Trae Yexelle POV " Sariiiii " rinig kong sigaw ni Vi na tumatakbo papalapit kay Sari na kapapasok lang ng gate. Niyakap niya ito, di halatang namiss niya ng sobra. Halatang namayat si Sari dahil sa pagkakasakit niya ng almost a week din. Hindi ko manlang siya nadalaw ni minsan dahil minamadali kong tapusin ang guitar lesson para after non ay maayos ko naman yung sa amin ni Sari. Nakikiupdate na lang ako kay Vi, may pasermon pa siya. Last day ngayon ng guitar lesson namin ni Adrielle. Finally, tapos na at makukuha ko na din yung matagal kong inaasam na opportunity. Plus invited pa kami sa kasal ng mom niya. " Bro, di mo manlang ba namiss si Sari? " Tanong ni Kurt sa akin. Malamang sobrang miss ko na yan, kaso baka mas lalong galit yan at di ko manlang nabisita. Although alam naman ng lolo at lola niya ang dahilan kung bakit. " Kahit sino naman ah mamimiss, kung ako nga na almost one week na di ko nakakausap bf ko eh namimiss ko siya pa kaya? " sagot ni Adrielle na nasa likod ko. " Oh bat ganyan mga reaction niyo? Deh kayo naniniwala na may bf ako? " Sagot nito sa amin na halatang nagulat sa sinabi niya. May bf pala ito, parang di lang halata na meron. " Akala namin tomby ka " pabirong sagot ni Kurt sa kanya. Closed na sila ni Kurt since nung nagexplain din ako sa kanya. " Grabe kayo sa akin ha! " saka umirap sa amin. Tinawanan lang namin siya. Tinuring na namin siyang little sister dahil nga sa pinsan siya ni Gab at closed na din kami sa isat isa. Bigla kaming natahimik ng dumaan sa tabi namin sina Vi at Sari. Parang hangin lang kami na dinaanan niya. Ni hindi manlang siya lumingon sa amin. " Galit parin ba siya? " Tanong ni Adrielle sa akin. Napakibit balikat ako, nauna akong naglakad papuntang building namin. Miss na miss na kita Sari, hindi ko alam kung bakit lumaki ang away natin. Hindi ko alam kung bakit tayo umabot sa ganito. " Kuya Trae! " Hingal na hingal itong tumatakbo at hinahabol ako. Oo nga pala may last practice pa kami ngayon. Hindi niya namamalayan na may naapakan siyang bato at natalisod ito. Tumakbo ako para saluhin siya. Hawak ko ang bewang niya para hindi siya bumagsak sa lupa, ang lapit ng mukha namin sa isat isa at ang kamay niya ay nakahawak sa dibdib ko. Napatingin ako sa paligid, nakita ko sa di kalayuan si Sari na nakatayo at nakatingin sa amin. Tumalikod ito at naglakad papalayo sa amin. " Okay ka lang? " Inalalayan ko siya para makatayo ng maayos. Nakita niya ang worried kong mukha. " Kuya, habulin mo na siya. Okay lang ako " Dali dali akong tumakbo para hanapin kung saan nagpunta si Sari. Nagpunta ako sa room nila pero wala siya roon. " Oh akala ko kasama mo si Sari? " Lumapit sa akin si Vivianne na nagtataka. " Hindi " " Oh my gash! Dont tell me may nakita na naman siyang di kaaya aya ano? " Napakamot ako sa batok saka tumango. " Engot ka talaga Trae! Hinahanap ka nga niya kanina eh, kakausapin ka na niya and she is going to apologize! Gago ka ba! " Kaya ba siya nandoon dahil pupuntahan niya ako? And then nakita niya kami ni Adrielle? " This time bahala ka na sa buhay mo! Engot! " Saka siya nagwalkout. Ako naman ay tumakbo papalayo para hanapin siya. Pinuntahan ko ang cafeteria baka nandoon lang siya pero wala akong nakitang Sari. Pinuntahan ko din ang mga pinagtatambayan niyang mga lugar ngunit wala din siya doon. Biglang tumunog ang cellphone ko, dali dali ko itong kinuha sa bulsa ko, sa pag aakalang si Sari iyon. Pero hindi, " Hoi Trae, bilisan mong hanapin si Sari baka mamaya makita nalang na naman siyang nakahandusay sa lupa. Lahat na ng kaengotan sinalo mo! Nagrerecover pa lang yun! " Sigaw sa akin ni Vi, kahit sa tawag di siya tumitigil kakasermon sa akin. Trinay kong tawagan ang cellphone ni Sari, nagriring lang ito. Paulit ulit kong tinawagan pero hindi niya ito sinasagot. Mas lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa napadpad ako sa likod ng school. May isang puno doon na sobrang laki sa pagkakaalam ko ay bangin na sa parteng iyon ng puno. Out of curiousity ay naglakad ako papalapit sa punong iyon. Habang papalapit ako ng papalapit ay may nakikita akong isang nakaupo sa may bato. Nakatingin ito sa malayo. Inaaninag ko din kung sino ang taong iyon. Iisa lang ang nasa isip ko kung sino iyon, siya lang naman ang estudyanteng laging gusto na mapag isa, hindi natatakot na may mangyari sa kanya. Naglakad ako papalapit sa kanya. Hindi ako nagkakamalo, siya nga ang taong iyon. Nang makalapit ako ay dahan dahan akong naupo sa tabing bato ng inuupuan niya. " Ang daming naghahanap sayo, nag aalala na sila at hindi ka mahanap " pambabasag ko ng katahimikan. Alam ko na alam niyang may tao sa tabi niya, hindi lang niya itong pinagtuunan ng atensyon. Bagkus ay wala lang siyang pakialam, ni tumingin ay hindi niya ginawa. " Hindi nila ako hahanapin, dahil alam nila kung nasaan ako. " Walang emosyong sagot niya, hindi ito manlang ito tumingin sa akin. Sa malayo lang ito nakatingin. So ibig sabihin alam nila kung nasaan siya? Bakit hindi nila sinabi sa akin? Bakit kailangan pang ako mismo ang humanap sa kanya? " Halika na, ihahatid na kita sa room ninyo. Baka mapano ka dito " pag aaya ko sa kanya " Bat nandito ka? " Tanong niya sa akin. This time nakatingin ito ng diretso sa akin. I saw pain in her eyes. " Nandito ka kasi ano? Mageexplain ka? No, tell Vivianne na hindi iyon yung totoong nakita ko, tell her na mali ang mga nakita ko, and then pakiusapan mo ulit siya na siya na naman ang mag explain sa akin. Kasi nga diba natatakot ka! Go, tell her! " Pasigaw na sabi niya sa akin. Nagsilabasan ang mga luha sa mga mata niya. Pilit niyang pinupunas ang mga iyon, ngunit patuloy itong tumutulo. " Hindi ko kailangan ng taong puro sakit lang binibigay sa akin. Anytime pwede ka nang umali sa buhay ko. " saka niya pinunas ang mga luha sa pisngi niya. " Sari " basag na ang boses ko at pinipigil ang pag iyak. Masakit para sa akin na nakikitang nasasaktan siya dahil sa akin. " No it's okay, sanay na akong masaktan kaya dont worry about me! " This time di ko na nakayanan at humagulgol na din ako. Hindi ko kayang mawala ang babaeng hinintay ko ng napakatagal. Di ko kayang bitawan ang babaeng minsan nang nawala sa akin. " Sorry, I'm really really sorry " hinawakan ko ang kamay niya pero inalis niya ito. " Trae, ni minsan ba naging importante ako sayo? " Tanong niya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. " Oo naman " " Kung importante ako sayo, bakit di mo nagawang magexplain sa akin? Naging tanga ako, kahit galit ako pag nagexplain ka mababawasan iyun. Pero hindi, ipinasa mo pa sa iba yung dapat ikaw ang gumagawa. Trae naman ih, ganon na ba ako kasama para hindi dinggin explanations mo? " Umiling ako " Alam mo, mas okay nga siguro na putulin na natin ang connection natin sa isat isa. " saka siya tumayo at naglakad. No hindi, hindi ako papayag na matatapos lang lahat dito. Tumayo ako at hinabol siya, niyakap ko siya sa likod saka di namamalayang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. " Please stay, sorry. Hayaan mo akong bumawi sayo, hindi ko kayang mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita Sari. " "Let me go " pilit niyang inaalis ang mga kamay ko sa pagkakayakap pero hinigpitan ko pa rin ang pagkakayakap. Ayaw kong bitawan yung taong sobrang tagal kong hinintay. Binitawan ko siya saglit saka ihinarap sa akin. This time, nakapulupot na ang kamay ko sa waist niya at magkaharap na kami. " Sorry " sagot ko muli sa kanya. Pinunas niya ang mga luha sa mukha ko, saka ngumiti. " Kahit gaano ako kagalit sayo, hindi kita matiis " nakangiti niyang sagot. " Mahal na mahal din kita Trae " napaluha muli ako ng marinig ang salitang iyon mula sa kanya. " So tayo na? " Tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin saka ngumiti. Niyakap ko siya ng sobrang higpit, nanatili kaming ganon ng ilang minuto. Namiss ko siya ng sobra, ang mukha niya, ang mga ngiti niya. Finally, yung babaeng pinapangarap ko noon hawak ko na ngayon!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
so good
09/09/2024
0Jjfcifcvgnxizyfoyfzuofaie5 Itxlso6roe6srd6i47psrs7prs7prpuxi6serszoyfzyor 46aiw3i574pwrs7pie6aor7a97ari6ra7rs9r9s49w Ru7o6w3469s8es63stw9e743s6iuyrseod7t3si6w4yet7e03as45d
06/08/2024
0yess
21/07/2024
0Tingnan Lahat