Chapter 18

HONEY'S POV
Humikab ako bago tiningnan ang orasan na nakadikit sa pader ng salas. Five o'clock na pala tapos hindi pa umuuwi si Paul. Saan kaya gumala ang lalaking iyon?
Tawagan ko kaya siya? Nagugutom na talaga ako at kailangan na niyang magluto ng hapunan. Baka mamamatay na ako rito dahil sa gutom.
"Ah..." Humikab ulit ako.
Nagpatuloy lang ako sa panonood ng palabas nang nakarinig ako ng mga boses mula sa labas ng bahay. Kumunot ang noo ko nang may narinig akong sumigaw. Dali-dali akong akong nagtungo sa pinto at lumabas ako ng bahay. Pagkarating ko sa labas ay bumungad sa akin si Paul na kasama ang kaniyang mga kaibigan.
I saw Paul come out from Tristan's car. I walked out of the front porch and I didn't mind my bare feet touching the ground. Nakita ako ni Kobe na nakaupo ngayon sa likod ng sasakyan kaya kumaway ako sa kaniya at kumaway naman siya pabalik sa'kin. Yiee, ang pogi talaga.
"Hello, Ate Honey!" bati sa akin ni Alvin na katabi lang ni Kobe.
"Hey, Alvin." Ngumiti ako kay Alvin at nakita kong tumingin si Paul sa akin. Nilapitan niya ako at ngumiti ako sa kaniya ngunit umiwas lang siya ng tingin sa'kin. Ayos lang ba siya?
"Kamusta na, Honey? Mukhang ang ganda ng buhay natin kasama si Paul ah?" nakangising tanong ni Warren sa'kin at tinaasan ko lang siya ng aking gitnang daliri. Tch, annoying as always.
"Sapak you want?" Ngumiti ako nang matamis kay Warren at narinig kong tumawa si Kobe.
"Kaya pala takot na takot si Ventura sa'yo. Chill ka lang, Honey," sabi ni Kobe sa'kin habang tumatawa nang mahina.
"Una na kami, Paul. Bye, Honey," sabi ni Vince na katabi ni Tristan sa front seat.
"Bye!" Kumaway ako sa kanila at umalis na ang kotse ni Tristan. Lumingon ako kay Paul na nakatingin ngayon sa mga paa ko.
"Nasaan ang mga tsinelas mo?" tanong niya sa'kin.
"Hindi ko sinuot." Tiningnan ko lang siya.
"Bakit naman?" Kumunot ang noo ni Paul.
"Nagmamadali kasi akong lumabas ng bahay nang nakita kita." Hinawakan ko ang kamay ni Paul at ngumiti ako sa kaniya. Tumikhim lang siya kaya natawa ako nang mahina.
"Nagugutom na kasi ako kaya natuwa ako nang umuwi ka na. So, magluto ka na. Bilis!" Tinulak ko si Paul papasok ng bahay.
"Aray! Putulin mo nga iyang mga kuko mo. Bumabaon na sa likod ko eh," reklamo ni Paul nang nakapasok na kami ng bahay.
"Hmp! Hindi mo nga sinabi sa'kin na gumala ka pala kasama sina Kobe." Umupo ako sa couch at nakita ko siyang naglakad papunta sa kusina.
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Kaano-ano ba kita?" tanong ni Paul sa'kin at pumasok na siya ng kusina.
Natigilan ako. Napakurap ako nang paulit-ulit dahil hindi ko pa rin na-proseso ang mga sinabi ni Paul. Nang napagtanto ko na ang lahat ay kinagat ko ang aking mga kuko at gulat akong tumingin sa kusina.
Honey Joana Torres, nababaliw ka na ba? Bakit mo iyon tinanong kay Paul? Bakit? Ano ba ang pumasok sa isip ko at tinanong ko iyon?!
Uminit ang aking mga pisngi at bumilis ang tibok ng aking puso. Bakit ba iyon tinanong ko kay Paul? Paano kung iba ang iisipin niya dahil sa tanong ko? Ah, nakakahiya!
"Jojo, ano ba ang gusto mong kainin?" rinig kong tanong ni Paul mula sa kusina.
"Pwede ba ikaw na lang?" wala sa sarili kong sagot at narinig kong may nahulog na bagay mula sa kusina na naging dahilan upang bumalik ako sa aking sarili. What was that?
"Shit!" malutong na mura ni Paul kaya kaagad ko siyang pinuntahan at naabutan ko si Paul na pinupulot ang nahulog na takip ng kaldero.
"Pffft...ayos ka lang ba?" Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang aking mga tawa.
"A-Ayos lang ako." Tumalikod si Paul sa'kin kaya kinagat ko ang aking mga labi.
"I was just kidding earlier. Ikaw na ang bahala kung ano ang lulutuin mo," sabi ko sa kaniya.
Tumango si Paul sa'kin at nagsimula na siyang magluto. Umupo ako sa upuan dito sa kusina at ipinatong ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Pinagmasdan ko ang likod ni Paul habang nagluluto siya at hindi naiwasan ang humanga. Damn, he looks so good.
Nilagay ko ang aking isang kamay sa aking mukha at sumandal ako rito. Bawat kilos ni Paul ay sinundan ko talaga ng tingin. From the movement of his muscles to how he would mess up his hair every time it would block his sight. My…my…
"You look so damn good when you're cooking, Paul. I can watch you all day," sabi ko sa kaniya at nakita ko na muntik nang mahiwa ni Paul ang kaniyang daliri dahil sa gulat. Oh, that was close. Maybe complementing Paul while he's cooking was a bad idea.
"Pwede ba? Huwag mo nga akong istorbohin. Manood ka na nga lang ng TV doon sa salas," inis na sabi ni Paul nang hindi tumitingin sa'kin.
"Sorry, I can't help it. Ang sexy mo kasi tingnan habang nagluluto." Ngumisi ako sa kaniya. Paul looks so sexy right now and I mean it. I like boys who can cook, to be honest.
"Stop that."
Tumaas ang aking isang kilay at ngumisi ako lalo. "Stop what, Paulito?"
"Stop teasing me," bahagya niya akong tiningnan mula sa kaniyang balikat, "it's disturbing."
"Like I said, I can't help it." Tumayo ako at nagtungo ako sa kaniyang tabi. Tiningnan ako ni Paul at nagulat ako nang pinitik niya ang aking ilong. Aray ha!
"Doon ka na nga. Huwag mo akong istorbihin dahil kung hindi mo ako titigilan ay ikaw talaga ang magluluto ng pagkain mo," banta niya at bumalik na siya sa pagluluto.
"Fine. Make it delicious dahil kung hindi ay ikaw talaga ang magiging hapunan ko." Tinalikuran ko na siya.
"Tch. Opo, Senyora."
I can feel Paul rolling his eyes but I just shrugged it off. Bumalik na ako sa salas at umupo ako sa couch. Kinuha ko ang aking cellphone at naisipan kong tumingin sandali sa social media ko.
Pagkabukas ko ng aking account ay bumungad kaagad sa akin ang pagmumukha ni Mom. Nag-post ng litrato si Mom at nasa isang resort siya kasama ang tatlong mga tao na hindi ko kilala. Napansin ko na masaya ang mukha ni Mom sa kaniyang litrato kaya inis kong pinatay ang cellphone ko at hinagis ko ito sa coffee table na nasa aking harapan. Tch, sana all masaya.
Mukhang wala nga talaga siyang pakialam sa'kin. Ilang linggo na akong nandito sa bahay ni Paul at hindi man lang niya ako tinawagan ko kinumusta. Tch, hindi niya ako tinawagan kasi busy siya kasama ang mga kaibigan niya roon sa resort na pinuntahan nila. Iyon ba ang business trip nila? Ha, business trip my ass.
"Oh? Ba't nakabusangot ka? Ano'ng problema mo?"
Inis akong lumingon kay Paul na ngayon ay nasa harapan ko na at bitbit niya ang isang tray na naglalaman ng pagkain. Kanina pa ba siya nakatayo sa harapan ko?
"May nakita lang akong toxic post sa social media and it's annoying me," sabi ko at kinuha ko mula sa kaniya ang pagkain ko.
"Toxic naman talaga ang social media. Expected na iyan." Umupo si Paul sa aking tabi at nilantakan ko na ang kaniyang niluto. Wow. Infairness, ang sarap ha.
"Ang sarap mong magluto, Paulito," nilingon ko si Paul, "ganito ka rin ba kasarap?"
I laughed out loud when Paul choked on his food. Kinuha niya ang tubig na nasa tray at ininom niya ito. Matalim akong tiningnan ni Paul ngunit kumindat lang ako sa kaniya. Hahaha!
"I know that I am beautiful but you don't need to stare at me," sabi ko sa kaniya at nagpatuloy na ako sa pagkain. Hmmm...sarap!
"Puro hangin ba ang laman ng katawan mo? Ang hangin mo, grabe." Umiling si Paul sa akin at tumingin siya sa TV.
"Ayaw mo no'n? Tatangayin ka ng kahanginan ko palapit sa akin." Sinundot ko si Paul sa kaniyang tagiliran at gulat niya akong tiningnan.
"Ano ba! Nakakatakot ka na!" reklamo niya at tumawa ulit ako.
Huminto ako sa pagtawa nang narinig ko ang tunog ng isang sasakyan sa labas ng bahay. Nagkatinginan kaming dalawa ni Paul at tumayo siya mula sa couch saka kinuha ang mga kinainan namin.
"Nandito na si Mama," aniya kaya tumayo na rin ako.
Pumunta sa kusina si Paul kaya ako na lang ang nagbukas ng pinto at ang sumalubong kay Vilma. Nang pumasok na si Vilma ng bahay ay kaagad kong kinuha ang kaniyang mga dalang gamit at nagmano ako sa kaniya.
"Ganiyan dapat. Magmano talaga sa mga nakakatanda," nakangiting sabi ni Vilma sa'kin at hindi ko napigilan ang ngumiti. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag pinupuri ako ni Vilma. Hihihi!
"Kumain ka na ba, Ma?" tanong ni Paul na ngayon ay naglalakad patungo rito sa amin ni Vilma.
"Oo, kumain na ako. Niyaya kasi ako ng mga ka-trabaho ko na kumain sa labas," sabi ni Vilma at umupo siya sa couch, "kayo? Kumain na ba kayo?"
"Kumain na po kami, Ma." Nilagay ko sa coffee table ang mga dalang gamit ni Vilma at nakita kong tumabi si Paul sa kaniya. Umupo ako sa katabing couch bago tumingin kay Vilma.
"Himala dahil kumain kayo sa labas," sabi ni Paul.
"Wala namang bawal kung kakain si Mama sa labas," kontra ko.
"Nagtitipid kasi si Mama kaya hindi siya sumasama sa mga lakad kasama ang mga ka-trabaho at kaibigan niya," sabi ni Paul sa'kin. Oh, hindi ko alam iyon.
Tumawa si Vilma at tinanggal niya ang kaniyang mga sapatos. Tinulungan naman siya ni Paul kaya kinuha ko na lang ang blazer ni Vilma.
"Marami kasi ang na-promote sa amin kaya kami kumain sa labas," sabi ni Vilma.
"Talaga? Kayo po? Na-promote po ba kayo?" tanong ni Paul at natahimik si Vilma kaya sandali kaming nagkatinginan ni Paul.
Vilma pursed her lips and then she took a deep breath. She looked at me and then she turned to look at his son. Paul and I were just patiently waiting for Vilma to speak when she suddenly smiled at us.
"Oo, na-promote ang Mama niyo!" nakangiting sabi ni Vilma at nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ano na ang nangyari.
"Talaga? Naks naman. I'm so proud of you of you, Ma." Paul gave Vilma a tight hug and I couldn't help but admire the sight. Ang tangkad ba naman kasi ni Paul kaya nagmumukha ng duwende si Vilma. Pffft! Ang cute nila tingnan!
Kumalas mula sa yakap si Vilma at hindi pa rin nawawala ang kaniyang malaking ngiti mula sa kaniyang mga labi. "May isa pa akong good news."
"Ano po iyon?" tanong ni Paul.
"May one month vacation ako," nakangiting sabi Vilma sa amin at natuwa ako.
"Ma, sino ba ang boss mo? Bigay mo sa'kin ang number niya kasi pasasalamatan ko siya ng bonggang-bongga," biro ko kay Vilma at tumawa lang siya.
"Saan naman po kayo magbabakasyon?" tanong ni Paul at umupo ulit siya sa couch.
"Saan pa ba? Edi sa bayan," sagot ni Vilma at nagtaka naman ako. Sa bayan? Saan naman?
"Sa San Juan? Talaga?" Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Paul kaya lalo akong nagtaka. San Juan? Saan ba iyon?
"Oo. Malapit na rin kasi ang pista roon kaya naisipan ko na sa San Juan na lang tayo magbabakasyon," sabi ni Vilma. Tayo? Ah, tayo. She's referring to herself and Paul.
"Alright! Makikita ko na ulit sina Lola at Auntie," masayang sabi ni Paul at natigilan ako.
Magbabakasyon sina Vilma at Paul sa San Juan. Bibisitahin nila ang kanilang pamilya tapos ako naman...teka, saan ako pupunta nito? Oh no.
Isang buwan na mawawala sina Paul at Vilma tapos ako naman ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahit ganitong klase ng tao ako ay nahihiya pa rin ako, lalo na kapag pamilya ang pag-uusapan.
If I am going to go with Paul and Vilma, I feel like I will trespass their family privacy and ruin their quality time together. I don't want that to happen. I also don't want to cause more trouble to Paul's family because I owe him big time for helping me. But I also don't want to stay at the police station because that place is too scary for me.
"Jojo, bakit ang tahimik mo riyan?"
Bumalik ako sa aking sarili nang narinig ko si Paul. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko na nakatingin pala silang dalawa ni Vilma sa akin.
"Sorry, I was just thinking about something," sabi ko bago ngumiti nang pilit. Don't let them notice you, Honey.
"Ano naman iyon, iha? Kung may problema ka ay pwede mo itong sabihin sa amin," nag-aalalang sabi ni Vilma at hinawakan niya ang kamay ko. Sasabihin ko ba? Aish, no choice na ako.
"Um, how am I going to say this?" I tucked a strand of my hair behind my ear, "Since you guys are going on a vacation, I decided to stay here and watch over the house while you guys are gone. I don't want to be a nuisance to your trip." Kinagat ko ang aking mga labi.
Tumingin muna si Vilma kay Paul bago niya binalik ang kaniyang tingin sa'kin. "Sigurado ka? Pwede kang sumama sa amin, anak. Hindi ka magiging istorbo sa bakasyon na ito pero kung gusto mong mag-paiwan dito—"
"You're coming with us."
Gulat kong tiningnan si Paul na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Even Vilma was shocked with what Paul just said.
Umiling ako sa kaniya. "Pero—"
"Sige, magagalit talaga ako sa'yo kung hindi ka sasama," banta ni Paul habang nakatingin sa aking mga mata.
Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Nang narinig ko ang mga salitang iyon mula kay Paul ay natuwa ako nang husto. He's not abandoning me, he wants me to come with him. I can breathe properly now. Thank heavens.
"Ay, oo nga pala. Kailangan mo talagang sumama sa amin, Honey. Ikaw ang dahilan kung bakit ako na-promote eh," nakangiting sabi ni Vilma at nagulat ako. Me?!
"Ako?" tinuro ko ang aking sarili at tumango si Vilma, "bakit naman po?!"
"Sabi mo plus points ang beauty sa isang presentation at tama ka nga. Pinuri kasi ako ng boss ko pagkatapos ng presentation na ginawa ko noong isang araw," sabi ni Vilma at mas lalo pa akong natuwa dahil dito.
"Wah! Mama!" I tackled Vilma into a tight hug and I felt my eyes water because of overwhelming happiness. Narinig kong tumawa si Vilma at marahan niyang hinimas ang likod ko.
"Sino ang—oy, umiiyak ka ba, Jojo? What the?" rinig kong sabi ni Paul at narinig ko siyang tumawa.
"Che!" Hahampasin ko na si Paul ngunit pinigilan ako ni Vilma.
"Huwag na kayong mag-away. Pumunta na kayo sa mga kwarto niyo at mag-empake na dahil bukas ay aalis na tayo papuntang San Juan," sabi ni Vilma.
"Ganoon ka-bilis?" Pinunasan ko ang aking mga luha.
"Oo, kaya sige na! Maghanda na kayo," ani Vilma saka tinulak niya kaming dalawa ni Paul paalis.
Pumasok na ako sa aking kwarto at nagsimula ng mag-empake. Mabilis akong natapos dahil nasa maleta na ang lahat ng mga damit ko. Sinarado ko na ang aking maleta nang nakita ko ang jersey na pinahiram ni Paul sa'kin na nasa ibabaw ng aking kama. Hindi ko nga pala ito nasauli sa kaniya.
Kinuha ko ang jersey at tinungo ko ang kwarto ni Paul. Naabutan kong nakaawang ang pinto ng kaniyang kwarto kaya binuksan ko ito at sumilip ako sa loob.
"Paulito," tawag ko kay Paul na abalang nag-eempake ng damit.
He seems to be busy pumasok na lang ako. It's my first time here inside Paul's room kaya nilibot ko ang aking paningin sa loob. It was just a typical male's bedroom. May mga anime figurine siya na nakalagay sa lamesa na nakatayo sa gilid ng kaniyang kama at may mga posters rin siya ng mga sikat na artista at banda na nakapaskil sa pader ng kwarto niya. Nakakagulat lang kasi wala akong nakikita na poster ng mga babaeng nakahubad, pffft. He's really a nice guy.
Umupo ako sa kama ni Paul at mukhang napansin na niya ako kasi tumingin siya sa'kin. Tiningnan ko ang jersey na hawak ko bago ko ito binigay sa kaniya. Ayoko sanang isauli ito kasi komportable akong suutin ito kaso hindi naman ito sa'kin.
"I'm returning this to you," sabi ko sa kaniya. Tiningnan lang ni Paul ang hawak kong damit at maya-maya ay bumalik siya sa pag-iimpake.
"Sa'yo na iyan," sabi niya at natigilan ako. Teka, tama ba ang pagkadinig ko sa sinabi niya?
Gulat kong tiningnan si Paul. "Talaga? Seryoso ka? You're not joking?"
"Oo nga. Doon ka na, busy ako!"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at dahil sa sobrang tuwa ay nilapitan ko si Paul at mabilis kong hinalikan ang kaniyang pisngi. Gulat akong tiningnan ni Paul ngunit ngumiti lang ako sa kaniya.
"Thank you, Paul. Thank you so much."
Lumabas ako at bumalik na ako sa aking kwarto. Ang saya ko ngayon! I can't wait for tomorrow to arrive. San Juan, here I come!

Komento sa Aklat (87)

  • avatar
    Bianca Catherine Collado

    This story is freaking good. I mean i read a lot of story but this is just one of the freaking story that i would not forget. ❤❤❤

    18/07/2022

      0
  • avatar
    AlimatarNajif

    money

    03/12/2024

      0
  • avatar
    John Dave Pascual

    ang galing

    04/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata