Chapter 38

Lumipas pa ang ilang ng hindi pa rin nakikita ni Harris si Naomi. Hindi pa rin nahahanap ng mga pulis si Dominic hanggang ngayon.
Sa bahay pa nila Harris at Naomi nag-stay ang mga parents ni Harris. Hindi na muna bumalik sa Canada ang mga magulang niya dahil tumutulong din ang mga ito na mahanap si Naomi. Kahit si Yexel na kapatid ni Naomi ay naghahanap na rin sa nawawalang kapatid niya.
"Tatlong araw na ang lumipas pero wala pa ring balita kay Naomi." Biglang sabi ng mommy ni Harris.
Lahat sila ay nag-aalala na ng sobra kay Naomi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatagpuan ang katawan ni Naomi kung saan ito nahulog matapos ng aksidente.
Ilang araw na ring nag-iikot ang mga coast guard pero wala talaga silang makita na katawan ni Naomi mula sa dagat.
Lahat ng connection ng pamilya ni Harris sa media industry ay ginamit niya na para lang mapabilis ang paghahanap sa nawawalang fiancee niya na si Naomi.
"Don't worry, mommy— ginamit ko naman na lahat ng connection ng pamilya natin para mapabilis ang paghahanap kay Naomi." Seryosong sabi ni Harris sa mommy niya.
"Sana'y mahanap na agad si Naomi." Malalim na paghingang sabi nito kay Harris, ngumiti na lamang si Harris sa mommy niya.
"Harris!" Malakas na tawag ni Yexel mula sa itaas kaya naman napalingon sina Harris at ang mommy niya.
Ang daddy kasi ni Harris ay nasa kwarto na nito dahil hindi pwedeng mapagod ang daddy niya simula ng maaksidente ito.
Nagmamadali namang bumaba si Yexel mula sa itaas habang dala-dala ang laptop niya pababa.
"Si. . si.." hindi maituloy ni Yexel ang sasabihin niya dahil sa hingal niya. Nagmamadali kasi siyang bumaba ng hagdan kaya hinihingal siya ng makarating siya sa pwesto nila Harris.
"Ano bang gusto mong sabihin, Yexel?" Nagtatakang tanong na sabi ni Harris.
Huminga na muna ng malalim si Yexel bago ito muling magsalita.
"Look at this," sabi niya at nagtungo sa sofa para umupo. Ipinatong niya naman ang laptop niya sa ibabaw ng glass table. "Halos kaka-post lang ng picture na 'to."
Tiningnan naman yun ni Harris at nang mommy niya at natigilan si Harris ng makita ang picture na naka-post dahil si Naomi yun habang nakaratay sa hospital bed.
"Saang hospital yan?" Natatarantang tanong na sabi ni Harris kay Yexel.
Tiningnan naman nila ang information at contact number na nasa caption sa ibabaw ng picture ni Naomi.
"Let's go, Yexel." Nagmamadaling sabi ni Harrias at inaya niya ito para puntahan ang hospital kung nasa'n si Naomi. "Mommy, ikaw na po munang bahala dito sa bahay." Ngiting baling na sabi niya sa mommy niya.
"Yes, son, don't worry." Mabilis na sagot na sabi naman ng mommy niya sa kanya.
Nagmamadali namang kinuha ni Harris ang susi ng sasakyan niya sa isang drawer at tuluyan ng lumabas ng bahay, agad niyang binuhay ang engine ng sasakyan matapos nilang makasakay ni Yexel.
Dinala si Naomi ng matandang mag-asawa na sina Joseph at Carmen sa isang pang publikong hospital na malapit sa lugar nila dahil mula ng makita ni Tatang Joseph si Naomi sa dalampasigan ay hindi pa rin ito nagigising kaya natakot ang mag-asawang matanda na baka kung napa'no na si Naomi kaya nakiusap sila sa isang nurse na lalaki na marunong sa social media online na ipost si Naomi sa isang social media platform upang malaman ng mga kamag-anak niya kung nasaan siya.
Sa kalagitnaan ng byahe nila Yexel at Harris ay hindi mawala sa mga isip nila ang sobrang pag-aalala tungkol kay Naomi pero kahit papa'no ay nabawasan ang isipin nila dahil sa wakas ay natagpuan na nila si Naomi.
Pagkarating nila sa hospital ay agad na ipinarada ni Harris ang sasakyan niya sa parking lot ng hospital at dali-daling bumaba sa kotse. Gano'n din ang ginawa ni Yexel, nagmamadali din siyang bumaba.
Pagkapasok nila sa hospital ay agad silang nagtungo sa emergency front desk station para magtanong.
"Hi, itatanong ko lang sana kung nandito ang babaeng 'to.." Ipinakita naman ni Harris ang picture ni Naomi sa nurse na babae mula sa cellphone niya. Tiningnan naman ito ng maigi ng nurse. "Ah, yes po! kamag-anak ka po ba niya?" Tanong na sabi nito kay Harris.
"Yes, fiancee ko ang babaeng yun." Harris.
"Wait sir, papasamahan ko po kayo sa isang nurse sa kwarto ng fiancee mo," sabi nito at tinawag ang isang nurse na lalaki. Lumapit naman ito sa kanya. "Samahan mo sila sa kwarto ng babaeng ipinost mo sa isang social media platform kahapon." Sabi nito sa nurse na tinawag niya.
"Ah, ikaw po ba ang kamag-anak niya?" Tanong ng nurse na lalaki.
"Oo, ako nga. Nasaan ang fiancee ko?" Harris.
"F-Fiancee ka po niya?" Gulat na tanong na sabi ng nurse, tumango naman si Harris sa kanya.
"Dito po, sir." Sabi nito pero magsisimula na sana silang maglakad ng tawagin ulit sila ng nurse na babae na nasa front desk.
"Sir," tawag nito kay Harris. "Kailangan ko pong malaman ang mga information ng fiancee mo. Pwede po bang paki-fill up muna ng form?" Tanong na sabi nito.
"Ako na," presinta na sabi ni Yexel. "Sige na puntahan muna si Naomi." Sabi niya pa.
"Okay sige," sagot ni Harris. "Tara na." Sabi niya sa nurse na lalaki.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad patungo sa kwarto ni Naomi. Samantalang si Yexel ay naiwan sa front desk para mag-fill up ng form na kailangan.
"Ito na po, sir.." sabi nang nurse na lalaki kay Harris matapos nilang huminto sa tapat ng pinto kung nasa'n si Naomi.
Dali-dali namang binuksan ni Harris ang pinto ng kwarto na yun. Nagulat pa ang ibang pasyente na nasa loob matapos siyang pumasok ng biglaan. Humingi naman siya agad ng pasensya dahil sa ginawa niya. Ang akala niya kasi ay si Naomi lang ang pasyente na nasa loob ng kwartong yun.
"Nay," tawag ng nurse na lalaki kay Aling Carmen. Lumingon naman ito sa kanya. "Siya po ang fiancee ng babaeng natagpuan niyo ni tatay Joseph." Sabi pa nito. Napatayo naman mula sa pagkaka-upo si Aling Carmen dahil sa gulat.
Hindi na muna pinansin ni Harris ang matandang babae ay agad siyang nagtungo sa kabilang side ng hospital bed kung saan nakaratay si Naomi.
"Hon!" Tawag nitong sabi sa nakaratay na si Naomi. "Hi, magandang gabi po," baling niyang sabi kay Aling Carmen. "Ako po pala ang fiancee niya. Ikaw po ba ang nakakita sa kanya?" Tanong na sabi niya kay Aling Carmen.
"Ay, hindi ako, hijo, ang totoo nyan ay ang asawa kong si Joseph ang nakakita sa kanya, tatlong araw na mula ng matagpuan siya ng asawa ko sa dalampasigan malapit sa bahay namin." Paliwanag na sagot niyang sabi kay Harris.
"Maraming salamat po sa pagkakaligtas niyo sa fiancee ko, ang totoo po nyan ay tatlong araw na rin po namin siyang hinahanap mula no'ng araw dapat ng kasal namin." Harris.
"Wag mo sanang mamasamain ang itatanong ko, hijo." Aling Carmen.
"Ano po ba 'yon?"
"No'ng matagpuan kasi siya ng asawa ko sa dalampasigan at dalhin sa bahay namin ay marami siyang sugat at kaya rin may benda ang ulo niya ay dahil tinahi ang sugat niya sa ulo dahil sa sobrang pagkaka-undog, ayon sa doktor na gumamot sa kanya. Ano bang nangyari sa kanya, hijo?"
"It's a private matter po yun at hindi ko po masasagot ang tanong mo sakin pero wag po kayong mag-alala dahil hinahanap na ng mga pulis ang suspek sa nangyaring aksidente sa fiancee ko no'ng araw dapat ng kasal namin."
"Ah, tama nga ang hinala ko na kaya pala siya naka trahe de boda ay ikakasal na dapat kayong dalawa pero hindi natuloy dahil naaksidente siya."
"Yes po," ngiting tangong sagot na sabi ni Harris kay Aling Carmen.
"Mabuti't nandito ka na, nag-aalala kasi ako sa batang yan dahil hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon— ng dalhin kasi namin siya dito ay inaapoy siya ng lagnat."
Hindi naman sumagot si Harris sa sinabi ni Aling Carmen sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya at hinawakan ang kamay ni Naomi at itinapat ni Harris sa pisngi niya.
"Hon, please wake up, nandito na ako." Malungkot na sabi ni Harris habang hinahaplos ang ulo ni Naomi.
"Naomi," gulat naman na tawag ni Yexel at agad na nilapitan ang kanyang kapatid. "Anong nangyari sa kanya, Harris? Bakit ganito ang nangyari sa kapatid ko?" Seryosong tanong ni Yexel.
"Tumawag ka sa isang private hospital sa Manila dahil ililipat natin si Naomi do'n ngayong gabi mismo." Seryosong sagot na sabi na lang ni Harris sa kanya.
"Tss." Ungot na lang ni Yexel at lumabas na muna para tumawag.
Ipinatawag naman ni Harris ang doktor sa nurse na lalaki na kaninang kasama niya patungo sa kwarto ni Naomi.
Kinausap naman ni Harris ang matandang babae na si Aling Carmen tungkol sa ginawa nilang kabutihang mag-asawa kay Naomi. Nagbigay din siya ng pabuya sa mag-asawa pero hindi 'yon tinanggap ni Aling Carmen dahil sapat na daw na makatulong silang mag-asawa sa ibang tao na walang hinihinging kahit na anong kapalit kaya naman sobrang laking pasasalamat ni Harris kay Aling Carmen.
Sinabi naman ni Yexel na papunta na ang ambulance ng private hospital na tinawagan niya mula sa Manila kaya naman agad inasikaso ni Harris ang bills ni Naomi sa hospital.
Inihatid rin ni Yexel si Aling Carmen sa bahay nito bilang pasasalamat niya rin sa ginawa nito sa kapatid niyang si Naomi. Samantalang si Harris naman ay nag-asikaso ng mga bills para sa pagta-transfer ni Naomi mula sa pampublikong hospital patungo sa isang private hospital sa Manila.
Makalipas ang isa't kalahating oras ay dumating na rin ang ambulance na magdadala kay Naomi sa Manila. Samantalang si Yexel ay nakabalik na rin sa hospital.
Nag-usap silang dalawa na si Harris na ang sasabay sa loob ng ambulance habang si Yexel ay susunod lang sa kanila gamit ang sasakyan na ginamit nila papunta sa hospital kanina.
Napasulyap si Harris sa wrist watch niya at alas-dyes na pala ng gabi. Tinawagan niya na rin ang mommy niya na ita-transfer niya si Naomi sa isang private hospital sa Manila. Natuwa naman ang mommy niya dahil nahanap na nila si Naomi pero may lungkot pa rin siyang nararamdaman dahil sinabi ni Harris sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Naomi mula ng maaksidente ito.
Hindi pa rin maalis sa isip ni Harris na mag-alala ng sobra kay Naomi dahil sa ilang araw nitong hindi paggising. Ngunit ipinaliwanag naman sa kanya ng doktor sa pampublikong hospital kung saan dinala si Naomi ng matandang mag-asawa ay baka daw dahil sa sobrang lakas ng naging impact ng pagkaka-undog ni Naomi sa isang matigas na bagay kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.
Makalipas ang isang oras na byahe ay nakarating na rin sila ng hospital, agad na inasikaso ng mga nurses si Naomi para ipasok sa emergency room.
Wala pang isang oras ng lumabas ang doktor mula sa emergency room kaya naman napatayo sina Harris at Yexel mula sa pagkaka-upo sa isang hospital bleachers na nasa labas sa gilid ng emergency room.
Sinabi ng doktor sa kanila na nagkaro'n ng flu with high fever si Naomi kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Sinabi rin sa kanila ng doktor na bukod sa flu ay sobrang lakas ng naging impact ng pagkaka-untog ni Naomi kaya hindi pa ito nagigising.
Sa isip ni Harris ay tama nga ang sinabi ng doktor sa pampublikong hospital na pinanggalingan ni Naomi bago pa man siya dalhin sa private hospital.
Ang sabi pa ng doktor sa kanila na wag silang mag-alala dahil magigising rin naman si Naomi at kailangan lang nito ng sobra-sobrang pahinga dahil nakita nila sa test na stress si Naomi kaya gano'n na lang ang nangyayari sa kanya ngayon.
Nagpasalamat naman silang dalawa sa sinabing pagpapaliwanag ng doktor sa kanila. Sinabi rin ng doktor na nailipat na si Naomi sa private room nito at puntahan na lamang nila kaya naman nagmamadaling magtungo ang dalawa sa elevator para maka-akyat at magtungo agad sa kwarto ni Naomi.
Si Harris na muna ang nagtungo sa kwarto ni Naomi dahil nagpaalam si Yexel na bibili na muna siya sa isang convenience store ng pwedeng kainin dahil nagugutom na naman siya.

Komento sa Aklat (111)

  • avatar
    Jean Calabria Supas

    Highly recommended ❤️

    21/04/2022

      1
  • avatar
    Jhanela Khate Serrana

    ang ganda

    29/11

      0
  • avatar
    Mivrix Francisco

    goods

    29/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata