Chapter 36

Third Person's Point of View
Napag-usapan nilang tatlo kanina matapos nilang kumain ay sa bahay na nina Harris at Naomi titira ang Kuya niyang si Yexel para kahit papaano ay may makasama silang dalawa sa bahay bukod sa tatlong maids nila at sa mga alaga nilang hayop na ini-adopt nila.
Mamayang gabi na rin ang paglipat nang Kuya niya sa bahay nila ni Harris. Kailangan pa daw kasing asikasuhin ni Yexel ang mga gamit niya sa condo unit kung saan siya nakatira para sa paglipat niya sa bahay nina Naomi at Harris.
Nagpaalam si Naomi kay Harris na pupunta na muna itong kompanya dahil may mga kailangan lang itong pirmahan na mga papeles sa opisina. Nag-presinta naman si Harris na sasamahan niya si Naomi ngunit tumanggi na lamang siya dahil sandali lang naman siya sa kompanya, pumayag naman si Harris sa naging paalam ni Naomi sa kanya.
Samantalang si Harris ay naisipan na lang na paliguan ang mga ini-adopt nila na mga hayop sa animals market no'ng nakaraang linggo. Wala naman kasi siyang gagawin sa ngayon dahil yung naging problema sa shipping lines company ay agad niya namang naayos.
Pagdating ni Naomi sa opisina niya ay agad naman siyang binati ng mga empleyado niya kaya naman pabalik niya rin itong binati.
Pagpasok ni Naomi sa opisina niya ay naupo na siya sa swivail niya at agad na pinindot ang intercom para papasukin ang secretary niyang si Vina. Ilang minuto lang ay napansin niyang bahagyang bumukas ang pinto kaya naman sumenyas siya kay Vina na secretary niya na lumapit sa kanya.
"Yes, ma'am," bungad niyang sabi kay Naomi matapos niyang makalapit.
"Wala pa ba yung papers na galing sa financial department para sa mga sahod niyo at nang iba pang empleyado?" Tanong ni Naomi sa secretary niya.
"Pupuntahan ko na muna si Ms. Kylie para itanong po sa kanya, ma'am." Ngiting sagot na sabi ng secretary niya sa kanya.
"Okay sige, bilisan mo lang." Sagot na sabi ni Naomi sa kanya kaya naman dali-daling lumabas ng opisina si Vina.
Isa rin sa dahilan ng pagpunta ni Naomi sa kompanya ay para asikasuhin ang mga sahod ng mga empleyado niya dahil sa makalawa ay sasahod na ang mga ito, advance kasing magpasahod ang kompanya na hawak ni Naomi dahil alam niya naman sa sarili niya ang hirap ng buhay dito sa Pilipinas, atsaka isang sikat na kompanya ang Algrande Corporation hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.
Makalipas ng sampung minuto ay bumalik ang secretary ni Naomi na si Vina sa opisina para ibigay sa kanya ang payout bills ng mga empleyado niya.
"Ito na po, ma'am dapat ay kanina niya pa po yan naibigay ang kaso wala ka kaninang umaga," sabi ni Vina sa kanya.
"Masama kasi ang pakiramdam ko pero pumunta lang talaga ako dito para sa sahod niyo sa makalawa," ngiting sagot na sabi ni Naomi sa secretary niyang si Vina.
"Advance ka talagang magpasahod, ma'am." Natutuwang sabi naman ni Vina sa kanya.
"You know me, Vina," ngiting sagot na sabi ni Naomi.
"Wala talaga kaming masasabi sa inyo ni sir Harris, ma'am— napaka sobrang bait niyo po lalo na sa'ming mga empleyado niyo."
"Nambola ka pa," natatawang sabi na lang ni Naomi sa kanya kaya naman natawa si Vina. "By the way, next week na 'ko makakapasok kaya no appointment meeting na muna ako, okay." Sabi pa nito.
"Sige po, ma'am." Ngiting sagot na sabi ni Vina.
"There you go," ngiting sabi ni Naomi. "Ibalik mo ulit yan sa admin ng financial department para maasikaso agad."
"All right, ma'am." Kinuha naman ni Vina ang folder na iniabot niya kanina kay Naomi. "Thank you so much po." Pagpapasalamat niya pang sabi.
"As always, Vina.. o sya't uuwi na pala ako ikaw ng bahala dito, okay." Habilin niyang sabi sa secretary niya.
"Sige po, mag-iingat ka po sa pag-uwi mo." Paalala niyang sabi kay Naomi.
"Yeah, I will." Ngiting sagot na sabi ni Naomi sa kanya.
Lumabas na si Vina ng opisina ni Naomi kaya naman si Naomi ay tumayo na mula sa pagkakaupo sa swivail chair niya at inayos ang sarili niya. Matapos no'n ay tuluyan na rin siyang lumabas sa opisina niya. Nagpaalam na muna siya sa lahat na uuwi na siya at sinabi niya na lang na masama ang pakiramdam niya dahil totoo naman 'yon. Iniisip niya pa rin kasi ang nangyari kagabi sa labas ng bahay nila ni Harris.
