Homepage/Pantasya ni Natasha (Natasha's Fantasy)/
Chapter 50: Dark Sight
[Natasha]
"Sige, Game ako." Sagot ko sa kanya kaya agad siyang napangiti. Agad namang napalingon sa akin si Jade at hinawakan ang aking balikat.
"Natasha, sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Nilalamon ka na naman ng inis mo, eh. Sagot sa akin ni Jade pero 'di ko na lamang ito pinansin.
"Ano bang unang gagawin?" Tanong ko kay Valerie. Habang si Jade naman, patuloy na hinihila ang aking balikat.
Dahil sa ginawa niya, mas lalo akong nabuwisit. Agad kong hinatak ang kanyang buhok at ito ay hinila papunta sa akin.
"Puwede bang tumahimik ka ng buwaka ka!" Sigaw ko sa kanya. Isang takot na titig naman ang isinukli niya sa akin. Hindi ko inakalang magagawa ko 'yon kay Jade. Siguro ay sobrang stressed lang talaga ako kaya ko nagawa sa kanya 'yon.
"A-Ano na bang nangyayari sa'yo Natasha?" Tanong nito at tila natakot sa akin kaya napaatras na lamang siya.
"Tumahimik ka na, Jade." Sagot ko sa kanya dahil unti-unti na akong naririndi sa kanyang boses.
"Hindi ako tatahimik hangga't 'di ka natatauhan!" Sigaw pa niya.
"Tumahimik ka na!" Sigaw ko pa.
"Hindi ako tatahimik!" Sigaw niya at hindi niya sinunod ang utos ko. Sa pagkakataong 'yon, nagdilim na ang aking paningin. Hindi ko na alam ang ginagawa ko.
Agad akong tumayo sa aking pagkakaupo at hinablot ang babasaging vase sa lamesa ni Valerie.
Pagakatapos kong kunin ang vase, agad akong tumakbo papunta sa puwesto ni Jade at inihampas sa kanya ang babasaging vase.
*BASHSHSH!
Tila nawala na ang dilim sa aking paningin. Agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid.
Sa paglibot ko ng aking paningin, nakita ko si Jade na nakahandusay sa sahig at walang malay.
H-Hinampas ko ba sa kanya ang vase? N-Napatay ko siya? Napatay ko ba ang best friend ko?
Maya-Maya pa, tumulo sa aking mga mata ang luha at gumapang ito sa aking pisngi. Gustong-gusto kong umiyak, pero bakit parang pinipigilan ko ang sarili ko?
*CLAP! CLAP! CLAP!
Napatingin ako kay Valerie nang siya ay pumalakpak. Parang 'di ako makapaniwala sa mga nagawa at nagagawa ko.
"That's my girl!" Sigaw sa akin ni Valerie at pinapagpatuloy pa rin ang kanyang pagpalakpak.
"Hayop ka!" Sigaw ko na lang sa kawalan. Pero nagtaka ako nang bigla siyang nagsuot ng isang chemical mask.
Mas ikinagulat ko nang biglang may usok na kumulob sa buong kuwarto na agad kong nalanghap. Ilang segundo ang lumipas bago ako nakaramdam ng antok at panghihina.
----------
[Gunnar]
"Dexter, malapit na tayo, kapit lang, ah!" Sigaw ko kay Dexter. Hindi kasi niya kinaya ang lamig sa loob ng silid na huli naming kinalagyan.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin para bigyan siya ng init, kaya yakap lang ang kaya kong ibigay sa kanya sa ngayon.
Wala na siyang malay kaya naman, sinusubukan kong bilisan ang paglalakad para mas madali siyang mabigyan ng lunas.
Nasa labas naman na kami ng impyernong building, kaya mas madali na kaming makakapunta sa ospital.
Napahinto ako sa pagtakbo ng makita kong may papalapit na dalawang lalaki sa dadaanan ko.
"Sino ka? Bakit ka nandito?" Tanong ng lalaki. Tinutukan pa ako ng flashlight kaya medyo nasilaw pa ako.
Naku po! Ano namang gagawin ko dito? Tumakbo kaya ako?
"Sino ka? Ba't 'di ka sumasagot?" Tanong muli ng lalaki. Hindi ko na sinubukang tumakbo dahil baka mamaya'y may baril sila't paputukan na lang nila ako.
Ilang segundo ang lumipas, nang mas malapit na sila sa amin. Ibinaba ko muna ang walang malay na si Dexter sa sahig at inihanda ang aking sarili para labanan ang dalawang papalapit na lalaki sa akin.
"Sino po kayo? Bakit po ba 'di kayo sumsagot?" Tanong ng isang lalaki. At dito, sumagot na ako.
"Pasyensiya na po. Napadaan lang. Kasama po itong kapatid ko." Pagsisinungaling ko sa kanila. Hinawakan at kinamot ko rin ang aking ulo para mas lalong kapanipaniwala.
"Pasyensiya na po. Aalis na lang po kami." Sagot ko sa kanila.
"Saan po ba ang papalabas?" Tanong ko. Sinubukan ko na silang kaibiganin para iwas na rin sa gulo.
"Sino ba 'yan? Kapatid mo? Buhay pa ba 'yan?" Tanong ng isang lalaki. Ano ba 'to! Ang daming tanong!
"Opo. Buhay pa po 'yan siyempre." Itinuloy ko lang ang aking pagarte.
"Hindi na ata buhay 'yan, eh! Magtatapon ka ng bangkay dito 'no! Kamukha mo nga 'yung mga bisita ni ma'am Valerie, eh! Sino ka ba talaga?" Sigaw ng lalaki sa akin. Ahhh... Gusto niyo talaga ng gulo?
*THUD!
"AAAAAAAAAKKKKKKKK!" Napasigaw ang isang lalaki nang hilahin ko ang kanyang kamay at ito ay ipinalupot sa kanyang katawan.
Pagkatapos kong ipalupot sa kanya ang kanyang sariling kamay, isang sipa ang ibinigay ko sa kanya. Dahil dito, siya ay napaluhod sa sahig na ininda ang sakit.
Nang mapansin ko na may baril na nakasukbit sa kanyang bulsa, agad ko itong hinila sa kanya at itinutok ito.
*BANG!
Ipinutok ko sa kanyang ulo ang baril na naagaw ko sa kanya. Tumalsik pa sa aking mukha at damit ang dugo galing sa lalaki. Hindi ko na lamang pinansin at itonuon na ang pansin sa isa pang lalaki.
"'W-Wag po sir!" Sigaw ng isa pang lalaki. Hindi naman ako nakumbinsi sa kanya kaya itinutok ko pa rin sa kanya ang baril na hawak ko.
"Gagawin ko po lahat ng gusto niyo, sir." Sagot niya sa akin kaya naman sinuklian ko siya ng isang tanong.
"Nasaan ang daan papalabas?" Tanong ko sa kanya. Agad niya naman iginalaw ang kanyang mga kamay at itinuro ang isang malaking gate na medyo malayo sa kinalalagyan namin.
"May tao ba 'don?" Tanong kong muli.
"W-Wala pong tao 'don." Sagot nito. Binigyan ko naman siya ng isang masamang titig dahil hindi ako masyadong kumbinsido sa kanyang mga sagot.
"Wala po talagang tao 'don! Pangako!" Sigaw niya. At dahil sa sigaw niya, naniwala na ako. Wala rin naman akong natatanaw na tao sa puwesto ng gate. Pero siyempre, kailangan pa rin ng lalaking ito na magpaalam.
"LUHOD!" Sigaw ko sa lalaki. Agad namang nasindak sa akin ang lalaki at tinupad ang gusto ko.
Sa kanyang pagluhod, agad kong itinutok ang aking baril sa kanyang noo. Ipinikit ko na rin ang aking mga mata dahil medyo nagdidilim na ang paningin ko.
*BANG!
Kinalabit ko ang kantilyo ng aking baril habang ito ay nasa noo ng lalaki.
Naramdaman ko pa ang pagtalsik ng dugo ng lalaki sa aking mukha. Pero dahil nakapikit ako nang barilin ko siya, hindi ko nakita ang pagtalsik ng dugo at laman niya nang patayin ko siya.
Iminulat ko na ang aking mga mata. Doon ay nakita ko ang lalaking binaril ko na nakahandusay na lamang sa sahig.
Nang ilibot ko muli ang aking mga mata sa lalaking binaril ko, nakita ko ang isang cellphone na nakasukbit sa kanyang bulsa.
Nagmadali akong kunin ang telepono sa kanyang bulsa at ito ay binuksan. Nang kunin ko ito at buksan, nakahinga ako ng malalim nang walang password ang kanyang telepono. Kaya naman, agad akong nakapasok sa kanyang mga contacts at mobile.
Agad akong pumunta sa 'Phone App' ng kanyang telepono at dinaial ang number ni Mr. President.
*KRING! KRING! KRING!
Nag-ring agad ang telepono at tila nagkaroon ako ng pagasa nang biglang may nagsalita sa linya ng telepono.
"Hello? Sino ito?" Tanong ng tao sa linya ng telepono.
"Mister President!....."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ganda😊
12/07/2022
0love you
11/07/2022
0good story
30/06/2022
0Tingnan Lahat