“duh kaya pala muntik ng masunog kung wala ako kanina!!” “kaya nga iniwan ko saglit diba kasi alam kong babantayan mo, anu pang silbi mo don kung hahayaan mo nalang na masunog?” “e dapat kasi….” Hindi na nya natuloy ang sasabihin ng takpan ko ng aking kaliwang kamay ang bibig ni Liesly na kaagad ko namang tinanggal, hirap na baka kagatin nya pa. You see, nag aaway ang dalawa dahil lang sa ayaw nilang parehong maghugas ng plato kaya ang ginawa nila ay nagtulungan sila sa pagluto at ganon rin sa paghugas kaya heto kanya kanyang sisi sila kung sino ba talaga dapat. ‘’alam nyo nakakarindi na marinig yang mga ratrat nyo, manuod nalang kaya kayo” Saad ko pa sabay turo sa pinapanood naming movie. Nandito kami sa living room ngayon dahil napagpasyahan naming mag movie marathon dahil sabado naman bukas walang pasok ang dalawa. Sabay silang tumingin ng seryoso sakin. Pero binaliwala ko lang sila mayamaya ay napansin ko nalang na tumayo si Liesly sa kanyang kinauupuan at naglakad papuntang kusina. Nagkatinginan kami ni Joy saka parehong nagkibit balikat. Bumalik si Liesly gurl na may bitbit na kung ano anong cheese curls, may bitbit rin syang tissue na hindi ko alam kong para saan yon. “yay! This is going to be fun!!” excited na sambit ni Joy saka tumayo para alalayan si Liesly sa mga bitbit nito. “horror movies nalang panuorin natin!!” pinal na saad ni Liesly na hindi manlang kami tinanong kung gusto ba namin o hindi dahil nakita ko nalang syang nagsasalang na ng bagong dvd. Pagbalik nya sa kanyang upuan ay tinaponan ko sya ng tingin na naiinis, pero ang walang hiya nagkibit balikat lang saka kumuha ng cheese curl sabay bukas nito, inalokan nya ako pero nag iwas lang ako ng tingin sa kanya. Magkatabi kaming tatlo ditong nakaupo sa sofa at pinagigitnaan nila akong dalawa, si joy ang nasa kanan ko na halos punuin na ang bibig ng pagkain at nakatingin lang ng diritso sa TV. Si Liesly sa kaliwa ko na ngumunguya na ngayon at nakatingin lang rin sa TV, ok so ako lang pala ang ayaw manuod ng horror? “wala tayong lovelife para manuod ng romance gurl kaya magtiyaga nalang tayo sa horror!!” pang aasar pa sakin ni Liesly dahil napansin nya segurong magkasulobong pareho ang kilay ko. “kaya nga diba, kaya hanggang sa nood nalang tayo!” nababadtrip kong sambit sa kanya. Nabaling ang pansin ni Joy samin kaya nakita kong kinuha nya ang remote saka pinuse ang palabas. “hays bakit kasi parehong masaklap ang mga love life nyo? Ayan pareho kayong sawi!” saad nya saka kinuntinue ang palabas. “Like what I’ve said, magbebreak din kayo nyang si bebe mo not now but soon!! So better be ready” pang iinis ko pa sa kanya. Salobong ang kilay nya akong binalingan ng tingin. “pagkatapos kong sabihin kay Sean kung nasaan ka, yan ang igaganti mo sakin?” her answer made me confused. “ anong sinabi mo? Sean? Nagkita kayo?” puno ng kalitohan kong tanong sa kanya, nakita kong binalingan nya ng tingin si liesly na walang paki alam samin ngayon dahil naka pokos ito sa panonood ng movie. “well… it should be a secret between the two of us, pero wala e nadulas kaya yeah, first nong alumni night and then second he approached me and asked things about you!!” nagpakawala ako ng isang malalim na buntunghinga pagkatapos marinig ang sinabi nya. Part of me wanted to celebrate pero hindi mawala ang kalituhan sa aking isip kung bat nya ginagawa yon. Nagkita kami kanina pero wala naman syang ginawa, well liban nalang sa huling sinabi nya at pagkurot ng pesngi ko. At dahil don umakyat na naman ang dugo ko saking pesngi at naramdaman ko nalang ang panginginit nito. Buti at pinatay ni Liesly ang ilaw kanina kung hindi ay makikita talaga nila ang pamumula ko. “at anu naman ang mga walang kwentang bagay ang sinabi mo sa kanya?” kunyari ay walang paki alam kong tanong sa kanya pero deep inside me ay hindi na mapakali sa maaaring isagot nya. “ I told him na hanggang ngayon patay na patay ka parin sa kanya” automatic na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, akmang hahampasin ko na sana sya ng marinig ko nalang ang malakas na tili ni Liesly saking tabi. Nilingon ko sya and I saw horror on her face, tatanungin ko pa sana kung anong nangyari sa kanya ng sabay na silang napatili ni Joy, I shifted my gaze in front of us where the 24 inches television is located, and wala, hindi naman kasi ako takot manood ng horror movie sadyang ayaw ko lang talaga. Tong dalawang to ang gustong gustong manuod pero mga takot naman, buti sana kung masarap sa tenga ang mga tili nila e parang mga baboy na kinakatay naman. At dahil sa badtrip ko sa kakatili nilang dalawa ay mabuti pang matulog nalang ako, and with that I stood up and made my way to my bed room, bago pa ko tuluyang makapasok saking kwarto ay naring ko nalang ang huling sinabi ni Joy. “Open your old fb account Mea gurl, then maybe, there will be a second chance in your love life!”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
done
28/04
0hmmmmm
07/01/2023
0Tingnan Lahat