Kaagad na nagmaneho si Naomi matapos niyang makasakay sa sasakyan niya. Habang nasa byahe ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga bagay-bagay tungkol sa problema nila ni Dominic.
...
Sa kabilang dako ay natapos na din ni Harris na paliguan ang tatlong aso pero ang mga pusa ay kailangan na sa vet shop nila dalhin ni Naomi dahil para maiwasan na magkasakit ang mga ito.
Matapos niyang paliguan ang tatlong aso ay siya naman ngayon ang naligo at nag-asikaso ng sarili niya. Nag-text kasi si Naomi sa kanya kanina na pauwi na ito dahil sinabi sa kanya ni Naomi na sobrang sama ng pakiramdam nito.
Nag-aalala naman si Harris sa sinabi ni Naomi sa kanya kaya naman aligaga siyang naligo para pagdating ni Naomi ay aasikasuhin niya ito.
Sa Linggo na pala magaganap ang araw ng kasal nila ni Naomi. Napag-usapan kasi nila yun kanina kasama nang Kuya ni Naomi na si Yexel, at ang gusto ni Naomi ay si Yexel ang maghatid sa kanya sa altar para ipagkatiwala ang kamay ng kanyang kapatid kay Harris.
Enggrande ang kasal na mangyayari sa Linggo dahil may mga media company ang nando'n para saksihan ng buong mundo ang pag-iisang dibdib nina Harris at Naomi.
Matapos maligo ni Harris at makapag-bihis ay lalabas na sana siya ng kwarto pero hahawakan niya palang sana ang doorknob ng bigla itong bumukas at pumasok si Naomi na halatang pagod dahil bagsak ang dalawang balikat nito.
Ibinagsak naman ni Naomi ang katawan niya sa kama at pakiramdam niya ay parang nauupos siyang kandila dahil sa sobrang pagod at halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon.
"Are you alright, hon?" Nag-aalalang tanong na sabi ni Harris matapos niyang maupo sa kama.
"Okay lang ako, masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon." Sagot na sabi ni Naomi sa kanya.
"Ikukuha na muna kita ng tubig sa baba." Sabi ni Harris at nagmamadaling lumabas ng kwarto para bumaba.
Napabuntong hininga na lang si Naomi ng sobrang lalim dahil sa mga problema na kinahaharap niya ngayon. Nakatanggap kasi siya ng text message mula kay Dominic habang nasa byahe siya pauwi at sinabi sa text na..
'Hangga't nabubuhay ako ay hindi ka maikakasal ni kahit kanino.'
Yan ang text message na nabasa ni Naomi mula kay Dominic.
"Sasabayan kita sa lahat ng plano mo sakin, Dominic pero uunahin ko na munang pabagsakin ang mga pag-aari ng pamilya mo." Seryosong bulong na sabi ni Naomi habang nakadapa sa kama.
Bumukas naman ng bahagya ang pinto kaya naman napasulyap si Naomi do'n. Si Harris lang pala ang pumasok na may dalang tubig, pagkain at gamot.
Inilipag na muna ni Harris sa side table ang bed tray na dala-dala niya.
"Kumain ka na muna bago ka magpahinga." Seryosong sabi niya kay Naomi at inalalayan itong bumangon mula sa pagkakadapa sa kama.
"Thank you, hon." Namamaos na sabi ni Naomi kay Harris, naupo naman siya at nag-indian sit sa kama.
"Paos ka na naman? Hmm.." Umiiling na sabi naman ni Harris.
"Alam mo naman kapag nagkakasakit ako ay ganito talaga ang epekto sakin." Pilit na pagsasalitang sabi ni Naomi.
"Wag ka ng magsalita, okay." Sabi ni Harris sa kanya, tumango naman si Naomi bilang sagot.
Kinuha naman ni Harris ang bed tray sa side table at inilapag yun sa harap ni Naomi. Inilapit pa ng bahagya ni Naomi ang bed tray para maging maayos yun sa harapan niya.
Sa kalagitnaan ng pagkain ni Naomi ng congee ay natigilan silang parehas ni Harris ng may biglang kumatok mula sa pinto. Tumayo naman si Harris at nagtungo para pagbuksan ng pinto ang kumatok na isa sa maids nila.
"Good afternoon po sir, may bisita kasi kayo ni ma'am Naomi." Bungad nitong sabi kay Harris.
"Who is it?" Balik na tanong niyang sabi sa maid nila.
"Yexel daw po ang pangalan niya." Sagot na sabi ng maid kay Harris.
"Ah sige, papasukin mo at sabihin mong maghintay sa salas." Ngiting sabi ni Harris sa maid niya.
"Okay po, sir." Sagot na sabi ng maid at umalis na ito na sa harapan ni Harris.
Isinara na ni Harris ang pinto at nagtungo muli sa kama para maupo.
"Sino yung dumating?" Namamaos na tanong na sabi ni Naomi.
"Si Kuya Yexel," ngiting sagot na sabi ni Harris.
Natigilan na naman ang dalawa ng may biglang kumatok muli sa pintuan ng kwarto nila kaya naman nangunot ang noo ni Harris.
Napansin naman nila na bahagyang bumukas ang pinto kaya napatingin sila do'n. Bahagya namang sumilip ang ulo ni Yexel at binati silang dalawa.
"Come on in," senyas na sabi ni Harris sa kuya ni Naomi na si Yexel.
Pumasok naman si Yexel at isinara ang pinto. Tumayo naman si Harris at kinuha ang isang upuan para ibigay yun kay Yexel.
"Have a sit, Kuya." Ngiting sabi nito kay Yexel matapos niyang iabot ang isang upuan.
Naupo naman si Yexel sa upuan sa harapan ng side table sa gilid ng kama. "What happen to you?" Kunot na tanong ni Yexel sa kapatid niyang si Naomi.
"May sakit siya," sagot na sabi ni Harris.
"Tss, baka naman sa sobrang pagod mo na yan sa trabaho, 'di kaya?" Panenermong sabi ni Yexel.
"Wala pa kaming isang buwan ni Harris dito sa Pilipinas, Kuya— baka sa panahon lang 'to dahil nag-aadjust ako sa climate ng Pilipinas." Pilit ang sagot na sabi ni Naomi sa Kuya niya.
"Tss. By the way, baka bukas na ako makalipat dito sa bahay niyo ni Harris marami pa kasi akong ginagawa ngayon, matapos kong mailipat ang mga gamit ko dito ay lalabas na muna ako ng bansa papuntang France, nagka-problema kasi sa company ko sa France at hindi kayang ihandle ng vice-president ko ang problemang yun kaya kailangan kong magpunta do'n." Paliwanag niyang sabi sa dalawa.
"It's okay, atsaka napaayos ko na sa maid ang kwarto na gagamitin mo, kung gusto mo ay silipin mo ngayon ang kwarto— yung unang kwarto pag-akyat mula sa baba ang kwarto mo."
"Woah! mukhang pinaghandaan niyo, ah." Ngiting gulat na sabi naman ni Yexel sa kanilang dalawa.
"Hindi ka na iba sa'min ni Naomi, Kuya Yexel." Ngiting sabi naman ni Harris.
"Thank you Harris and also to my beautiful sister." Natutuwang sabi ni Yexel sa dalawa.
"Tss." Ungot ni Naomi sa Kuya niya.
"Pupuntahan ko na muna ang kwartong gagamitin ko," ngiting sabi ni Yexel. "Uminom ka ng gamot, okay." Seryosong sabi niya pa sa kapatid niya na si Naomi. Tumango naman si Naomi sa kanya bilang sagot.
Hinalikan na muna ni Yexel ang noo ng kapatid niya at tinap ang balikat ni Harris bago ito lumabas ng kwarto nila.
Matapos kumain ni Naomi at makainom ng gamot ay inalalayan na siya ni Harris para makahiga at makapagpahinga na ulit.
Binantayan na muna ni Harris si Naomi hanggang sa makatulog ito bago siya bumaba dala-dala ang bed tray na pinag-kainan ni Naomi.
Ang totoo ay hindi nagpunta si Yexel sa bahay nila tungkol sa paglipat niya sa bahay ni Naomi at Harris dahil ang totoo ay tinawagan siya ni Harris para magplano sa pwedeng gawin ni Dominic kay Celine na walang iba kundi si Naomi.
Ngayong nalaman ni Dominic ang totoo na si Celine ay si Naomi ay siguradong hindi titigil si Dominic na muling makuha ang asawa niya mula kay Harris.
Matapos mailagay ni Harris sa kusina ang bed tray ay agad siyang nagtungo sa garden dahil nando'n si Yexel habang nakaupo sa isang garden bench.
Tinap naman ni Harris ang balikat ni Yexel ng makalapit siya sa garden bench kung saan nakaupo si Yexel, naupo naman si Harris at napayuko habang nakapatong sa mga hita niya ang mga siko nito.
"Ngayong alam na ni Dominic ang tungkol sa kapatid mo ay sigurado akong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha si Naomi mula sakin." Seryosong sabi ni Harris kay Yexel.
"Alam mo.. hindi ko aakalain na ikakasal ang kapatid ko sa isang g*gong katulad ni Dominic, hindi ko aakalain na siya ang ipinalit sayo ng kapatid ko." Seryosong sabi ni Yexel.
"Kung hindi lang naaksidente si Naomi ay hindi sila magkakaro'n ng relasyon ni Dominic, Yexel." Kunot noong sabi naman ni Harris.
"Ano ng plano mo? alam mo naman na sayo ako boto simula pa lang no'ng una e." Ngiting sabi ni Yexel.
Hindi nakasagot si Harris sa sinabi ni Yexel sa kanya, ang iniisip niya ngayon ay kung ano nga ba ang pwedeng maging plano para hindi na magkabalikan pa sina Naomi at Dominic?

Komento sa Aklat (111)

  • avatar
    Jean Calabria Supas

    Highly recommended ❤️

    21/04/2022

      1
  • avatar
    Jhanela Khate Serrana

    ang ganda

    29/11

      0
  • avatar
    Mivrix Francisco

    goods

    29/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata