Trae Yexelle POV " Hijo hindi ko alam kung ano ang intenyon mo sa apo namin. Ako na ang makiki usap sayo, huwag mo sanang sasaktan si Sari." " Napakarami na niyang napagdaanan, hindi niya deserve masaktan. " Habang nasa daan ako paulit ulit na tumatatak sa isip ko ang sinabi ng lolo ni Sari. Sa sinabi ng lolo niya, napapaisip ako. May nanakit ba sa kanya? May nangyari ba sa past niya? Kaya ba sobrang iniingatan nila ang damdamin ni Sari? Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko. Hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng kasagutan sa mga tanong na nasa isip ko. Ayaw ko namang itanong sa grandparent niya at mas lalo kay Sari. Wala na ang mga bisita sa bahay ng dumating ako. Naparami kasi ng kwento ang grandparents ni Sari at di mawawala ako pangangantyaw nila sa kanya. " Oh anak you're here! How's Caesari? " " Mom, hindi pa po ako nakakapasok oh " pagrereklamo ko kay mommy. Parang mas anak pa yata niya si Sari. " She's okay, and they said thankyou so much daw sa pinadala mo " At ayun natuwa naman ang mommy ko. Haynako mom, how about me di mo ba ako tatanungin kung okay lang ako? Anak mo ako mom! Joke " Have you eaten na ba? " " Yes mom, kumain na ako kila Sari " at mas lumawak pa ang ngit ni mom sa sinabi ko. Napakamot nalang ako ng ulo, si mom pa lang yan napapakamot na ako. How much more kung nandito si dad. Speaking of dad, i miss him. " Mom I need to rest, good night! " " Good night son! " Naglakad na ako papuntang kwarto. I need to rest at bukas mapapasabak nanaman ako sa madugong practice. Malapit na kasi ang battle of the bands, laban ng ibat ibang schools. Nagshower lang ako and nagchange ng comfy clothes before going to sleep para masarap ang tulog. And then I chat Sari baby to say goodnight hahaha. Sakto online pa siya. Mia Caesari Santos is online.. Me: Hi baby! Why are you still awake? Mia: Why do you care? Nagsusungit na naman itong babaeng to. Me: Napakasungit! Btw sunday 8:30 am sharp! Mia: What the hell is that? Me: Ipinaalam na kita sa grandparents mo so there's no reason para di ka makapunta sa date natin hahahaha. Mia: 😕 Nakakatawa talaga itong babaeng to. Pero totoo yung sinabi ko sa kanya na may pupuntahan kami sa sunday. Sinabi ko lang na date para inisin siya, pero pwede ding date na! Actually kabado nga ako nung nagpa alam ako sa grandparents niya kanina eh. Flashback.... " Magandang gabi po " sabay mano sa grandparent ni Sari. " Halika muna hijo, maupo ka " " Ipinabibigay po ni mommy " sabay abot sa mga tupperwares na may laman na food. " Aba mukhang masarap to ah. Salamat hijo ha pakisabi sa mommy mo. Nag abala pa kayo " sabi ng lolo ni Sari " Uhm hindi po, actually po may party po kasi sa bahay. Iinvite po sana niya si Sari pero may klase naman po kaya naisipan nalang po ni mommy na pahatiran. " " Ah ganun ba napakabait naman ng mommy mo." puri ng lola ni Sari ,tumango ako sabay ngiti bilang sagot " Actually may sadya din po ako, kaya po nagpunta ako dito " putol na sabi ko, napatigil sila saglit at hinihintay ang susunod kong sasabihin. " Ahm nagpunta din po ako dito para ipaalam po sana si Sari sa linggo. " Mas lalo akong kinabahan. Parang nanginginig ang buong katawan ko. " May music festival po kasi na gaganapin sa sunday, and I want her po to be part of that festival. I - I promise po to take care of her. " Ramdam ko talaga ang kaba sa part na yan kasi nakatingin lang sila sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, dahil siguro sa baka ayaw nila or baka mapagalitan pa ako. Tumahimik ng ilang saglit saka nagsalita ang lolo ni Sari. Lumapit ito sa akin at tinignan ako ng diretso sa mata. " Hijo hindi ko alam kung ano ang intenyon mo sa apo namin. Ako na ang makiki usap sayo, huwag mo sanang sasaktan si Sari." " Napakarami na niyang napagdaanan, hindi niya deserve masaktan. " Kitang kita ko ang halo halong emosyon sa mata ng lolo ni Sari habang sinasabi niya ito sa akin. Parang may something na hindi maipaliwanag. " Hinding hindi ko po sasaktan ang apo ninyo pangako po " sinabi ko to, ipinangako ko ito kaya papanindigan ko. Kung ang akala ni Sari na deal lang lahat, sa akin hindi kasi totoo ito. " Napansin ko na ibang iba ka sa kanila, nagagawa mo yung mga bagay na hindi nagawa ng iba " " Pero hindi ko magawang mag alala na baka masaktan muli ang apo ko. Ayaw ko nang maulit iyon, makita ko lang na nasasaktan siya, parang nasasaktan din ako " Hinawakan ng lola ni Sari ang kamay ko bilang sign na pinagkakatiwalaan nila ako. Sobrang mahal na mahal nila si Sari. Ramdam ko iyon, the way how they treated her na totoong anak. The way na paano nila protektahan si Sari sa iba. Nakaka proud and ito yung nagtutulak sa akin para mas lalong mahalin si Sari at para mas ilapit yung sarili ko sa kanya. " Oh siya sige, daanan mo siya rito. Pero ipaalam mo muna sa kanya ng mapaghandaan niya ito. " pagpayag ng lolo ni Sari sabay tapik sa balikat ko. " Makaaasa po kayong iingatan ko po ang apo ninyo " pag aassure ko sa kanila. And this is it, nangako ako dapat papanindigan ko ito ng buo End of Flashback... " Good night baby! Mag iingat ka palagi. " chat ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na magreply. Ang mahalaga ay nakapag goodnight ako hahaha. Basta masaya ako kasi nakuha ko ang tiwala ng grand parents niya. Pero hindi maalis sa utak ko yung sinabi nila. Na natatakot silang masaktan muli ang apo nila? May past relationship ba si Sari? Kung meron man, napakamalas ni Sari sa kanya. Sinaktan niya yung taong pinapangarap ng iba. Swerte nga nun kung sino yun eh, kasi napaibig niya si Sari samantalang ako, napakatagal na panahon na minahal ko si Sari at hanggang ngayon wala parin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
so good
09/09/2024
0Jjfcifcvgnxizyfoyfzuofaie5 Itxlso6roe6srd6i47psrs7prs7prpuxi6serszoyfzyor 46aiw3i574pwrs7pie6aor7a97ari6ra7rs9r9s49w Ru7o6w3469s8es63stw9e743s6iuyrseod7t3si6w4yet7e03as45d
06/08/2024
0yess
21/07/2024
0Tingnan Lahat