Homepage/Pantasya ni Natasha (Natasha's Fantasy)/
Finale: The Fantasy Battle
[Natasha]
"Buti naman at gising ka na." Bati sa akin ng isang babaeng nasa harap ko. Medyo nanlalabo pa ang paningin ko kaya hindi ko makilala ang taong nasa harap ko.
"Ang dami kong sinabi sa iyo kanina. Buti nga't nakumbinsi na kita. Pero wala pa rin akong tiwala sa'yo, eh." Sabi pa ng babae.
Maya-maya pa, luminaw na muli ang aking mga mata kaya napagtanto kong ang babaeng nasa harap ko ay si Valerie.
Nang luminaw na ang aking mga mata at may naaaninag na, inilibot ko ang aking mga mata sa lugar kung nasaan ako ngayon.
At nang inilibot ko ang aking mga mata, nakita ko na kami ay nasa isang entablado. Isang malawak na entablado.
May mga stage light pa nga na nakatutok sa amin. Maraming upuan rin ang nakatapat sa entablado kung nasaan kami. Kaso nang titigan ko ito, wala namang mga taong nakaupo sa mga silyang ito. Tanging kami lang ni Valerie na nasa stage ang tao sa buong lugar.
"Gusto ko man na pagkatiwalaan ka, wala pa rin ang tiwala ko sa'yo. Well, kalaban pa rin kita." Pagpatuloy ni Valerie sa kuwento niya. Habang inililibot ko pa rin ang aking paningin sa lugar kung nasaan kami ngayon.
"Hindi pa ba sapat sa'yo na napatay ko ang kaibigan kong si Jade?" Tanong ko sa kanya at itinaas ang aking kilay sa kanya. Dinala ko pa rin hanggang ngayon ang pagarte ko na kunwari ay napatay ko si Jade.
Gusto ko na siyang patayin ngayon din kaso, nakagapos ako sa isang upuan kaya hindi ako makalaban.
"Puwede na rin. Pero sa tingin ko, nadala ka lang ng galit mo kaya mo nagawa 'yon. Wala naman 'yong kinalaman sa misyon niyo, eh." Sagot niya sa akin at inayos pa ang kanyang buhok.
Patuloy ko lang inilibot ang paningin ko sa buong silid. At sa paglibot ko ng aking mga mata, nakaagaw pansin sa akin ang isang kahon na hindi kalayuan sa puwesto ko. May mga props na laman ang kahon. Ang props na ito ay ang mga props na ginagamit sa mga stage play, at sa mga acting workshops.
At ang kapansin-pansin sa akin na laman ng kahon ay ang baril na ginto na pamilyar sa akin. Parang nakita ko na ito paulit-ulit. Katulad kasi ito ng baril na naka-display sa loob ng silid kung saan kami nagtagpo ni Valerie.
Mukhang mabigat ang baril na ito, ah. Mukha kasi siyang gawa sa bakal. Kaso dahil nasa-props siya, malamang hindi ito totoong baril at hindi ito naglalabas ng bala.
"Puwede na rin siguro. Sasabihin ko muna siguro kung papaano tayo makakapag higanti sa kanila." Sabi pa ni Valerie. Habang ako, nagpa-plano na rin kung paano ko siya papatayin at tatapusin.
Paputukin ko kaya ang ulo niya at ikalat ang utak sa entabladong ito? Hmmm... Imposible ata 'yon.
Paano kaya kung iumpog ko ang ulo niya sa pader hanggang sa tanggapin siya ni San Pedro sa langit.——Ay! Kahit pala ilang beses ko siyang iumpog sa pader, siguradong hindi siya mapupunta sa langit.
"Do you mind if iimbitihan kita sa bahay ko?" Tanong pa ni Valerie habang inaayos pa rin ang kanayng buhok. Ay! Naiirita na ako sa kaartihan niya. Dumagdag pa ang maingay na kulay pulang takong na suot niya.
Nage-echo kasi ang takong niya sa buong lugar.
"I don't mind." Sagot ko sa kanya. Agad naman siyang tumungo sa aking likod.
At nang makarating siya sa aking likuran, naramdaman ko na tinatanggal na pala niya ang tali sa aking mga kamay at paa. Buti naman at naisipan pa niya na pakawalan ako.
Ilang segundo pa ang lumipas, natanggal na niya ako sa pagkakagapos. Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo at inunat muna ang aking mga kamay.
"Ano tara na?" Tanong niya sa akin at sabay ngiti. Isang plastik na ngiti naman ang isinukli ko sa kanya.
*TOK!
Heto na naman ang nakakairitang maingay takong na suot niya. Medyo nakakabingi nga't nage-echo ito sa buong lugar.
*TOK!
Isa pang hakbang niya.
"Ohh, lakad na." Sabi pa niya dahil napansin niya na hindi ako naglalakad.
"I'm okay. Please lead the way, Queen V." Sagot ko sa kanya. Tango lang naman ang naisukli niya sa akin.
*TOK!
Habang naglalakad siya at nakatalikod sa akin, agad akong tumingin sa kanya ng masama at kinuha ang gintong baril sa kahon at agad na tumakbo patungo sa kanya. At gaya ng hinuha ko, gawa nga sa bakal ang props baril na ito.
Habang tumatakbo ako papunta kay Valerie, tila bumagal ang takbo ng oras. Rinig na rinig ko ang bawat hakbang ko. Para bang ito na ang katapusan ng mundo.
"TATAPUSIN KO NA ITO!!!" Sigaw ko kay Valerie habang tumatakbo papunta sa kanya.
*THUDDD!!
Inihampas ko sa kanyang ulo ang mahabang baril na dala ko. Ginawa kong baseball bat ang props na ito upang mapatumba ko siya.
"AAAAAAAAKKKKKK!" Tanging sigaw lang niya ang isinukli ni Valerie sa akin.
"Putangina ka!" Sigaw niya. At dahil sa lakas ng aking palo sa kanyang ulo, at bakal pa ang inihampas ko, hindi napigilan ni Valerie na humagulgol sa sakit.
"Hayop ka!" Sigaw ni Valerie at may hinigot sa kanyang damit.
Naglabas siya ng isang kutsilyo. Ito ay iwinasiwas niya lang ng iwinasiwas sa hangin upang ako sa tamaan. Pero sa mga nauna niyang wasiwas ay nakakailag naman ako.
"AAAAAAAAKKKKK!" Napasigaw na lang ako nang masaksak niya ang aking balikat. Agad niyang nabitawan ang kutsilyo kaya naman naiwang nakasaksak ang kutsilyo sa aking braso. Nabitawan ko rin ang hawak kong bakal na baril nang saksakin niya ako.
Grabeng hapdi ang nadama ko kaya naman agad ko ng tinanggal sa pagkakasaksak sa akin ang kutsilyo.
"MAMATAY KA NA!" Sigaw sa akin ni Valerie at binigyan ako ng isang tadyak. At dahil nga iniinda ko pa ang sakit ng aking braso, hindi ako nakaiwas sa kanyang paa.
Agad akong napatumba sa pagkakatayo. At dahil nga kami ay nasa isang entablado, hindi ko namalayang nasa 'edge' na pala ako ng entablado.
Agad akong nahulog sa stage dahil sa sipa ni Valerie. Sa aking pagbagsak, naitukod ko ang aking brasong may saksak. Kaya naman mas lalo itong humapdi at mas lalong umawas ang aking dugo sa braso. Hindi ko maipliwanag ang sakit na nadarama ko sa oras na ito.
"Hoy!" Sigaw ni Valerie sa akin kaya napatingin ako sa kanya. T-Teka? Anong balak niyang gawin! Tatalon ba siya sa akin?
"Aaaaahhhhh!" Sigaw ni Valerie at tumalon mula sa stage papunta sa akin.
*BLAG!
Mas lalong sumakit at aking katawan nang sa akin mismo lumanding si Valerie. Parang naranasan ko ang mga bagay na napapanuod ko lang sa pekeng wrestling sa TV.
Nang madaganan niya ako, siya ang unang nakatayo sa aming dalawa.
Dahil 'don, nagkaroon siya ng tiyansa na unang umatake.
Binuhat niya ang isang maliit na lamesa at ito ay inihampas sa akin. At dahil hindi pa ako nakakatayo, hindi ko na naman nailagan ito.
"Akala ko pa naman ay totoo na iyang pakikipag-sanib puwersa mo sa akin. Naniwala pa naman ako sa'yo!" Hingal na sabi sa akin ni Valerie. Kinuha ko naman na ang pagkakataong ito upang tumayo at lumaban sa kanya.
"Kahit kailan, hindi ako kakampi sa isang katulad mo. Kung nalinlang kita, ayon ay dahil nagpalinlang ka." Sagot ko sa kanya at hinihingal na rin.
"Hinding-hindi ako malilinlang ng isang katula——"
*Thud!
Hindi na siya natapos sa kanyang pagsasalita nang unahan ko na siyang suntukin sa tiyan. Kataka-takang hindi niya ito ininda at sinuklian ito ng suntok.
Nang ibato niya ang kanyang kamao, agad kong hinawakan ang kanyang kamay upang 'di na ito matuloy.
Pero kahit nasalagan ko ito, napasigaw pa rin ako nang sinundan niya ito ng isang tadyak sa aking binti.
Agad akong napabitaw sa kanya at ininda ang sakit ng kanyang sipa.
"Akala ko pa naman ay matapang kang tao, Natasha. Pero bakit ka aatras?" Napansin niya sigurong umatras ako ng kaunti mula sa kanya. Masakit na rin kasi ang sugat ko.
"AAAAAAAAKKKKK!" Halos mapaluha ako sa kakasigaw nang hawakan ni Valerie ang braso kong may sugat at ito ay higpitan. Halos parang inoperahan ako ng walang anesthesia nang hilahin niya ang sugat ko papunta sa kanya.
At dahil mas ininda ko ang sakit, agad niya akong nakulong sa kanyang bisig. Nakasakal na ngayon sa aking leeg ang kanyang braso. At dahil nanghihina na ang aking katawan, hindi ko na malabanan ang kanyang lakas.
Sa parteng ito ng laban namin, parang naisip ko na ito na ang katapusan ko. Nawawalan na rin kasi ako ng hininga kaya hinayaan ko na lang.
"B-B-Bali-w k-ka!" Utal-utal kong sigaw. Sa parteng ito, ramdam ko na ang panghihina ng aking katawan at pamumutla na rin.
"Masaya bang makipaglaro sa akin? Huh?" Bulong pa niya habang nakakulong pa rin ako sa kanyang bisig.
"Masaya ba na binababoy niyo lang ang buhay ko at buhay niyo?" Dugtong nito.
Gusto ko man siyang sagutin, hindi ko na ito magawa dahil medyo nawawalan na ako ng hininga dahil sa pagkasakal niya sa akin.
"Masarap ba ang pakiramdam na pinapatay? Huh? Masaya bang
gina——
*BANG!
Nakarinig ako ng putok ng baril sa likod namin ni Valerie. Sa panahong ito, parang bumagal muli ang takbo ng oras.
*BANG!
Nasundan pa ito ng isa pang putok ng baril. Hindi ko alam kung sino ang nagpaputok ng baril dahil nga nakakulong pa rin ako sa bisig ni Valerie.
Mayamaya pa, bumigat ang katawan ni Valerie at parang napunta sa akin ang lahat ng bigat niya.
Nawala na rin ang pagkakagapos ko sa kanyang bisig. At nang tumingin ako sa mukha ni Valerie, may dugo ng lumalabas sa kanyang bibig. Sa aking nakita, agad kong sinulyapan ang nagpaputok ng baril dahil pakiramdam ko ay babagsak na rin ang aking katawan at mawawalan na rin ng malay.
Sa aking paglingon, agad akong napangiti at nagpasalamat sa diyos. May pagasa pa pala. Buti naman at buhay sila.
"Jade..... Gunnar..... Dexter....." Sinabi ko lang ang kanilang mga pangalan at naramdaman na ang panghihina sa aking mga paa.
"NATASHA!" Sabay-sabay pa silang sumigaw nang ibinagsak ko na ang aking sarili kasama si Valerie. Napunta pa sa aking mukha ang ibang dugo ni Valerie nang kami ay bumagsak.
Rinig ko pa ang pagtakbo nila Jade papunta sa kinalalagyan ko. Hindi ko na sila naaninag. Pero ganon pa man,
Parang nabunutan ako ng tinik nang magsabi na ang utak ko ng hudyat na sa wakas ay tapos na ang.....
PANTASYA NI NATASHA.
——END——
*******************
Epilogue: Pangalawang Pantasya
*Three months later.....
*Wee! Woo! Wee! Woo! Wee! Woo!
Rinig na rinig ko ang tunog ng police mobile. Patuloy lang akong naglakad papunta sa loob ng opisina namin dahil medyo late na ako.
"Natasha!" Sigaw sa akin ng isang babae na hanggang balikat lang ang buhok.
"Jade!" Sigaw ko sa babae. Agad naman akong umakbay sa kanya nang siya ay makalapit na sa akin.
"Late na tayo! Kanina pa tayo pinapatawag 'noh!" Sigaw niya sa akin at nagpatuloy na lang kaming naglakad papunta sa loob ng opisina.
"News live! Napuksa na ang tatlong nagpapakalat ng isang ilegal na kemikal na kayang pumatay ng mga tao. Kaya naman, nagpapasalamat ang presidente Ryan sa mga miyembro ng team PNN o Pantasya ni Natasha." Narinig namin na nag-flash ang isang balita sa TV sa waiting area ng opisina.
"Naks! Nasa balita ulit tayo! Haha!" Sabi ni Jade sa akin sabay turo pa sa TV. Ano ba 'yan si Jade, eh! Pati tuloy ako, kinikilig! Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.
"Nagpapasalamat at nakikiramay din ang presidente sa mga kasapi PNN na pumanaw. Tulad ni Kapitan o 'Captain Ian Rabin'. At ang lahat ng pumanaw na kasapi ng Alpha at Beta team." Dugtong ng news anchor at tila naging malungkot ang tono ng pananalita.
Sa sunod na sinabi ng nagbabalita, napalitan ng lungkot at saya at kilig namin.
Pinaalala kasi ng news anchor na dahil sa Mission PNN, madaming tao ang namatay. At isa na 'don si Captain Ian at ang Alpha at Beta Team.
"Natasha, Jade!" Napalingon kaming dalawa ni Jade nang may tumawag sa aming dalawa. Napangiti naman kaming dalawa ni Jade sa kanya at siya rin ay Kinawayan.
"Julia!" Sigaw naming dalawa sa kanya. Tapos na kasi ang problema sa kanyang mental health at wala na ring anxiety dahil sa nangyari sa kanila ni Carter. Buti nga't nawala na ang suicidal thinking nito ni Julia, eh.
"Buti naman at nandito na kayo. Kanina pa kayo inaantay ni Mr. Evangilista. Nandoon na rin 'yung dalawang makulit na lalaki kaya kayo na lang ang hinihintay." Sabi sa amin ni Julia. Agad naman kaming nagmadaling dumiretso sa opisina ni Mr. Evangilista upang tignan kung ano ang kailangan sa amin ng aming boss.
*TOK! TOK!
Agad na kumatok si Jade at agad na binuksan ang pinto ng opisna.
Sa pagbukas ng pinto, bumungad sa amin si Dexter at si Gunnar na naghaharutan.
Hay nako! Mga isip bata talaga 'tong mag-among ito.
"Ohh, Jade, Natasha, buti naman at dumating na kayo." Bati sa amin ni Mr. Evangilista na tila natataranta na hindi mo malaman ang dahilan.
"Ohhh... Talo ka! Hahahahaha! Napatingin kami kay Gunnar nang sumigaw siya. Naglalaro kasi sila ni Dexter.
"Gunnar, puwede bang tumahimik ka!!" Sigaw ni Mr. Evangilista na tila napuno na. Agad namang napatahimik si Gunnar at si Dexter at hindi na muling nagsimulang magharutan.
"Mister President and I are receiving multiple messages tungkol sa bagong case. Well, wala na si Captain Ian para mag-handle ng ganitong bagay so I want you, Team PNN to handle this things." Napatingin lang kaming lima kay Mr. Evangilista at nakinig sa kanya. Naglakad naman si Mr. Evangilista papunta sa kanyang swivel chair at binigyan kami ng isang seryosong titig.
"So.. Your next mission is........."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
Ganda😊
12/07/2022
0love you
11/07/2022
0good story
30/06/2022
0Tingnan Lahat