Homepage/My Fictional Characte Exist In My World/
39
Sa ilang araw ay hindi ko maiwasang umiyak dahil sa pangungulila ko sa aking anak. pinanatili kong matatag ang sarili ko dahil ayaw kong makita nila akong bigong-bigo at walang nagagawa sa pagka-wala ni laurella.
Si niro naman ay gabi na kong umuuwi minsan nga ay dalawang araw bago umuwi dahil sa pag-hahanap sa anak namin.
sobrang tagal ng katapusan ng buwan para hintayin ko/namin. baka ano na ang ginagawa ng halimaw sa anak ko. nakakakain ba siya ng mabuti o pinapa-kain nga ba siya. natutulog ba siya sa maayos na higaan o sa malamig na sahig ba siya natutulog.
Ang katawan ni laurella ay inilagay namin sa secret garden kong saan naroroon din ang katawan ko.
Ngayong araw ay sobrang tahimik ng palasyo. si niro ay isinama ang mga kawal na maghanap. ang iba naman ay hindi ko alam kong nasaan.
Nakasalubong ko ang may hawak-hawak na mga tinuping damit nasi carol.
"magandang umaga, mahal na prinsesa" Naka-yuko nitong sabi.
"nasaan sila?"
"ang kamahalan po ay umalis at ang iyong asawa ay umalis rin"
"sina jenaya at ang iba?"
"paumanhin, ngunit, hindi ko po alam kong nasaan"
Tumango ako at Umalis na ito sa harapan ko.
Tumongo ako sa library, ang napakalawak na library na nakita kosa boong buhay ko. nagtungo ako sa table at nakalagay roon ang isang makapal na libro. ang desinyo nito ay puro pulang rosas sa gitna ay naka-sulat ang 'familia'
Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang history ng pamilyang acoste. napa-ngiti ako sino kaya ang nagsulat nito? maging ang sanggol pa si niro ay naka-sulat din dito.
May naka-sulat pa nga na tumatakbo si niro sa mahabang hallway habang naka-diaper lang. napa-hagikhik ako.
Minsan ay natatawa ako sa mga nababasa. karamihan kasi ay puro kay niro, sa kakulitan nito.
Tinupi ko ang katapusang pahina ng libro. may parang envelope roon na naka-dikit. may maliit na rosas iyon sa gitna na nagsisimbulong lock nito.
Hinaplos ko iyon, ang rosas ay lanta na. siguro, matagal na itong naka-lagay roon.
Dahil sa kuryusidad ay binuksan ko ang envelope. nakita ko ang naka-tuping papel tyaka iyon kinuha.
Binasa ko iyon at nan-nginig ang kamay ko sa nabasa. ito ang papel, ito ang sulosyun kong paano mahanap ang nawawala at ito rin ang sulosyun kong paano ang patay ay mabubuhay muli.
Dumaan ang gabi. nagsibalik na ang lahat maging si niro.
Walang imik kaming lahat na kumakain. nawala na ang saya dahil sa mga nangyari. maski ako ay hindi ko kailangan kong wala ang aking bibo at masayahing anak.
Walang imik akong umalis sa hapag-kainan ng matapos ako kumain. alam kong lahat sila ay naka-sunod ng tingin sa pag-alis ko.
Pagka-higa ko ay siya namang pag-pasok ni niro sa loob. tinungo niya ang banyo, hindi pa ako nakaka-lalim ng antok nang may humaplos sa bewang ko at hinalikan ako sa noo.
"mahal..." rinig ko ang bariton at mahina niyang boses.
Mas lalo siyang nag-sumiksik sa akin.
"na-miss kita" sunod niyang sabi. "gagawin ko ang lahat para mahanap muli natin siya, magtiwala ka lang..."
Kinabukasan ay naabutan kong wala nasi niro pag-gising ko. maag-isa akong nag-agahan dahil wala sina calsifer at selvania si jenaya naman ay umuwi muna sa palasyo nila.
Muli kong binasa sa library ang papel. naka-saad roon na kailangang mag-alay ng sariling dugo sa salamin habang naka-harap dito ng madaling araw.
May lalabas doong dyablo at hahatakin ka nito papunta sa lugar ng halimaw. ngunit ang mga gumagawa roon ay mga may dugong bampira lang. katulad ni niro.
Napasa-bunot ako ng buhok. eh hindi ako bampira. wala akong dugong bampira. anak ako ng witch. ang pinaka-malakas na witch sa mundong ito.
Lumapit ako sa veranda ng library. binuksan ko iyon at nakita sa may harden si wisp. ang aking wisp. kumonot ang aking noo ng may mapag-tanto.
---
"ngunit delikado itong iyong gagawin, mahal na prinsesa!"
Umiling-iling ako bago pumikit
"wala nang ibang paraan, ayokong maghintay sa katapusan nitong buwan, ayoko."
Kitang-kita ko sa mukha ni wisp ang pag-aalala. alam kong ayaw niya ang gagawin ko. dahil delikado.
"wisp, pagbigyan mo na ako, ayokong maghintay, mamamatay ako kung patagalin ko pang hindi makabalik ang anak ko, miss na miss ko na siya"
"pero, prinsesa..."
Tumingin ako sa kaniya ng may pag-mamakaawa.
pumikit ito bago mag-iwas ng tingin.
"buhay ang kapalit kapag gawin mo ito"
"wala akong pake-alam, maligtas lang ang anak ko. maayos na ako" hinawakan ko ang kaniyang kamay. "pagbigyan mo na ako, sa buong buhay ko ngayon lang ako hihiling sa'yo, bilang wisp ko inuutusan kita na sundin ang aking gusto"
Nanlaki ang mata niya bago siya yumuko.
"m-masusunod"
Sumapit muli ang gabi. panibagong katahimikan nanaman sa bawat sulok ng hapag-kainan. walang nagtatangkang mag-salita. lahat ay tahimik na animoy may paparating.
Kinabukasan ay wala nanaman si niro sa pag-gising ko. naligo ako at inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto.
Nabungaran ko kaagad sa labas ng pinto ang aking wisp.
"ako ang mag-sisilbing daan ninyo, mahal na prinsesa"
Sinoot ko ang kulay brown na cloak pagka-labas namin nang palasyo. kailangan ko pang mag-sinungaling sa taga-bantay upang maka-labas pa ako. hindi gusto ni niro na lumabas ako dahil hindi pa maganda ang sitwasyon ng palasyo at baka ako ay madamay.
Pag-dating sa bayan ay nagsisitinginan at nag-bubulongan ang mga taong nakaka-kita sa akin. naka-sunod sa akin ang daan o higit pang mga kawal.
Naiinis ako dahil hindi namin mapupuntahan ni wisp ang buroka kong may mga kawal na naka-sunod.
"mahal na prinsesa ,magpanggap po kayong sumasakit ang tiyan upang maka-alis tayo kaagad" bulong nito.
"ha?" kumunot ang aking noo. Eh hindi ko naman alam komg saan ang palikuran dito.
"sa likod nitong kainan ay may banyo at sa likod nang banyo ay may daan papunta sa mga bahay ng mga tao, diyan po kayo dumaan at susunod ako. lilikutin ko ang mga isipan nila"
Sa sinabe niya ay tumamgo kaagad ako.
Aakmang aalis na ako nang harangin ako nang mga kawal.
"mawalang galang na po, mahal na reyna, ngunit ang sabi ng prinsesa ay hindi kayo lalampas patungo sa kagubatan"
Palihim akong umirap bago matamis na ngumiti sa kaniya. "hindi ako pupuntang gubat, diyan lang ako sa palikuran ng kainan. bakit? sasama ka parin ba?"
Umiwas ito ng tingin. Nag-cross arm ako bago tumingin sa lahat ng kawal.
"bakit sasama kayo? tatae ako" nagsi-iwas ng tingin ang mga ito
"paumanhin po, mahal na prinsesa" nakayukong sabi ng kawal.
Umirap ako bago umalis sa harapan nilang lahat.
Sinunod ko ang sinabe ni wisp. sa likod nga nang banyo ay may daan papunta sa eskinita ng mga bahay ng mga tao. maliit lang ang labasamg iyon ngunit ay kasya ako.
Dahil sa laki nang aking damit ay hindi ako nakaka-pasok ng maigi. napa-singhap ako nang mapunit sa may bandang legs, pero ayos lang dahil may soot naman akong shorts.
Kada bahay ay tagpi-tagping mga kahoy. oo mahirap lang sila ngunit mayaman naman sila sa mga pangangailangan nila araw-araw. hindi kasi sila pinababayaan ng pamilyang acoste.
Ang bayan ko kaya, kumusta na? ang bayang aryasis kong saan nakatira ang aking mga magulang buhay pa ba sila? hinahanap ba nila ako?
Walang kahit sinong tao akong nakakasalubong ko dahil halos lahat ay nasa bayan.
Pagka-liko ko sa daan ay sumalubong sa akin si wisp.
"mahal na prinsesa! bilisan natin, alam na nang mga kawal na umalis tayo!"
Nagulat naman ako sa kaniyang sinabe. mabilis kaming tumakbo. hawak-hawak ko ang aking mahabang damit dahil hindi ako nakakatakbo nang mabilis dahil sa laki at bigat nito.
"hindi ko alam pero lilinlangin ko na dapat sila ngunit nalaman nila kaagad kaya wala akong nagawa at tumakbo nalang!"
Lumiko kami at lumabas sa kagubatan. dahil umaga pa kaya kitang-kita namin ang aming tinatakbuhan.
"bilis mahal na prinsesa!" natatarantang sabi ni wisp.
Ang bilis niyang tumakbo kahit matanda na siya siguro ay buhay pa ang katawang lupa niya. at maibabalik iyon kapag na-alala ko na siya.
Sa malaking bato kami nagtago. huminga ako nang malalim dahil sa kakatakbo.
"hanapin ang prinsesa!"
Rinig namin sa hindi kalayuan.
"paano na?" tumingin ako kay wisp.
"Narito na po tayo"
Kumonot ang aking noo. Hinimas niya ang malaking bato na aming pinagtataguan. May mga guhit roon. bilog na guhit at sa gitna ay may nakaguhit na bituwin.
"narito na tayo sa diyablong nagmamahika"
Bumukas iyon at nauna nang pumasok si wisp. tumingin siya sa akin na nagpapahiwatig na ayos lang. sumunod ako at napalingon dahil nagsara ang bato.
Mahabang pasilyo ang sumalubong sa amin. kada-nadadaanan namin ay puro mga estatwa nang mga demonyo.
Sa di kalayuan ay bumungad sa akin ang itim na pinto. hinawakan ni jenaya ang handle ng pinto. hindi niya pa ito binuksan nang tumingin siya sa akin.
"sigurado ka na ba, mahal na prinsesa?"
Lumunok ako at nag-iwas nang tingin.
"dahil ang mga pumapasok rito ay hindi na maaring mag-bago ang desisyon. kapag pumasok ka dito, buo na ang iyong desisyon...."
"s-sigurado na ako" pabulong kong sabi..
"mag-iingat ka"
Dahan-dahn niyang binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang kadiliman.
Narrator POV
Iyak ng iyak ang batang si laurella habang naka-upo sa sulok sa kaharian nng demonyo. masamang naka-titig ang demonyo sa kaniya habang may hawak itong kopeta.
Rindi na rindi na siya sa iyak nito. galit niyang ibinato ang kopeta sa harapan ng bata kaya mas lalo itong umiyak.
"AaaaHhhhh!!!!" galit niyang sigaw tyaka tumayo. "rindi na rindi na 'ko sa boses mo!!! bwesit ka!!"
Takot ang romehistro sa mukha nang bata dahil galit na lumapit sa kaniya ang dyablo. mariin siya nitong hinawakan sa braso at marahas na itinayo.
"hindi na ako makapag-hintay na patayin ka!!!"
"mama at papa ililigtas ako nila huhuhu"
Tumawa ito. "ilang araw na, sa tingin mo hinahanap ka ba talaga nila?" mas mariin nitong pinisil ang braso ng bata. napa-aray ito at napa-iyak. "papatayin na kita..."
Kinaladkad siya nito sa gitna. nagsidatingan naman ang mga naka-itim na dyablo, may hawak itong crucifix sa kamay at pinalibutan ang bata.
Umupo sa trono ang dyablo.
"makapangyarihan ang batang iyan, ang iyong gintong buhok ay naghahatid nang pang-walang haggang buhay at iyon ang nais ko" ngumiti ito. "patayin siya!"
Sabay-sabay na nagsibanggit ng dasal ang mga nagpaka-itim na dyablo.
Hindi pa nakakalahati ang pag-sasagawa ng orasyon ay nagsitalsikan ang mga dyablo. ang iba ay umubo ng dugo dahil sa maka-pangyarihang iyon.
Nanmilig ang mga mata ng dyablo at padabog na tumayo.
"anong―!"
"MAMA!"
Sa pinto ay may naka-tayong pigura nang babae. puting-puti ang buhok nito at ang kaliwang mata nito ay pulang-pula, sa kanan naman ay itim. may mga guhit rin ito sa kaliwang pisngi at sa kamay. para itong mabangis na hayop habang mariing naka-tingin sa nilalang na tinatawag na leneira.
✔︎ZNI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
🌟🌟🌟🌟🌟
20/08
0perfect
16/07/2024
0perfectly
11/05/2024
0Tingnan Lahat