Chapter 14

Celine's Point of View
Nandito ako sa isang maliit na motel para magpalit ng damit dahil lalabas ako ng bansa ngayon ring araw. Sa back door ako ng Pilipinas dadaan para hindi malaman ni Dominic kung saang bansa ako pupunta.
Kanina ay tinawagan ko ang parents ko para sabihin sa kanila ang nangyayari ngayon sakin. Matapos nilang malaman ang lahat ay galit na galit ang daddy ko sa nalaman niya tungkol kay Dominic at sa ginawa nitong panloloko sakin. Sinabi rin ni mommy sakin na makipag-annul na ako kay Dominic kaya sinabi ko naman sa kanya na nakausap ko na ang lawyer ko tungkol sa bagay na yun.
Sinabi rin ng mga parents kong aalis na sila sa pagiging mag-partnership ng company ng magulang ni Dominic para wala na akong maging connection pa sa buong pamilya ni Dominic.
Sinabi ko rin sa mga parents ko na lalabas ako ng bansa at hindi ko sinabi sa kanila kung saan akong bansa pupunta, sumang-ayon naman sila sa gusto kong gawin para na rin daw makalimutan ko si Dominic.
Naglinis lang ako ng katawan at naghilamos dahil wala pa akong tulog hanggang ngayon kaya hindi ko pwede basain ang ulo ko.
Matapos kong magbihis ng damit ay inasikaso ko na ang sarili ko. Nag-disguise ako para hindi ako makilala ng mga tao dahil maraming nakakakilala sakin dito sa Pilipinas dahil nga sa isa akong sikat na model dito.
Nagcheck out na ako sa motel na pinagbihisan ko at agad na pumara ng taxi matapos kong makalabas.
Sinabi ko naman sa driver kung saan niya ako dadalhin kaya naman nag-umpisa na siyang mag-drive.
....
Makalipas ang isang oras ay nakarating na ako sa pier na sinabi ko sa taxi driver.
"Magkano po?" Tanong ko sa driver.
"1,500 pesos po, mam." Sagot niya naman sakin.
Kinuha ko naman ang wallet ko at dumukot ng dalawang libo. Iniabot ko naman yun sa driver at nagpasalamat siya. Bumaba naman siya para kunin ang maleta ko na nasa compartment ng taxi niya.
Bumaba na rin ako sa taxi. Inilapit niya naman sakin ang maleta ko bago bumalik at pumasok sa taxi niya.
Kaagad naman akong lumakad patungo sa ticket booth para bumili ng ticket upang makasakay sa barko.
Matapos kong makabili ng ticket ay dumeretso na agad ako papunta sa daungan ng barko dahil kinse minutos na lang ay aalis na ang barko at ito na ang huling byahe kaya pinagmamadali na ang mga taong sasakay sa barko.
Pagkapasok ko sa barko ay itinuro ng isang staff kung saan ako mauupo. Tumango naman ako sa kanya kaya naman pumunta na ako sa pwesto na sinasabi niya sakin.
Naupo naman ako matapos kung mahanap ang pwesto ko. Mabuti na lang at sa dulong upuan ako kaya hindi ako masyadong mapapansin sa pwesto ko. Naka black mask, cap at jacket kasi ako, lahat ng suot ko ay kulay itim lahat pati na rin ang maleta na dala ko.
Wala bang mga kwarto dito na pwedeng pagpahingahan?
Tatlong araw pa naman ang byahe para makarating ako sa Mindanao dahil doon ako dadaan para makalabas ng Pilipinas.
Inaantok pa naman na ako dahil hindi rin naman ako nakapagpahinga kanina sa motel kung saan ako nag check in.
Tinawag ko naman ang isang staff ng barko na nagbabantay. Lumapit naman ito sakin kaya agad kong tinanong kung may mga kwarto ba ang barko na pwede i-avail at sinabi niyang meron kaya naman nag-avail agad ako.
Matapos kong magbayad sa mini cashier dito sa barko ay inaassist agad ako ng babaeng staff na tinawag ko kanina para dalhin ako sa kwarto na kinuha ko.
"Enjoy, mam." Ngiting sabi niya ng maihatid niya ako sa pinto ng kwarto na kinuha ko.
"Wait po, saan nga pala ako pwedeng umorder ng pagkain?" Tanong ko sa kanya.
"Maaari po kayong tumawag sa telepono meron po sa kwarto niyo yun." Ngiting sagot niya naman sakin kaya naman tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanya.
Tumalikod na siya at lumakad paalis kaya naman binuksan ko ang pinto gamit ang susi na ibinigay sakin. Pagpasok ko sa kwarto ay inilocked ko naman ang pinto at agad na nagtungo sa kama para mahiga at makapagpahinga.
Tinanggal ko naman ang cap, mask at jacket ko para matulog dahil antok na antok na talaga ako at sobrang pagod.
Ipinikit ko naman ang mga mata ko at hindi ko namalayan na...
..
Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko na nasa gilid lang ng unan ko. Kinuha ko naman yun at agad na sinagot ang tawag ng hindi man lang tinitingnan ang screen kung sino ang tumawag.
"Hello," inaantok na sabi ko matapos kong masagot ang tawag.
"Celine," nangunot naman ang noo ko matapos kong marinig ang boses ni Bea.
"B-Bea," tawag ko sa kanya.
"Nalaman namin ang nangyari sayo, pinatatanong ni ma'am Venice kung ok ka lang ba?" Nag-aalalang tonong tanong niyang sabi sakin.
"Yes, I'm alright, Bea, pakisabi kay Venice na don't worry about me." Sabi ko sa kanya.
"Hello, Celine." Dinig kong tawag sakin ni Venice, kilala ko kasi ang boses niya.
"Yes, Venice." Sagot ko kanya. Tumihaya naman ako sa paghiga mula sa pagkakadapa sa kama habang nakatakip ang braso ko sa mga mata ko.
"Tumawag si Zach sakin at sinabi niyang tawagan mo siya, sinabi niya sakin over the phone na nag-aalala siya tungkol sayo dahil nalaman niya ang nangyari sa inyo ng asawa mong si Dominic." Seryosong sabi niya kaya naman naimulat ko ang mga mata ko.
"Paano niyo nalaman ang tungkol samin ni Dominic?" Takang tanong ko sa kanya.
"Nasaan ka ba at bakit hindi mo alam na nagpa-presscon ang parents mo? sinabi nila na hiwalay na kayo ni Dominic." Mataray na sagot niya sakin.
"Ano?" Gulat na tanong ko sa kanya. "Alam na ng buong Pilipinas na hiwalay na kayo, hindi sinabi ng mga magulang mo ang rason kung bakit kayo naghiwalay, basta ang sabi lang nila ay si Dominic ang nakipaghiwalay sayo." Sagot niya kaya naman natigilan ako.
"I will call my parents, Venice. Thanks for the info." Sabi ko sa kanya at agad na ibinaba ang tawag.
Kaagad ko namang idinial ang number ni mama at dalawang ring lang ay sinagot niya na ang tawag ko.
"Hello, ma, nagpa-presscon daw kayo ni papa?" Bungad kong tanong na sabi sa kanya.
"Yes, anak para malaman ng lahat na wala na kayo ni Dominic, wag ka ng magalit para naman sayo yun e." Sagot ni mama sakin.
"Hindi naman ako galit pero sana hindi niyo na isinapubliko pa ang tungkol sa bagay na yun, ma." Seryosong sabi ko sa kanya, narinig ko naman na napabuntong hininga siya sa kabilang linya.
"Sorry na anak, ang totoo nyan ay ang papa mo ang may gusto no'n, pinilit niya lang ako." Sabi niya at natawa sa sinabi niya ng huli.
"Hays, sige na, mag-iingat na lang kayo ni papa dyan, ma, I will call you again kapag nakalabas na ako ng Pilipinas." Sabi ko kay mama.
"Oo anak, mag-iingat ka rin, I love you."
"Yes, ma, I love you."
"Sige na anak. Babye."
"Bye, ma."
Matapos ng usapan namin ay napatingin na lang ako sa kisame ng kwarto na tinutulugan ko dito sa barko.
Anong oras na ba?
Tiningnan ko naman ang wrist watch ko sa braso ko at ala-una na pala ng hapon.
Wait..
Ala-una na ng hapon?
Ibig sabihin ay ang haba ng naging tulog ko?
Binuksan ko ang screen ng cellphone ko para tingnan ang oras at anong araw na ngayon.
Thursday ako ng gabi umalis sa Manila then Sunday na ngayon. Wow! Anong tulog ba ang ginawa ko?
Natigilan naman ako sa pag-iisip ng may biglang kumatok sa pintuan kaya naman bumangon ako at isinuot ko naman ang mask ko na black para buksan ang pinto.
"Thanks god, mam, ang akala po namin ay napaano na kayo sa loob ng kwarto. Hindi po kasi kayo lumalabas ng kwarto kaya ang akala namin ay may masamang nangyari na po sayo." Ngiting bungad na sabi sakin ng isang staff na lalaki.
"Ah, ganon ba? Napagod kasi ako ng sobra kaya ilang araw akong tulog, pasensya na at pinag-alala ko kayo." Sagot ko sa kanila.
"Walang anuman po, mam. Ireremind ko lang din po na malapit na tayo sa daungan ng barko." Sabi niya pa kaya naman tumango na lang ako bilang sumagot. "Sige po, mam, aalis na po kami." Pagpapa-alam niya at tumalikod na sila para lumakad paalis.
Isinara ko ulit ang pinto ng kwarto at 'agad na pumasok sa banyo para gawin ang rituals ko kapag bagong gising.
Matapos kong gawin ang rituals ko at nakapagbihis na rin ako ng ibang damit ay lumabas na ako ng kwarto. Isinauli ko naman sa cashier ang susi ng kwarto na tinuluyan ko at nagtungo sa upuan kung saan ako naupo nung araw na sumakay ako dito bago ako mapunta sa kwarto.
Makalipas ang kalahating oras na pag-upo ay nag-announce naman ang isang deck crew na iaayos lang nila ang pagdaong ng barko sa daungan para makababa ng safety ang mga pasahero nila.
....
Nakababa na rin ako ng barko at agad na nilanghap ang sariwang hangin. Matapos non ay lumakad na ako palabas ng daungan para maghanap ng makakainan dahil ngayon ko lang naramdaman ang gutom.
Pagkalabas ko ay agad akong nakakita ng isang fast food chain, nagtungo naman agad ako doon para kumain.
Pagkapasok ko ay walang ga'nong tao kaya naman agad akong lumakad sa order line at umorder ng kakainin ko.
Sinabi ko naman sa crew ang order ko at binayaran yun. Sinabi ko rin sa kanya na kung pwede ay ihatid na lang sa table kung saan ako uupo dahil may dalawa akong maleta, ngumiti at tumango naman ang crew.
Naghanap naman ako ng vacant table sa medyo sulok para walang makapansin sakin na kahit sino dahil magtatanggal ako ng mask mamaya baka kasi makilala ako ng mga tao.
Kaagad akong naupo ng makahanap ako ng vacant table na medyo tago. Kinalikot ko naman ang cellphone habang naghihintay sa order ko.
"Number 56 po, here is your order, mam." Ngiting sabi ng crew sakin at inilapag na ang mga inorder ko sa table.
"Thank you," pasalamat ko sa kanya at inabutan siya ng tip.
"Thank you, mam, enjoy your meal." Ngiting sabi niya at umalis na matapos mailapag ang mga pagkain na inorder ko.
Ibinaba ko naman ang mask ko at agad na kumain ng fries at uminom ng coke float.
Nagsimula na akong kumain ng may rice dahil gutom na gutom na talaga ako. Nasa kalagitnaan na ako ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino dahil unregistered number. Sinagot ko naman ang tawag at pinakinggan na muna ang boses ng nasa kabilang linya.
"Celine," tawag niya sa pangalan ko.
Lalaki ang tumawag sakin pero hindi siya kaboses ni Dominic. Teka! Parang kilala ko ang boses nito.
"Zach?" Tanong na tawag ko sa kanya.
"Yes I am." Sagot niya naman kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako ng sobra, ang akala ko kasi ay si Dominic na ang tumawag.
Saka na ako magpapalit ng number kapag nakalabas na ako ng Pilipinas. Ang hirap ng ganitong sitwasyon dinaig ko pa ang isang kriminal na nagtatago.
"I know what happen between you and your husband," sabi ni Zach sakin kaya naman nabilaukan ako. Kinuha ko agad ang coke float at nag-sip. "Are you alright?" Nag-aalalang tanong niya.
"Yeah, I was just eating." Sagot ko sa kanya.
"By the way, Venice informed me that you're leaving the country."
"Yes, but I'll enter through the Philippines' back door so my ex-husband won't know where I'm heading,"
"You're heading to Malaysia, right?"
"Yeah."
"Come to Canada, Celine, and accept my business proposition; I promise you, it will be a terrific chance for you."
"Okay, I'll accept your offer."
"Really? Then I'll see you here, and I'll inform Venice that you've already accepted my unique offer."
"All right, I'll contact you as soon as I get back from Malaysia; today is also my trip there; I just ate and relaxed for a little before taking another boat through Malaysia."
"All right, good luck on your journey."
"Thank you, Zach," sabi ko.
"No worries, bye."
"Okay, bye."
Ibinaba ko na ang tawag at inilipag ulit ang cellphone ko sa lamesa para kumain ulit. Nabitin ako sa pagkain dahil sa pag-uusap namin ni Zach.
Now, I choose my career better than love. Moving away will change the person that having a love pain. So moving away, then, means you're prioritizing your career over the love, which isn't a bad thing.

Komento sa Aklat (111)

  • avatar
    Jean Calabria Supas

    Highly recommended ❤️

    21/04/2022

      1
  • avatar
    Jhanela Khate Serrana

    ang ganda

    29/11

      0
  • avatar
    Mivrix Francisco

    goods

    29/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata