36

Naghahanda ang lahat sa paparating na pagdiriwang na magaganap. kaarawan ng isang batang prinsesa na si Laurella Acoste. masayang-masaya at balisa ang lahat sa mga ginagawa.
Naglalagay ng dekorasyon dito, naglalagay ng palamuti roon.
May mga nagluluto, nag-aayos ng upuan at mesa.
Mamayang gabi ito magsisimula. Sobrang saya ng lahat lalo na ang batang si laurella.
Marahang sinusuklay ni hannah ang buhok ng anak habang silang dalawa ay nakaharap sa kulay dilaw na salamin.
"mama! hindi na ako makapaghintay mamaya!" masayang sabi nito bago pumalakpak.
Natawa si hannah.
"maging ako rin, anak ko" nakangiting aniya habang marahang sinusuklay nito ang kulay kayumanggi'ng buhok ng anak.
Matapos niyang suklayan ang anak ay tinali na niya ang buhok nito, pagkatapos ay humarap ito sa kaniya.
"kahit wala na po kayong regalo sa akin, masaya na po ako"
Ngumiti siya at hinaplos ang mukha nito.
"ang bait-bait mo talagang bata, pero hindi sasabihin ni mama kong may surpresa ba siya o wala"
Napahagikhik ito. "hindi nalang po ako magtatanong" natawa naman siya.
Narinig nilang bumukas ang kwarto at pumasok roon si niro. ngumiti ito ng makita sila. may hawak-hawak itong maliit at malaking bouquet ng bulaklak at ito ay kulay pula.
Lumapit ito sa kanila, hinalikan nito ang noo at pisngi ni laurella.
"happy birthday, princess" ibinigay nito ang maliit na bulaklak kay laurella. "daddy has a lot of surprise to you later, come downstairs. lola is looking for you"
"salamat po papa!" patakbo naman itong lumabas ng kwarto
"laurella, dahan-dahan" pahabol na sabi ni hannah.
Clumsy pa naman ang anak niya. katulad niya.
"kasama ko po si, wisp!" sigaw nito
Huminga siya ng malalim. bago tumingin kay niro na kanina pa pala nakatingin sa kaniya. ngumiti ito at tiyaka inilapit ang mga labi sa noo niya at tiyaka siya nito hinalikan.
"mas maganda ka pa sa umaga, mahal ko" bolong nito na nagpakilig sa boong sestima niya.
Ang aga-aga eh, nilalandi siya ng asawa.
"bulaklak, para sayo. mahal ko" ibinigay nito ang bouquet ng bulaklak sa kaniya.
Kinuha niya naman iyon. "s-salamat"
"why?"
Kumonot ang noo niya. "ha?"
"why? bakit? nahihiya ka parin sa akin?" lumuhod ito sa harapan niya. "no need to be shy, im your husband, we share the problem and love that we have, wala na dapat ang kaba, hannah"
Umiwas siya ng tingin. "wala pa kasi akong ma-alala"
"I know" tumingin ito sa mata niya. "at ibabalik natin iyon, ma-aalala mo rin ako, lahat-lahat...ngayon" Nakangiti nitong sabi.
Inaamin niya na namimiss niya ito dahil ilang araw utong wala sa palasyo dahil sa mga ginagawa sa bayan.
"kailan ka pala bumalik?"
Tumawa ito ng mahina."namimiss na ako kaagad ng aking mahal na asawa?"
Ngumuso siya. masama ba? normal lang naman na mag-tanong siya dahil mahal niya rin ito at asawa niya pa ito.
"kanina lang, hindi na nga ako makapag-hinaty na makita at mayakap ko kayo lalo kana..."lumuhod ito sa harapan niya at hinawakan ang kanyang kamay.
"hannah..."
may inilabas itong kukay itim na box na mayroong laso na kulay pula.
"n-niro..."
Binuksan ito ni niro sa harapan niya at bumungad sa kaniya ang kulay pilak na singsing at kulay ubeng diamond sa gitna.
"ayoko ng maghintay pa, ayoko ng patagalin pa. hannah, do you accept me as your husband
for better and for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part?"
Nanginginig ang mga labi ni hannah. kahit hindi siya tanungin ng asawa ay alam na niya ang isasagot.
Mabilis niyang yinakap ito at napasobsob siya sa dibdib nito.
"yes! yes niro! I do! I do!..." naiiyak niyang sabi.
Yinakap naman siya pabalik ng asawa. "wala ka ng dapat ikabahala pa, dahil oo rin ang isasagot ko" hinalikan siya nito sa noo. "pagkatapos ng lahat, ay magpapakasal muli tayo"
Sobrang saya ko. ang saya-saya ko...
---
Hannah POV
"hello!"
Napatigil ako sa pag-lalasap ng sariwang hangin dito sa harden at napalingon sa nagsalita.
"wisp" gulat at masaya kong sabi.
Lumipad ito patungo sa akin at umupo sa gilid ko.
Yumuko ito na parang nahihiya.
"wisp...?"
