Chapter 20

" Stupid! Kamusta naman ang date niyo ni- " tinakpan ko agad ang bunganga ni Vivianne dahil sinasadya niya itong iparinig sa mga kaklase namin.
" Shut up! Sinasadya mo talagang iparinig eh no! " Inirapan niya ako.
" So kamusta nga date niyo? Nagkatabi ba kayo sa ka- "
" Vivianne! " Gulat na napatingin sa akin ang mga kaklase namin sa lakas ng sigaw ko. Habang si Vivianne naman ay tumatawa lang sa kalokohan niya. Dahil sa hiya ko ay napa peace sign ako sa kanila.
" Nagtatanong lang kasi ih, ikaw Stupid napaka ano mo! Siguro may something happened between you and Trae ano? " Panunukso nito, pero this time ay malumanay na lang ang boses niya at pabulong na.
" Dali kwento mo na yan! " Napakamot ako ng ulo, hindi ko alam kung saan sisimulan ang pakukwento. Pag si Vivianne, sure ako na ipapakwento nito lahat lahat, detalyado dapat.
" Pwede mamaya na lang after class promise! " For sure aabutin kami ng ilang oras netuh!
" No, I want it now! " Aba kala mo naman, makapag utos.
" Eh may klase pa tayo oh, mabibitin ka lang din pag nainterrupt. " Pagdadahilan ko, sana effective
" Actually nag announce na si Maam kanina sa gc na walang klase at biglaan ang pagpapatawag sa kanila ng meeting. " Oh talaga bakit di ko ata alam? Binuksan ko ang phone at oo nga legit, pero bat di ko nabasa?
" So magkwento ka na ng makarami tayo! " Sabay kindat sa akin. Eww!
At ayun na nga, dahil wala na akong choice ay nagkwento na lang ako sa kanya. Take note, detalyadong pagkukwento.
The conversation...
" So ganito nga, eh diba sinundo niya ako sa bahay at naabutan ninyo doon ang mommy ko. Inayusan mo pa nga ako eh at wala akong idea na ang pupuntahan pala namin ay music festival. "
Tawang tawa ang loka, inamin din niya na alam niya ang tungkol doon pero hindi niya agad sinabi dahil baka umayaw ako, dahil na din sa hindi siya kasama.
" Edi nung papunta na kami, ang layo ng byinahe namin. Bored na bored ako ng sobra nun kasi nga wala akong idea kung saan kami pupunta, inisip ko pa nga na baka ibaba niya ako sa gilid ng kalsada at iwan doon. "
" And then, nalaman ko na lang na sa isang sikat na beach pala kami pupunta, kasi naman sa mga nadaan namin wala akong makitang dagat ganun. Tas bigla bigla mababasa ko " Welcome to Golden Sunshine Resort " daw eh syempre ang reaksyon ko eh oa. "
Tuloy tuloy lang ako sa pagkukwento at si Vivianne naman ay behave na behave.
" And then doon ko nalaman na Summer Music Festival pala ang aattendan namin. Napaka ungentleman pa niya at iniwan ako sa loob ng kotse tapos hindi niya sinabi na overnight iyon! Eh wala akong kadala dalang gamit like damit na pamalit, cellphone lang dala ko. So ayun may ibinigay siyang paper bag at ang laman nun ay damit na para sa akin. "
Kinikilig ako sa part na yan habang nagkukwento dahil nga sa part na nagcare siya sa akin. Pero nawala ung kilig dahil sa sinabi ni Vivianne.
" Actually yung paper bag na yun, ako ang nagbigay sa kanya. Kahit nabibwisit ako sa kanga that time I still manage to help him! "
Lumukot ang mukha ko sa sinabi niya. Peste all this time akala ko nageffort!
" Ituloy mo " Haynako Vivianne!
" And ayun na nga, nakilala ko ang mga kabandmates niya together with their gf's. Sinabi niya din na isinama niya ako para hindi siya magmukhang alalay ng mga kabandmates niya. And then ipinakilala din niya ako sa kanila as her gf " Nakangiti si Vivianne sa part na yan.
" Sa part na yan hindi ka na nainis sa kanya, kundi kilig na kilig ka na " Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Vivianne. Inirapan ko siya
" Hindi. " plain na sagot ko sa kanya. Ngumisi lang siya na parang hindi talaga naniniwala sa akin.
" Ituloy mo na ang mala nobelang kwento ng pag iibigan ninyo HAHAHA! " akala ko nakalimutan na niyang nagkukwento ako.
" At iyon na nga..."
Ikinuwento ko sa kanya ang mga kaganapan mula dun sa may first kiss sa resthouse hanggang sa nanligaw ito sa akin at ang mga katagang binitawan niya " Hindi ito ang una at huling panliligaw ko sayo. Hindi ako marunong manligaw, pero dahil sayo natutunan ko, hayaan mong ligawan kita habangbuhay. " - Trae. At ang loka loka kilig na kilig, naikwento ko din sa kanya na nag Mr. & Ms. Summer Music Festival.
Pate ang padededicate niya sa akin sa kanilang kanta ay nabanggit ko din kay Vivianne. Kinuwento ko din sa kanya na nagcompose ng song si Trae na pinamagatan niyang " Finally, I Found You " at para sa akin daw ang kanta niya.
At finally natapos din ang halos ilang oras na pagkukwento ko kay Vivianne. Oo inabot kami ng mahigit isang oras sa pagkukwento dahil may mga times na sisingit siya sa pagkukwento. Magcocomment ba or mang iinis.
" Eh kung nanliligaw siya sayo, bakit di kayo magkasama? I mean kanina, nakita ka niya hindi ka manlang niya pinansin na nakakapanibago kasi hindi naman siya ganun noon? " Sa dami ng mapapansin niya yun pa. Mapapasabak na naman ako ng kwento nito.
" Dont tell me may tampuhan kayo? Wala pa ngang kayo nag aaway na kayo? Naku naku! "
" Actually kasalanan ko kung bakit " napataas ng kilay sa akin si Vivianne.
" Kasi hindi ko maikwento sa kanya yung about sa past ko even about my mom. And nacucurious siguro siya that's why ayun, may nasabi siyang something na ikinagalit ko kasi wala naman siyang alam talaga." At ikinuwento ko na naman ang kaganapan kahapon.
" I think kailangan niyo nga talagang pag usapan ang bagay na yan, ipaliwanag mo sa kanya na may mali siya kasi hindi niya alam ang story at bumase siya on what he observe, at aminin mong may kasalanan ka din kasi natakot kang ikwento sa kanya ang past mo. You know, you both need to lower down your pride. Hindi na kayo bata! " Iba talaga si Vivianne mag advice nakakatakot!
" I will do that, but not now. " Sagot ko sa kanya, napakarami pang gumugulo sa akin at hindi pa ako sure sa mga desisyon ko sa buhay. Kailangan muna naming palamigin ang mga ulo namin.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    RamosDanica

    so good

    09/09/2024

      0
  • avatar
    Colaine Rollorata

    Jjfcifcvgnxizyfoyfzuofaie5 Itxlso6roe6srd6i47psrs7prs7prpuxi6serszoyfzyor 46aiw3i574pwrs7pie6aor7a97ari6ra7rs9r9s49w Ru7o6w3469s8es63stw9e743s6iuyrseod7t3si6w4yet7e03as45d

    06/08/2024

      0
  • avatar
    Jennalyn Pontejos

    yess

    21/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata