Homepage/I Choose To Be With Him/
Chapter 39
Dalawang linggo na ang nakalilipas mula ng magising si Naomi mula sa isang linggong pagkakatulog. Mag-iisang buwan na rin mula ng mangyari ang aksidente na nangyari sa kanya.
Bumalik na rin ang parents ni Harris sa Canada dahil kailangan pa nilang asikasuhin ang mga business ng pamilya nila do'n.
"Ano bang nangyari sakin, Kuya Yexel—Luke?" Kunot noong tanong niyang sabi sa kapatid niya at kay Harris.
"Tss, always remember this, hindi na ikaw si Celine, okay, dahil ang legal na pangalan mo na ngayon ay Naomi Algrande- Pendleton." Seryosong sagot na sabi ni Harris sa kanya.
"You know what, Luke! kanina pa ko naiirita sayo." Mataray na sabi nito kay Harris.
"Sinabing hindi nga ako si Luke, my name is Harris Axe Pendleton." Inis na sabi ni Harris sa kanya.
"Bakit nagpalit ako ng pangalan? ipaliwanag mo nga!" Seryosong sabi ni Naomi.
"Hindi mo ba talaga maalala?" Tanong ni Harris sa kanya.
"Sa tingin mo ba, Luke, magtatanong ba ako kung alam ko?" Sagot nitong tanong na sabi kay Harris.
"Sinabing hindi nga ako si Luke, Harris ang pangalan ko." Diing inis na sabi ni Harris sa kanya.
"Okay, okay.. tss." Pagsukong sabi na lang ni Naomi, at itinaas pa nito ang dalawang kamay na kunwaring sumusuko.
Natatawa na lang si Yexel sa sagutan na nangyayari sa dalawang taong nasa harapan niya ngayon.
Bumalik na kasi ang mga nakaraang memorya ni Naomi pero hindi niya na maalala pa ang mga nangyari sa kanya sa nakalipas na maraming taon. Ang tanging naaalala niya lang ay no'ng panahon na nag-aaral pa siya ng first year high school. Tinanong din ni Harris sa kanya kung may kilala ba siyang Dominic Sanchez pero umiling lang si Naomi at nangunot ang noo.
"By the way, sino ba yung Dominic Sanchez na sinasabi mo?" Tanong ni Naomi dahil gusto niyang malaman kung sino nga ba ang lalaking yun?
"Ex mo," kunot noong sagot ni Harris.
"Nag-cheat ako sayo?" Gulat niyang tanong ulit na sabi kay Harris.
"You know what, Naomi! iki-kwento ko na lang ang lahat-lahat sayo." Seryosong sabi ni Harris sa kanya.
"Okay, I'll listen." Nakangusong sabi ni Naomi sa kanya.
Bumuntong hininga na muna si Harris ng sobrang lalim bago niya ikwento ang lahat-lahat kay Naomi. Matapos ng isang oras na pagki-kwento ni Harris ay muntik na itong matuyuan ng laway.
"So, si Dominic ay ex husband ko na nag-cheat sakin?" Tanong na sabi ni Naomi.
"Oo, at kaya tayo bumalik dito sa Pilipinas dahil gusto mong mag-revenge dahil sa ginawa niyang panloloko sayo."
"Gano'n ba? mukhang maganda yang sinabi mo sakin, ah!" Ngising sabi naman ni Naomi.
"Tss." Ungot ni Harris.
"Sigurado naman akong magpapakita siya kapag nalaman niyang buhay pa ako, 'di ba?"
"Malamang, Naomi."
"Edi ngayon pa lang ay iannounce muna sa media industry dito sa Pilipinas na buhay pa ko para mabalitaan niya."
"Sinabi ko na, hon.. at mamayang hapon ay may media interview ka dito sa bahay kaya nga nag-aayos at naglilinis ang mga maids ngayon at busy sila sa baba."
"Oh, that's great." Ngiting sabi na lang ni Naomi at tumayo na.
'Hindi ko aakalain na mabubuhay pa ko sa ginawa mong yun sakin Dominic. Ngayon kailangan kong magpanggap na may amnesia para umpisahan ang totoong paghihiganti ko sayo.'
Ang mga salita na yan ang sinabi ni Naomi sa kanyang isipan habang nakatingin siya sa garden mula sa veranda na kinatatayuan niya ngayon.
"Kain na muna tayo ng lunch, hon— si Yexel ang nagluto." Ngiting sabi ni Harris kay Naomi.
Hindi sumagot si Naomi at sumenyas na lang kay Harris na susunod na lamang siya. Matapos makalabas ni Harris mula sa kwarto ay napangisi na lang si Naomi matapos niyang pumasok sa loob.
Lumabas na rin siya ng kwarto at agad na bumaba patungo sa dining area para kumain ng lunch kasama ang dalawang taong mahalaga sa kanya ngayon.
Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay may hindi inaasahan na taong dumating sa bahay nina Harris at Naomi.
"Hi guys," malakas na bating sabi ni JD sa kanilang tatlo.
"Oh my! Ikaw na ba yan, JD?" Tuwang-tuwa na tanong na sabi ni Naomi at agad na tumayo para makipag-beso kay JD.
"Lalo kang gumaganda, Naomi, ah! alagang-alaga ka talaga ni boss Harris." Ngiting pambobolang sabi ni JD kay Naomi.
"Matagal na akong maganda 'no!" Nakangusong sabi ni Naomi sa kanya.
"Oo na.. by the way, kaya ako nandito ay nalaman ko ang tungkol sa nangyari sayo. Okay ka na ba ngayon?" Tanong ni JD.
"Okay lang naman ako pero medyo masakit pa rin ang mga sugat na naghihilom pa lang." Sagot naman ni Naomi.
"Gagaling din ang mga yan, Naomi. Ay, nga pala, may malaking event bukas ng gabi at halos lahat ng mayayamang tao dito sa Pilipinas ay a-attend sa event na yun, tungkol yata yun sa isang modeling event." Ngiting sabi ni JD.
"Hey, mahilig ako sa modeling event na yan," ngiting sabi ni Naomi. "Atsaka naikwento ni Harris sakin kanina na dati daw akong model e." Sabi niya pa kaya naman natigilan si JD.
"Huh?" Reaksyong sagot niyang sabi kay Naomi.
Napatingin naman si JD kay Harris at para bang nag-uusap sila sa mga tingin nila sa isa't isa.
Bumuntong hininga naman si Harris at ipinaliwanag kay JD ang lahat kaya naging gano'n ang reaksyon ni Naomi.
"Ah, kaya pala.." Nasabi na lang ni JD matapos ikwento ni Harris ang sitwasyon ni Naomi ngayon.
"Sige lang, JD, wag mo kong pansinin." Singit naman na sabi ni Yexel sa usapan nila.
"Oh, nakalimutan ko nga pala ang pinakagwapo sa lahat ng nilalang sa buong mundo, Yexel the great." Natatawang sabi ni JD sa kanya.
"Nice bro, ganyan dapat." Ngiting sabi naman ni Yexel.
"Kailan ka pa bumalik ng Pilipinas?" Tanong ni JD. "Nakita kita no'ng araw dapat ng kasal nina Harris at Naomi pero hindi man lang kita nakausap dahil sa nangyari." Sabi niya pa.
"3 years na akong nandito sa Pilipinas, nasa paligid-ligid lang ako ng pamilya ko ng mga taon na yan." Sagot na sabi ni Yexel.
"Ikaw ba yung lalaking napansin ko sa ilalim ng puno, ilang metro mula kung saan inilibing ang parents niyo?" Tanong ni JD.
"Yes, ako yun." Sagot ni Yexel.
"Tss. Bakit hindi ka man lang lumapit?" Kunot noong tanong na sabi ni JD sa kanya.
"Matapos umalis ng mga tao ay saka lang ako lumapit sa grave ng parents namin ni Naomi." Sagot na sabi ni Yexel.
"Ikaw talaga, edi sana ay nakita mo man lang ang parents niyo ni Naomi bago sila maibaba sa grave nila."
"Alam mo naman ang nangyari sakin noon, 'di ba? kaya nahihiya pa kong humarap sa mga tao."
"Oo na, oo na," sabi na lang ni JD. "By the way, pupunta ba kayo bukas?" Tanong niya sa tatlo pa niyang kasama.
"Pupunta tayo dun, 'di ba, hon?" Pagpapa-cute na sabi ni Naomi kay Harris.
"As you wish, hon." Ngiting sabi ni Harris sa kanya.
"Oh, great! mamaya ay sasama kayong tatlo sakin pagkatapos nating kumain." Tuwang-tuwa na sabi ni Naomi.
"Saan?" Kunot noong tanong na sabi ng tatlong lalaki sa kanya.
"Haist, basta wag ng marami pang tanong." Sagot niyang sabi na lang sa kanila.
Ipinagpatuloy na lang nila ang pagkain ng tanghalian. Samantalang si JD ay binigyan naman ng plato, kutsara at tinidor ng maid dahil gusto niya rin daw na kumain.
Matapos nilang kumain ng tanghalian ay nagtungo na muna silang tatlo sa salas para makapag-pahinga. Samantalang si Yexel ay umakyat na muna sa kwarto dahil may importante siyang business meeting online.
"By the way, sino sa inyong dalawa ang may contact kay Kate at Ralph? ang natatandaan ko na huli naming pagsasama ay no'ng first year high school pa tayo e." Sabi nito sa dalawang lalaki na nasa harapan niya.
"First year high school talaga? ako may contact ako kay Kate." Sagot na sabi ni JD.
"Call her, I'd like to talk to her." Excited na ngiting sabi ni Naomi.
"All right," sabi ni JD at kinuha ang cellphone niya mula sa bulsa ng pantalon niya.
Kaagad na idinial ni JD ang number ni Kate at ilang ring lang ay sinagot ni Kate ang tawag ni JD.
"Hello!" Sabay na bungad na sabi nilang dalawa over the phone.
"Kate," tawag na sabi ni JD sa kabilang linya. "May gustong kumausap sayo." Sabi niya pa.
"Sino?" Nagtatakang tanong ni Kate.
'Woi, babae! Sino yang kausap mo?' Dinig ni JD na sabi ni Ralph mula sa kabilang linya.
"Tss, si JD," sagot ni Kate kay Ralph.
'Aywee!' sabi ni Ralph. 'Pakausap nga!'
"Mamaya ka na nga, Fiona!" Inis na sabi ni Kate sa kabilang linya. Natawa naman si JD kaya naman nangunot ang noo ni Naomi na nasa harapan niya. Umayos naman mula sa pagkaka-upo si JD at sumandal ng bahagya sa sofa. "Hey, still on the line ka pa ba?" Tanong ni Kate.
"Ah, yeah." Sagot namang sabi ni JD.
"Sorry, ang gulo kasi ni Ralph e." Sabi ni Kate sa kanya.
"Okay lang," ngiting sabi na lang ni JD kay Kate sa kabilang linya.
"Nga pala, sino yung taong gusto akong kausapin?" Tanong na sabi ni Kate.
"Kayo na lang ang mag-usap," sabi ni JD at iniabot kay Naomi ang cellphone.
"Hi," bating sabi ni Naomi.
"Sino 'to?" Gulat na tanong na sabi ni Kate sa kanya.
"Hindi mo na ko kilala?" Natatawang tanong na sagot ni Naomi.
"Sino nga 'to?" Pag-uulit na tanong ni Kate sa kanya.
"Si Celine 'to," natatawang sabi ni Naomi sa kabilang linya.
"Matagal ng patay si Celine," seryosong sabi ni Kate mula sa kabilang linya. "You know what, kung pagti-tripan niyo lang ako ni JD ay wag ako ang biruin niyo." Galit na sabi pa nito.
"Hey, ako nga 'to si Celine, I am not lying on you." Seryosong sabi ni Naomi sa kabilang linya.
"Kung ikaw nga talaga si Celine ay magkita tayo," maangas na sabi ni Kate sa kanya.
"Oo ba, kaya nga sinabi ko kay JD na tawagan kayo ni Ralph para isama sa pagmo-mall namin mamaya e." Ngiting sabi ni Naomi.
"Ikaw ba talaga si Celine?" Naguguluhang tanong ni Kate sa kanya mula sa kabilang linya.
"Tss, oo nga—ako nga 'to, magkita-kita na lang tayo mamaya, okay. Ite-text sayo ni JD kung saang mall." Sabi ni Naomi.
"O-Okay sige," nauutal na sabi na lang ni Kate.
"Okay, see you later." Natutuwang sabi ni Naomi at ibinaba na ang tawag.
Ibinalik niya naman agad ang cellphone ni JD na may malawak na ngiti sa mga labi pero sa isip niya ay nalulungkot siya dahil ang alam talaga ng lahat lalo na nang mga naging kaibigan niya ay talagang patay na ang Celine na nakilala nila.
Bigla namang tumayo si Naomi mula sa pagkaka-upo. "Aakyat na muna ako sa kwarto para mag-asikaso't maligo para pagkatapos ko ay aalis na tayo. Dadaanan ko na rin si Kuya Yexel sa kwarto niya." Sabi niya sa dalawang lalaki na nasa harapan niya.
Tumango't ngumiti na lang ang dalawa sa kanya kaya naman nagsimula na siyang maglakad patungo sa hagdan para tumungo sa second floor.
Dinaanan na muna niya ang kwarto ng kuya niyang si Yexel at sinabing mag-asikaso na ito dahil pupunta sila sa mall. Matapos makausap ni Naomi ang kuya niya ay saka lang siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kwarto nila ni Harris para mag-asikaso't maligo, agad siyang nagtungo sa banyo upang mag-asikaso na nga ng sarili niya.
...
Matapos ng isang oras mula sa pagligo, pagbibihis at pag-aasikaso ng sarili ay natapos na din si Naomi.
Kinuha niya ang sling bag niya at inilagay ang bago niyang cellphone do'n pati na rin ang wallet. Nawala kasi ang cellphone niya matapos niyang maaksidente kaya binilhan siya ni Harris ng bagong cellphone.
Lumabas na siya ng kwarto at naglakad na pababa ng hagdan. Simpleng fitted pants, tube, black office coat at 4 inches na stilletos na sandals ang fashion niya ngayon.
"Woah! ang ganda mo talaga," manghang sabi ni JD matapos niyang makababa. "Ito na ang korona, inang reyna." Natatawang sabi pa nito at umaksyon siya na kunwaring ipapasa talaga ang korona kay Naomi.
"Ewan ko sayo, JD!" Nakasimangot na sabi ni Naomi sa kanya.
"Ako na ang magda-drive," presintang sabi ni Yexel sa kanilang tatlo, tumango naman ang mga ito sa kanya at ngumiti rin.
Nauna ng naglakad palabas ng bahay sina JD at Yexel. Samantalang ang dalawa na sina Naomi at Harris ay nagpahuli.
"Ang ganda mo ngayon, hon." Ngiting sabi ni Harris.
"Aywee! di nga? baka binobola mo lang ako." Sagot namang sabi ni Naomi sa kanya.
"Promise, ang ganda mo ngayon." Ngiting sabi ni Harris sa kanya.
Hindi na sumagot pa si Naomi sa kanya dahil sa loob-loob nito ay sobrang kinikilig siya sa sinabi ni Harris sa kanya. Kunwaring sinimangutan niya na lang si Harris at nagpauna ng lumabas ng bahay.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (111)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Highly recommended ❤️
21/04/2022
1ang ganda
29/11
0goods
29/04/2025
0Tingnan Lahat