Sumilip ito sa akin.
"bakit? may problema ka ba?" takang tanong ko.
Noon ang wisp na kaharap ko ay masayahin at palaging may baon na kwento sa akin. ngayon naman ay ang wisp na katabi ko ay. nahihiya?
"wisp?"
"nahihiya kasi ako sa'yo, mahal na prinsesa"
Ngumiti ako. "bakit?"
Lumipad ito sa harapan ko.
"patawad dahil hindi ko sinabe sa'yo ang totoo noong una palang si prinsipe niro ang nais kong magsabi sa inyo para kayo ay malinawan lahat" mabilis na sabi nito.
Natawa naman ako at sinenyasan siyang, umupo sa mga palad ko.
"sa tingin mo, galit ako sayo?"
Tumango siya habang naka-yuko.
"wisp?, tumingin ka sa akin"
Tumingin naman ito sa akin.
"bakit naman ako magagalit sa isang katulad mo? ni kahit isang maliit na kulo ng dugo sa katawan ko, ay. wala akong nararamdama'ng galit ng dahil sa ginawa mo noon, magpapasalamat ako dahil nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko"
Umiwas ito ng tingin sa akin.
"s-salamat po, mahal na prinsesa"
Tumawa ako. hindi ko namalayang humihikbi na pala siya.
"tunay na kaibigan?" tanong ko. inilahad ko ang hintotoro'ng daliri sa harapan niya.
Mas lalo siyang naiyak.
"kaibigan!" sabi niya sa gitna ng iyak. kinusot ang mga mata at tyaka nakipag-kamayan sa akin.
---
NarratorPOV
Marami ang mga taong nagsidatingan sa kaarawang gaganapin sa palasyo ng ostara ngayong gabi. mga indibedwal o kahit man mga mayayaman ay imbitado sa nalalapit na kasiyahan.
Ang iba ay namamangha sa ganda, laki at lawak ng palasyo. ang lahat ay nag-aabang sa gaganaping anunsyo ng reyna at hari.
May isang nilalang ang masamang nakatingin sa palasyo ng ostara. naka-sakay siya sa isang itim na kalesa.
Huminto ang kalesa sa tapat ng tarangkahan ng palasyo dahil hinarang sila ng mga kawal.
"embitasyon?" tanong ng kawal.
Alam niyang wala siya kahit isa non. dahil hindi naman siya kaano-ano ng mga taga-palasyo.
Lumingon sa kaniya ang kaniyang gwardya. tumango siya dito na ang ibig sabihin ay gilitan na ito ng buhay.
Ngumisi ito sa kaniya bago bumaling sa kawal.
Napa-hawak ang kawal sa leeg nito dahil mabilis lang namang itinarak ng gwardya ang maliit na espada dito.
MALAKI ANG kanyang ngisi habang naglalakad sa hallway ng entrance ng palasyo. walang pumipigil sa kaniya dahil pinatay lang naman niya ang mga kawal na pumipigil sa kaniya.
Isang malaking ngisi ang umukit sa kaniyang mga labi bago siya nagpalit ng anyo.
---
Narinig ni hannah na may kumatok sa kwarto. tapos na siyang mag-ayos at ilang minuto nalang ang hihintayin bago magsimula ang kaarawan.
Binuksan niya ito at bumungad sa kaniya ang nakangiting si niro.
Yumakap ito sa kaniya pagka-pasok at yumakap rin siya pabalik.
"tapos kana? magsisimula na ang pagdiriwang"
Tumango siya.
"si laurella?"
"nasa ibaba na, kasama sina calsifer"
Napag-pasyahan ng nilang bumaba. Pagkababa nila ay nakita nila ang hari at reyna sa gitna na nag-aanunsyo.
Nakita rin ni hannah na narito ang mga magulang ni jenaya. narito rin lahat ng kaniyang mga kaibigan. maliban lang kay jenaya. kumunot ang noo niya. saan kaya nagpunta ang kaibigan?
"Nagpapasamat kaming lahat sa inyo, sa pagdalo ng isang pagdiriwang na ngayon at ngayon lang namin. natin, masisilayan at meroon kaming anunsyong dapat malaman ng lahat..." nakangiting sabi ng reyna. "alam kong, matagal na kayong nasasabik na mayakap siya..."
Nagsibulungan naman ang mga tao, ang iba naman ay kumunot ang noo.
"nais kong ipakilala sa inyo, ang aking nag-iisang anak. si prinsipe Niro Acoste"
Nagsipalakpakan naman ang mga tao, hindi maalis sa mga mata ng mga binibini ang angking taglay ng kagwapuhan ng isang prinsipe.
Ngumiti si hannah at pumalakpak sa asawa. tumingin ito sa kaniya at hinalikan ang kaniyang mga kamay na hawak nito.
"sumunod ka, pagkatapos" bulong na sabi nito.
Ngumiti siya at tumango bago nito bitawan ang kanyang kamay.
Naglakad ito papunta sa mga magulang at hinalikan ang ina sa pisngi at yumakap sa ama.
"Everyone...." Katahimikan ang bumalot sa buong palasyo sa pagsalita ng prinsipe. "maraming salamat sa pagdalo sa isang kaarawan na ngayon lang mangyayari sa halos dalampo't taong paghihintay, masaya ako. dahil nangyari din ang ganitong pagdiriwang na gustong-gusto kong mangyari sa buong buhay ko. alam kong, magtataka kayo kung sino ang magdiriwang ngayong gabe..." pumikit si niro at ngumiti. "ang aking anak, nasi Laurella"
Nag-bulongan muli ang mga tao dahil sa hindi makapaniwala sa sinabe ng prinsipe. na may anak na ito.
May matinis na boses naman ang tumatakbo sa gitna papunta sa dereksyon ni niro. soot nito ang kulay dilaw na gown ng prinsesa, naka-laso ang buhok nito at may maliit na korona sa ulo nito.
Lumuhod si niro bago siya salubungin ng yakap ng isang maliit na nilalang.
"PAPA!"
Napangiti si niro bago binuhat ang anak.
"Everyone, this is my long lost child, Laurella"
"Hello po!" kumaway si laurella sa mga taong naroroon.
Natawa naman ang mga tao sa kabibuhaj nito. marami ang natuwa, marami rin ang nang-hinayang dahil wala na pala silang pag-asa pa sa prinsipe. may anak na pala ito at gayong may asawa rin ito.
Lumapit ang isang matandang babae kay niro. hinarang ito ng mga kawal ngunit pinigilan ito ni niro.
Ang matanda ay walang kahit anong ayos ang mukha. punit-punit at madumi ang soot nito habang may hawak na basket. mahahaba ang mga koko nito.
"k-kung m-may anak ang p-prinsipe, i-ibig sabihin may asawa na s-siya..."
Napangiti si niro sa turan ng matanda.
"yes, and she's here right now..." niro paused. "infront and watching us"
May kawal na maotoridad na nagsalita sa itaas sa gilid ng hagdan.
"Lahat ay magbigay galang sa pagbabalik ng prinsesa ng palasyong Aryasis!" yumuko ito pagkatapos.
Napatingin naman ang lahat sa itaas. ang iba ay nagulat at nag-bulong-bulangan sa natuklasan.
Dahan-dahang bumababa si Hannah sa gitna ng hagdan ng palasyo. marami ang pumapasok sa isip niya. baka matapilok siya at pagtawanan siya ng mga tao. pilit siyang ngumiti kahit na hindi niya gaanong kilala ang mga taong naroroon.
Pagkababa niya ay sinalubong siya ni niro, hinawakan nito ang kanyang kamay upang alalayan siyang bumaba.
"Everyone, this is my wife. Hannah fleya Ferrira- Acoste..." ani niro.
May ibang naluluha dahil kilala nila ang prinsesa. may iba ring nagtataka at ang iba ay nagbubulong-bulangan.
"ikaw ang prinsesa'ng hannah? na nawala at pinaslang ng mga dyablo?"
Tanong ng isa.
"Oo, ikaw nga ba iyon? Mahal na prinsesa?"
Dumami ang nagtanong kaya napahawak si hannah sa braso ni niro.
"Silence!" agap ng reyna. "tinatakot niyo ang prinsesa!" inis na sabi ng reyna. "para sa mga hinaing ninyo, wala siya ma-alala..." napa-singhap ang lahat. "kaya wala siyang maisasagot sa inyo, Oscar?"
"Kamahalan?"
"Pagtugtogin ang musika at simulan ang kaarawan ng aking, apo"
Kaya nag-simula na ang selebrasyon. ang mga tao ay nagsibalikan sa kanilang sari-sariling mundo. may nagkakainan, nag-uusap at tawanan.
"ayos ka lang?"
"oo" mahinang sabi ni hannah kay niro.
"Mama! mama! nais ko na pong buksan ang aking mga regalo" masayang sabi nito.
"oh no, you need to eat first, young lady bago ka mag-bukas ng mga regalo mo" ani niro
"pero―"
"Laurella, anak. tama ang sinabe ng iyong papa, dapat may laman muna ang tiyan mo, bago mo simulang mag-saya ngayong kaarawan mo"
"owkay po, kain na po tayo mama!"
Hinawakan ni Laurella ang kamay ng mama niya.
"si papa? hindi aayain ni laurella?" naka-ngusong ani niro. natawa naman si hannah.
"tara na po! mama! papa!" at sabay silang naglakad sa mesa na punong-puno ng pagkain.
SA KABILANG banda, masamang naka-tingin ang isang bisita sa pamilyang Acoste. hindi na siya maka-paghintay na matapos ang gabing ito na mapa-sakanya muli ang prinsesa ng Aryasis.
✔︎ZN
Hi! You can follow and send me a message on instagram about the update and questions! Thank-you!♡
IG: 01cch

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    CheiaCabildo

    🌟🌟🌟🌟🌟

    20/08

      0
  • avatar
    Althea

    perfect

    16/07/2024

      0
  • avatar
    Ho Ney

    perfectly

    11/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata