Chapter 4

PAUL'S POV
Dali-dali kong sinuot ang aking hoodie at kinuha ko ang susi ng kotse na nakasabit malapit sa pinto. Hindi na ako nag-abalang magpaalam kay Mama dahil nagmamadali akong umalis. Binuksan ko ang kotse at mabilis akong nagmaneho paalis.
Tangina naman. Galit ako sa kaniya matapos niya akong ipahiya sa aking mga kaibigan kagabi sa party ngunit bakit ako nag-aalala ngayon sa kaniya? Damn it!
Nang nakarating na ako sa grocery store ay nakita ko kaagad si Honey na nakahiga sa bench hindi malayo mula rito sa akin. Kung ano ang sitwasyon niya kanina ay ganoon pa rin ngayon. Basang-basa na siya at hindi nakaligtas sa aking paningin ang nanginginig niyang katawan.
Kinuha ko ang payong na nandito sa loob ng sasakyan at lumabas na ako ng kotse. Binuksan ko ang payong at naglakad ako palapit kay Honey. Tch, kainis. Pasalamat talaga siya dahil mabait ako.
"Hindi ka isang artista para mag-drama sa ilalim ng ulan," sabi ko sa kaniya at mabilis na tumayo si Honey mula sa pagkakahiga sa bench. Lumaki ang kaniyang mga mata at gusto kong tumawa ngayon dahil ang pangit niyang tingnan.
"You’re a mess, Honey. Huwag mo nga akong tingnan nang ganiyan. Pasalamat ka dahil mabait ako at binalikan kita," dagdag ko at nakita ko kung paano umawang ang bibig ni Honey. What's wrong with her?
Naalerto ako nang tumakbo si Honey palapit sa akin. Tatakbo na sana ako paalis ngunit mabilis niya akong hinuli at niyakap niya ako nang mahigpit. Puta, ang lamig niya!
"Paul!" iyak ni Honey habang niyayakap ako kaya ngumiwi ako. Basang-basa siya!
"Teka nga! Mahal pa itong damit ko kesa sa buhay mo—aish! Tingnan mo, may uhog mo na! Tsk!" Tinulak ko palayo si Honey ngunit mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. Come on, seriously?
"I don't care! I don't fucking care!" iyak niya at binaon ni Honey ang kaniyang mukha sa aking dibdib. Tangina, nararamdaman ko na ang malagkit na sipon ni Honey. Tch, gross.
"Tss, ang talas talaga ng dila mo. Fine! Cry all you want. Geez, hindi bagay sa'yo ang umiyak." Tiningnan ko lang siya habang nakangiwi.
"Kasi naman eh! Bumalik ka! Akala ko ako lang ang mag-isang matutulog ngayon sa ilalim ng ulan," sabi ni Honey sa gitna ng kaniyang mga iyak.
Pinagmasdan ko lang si Honey habang umiiyak siya sa aking harapan. Ang Honey na nakikita ko ngayon ay malayong-malayo sa Honey na nakilala ko noong nasa high school pa ako. Ang Honey na nakikita ko ngayon ay malungkot, natatakot at mahina. She's far from her usual self right now—
Aish! Paul, ano ba? Pasaway ang babaeng iyan kaya huwag kang magpadala sa kaniyang mga luha. Maldita iyan, maldita! Tsk!
Bumalik ako sa aking sarili nang narinig kong humikbi si Honey. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at tiningnan niya ako nang masama.
"Subukan mong ipagkalat na umiyak ako sa harapan mo. Sisiguraduhin ko talaga na hindi ka na sisikatan ng araw," banta niya sa'kin.
Puta! Wow naman. Ako na nga itong nagmagandang loob na balikan siya, ako pa itong binabalaan niya. Grabe, ibang klase.
"Tss, ang lakas rin ng loob mo na balaan ako no?" Tiningnan ko si Honey at nakita ko na naglalakad na siya papunta sa aking kotse—teka, ano?!
"Hoy, Ventura! Ano pa ba ang hinihintay mo? Tara na! Nilalamig na ako!" sigaw ni Honey sa'kin at umawang ang aking bibig. Ang kapal ng mukha. Hindi man lang nahiya ang babaeng ito.
Nilapitan ko si Honey at tiningnan ko siya nang masama ngunit inilahad lang niya ang kaniyang kamay sa akin at tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Give me the keys," utos ni Honey. Walang hiya nga talaga.
"Hoy, Torres. Don’t order me around. I am not your goddamn maid kaya maghintay ka kung kailan kita papayagan na pumasok sa kotse ko," inis kong sabi sa kaniya.
"Ang bagal mo naman kasi kumilos. Ang lamig kaya," sabi ni Honey at pinaikot niya ang kaniyang mga mata.
"Sige, tarayan mo pa ako. Tingnan natin kung sino ang matutulog ngayon sa ilalim ng ulan." Inis akong pumasok sa loob ng kotse.
Narinig kong bumukas ang pinto sa likod at nakita kong nilagay ni Honey ang kaniyang mga gamit sa likod. Pagkatapos niyang ilagay ang lahat ng kaniyang mga gamit ay binuksan ni Honey ang pinto sa harap at umupo siya sa aking tabi.
"Drive."
"Inuutusan mo ba ako?" Matalim kong tiningnan si Honey. Tangina, sana pala hindi ko na lang siya binalikan. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at binalikan ko siya?
"I was just kidding, Paul. Take your time." Matamis na ngumiti si Honey sa'kin ngunit alam ko na pilit lang iyon.
"Kaya ka pinalayas ng nanay mo kasi pasaway ka, sobra." Pinaandar ko na ang kotse at nagmaneho na ako paalis ng grocery store.
"I know and I'm glad that she kicked me out. Ayoko ng bumalik sa bahay na iyon. Ang boring doon," sabi niya.
"You’re glad that your mother kicked you out? Then, why are you crying? Care to explain?" Ngumisi ako nang nakita ko ang pagkainis sa kaniyang mukha.
"I was just scared…"
"Ha? May sinabi ka?" Sandali ko siyang nilingon at binalik ko rin ang aking tingin sa daan.
"Wala," sagot ni Honey at inayos niya ang kaniyang basang buhok, "so, saan ba ang bahay niyo?" tanong ni Honey at tumaas ang aking isang kilay.
"Bahay?" pag-uulit ko at tumango si Honey.
"Yeah. Bahay as in house in English."
"Alam ko. Hindi ako bobo kagaya mo," inis kong sagot sa kaniyang sinabi.
"Saan nga kasi! Baka mamaya ay hindi mo ako dadalhin doon," naiinip na sabi ni Honey.
"Hindi naman talaga kita dadalhin sa bahay ko," sabi ko at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang nagulat.
"What? But you—"
"May sinabi ba ako na dadalhin kita sa bahay ko? Wala akong sinabi diba?" Ngumisi ako kay Honey.
Alam kong kinabahan si Honey dahil sa aking sinabi. Kinakagat niya kasi ngayon ang kaniyang mga kuko at napansin ko noong nasa high school pa kami na sa tuwing kinakabahan siya ay kinakagat niya ang kaniyang mga kuko.
"If you're not taking me to your house, then where are we going?" mahinang tanong ni Honey.
"Sa prisinto," nakangisi kong sagot sa kaniya. "Ayaw mo no'n? May matutuluyan ka na."
She gasped. "H-Hey, you can't send me to jail!" sabi ni Honey at sinubukan niyang agawin mula sa akin ang manibela ng sasakyan ngunit mabilis ko siyang pinigilan.
"Oh? Bakit natataranta ka? Natatakot kang makulong?" Tinawanan ko siya.
"It's none of your business!" sigaw ni Honey at muli niya sanang aagawin ang manibela ng sasakyan ngunit sa pagkakataon na ito ay nahawakan ko na ang kaniyang kamay.
"Yep, it's final. I am really going to send you to jail," pinal kong sabi kay Honey at niliko ko ang sasakyan nang narinig ko siyang humikbi. Tch, anong kaartehan na naman ba ito?
"Pwede ba? Tumigil ka na nga sa kakaiyak. Nakakarindi na eh." Inis kong binaling ang aking tingin kay Honey.
"Ikaw naman kasi eh! Kapag sinabi ko na huwag mo akong dalhin sa prisinto, huwag mo akong dalhin doon! Is this your way of helping a close friend?" sigaw niya at hindi ko napigilan ang tumawa. Close friend? She's dreaming alright.
"We're not friends and as far as I know, we're not close," pagtatama ko sa sinabi niya.
"Ha?! Then can you explain to me kung ano ang tawag sa pinagsamahan natin noong nasa high school pa tayo?" naiinis na tanong ni Honey.
"Simple," nagkibit-balikat ako, "we're just classmates," sagot ko sa kaniya.
"We ate together, laughed together and we even spent our last days in high school together. Now, you’re just going to treat me as a classmate? You just hurt my feelings." Hindi makapaniwala si Honey.
"Why not? Wala naman akong nakikitang mali roon. Kasalanan mo na iyan kung nasaktan ka kasi nag-assume ka eh," sabi ko sa kaniya bago nagkibit-balikat.
"I can't believe you! Bakit ba ang sungit mo sa'kin, ha? Tapos pagdating kay Aliyah ang bait mo!" inis niyang sigaw at nagulat naman ako.
"Oy, saan galing ang tanong na iyan?"
"Malamang sa bibig ko!"
"Ayan," tinuro ko si Honey, "sinagot mo na ang sarili mong tanong. Kaya ayaw ko sa'yo ay dahil masyado kang maldita. Kung si Aliyah ay anghel, ikaw naman ay demonyo."
"Stop comparing me to her and don’t send me to jail!"
"Huwag mo akong sigawan dahil hindi ako bingi! Dadalhin pa rin kita sa prisinto!"
"Hindi ka nga bingi pero ang naman tigas ng ulo mo!" inis na sigaw ni Honey.
Buong lakas kong inapakan ang preno at tumama ang ulo ni Honey sa compartment ng sasakyan. Ano'ng sabi niya?!
"Ano ba! Masakit iyon!" daing ni Honey ngunit binigyan ko lang siya ng isang nakamamatay na tingin.
"Ano'ng sinabi mo? Ako? Matigas ang ulo?" lumapit ako kay Honey, "You know what? Get out of the car. I'm not helping you anymore."
"Teka—"
Hindi ko pinatapos na magsalita si Honey. Umusog ako palapit sa kaniya at tinanggal ko ang kaniyang suot na seatbelt nang hinawakan ni Honey ang aking mga kamay upang pigilan ako. Tiningnan ko siya at nagsisi kaagad ako dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
"Paul naman. Please, dalhin mo ako kahit saan basta huwag lang sa prisinto," pagmamakaawa ni Honey sa'kin at nanigas kaagad ako nang hinawakan ni Honey ang aking mukha.
Leche, huwag niyong sabihin na mauulit na naman ang ginawa niya sa akin kagabi sa party? Tangina.
"I already have a record at the police station and if you're going to bring me there," kinagat ni Honey ang kaniyang mga labi, "they're going to put me behind bars for good."
As if I care!
Kinuha ko ang mga kamay ni Honey mula sa aking mukha at ibinalik ko ang aking tingin sa harap. This girl seriously knows how to seduce men, really. Tch, she's fucking dangerous and this is why I need to stay away from her.
"Wala akong pakialam. Kasalanan mo na iyan kasi pasaway ka. Kung ikukulong ka nila, edi congrats! Ayaw mo no'n? Mas maganda pa ang mga kama roon sa prisinto kesa sa mga bench doon sa grocery store. Magiging maganda talaga ang buhay mo roon," sabi ko nang nakaiwas ng tingin sa kaniya.
Nagmaneho na ako nang naramdaman kong may humawak sa akin kaya nilingon ko si Honey na nakayuko ngayon at hawak niya ang laylayan ng aking damit. What the—anong palabas na naman ba ito?
"Please don’t send me to jail, Paul. I'm scared," mahinang sabi ni Honey nang hindi man lang tumitingin sa'kin. Tch, ito na naman siya and I hate myself for giving in so easily.
"Oo na, hindi na kita daldalhin doon. Basta ipangako mo lang sa'kin na hindi mo bibigyan ng sakit sa ulo ang nanay ko dahil kung mangyayari iyon ay hindi talaga ako magdadalawang isip na dalhin ka sa prisinto." Seryoso akong tumingin kay Honey at tumango siya sa'kin.
"I promise. Good girl kaya ako." Ngumiti siya at hinawi niya ang kaniyang buhok. Tingnan niyo nga naman. Ang bilis magbago ng mood. Baliw talaga.
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami ni Honey sa bahay. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan kaya kinuha ko ang payong at lumabas na ng kotse. Binuksan ko ang payong at naglakad na ako papunta sa beranda ng bahay.
"Hoy! Hindi mo ba ko tutulungan dito sa mga gamit ko?" sigaw ni Honey sa gitna ng malakas na ulan.
I looked at Honey over my shoulders. "Kinaya mong dalhin iyan kanina tapos ngayon ay hindi mo na magawa? Huwag mong abusuhin ang kabaitan ko, Honey. Kaya mo ng dalhin ang mga gamit mo—"
Hinarap ko si Honey ngunit huminto ako nang nakita ko siya na nakahandusay ngayon sa lupa at wala ng malay. Napamura ako at naitapon ko ang payong saka nagmadaling lumapit kay Honey. Nang nahawakan ko ang kaniyang braso ay napamura ulit ako dahil sa nakapasong init na nagmumula sa kaniyang katawan.
Tangina, ang taas ng lagnat ni Honey.
Pinasan ko si Honey at tumakbo ako papasok ng bahay. Binuksan ko ang pinto at pagkapasok ko ay bumungad kaagad sa akin si Mama na naghihintay sa'kin sa salas. Nakita ko na may hawak siyang hanger at napalunok ako.
Leche, hanger pa talaga.
"Paul Ventura—"
"Ma, alam ko na galit ka sa'kin dahil hindi ako nagpaalam sa'yo kanina pero bago niyo po ako pagalitan ay pwede niyo po ba akong tulungan dito?" mabilis kong paliwanag at kumunot naman ang noo ni Mama.
"Anak, hindi ko alam na marunong ka pa lang mag-rap."
"Mama!" sigaw ko at nagulat siya dahil sa aking sigaw.
"Huwag mo akong sigawan! Bakit hindi mo sinabi sa'kin na pinuntahan mo pala ang girlfriend mo! Ilagay mo siya sa sofa, dali!" sabi ni Mama at pinahiga ko kaagad si Honey sa sofa.
"Ma, hindi ko po siya girlfriend. Classmate ko po siya noong high school," paliwanag ko at tumingin si Mama sa'kin.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may lagnat itong girlfriend mo? Tapos basang-basa pa siya. Kumuha ka nga ng maaligamgam na tubig at bimpo roon sa kusina," utos ni Mama.
"Hindi ko nga po kasi siya girlfriend!" giit ko at pumunta na ako ng kusina upang kunin ang mga inutos ni Mama. Kainis ka talaga, Ma.
Bumalik na ako sa salas at binigay ko kay Mama ang mga kailangan niya ngunit tiningnan lang niya ako kaya nagtaka ako.
"Punasan mo ang mukha niya. Babalik lang ako dahil may kukunin lang ako saglit sa kwarto," sabi ni Mama at umalis na siya.
Inis kong tiningnan si Honey na ngayon ay namumutla na. Hinawi ko ang ilang hibla ng kaniyang buhok at inayos ko ang puwesto ng kaniyang ulo. Sinimulan ko ng punasan ang kaniyang mukha at maingat kong nilagay ang maaligamgam na bimpo sa kaniyang noo.
"Alis ka na riyan. Ako na ang bahala sa kaniya. Maghanda ka na lang ng hapunan doon sa kusina para makakain na tayo," rinig kong sabi ni Mama at nakita ko na may dala siyang mga damit.
"Opo." Binigay ko na kay Mama ang bimpo at iniwan ko na siya roon kasama si Honey.
Ginulo ko ang aking buhok bago kinuyom ang aking mga kamay. Ang dami mo ng atraso sa'kin, Honey Torres. Sisingilin talaga kita pagdating ng tamang panahon. Hindi na ako natutuwa sa mga kalokohan na ginagawa mo.

Komento sa Aklat (87)

  • avatar
    Bianca Catherine Collado

    This story is freaking good. I mean i read a lot of story but this is just one of the freaking story that i would not forget. ❤❤❤

    18/07/2022

      0
  • avatar
    AlimatarNajif

    money

    03/12/2024

      0
  • avatar
    John Dave Pascual

    ang galing

    04/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata