpisahan na wasakin ang buhay ni Dominic katulad ng pagwasak nito sa buhay niya. Kinuha niya naman ang cellphone niya sa loob ng sling bag niya at may tinawagan na tao. Matapos no'n ay napangisi na lang siya.
'Nagtimpi ako no'ng una at wala na sana akong balak na gantihan ka pero ng subukan mo kong patayin sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na mapapalampas pa yun, kaya humanda ka sa lahat ng problemang ibibigay ko sayo, Dominic.' Sabi ni Naomi sa isipan niya.
Totoong hindi na sana itutuloy ni Naomi ang paghihiganti niya sa lahat ng sakit na ipinaramdam sa kanya ni Dominic pero sa pangalawang pagkakataon na tinangka na naman ni Dominic na patayin si Naomi ay hinding-hindi niya na mapapalampas pa ang bagay na yun.
Sumulyap naman si Naomi sa wrist watch niya para tingnan ang oras at nakita niyang isang oras na pala ang nakalilipas simula ng maupo siya sa salas para hintayin si Harris.
"Let's go, hon." Biglang ngiting bungad na sabi ni Harris sa kanya.
Nagulat naman ng bahagya si Naomi dahil hindi niya napansin na bumaba si Harris ng hagdan mula sa second floor.
"Nakakagulat ka naman, hon." Kunot noong sabi ni Naomi sa kanya habang nakatapat pa rin ang kamay niya sa dibdib nito dahil sa gulat.
"Sorry kung nagulat kita," natatawang sabi ni Harris. "Iwas-iwasan mo kasi ang pag-inom ng kape para hindi ka nini-nerbyos, hon."
"Tss." Ungot ni Naomi. "Baka mahilig ako sa kape?" Mataray niya pang tanong na sabi.
"Tara na nga, baka ma-highblood ka pa sakin e." Natatawang sabi na lang ni Harris at inalalayan si Naomi para sabay na silang lumabas ng bahay.
Pagkalabas nila ng bahay ay agad silang nagtungo sa garahe dahil yung isang kotse nila ang gagamitin nila para makarating sa modeling event.
Inalalayan naman ni Harris na makasakay si Naomi sa loob bago ito umikot at pumasok sa driver seat.
"Seatbelt mo," paalalang sabi ni Harris kay Naomi kaya naman ngumiti na lang ito kay Harris.
Binuhay ni Harris ang engine at nagsimula ng magmaneho palabas ng gate.
Si Yexel ay nauna ng magpunta sa event place bago pa man makauwi si Harris kanina sa bahay nila. Sinabi ni Yexel kay Naomi na tumawag sa kanya si JD at sinabing nando'n na sila sa event place. Inagahan nilang magtungo do'n para makaupo sa first row. At sinabi din ni Yexel na magre-reserve sila ng upuan para kina Harris at Naomi na mahuhuli ng dating sa event place.
Sa kalagitnaan ng byahe nila patungong event place ay naipit sila sa gitna ng traffic.
"May alternative route naman kasi e! bakit kasi dito ka pa dumaan?" Nakasimangot na tanong ni Naomi.
"Sorry na hon, malay ko bang traffic sa lugar na 'to." Sagot naman na sabi ni Harris.
"Nagtext si JD, tinatanong niya kung nasa'n na tayo and I reply to him na naipit tayo sa traffic." Kunot noong sabi ni Naomi.
"Nagsimula na ba?" Tanong na sabi ni Harris.
"Hindi pa nagrereply si JD," sagot na sabi ni Naomi. "Oh, nagreply na siya."
"Anong sabi?"
"Hindi pa daw nagsisimula ang event kaya siguradong aabot pa tayo." Ngiting sabi ni Naomi.
Ngumiti na lang si Harris at tumingin ng muli sa harapan. Mabuti na lang at nakaalis na rin sila sa pagkaka-ipit sa traffic. May aksidente kasi na nangyari kaya pala traffic.
"Oh my god! kawawa naman yung driver." Gulat na reaksyong sabi ni Naomi.
Wasak na wasak kasi ang isang sasakyan matapos makasalpukan ang isang 8 wheeler truck.
Napailing-iling na lang si Harris sa nadaanan nila. "I think nawalan ng preno ang truck, yan naman ang palaging sanhi ng aksidente ng mga truck ang mawalan ng preno." Napanguso na lang si Naomi at hindi na muling nagsalita pa matapos niyang makita ang aksidente na nangyari. Nag-focus na lang ulit siya pag-scroll niya sa cellphone.
"Ang daya nila, hmm." Biglang sabi ni Naomi kaya naman nangunot ang noo ni Harris.
"What's the matter?" Nagtatakang tanong niya kay Naomi.
"Look," nakangusong sabi niya at ipinakita ang post ni JD na nasa event place na sila. "Hindi man tayo hinintay, tss." Nagtatampo pa nitong sabi. Natawa naman ng palihim si Harris dahil sa naging reaksyon ni Naomi.
"Bakit natatawa ka?" Mataray na sabing tanong ni Naomi, gulat namang napasulyap si Harris sa kanya.
"Natawa lang ako dahil sa reaksyon mo, ang cute kasi e."
"I'm not cute because I am not a dog."
"Oo na," natatawang sabi na lang ni Harris.
Hindi na sumagot pa si Naomi at inismiran niya na lang si Harris.
Makalipas ng isang oras na pag-byahe mula sa bahay nila ay nakarating na rin silang dalawa sa pupuntahan nila.
"Nandito na tayo." Inihinto naman ni Harris ang sasakyan sa harapan mismo ng entrance. At sa isang hotel pala gaganapin ang modeling event ngayon.
Naunang bumaba si Harris at agad na iniabot sa isang staff ang susi ng sasakyan para ipark ito ng maayos. Kaagad na umikot si Harris patungo sa kabilang pinto ng sasakyan para alalayan si Naomi hanggang sa makababa ito.
"Oh my god! hindi ba't sila yung business couple na ikakasal dapat?" Dinig nilang dalawa na tanong na sabi ng isang babae sa katabi nitong babae.
"Oo, ang kaso may nangyari, diba?" Sagot naman ng isa pang babae.
Kunwaring naubo naman si Harris para matigil ang pag-uusap ng dalawang babae. Napalingon naman si Naomi sa pwesto nila at sinamaan na lamang ang mga ito ng tingin.
Nagsimula ng maglakad sina Naomi at Harris papasok sa loob pero bago pa man sila makapasok sa entrance ay napahinto sila dahil sa narinig nila na bulong-bulungan kaya naman napalingon sila sa likuran nila.
May dumating kasi na isang sasakyan habang sakay-sakay nito sina Cathleen at ang taong kinamumuhian ni Naomi na si Dominic.
Nangunot naman ang noo ni Naomi sa nakita niya. Samantalang si Dominic ay natigilan ng makita niyang nasa harapan niya ngayon ang dating asawa na ang alam niya ay namatay na dahil sa aksidenteng ginawa niya.
Kitang-kita sa mga mata ni Dominic na parang wala lang nangyari at hindi niya man lang pinagsisisihan ang ginawa niya kay Naomi sa araw ng mismong kasal nito.
Hindi na lamang pinansin pa 'yon ni Naomi at nagpatuloy na lang sila sa pagpasok pero napahinto ulit silang dalawa ni Harris ng tawagin sila ni Cathleen mula sa likuran nila. Lumapit naman ng bahagya sina Cathleen at Dominic.
"Hey, Naomi!" Pekeng ngiting bati na sabi ni Cathleen at makikipag-beso sana kay Naomi pero napaatras siya at nangunot ang noo.
"Who are you?" Seryosong tanong na sabi ni Naomi. Natigilan naman si Cathleen sa tanong ni Naomi na yun sa kanya at biglang natawa.
"It's me Cathleen, we already met before on auction event." Natatawang sagot na sabi ni Cathleen.
"I didn't remember you." Pagsisinungaling na sabi ni Naomi.
"Oh my god! What exactly happen to her?" Baling niyang tanong na sabi kay Harris.
"Amnesia," maikling sagot na sabi ni Harris sa kanya.
"Ah, okay. I'm sorry, I didn't know." Pekeng sagot niyang sabi.
"We'll get going first," seryosong sabi ni Harris at seryosong tumingin kay Dominic.
"Oh well, sabay-sabay na tayong pumasok, I am surely na sa modeling event din kayo pupunta." Ngiting sabi ni Cathleen, isang tango na lamang ang isinagot ni Harris.
Pinauna na muna ni Harris sina Cathleen at Domimic na makapasok bago din sila pumasok ni Naomi sa entrance.
Pagpasok nila sa event place ay agad nilang hinanap sina JD, Kate, Ralph at si Yexel. Tumayo si JD at kumaway para mapansin siya nina Naomi at Harris.
Ngumiti naman ang dalawa matapos nilang makita si JD kaya naman agad silang nagtungo sa pwesto kung nasaan sina JD at ang iba pa.
Pero iba din magbiro ang tadhana dahil halos katabi lang nila sina Cathleen at Dominic kaya naman natigilan ang mga kasama nila sa nakikita nila ngayon.
"Have a sit," ngiting sabi na lang ni JD sa dalawa.
Sa mismong unahang upuan sila pinaupo ni JD dahil nasa bandang gitna nakaupo sina Cathleen at Dominic. Umiiwas lang si JD sa anumang gulo na pwedeng mangyari kaya do'n niya pinaupo yung dalawa sa unahan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (111)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Highly recommended ❤️
21/04/2022
1ang ganda
29/11
0goods
29/04/2025
0Tingnan Lahat