Chapter 22

HONEY'S POV
Nagising dahil sa mga ingay mula sa labas ng kwarto. Tch, sino ba ang umistorbo ng tulog ko? Humanda talaga siya sa'kin. Pagod na pagod ako dahil sa byahe kahapon tapos i-istorbohin lang ng taong nag-iingay ngayon ang magandang tulog ko? Aba, makakatikim talaga siya sa'kin.
Inis kong binuksan ang aking mga mata ngunit nawala ang aking inis nang bumungad sa akin ang natutulog na mukha ni Paul. Mahina akong tumawa habang pinagmasdan ko si Paul.
Paul's mouth was slightly open and soft snores were coming out from him. His long thick wavy hair was all over the place and I noticed that his hands were wrapped around my waist. He was hugging me like he's afraid to let me go and I felt my cheeks burn.
S-Sinasabi ko na nga ba. May pagnanasa talaga sa'kin ang lalaking ito.
Muli kong tiningnan si Paul. I went closer to him and I sneaked a move by moving a few strands of his hair away from his face—omo! He's so cute! I can't stop myself!
Paul looks so peaceful right now at natatakot ako na baka magising siya kapag gagalaw ako. I don't want him to wake up yet. Seeing Paul sleeping so peacefully like this is a one time opportunity and I don't want to end it right away.
"Trisha, nasaan si Paul? I want to see him ngayon din!"
Kumunot ang aking noo nang nakarinig ulit ako ng isang matinis na boses mula sa baba. Hindi naman siguro si Lola Verona ang sumisigaw ngayon at lalong hindi rin iyon si Auntie Veronica. Imposible rin kung si Mama iyon kasi hindi naman sumisigaw si Mama at lalong hindi si Trisha dahil alam ko na tahimik lang ang batang iyon tsaka tinatawag ng may-ari ng boses si Trisha eh.
Muli kong narinig ang boses at nainis ako dahil sa sobrang tinis nito. Tila nakikinig ako sa boses ng isang elepante na nakalaklak ng maraming helium dahil sa sobrang tinis ng boses. Hindi ba niya alam na ang panget ng boses niya? Ang sakit sa tenga, shit lang.
Kahit naiinis na ako ay marahan ko pa ring tinanggal ang mga kamay ni Paul na nasa aking bewang at umalis na ako sa kama. Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos. Nang natapos na akong maghilamos ay nakaramdam kaagad ako ng gutom kaya lumabas na ako ng banyo.
Kinuha ko ang aking cellphone upang tingnan kung anong oras na at halos lumabas ang aking mga mata mula sa mga kinalalagyan nito nang nakita ko na alas tres na pala ng hapon. Ang tagal ko pa lang natulog! Kaya pala nagugutom na ako.
Ayoko ko sanang gawin ito ngunit kailangan talaga kaya marahan kong tinapik ang pisngi ni Paul upang gisingin siya. "Hoy, Paulito. Gising na. Alas tres na ng hapon, Senyor."
Binuksan naman ni Paul ang kaniyang mga mata at kumunot ang kaniyang noo nang nakita niya ako. Pinakita ko kay Paul ang oras kaya kaagad siyang bumangon mula sa kama.
"Bakit hindi mo ako ginising kaagad? Tch, hapon na pala," aniya habang kinakamot ang kaniyang ulo.
"Kakagising ko lang din, Senyor," naglakad ako papunta sa pinto, "tara na sa baba dahil nagkakagulo na sila. May elepante yata na nakatakas mula sa zoo."
Lumabas ako ng kwarto at iniwan ko si Paul doon sa loob. Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso ako sa kusina. Leche, nagugutom na talaga ako. Sana may tinira silang pagkain para sa'kin—aray!
Inis kong tiningnan ang taong bumangga sa'kin at nakita ko na hindi man lang niya ako nilingon. Aba, hindi pa talaga siya humingi ng pasensiya sa'kin at diretso lang siyang naglakad paalis. Dahil sa aking inis ay tinawag ko ang taong bumangga sa'kin.
"Hoy! Ikaw, babae na nakasuot ng kulay pink na collar!" Pinagtagpo ko ang aking mga braso. Yeah, it's a girl.
Lumingon sa akin ang babaeng naka-suot ng kulay pink na collar at binigyan niya ako ng isang nakamamatay na tingin. Choker yata ang suot niya eh, pero bakit mukhang collar ng aso? No doubt kung collar iyon ng aso kasi mukha rin naman siyang aso.
The girl standing in front of me right now was shorter than me and she had a curly mid-length black hair. She was wearing a yellow colored dress that reached until her knees and she paired it with some red sandals but what stood out the most was the pink collar that she wore around her neck. Nagmumukha na tuloy siyang chihuahua dahil sa kaniyang get up.
"Ako ba ang tinatawag mo?" masungit niyang tanong at tumaas ang aking isang kilay.
"Bakit? May iba pa bang tao rito bukod sa ating dalawa? Wala naman diba? Common sense na lang, babae. Malamang ikaw ang tinatawag ko," sabi ko at naglakad siya palapit sa'kin. Ah, hindi ko napigilan ang bibig ko. Good thing wala sina Mama at Auntie rito.
"What did you sabi to me?!" inis niyang tanong at inikot ko ang aking mga mata.
"Binangga mo ako, babae. Bulag ka ba? Ang laki ng daan tapos binangga mo pa ako," inis kong sabi sa kaniya.
"Me?! Bulag?!" hindi makapaniwala niyang tanong. Bingi rin pala ang isang ito.
"Hindi ka lang pala bulag, bingi ka rin. Sa susunod kapag may binangga ka, huwag kang magbulag-bulagan at matuto kang huminga ng tawad." Tiningnan ko lang siya nang matalim at sumama ang timpla ng kaniyang mukha.
"I didn't bangga you. You are the one who bangga to me! You harang my way!" inis niyang sabi at ngumiwi ako dahil sa paraan ng kaniyang pananalita. Leche, ang sakit sa tenga.
"Akala ko kung sinong elepante ang nakatakas mula sa zoo, ikaw pala. Tch, ang sakit ng boses mo sa tenga," iritado kong sabi sa kaniya at nagdilim kaagad ang kaniyang mukha.
"Me?! Elepante?!" sigaw niya at tinakpan ko ang aking mga tenga. Shit!
"Shut up, you damn Chihuahua!" inis kong sigaw ko sa kaniya at muli na naman siyang sumigaw. Argh!
"Chihuahua?!" she shrieked and I almost lost my sense of hearing because of her high pitched voice. Damn it!
"Ano'ng nangyayari rito?" rinig kong tanong ni Paul kaya lumingon ako sa kaniya at nakita kong bumababa na siya ng hagdan.
"Paul! You're nandito na! I miss you so much!" sigaw ni Chihuahua at nakita ko siyang tumakbo patungo kay Paul. Magkakilala sila?
Tumaas ang aking isang kilay nang niyakap ni Chihuahua nang mahigpit si Paul habang si Paul naman ay naguguluhan na dahil sa biglang pagyakap ng ligaw na aso—este ng babae pala sa kaniya.
"Ericka?!" bulalas ni Paul at tumili naman si Chihuahua. Oh, Ericka pala ang pangalan ni Chihuahua. Akala ko walang pangalan ang asong gala na iyon.
"Ako nga! Your childhood friend! Yieee! You is naalala me!" tili ni Chihuahua habang nakayakap pa rin kay Paul kaya ngumiwi ako.
Ah, childhood friends pala sila. How sweet, may little reunion sila. This calls for a fucking celebration!
Nakita kong tumingin si Paul sa'kin at tinuro niya si Chihuahua na niyayakap pa rin siya nang mahigpit. Nagkibit-balikat ako sa kaniya, saying that I don't know who the fuck is that lost Chihuahua and what is she doing here.
"Bakit hindi mo ako tinawagan na you are coming home pala?" tanong ni Chihuahua kay Paul at napakamot lang si Paul sa kaniyang batok.
"Nakalimutan ko," maikling sagot ni Paul.
Nag-usap lang silang dalawa roon hanggang sa nainip ako at hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nagugutom na talaga ako at kailangan ko na ng pagkain.
Tumikhim ako nang malakas at tumingin naman silang dalawa sa'kin. Matalim akong tiningnan ni Chihuahua at nakita ko kung paano siya kumapit sa braso ni Paul. Okay, but what the hell?
"That's her! That's the babae na tinawag akong elephant and other mean pangalan!" parang bata na sumbong ni Ericka kay Paul kaya nilapitan ko silang dalawa.
"Ano naman ngayon kung tinawag kitang elepante? Bagay rin naman sa'yo ang tawagin na elepante dahil sa boses mo na parang naipit diyan sa lalamunan mo." I rolled my eyes annoyingly.
I placed a hand on my hips. "Magtapat ka nga sa'kin, saang zoo ka ba galing? Sabihin mo na dahil ibabalik na kita roon. Leche, binulabog mo ang tulog ko," inis kong sabi sa kaniya.
I leaned my head a little to the right before raising a brow. Galit akong hinarap ni Chihuahua and I smirked in amusement. Oh? Palaban siya ha. Magsasalita na sana si Chihuahua ngunit inunahan ko na siya.
"Alam mo? Bagay sa'yo maging alarm clock. Boses mo pa lang ay pasado na para ipalit sa tandang ni Lola Verona na nandiyan sa labas," dagdag ko at nakita ko kung paano umusok ang mga butas ng ilong niya. Woops, someone's triggered.
"How dare you to talking me nang ganiyan! Who are you ba? Bakit nandito ka sa house ni Paul?" galit niyang tanong at humagalpak ako nang tawa dahil sa kaniyang maling english. Trying hard din ang isang ito ah! Oh my gosh!
"Bakit ako nandito sa bahay ni Paul? Simple lang, kasi dinala niya ako rito. Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito? Mukhang hindi mo alam kung nasaan ang dog pound kaya ka napadpad dito." Ngumiti ako nang matamis kay Ericka.
"Gusto mo tawagan ko na ang dog pound para makauwi ka na, Chihuahua? Ipapasundo na kita sa kanila kasi mukhang hindi mo alam ang daan pabalik doon eh," dagdag ko at narinig kong tumawa nang mahina si Paul.
"You, b—"
"I know, I am beautiful," I cut her off. Nakita kong itinaas ni Ericka ang kaniyang kamay kaya alam ko na kaagad na sasampalin niya ako. Come on, hindi na bago sa'kin ito.
Bago pa makalapit sa mukha ko ang kamay ni Ericka ay hinuli ko ito saka hinawakan nang mahigpit. Too slow, Chihuahua. You're too slow.
"Kung sasampalin mo ako, siguraduhin mong mas mabilis ka pa sa kidlat dahil kung hindi ay baka magkakaroon ng instant blush-on iyang mga pisngi mo," I told her.
Mas lalo kong hinigpitan ang aking pagkakahawak sa kamay ni Ericka hanggang sa bumaon na ang aking mga kuko sa kaniyang balat at nang nakita ko na nasasaktan na siya ay dito ko na siya binitawan.
Nilapitan ko si Paul at hinalikan ko ang kaniyang pisngi na siyang ikinagulat niya nang husto. Ngumisi ako kay Chihuahua or should I say, Ericka, at nakita kong nalaglag ang kaniyang panga dahil sa aking ginawa.
"Tinatanong mo kung sino ako, Chihuahua? Well, my name is Honey at ako lang naman ang girlfriend ni Paul," nakangisi kong sabi at humawak ako sa braso ni Paul.
"Now, if you would excuse us. We still have to eat our lunch. Leave now before I call the police and report you for intruding this house." Matamis akong ngumiti kay Ericka at hinila ko na si Paul patungo sa kusina.

Komento sa Aklat (87)

  • avatar
    Bianca Catherine Collado

    This story is freaking good. I mean i read a lot of story but this is just one of the freaking story that i would not forget. ❤❤❤

    18/07/2022

      0
  • avatar
    AlimatarNajif

    money

    03/12/2024

      0
  • avatar
    John Dave Pascual

    ang galing

    04/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata